You are on page 1of 4

PANUKALANG PROYEKTO

Kahulugan

- Isang papel panukala/pagpaplano ukol sa isang gawaing pinagkasunduan ng isang


pangkat ng tao, samahan o organisasyon na naatasan upang mamahala sa isang
pagdiriwang. Ang pagdiriwang ay maaaring para sa isang lokalidad, isang larang na
panlipunan o kaya ay pang-akademya.

Tatlong Pangunahing Layunin


-ayon sa artikulo ni Michael Alley na pinamagatang The Craft of Scientific Writing (1996)-
1. Paglalahad ng gawain/proyekto
2. Pagpapaliwanag kung paano ito isasagawa
3. Paghikayat sa namamahala na aprubahan ang naturang gawain o proyekto dahil
makatutulong ito lalo pa at ang mga pangangailangan sa pagpapatupad nito ay
nakahanda na

Kahalagahan at Gamit ng Panukalang Proyekto

- Nagbibigay ng direksyon at kaayusan sa isang pagdiriwang o gawain.


- Naihahanay ang mga gawain na isasagawa at nailalahad ang magiging halaga nito
para sa kabuuang pagdiriwang o gawain
- Naiisa-isa ang mga detalyeng kakailanganin tulad ng ; pook ganapan at kapasidad
ng bilang ng tao na maaaring umokupa rito, pangangailangang teknikal (bilang ng
mikropono at musikang kailangang ihanda), kagamitan para sa dekorasyon ng
entablado at iba pang kagamitan tulad ng folder, lapis, kit at marami pang iba

Mga Bahagi ng Panukalang Papel/Proyekto


– mga dapat isaalang-alang upang makatiyak na mahusay, konkreto at maaaprubahan
ang alinmang panukalang proyekto (Stanford Undergrad Research and Independent
Projects) -
1. Mga Layunin (Ano ang nais makamit?)
- inilalatag ang mga mithiin ng proyekto; inaasahang tiyak, nasusukat at maaaring
makamit
- maaaring kognitibo (pang-kaalaman), pandamdamin (affective) at saykomotor
(kasanayang pisikal)
2. Kahalagahan (Bakit mahalaga ang proyekto?)
- mahalagang mapatunayan ang maaaring maging kontribusyon ng proyekto tungo
sa konkretisasyon ng itinakdang tema ng pagdiriwang

Aurelio, Rossel Q. et.al.(2017).Pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik at


sulating akademiko.Quezon City. MaxCor Publishing House, Inc.
- inilalahad ang mga buting maidudulot ng proyekto sa paglinang ng kakayahan ng
mga delegado o dadalo sa gawaing inihanda
3. Balangkas ng Panukala (Project Plan) (Paano isasagawa?)
- inilalatag ang estrukturang susundin sa pagsasagawa ng proyekto; maaaring
gumamit ng concept mapping

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Panukalang Papel/Proyekto


1. Suriin ang tema ng pagdiriwang/gawain
2. Tiyaking angkop ang planong proyekto sa tema
3. Maghanda ng mga layuning makatutulong sa paglinang ng tema
4. Maging mabusisi sa paglalatag ng mga gawaing kailangan pagsasakatuparan ng
proyekto
5. Tiyaking may sapat na bilang ng mga taong namamahala sa gawain
Bigyang pansin ang mga sumusunod ;
a. petsa, oras at pook-ganapan
b. mapagkakatiwalaang tagapagsanay/hurado
c. sapat na bilang ng mga partisipante
d. pagkain, token, kagamitan

Paalala : May iba’t ibang pormat ang panukalang proyekto. Isang halimbawa lamang ang
makikita sa ibaba.

I. Pamagat ng Proyekto
II. Tagapagtaguyod ng Proyekto
III. Rasyonale
IV. Layunin ng Proyekto
V. Deskripsyon ng Proyekto
VI. Saklaw na Petsa
VII. Mga Kagamitan/Gastusin

Aurelio, Rossel Q. et.al.(2017).Pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik at


sulating akademiko.Quezon City. MaxCor Publishing House, Inc.
Halimbawa ng Panukalang Proyekto

I. Pamagat ng Proyekto
Leadership Training Seminar 2015-2016
“FLARE : Faith, Leadership, and Active Responsibility with Excellence”
II. Tagapagtaguyod ng Proyekto
Education High School-Student Council ’15-16 (EHS-SC)
Sa pakikipagtulungan sa Education High School Counselling and Career Center
III. Rasyonale
Layon ng proyektong ito na matulungan ang ilang piling mag-aaral ng Education High
School na malinang at mapabuti ang kanilang kasanayan sa pamumuno at pag-unawa sa
kanilang mga pananagutan bilang pinuno ng kanilang klase at samahan sa tulong ng mga
seminar at mga gawain tungo sa team building.
IV. Layunin ng Proyekto
Ang Leadership Training Seminar 2015-2016 ay naglalayong:

 Higit na mapaunawa sa mga opisyal ng klase at organisasyon ang kanilang mga


tungkulin at pananagutan bilang lider
 Mapalawig at malinang ang kanilang kasanayan sa pamumuno
 Malinang ang tunay na diwa ng pananagutan at iba pang katangiang nararapat
taglayin ng mga lider ng mag-aaral
 Maisabuhay ng mga mag-aaral ng Education High School ang halaga ng
pagiging mahusay (competence), pagtupad sa pangako/komitment, pagiging
mapagkandili (compassion) kasama ang iba pang Thomasian Values na
kailangan tungo sa paglilingkod na hindi naghihintay ng kapalit
 Magplano at luminang ng mahahalagang gawain para sa buong taon.
V. Deskripsiyon ng Proyekto
Ang Leadership Training Seminar ay taunang gawain/proyekto na pinamamahalaan ng
Education High School-Student Council sa pakikipagtulungan sa Counseling and Career Center
(EHS). Ang aktibiti ay binubuo ng serye ng panayam at gagawin tungo sa team building
kaugnay ng tema sa taong ito na “FLARE: Faith, Leadership, and Active Responsibility with
Excellence”. Ang dalawang araw na seminar ay may layong linangin ang kasanayan at
potensyal sa pamumuno ng ilang piling mag-aaral ng Educational High School.”
VI. Saklaw na Petsa
Nobyembre 13, 2015 – Biyernes, Kampus, gaganapin sa Tan Yan Kee-Audio Visual Room mula
ika-7:00 nu hanggang ika-4:00 nh
Nobyembre 14, 2015 – Sabado (off-campus) sa Lola Corazon

Aurelio, Rossel Q. et.al.(2017).Pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik at


sulating akademiko.Quezon City. MaxCor Publishing House, Inc.
VII. Mga Inaasahang Dadalo
2 Opisyal/Pinuno ng klase bawat seksyon – Pangulo at Kalihim (2x8 na seksyon)= 16
2 Opisyal/Pinuno ng club/organisasyon – Pangulo at Pangalawang Pangulo (2x13 na samahan)
= 26

Aurelio, Rossel Q. et.al.(2017).Pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik at


sulating akademiko.Quezon City. MaxCor Publishing House, Inc.

You might also like