You are on page 1of 9

Pagadian Diocesan Schools

HOLY CHILD’S ACADEMY


San Jose Dist. Pagadian City

SELF-PACED LEARNING MODULE SA PILING


LARANG 12

Code #: B2 Seksyon: St. Therese of Calcutta

Pangalan: Nathaniel James V. Comabig Iskor:

Modyul 4: ANG PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO


Modyul Overview:
Sa modyul na ito ay mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang mga gamit o pangagailangan ng
pagsulat ng panukalang proyekto .Makatutulong ito sa iyo sa pagsasagawa ng isang programa upang higit na
mapabuti ang kondisyon ng isang samahan o gawain. Mararanasan mo ring maglahad ng isang panukala para sa
paglulunsad ng isang pagbabago o kaya naman ay malutas ang isang suliranin.
Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong madali lamang ito para sa iyo. Kaya mo
to! Umpisahan mo na.

Mga kompetensing Lilinangin:


1. Natutukoy ang mahalagang bahagi ng sulatin
2. Nakasusulat ng panukalang proyekto para sa pamayanan o paaralan

I. Panimulang Pagtataya (Pre-Assessment)


Anong pinakahuling proyekto sa inyong paaralan o pamayanan ang iyong nabalitaan o natatandaan na
nagdulot ng malaking pakinabang para sa iyo at sa maraming tao? Ibahagi o ipahayag mo ang ilang
mahahalagang bagay hinggil sa nasabing proyekto sa pagsagot sa kahon sa ibaba.

Pangalan/Pamagat ng Proyekto: Covered court para sa mga studyante ng Alicia National High School

Nagpanukala o nanguna sa proyekto: Gobyerno

Lugar kung saan isinagawa o ipinatupad: Sa loob ng school campus

Petsa ng pagpapatupad: August 12, 2017

Tao/mga taong nagpapatupad/nagsasagawa ng proyekto: Ipinatupad ng mga guro at studyante ng paaralan

Pakinabang o magandang dulot ng proyekto: Pwedeng magsagawa ng school programs, pagpupulong, at


physical activities.

I. INTRODUCTION
Ano nga ba ang paukalang proyekto? Marahil ay naranasan mo ng gumawa ng feasibility study pra
asa programa o proyekto sa inyong club, student’s organization, o barangay council. Ang panukalang proyekto
ay mahalaga at higit na sistematiko at ma ingat ang pagsusulat nito. Kung ating susuriin ang proyetong ito ay
nangangahulugang isang kasulatan na nagmumungkahi o naglalaman ng mga plano o adhikain para sa isang
kumunidad o samahan.
Panuto: Tingnan at suriing mabuti ang halimbawa sa ibaba. Sagutin ang mga sumusunod na mga
katanungan.

1. Paano nakatutulong ang panukalang


proyekto ukol sa mga plano ng isang
kumunidad o organinsasyon?
Nakakatulong ang panukulang proyekto
sapagkat nailalahad ditto ang mga gawain at
proseso sa pagpapatupad ng isang proyekto.
Naiisa-isa ang mga suliranin ng saganun ay

II. INTERAKSYON

A. Reading Material
Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat
• Masanay ang kakayahang mag-oorganisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong
paraan
• Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isainagawang imbitigasyon 0
Pananaliksik
• Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging
obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon
• Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahansa matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga
materyales at mahahalagang datos na kailanganin sa pagsulat
• Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong
makaambag ng ng kaalaman sa lipunan
• Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagpakilala sa mga gawa at mga akda ng kanilang pag-
aaral at akademikong pagsisikap
• Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang batis ng kaalaman
para sa akademikong pagsusulat

Ang Panukalang Proyekto


Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The community empowerment Collective,isang samahang tumutulong
sa mga nongovernmental Organization (NGO) sa paglikhang mga pag-aaral sa pangangalap ng pondo, ang
panukala ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o
samahan. Kaya ang panukalang proyekto ay nangangahulugang isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng
mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nitong siyang tatangap at mapapatibay nito.
Ayon naman kay Besim Nebiu, may -akda ng Developing Skills of NGO Project Proposal Writing, ang
panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng
isang problema o suliranin.
Mahalagang maging maingat sa pagplano at pagdedesinyo ng panukalang proyekto kaya naman
masasabing ang paggawa ng nito ay nangangailangan ng kaalaman, kasanayan, at maging tapat na dokumento
na ang pangunahing layunin ay makatulong at makalikhang positibong pagbabago. Ayon kay bartle ( 2011 ) ,
kailangan nitongmagbigay ng impormasyon at makahikayat ng positibong pagtugon mula sa pinag-uukulan
nito. Walang lugar sa sulating ito ang pagsesermon, pagyayabang, o panlilinlang, sa halip, ito ay kailangang
maging tapat at totoo sa layunin nito.

MGA DAPAT GAWIN SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO


Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner sakanilang aklatna A Guide to proposal planning & Writing ,sa
pagsasagawa ng panukalang papel, ito ay kailangang magtaglay ng tatlong mahalagang bahagi at ito ay ang
sumusunod:
A. A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
B. B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
C. C. Paglalahad ng Benipisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito
A.Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
Bago mo lubusang isulat ang panukalag proyekto ang unang mahalagang hakbang na dapat
isagawa ay ang pagtukoy sa pangangailangan ng komunidad ,samahan, o kompanyang pag-uukulan ng iyong
project proposal .Tandaan na ang pangunahing dahilan ng pagsulatng panukalang proyekto ay upang
makatul;ong at makalikha ng positibongpagbabago. Higit na magiging tiyak, napapanahon, at akma kung
natutumbok mo ang tunay na pangangailangan ng pag-uukulan nito.Sa madaling salita, ang pangangailangan
ang magiging batayan ng isusulat ng panukala.
Maraming suliranin ang maaring makita sa isang pamayanan kompanya o samahan. Sa mga
pamayanan, ito aymaaaring kakulangan samaayos na na mga ilaw sa kalsada, kawalanng basketball court para
sa mga kabataan, kakulangan ng mga health center sa mga institusyon, maaaring ang mga suliranin ay
kakulangan kakulangan samaayos na daloy na komunikasyon sa bawat opisina, kakulangan sa maayos na daloy
ng komunikasyon sa bawat opisina, kakulangan sa maaayos nadaloy ng komunikasyon sa bawat opisina,
kakulanganng pondo para sa mga proyekto, at iba pa.
Mula sa mga nakatalang halimbawa sa nagdaang pahina, mapapansing maaring magkaroon ng
maraming solusyon para sa isang suliranin. Ngunit higit na makakabuti kung magbigy-tuon lamang sa isang
sulusyon na sa palagaymo ay higit na mahalagang bigyang pansin. Dito ngayon iikot ang iyong isusulat na
Proyekto. Mula rito ay maaari mo ang isulat ng proyekto kung saan ito ay naglalaman ng suliraning
nararanasanng pamayanan, kompanya, o organisasyong pag-uukulannit ay ang paanong makakatulong sa
kanilang pangangailangan ang panukalang proyektong iyong isasagawa. Tinatawag ang bahaging ito ng sulatin
ang pagpapahayag ng suliranin.Tunghayan at suriin ang halimbawang nakatala sa ibaba.

B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto


Matapos na mailahad ang panimulang naglalahad ng suliranin ng gagawing panukalang
proyekto ay isunod na gawain ang pinakakatawan ng sulating ito. Ito ay binubuo ng layunin, plano na dapat
gawin, at badyet.
1. LAYUNIN- Sa bahaging layunin makikita angmga bagay na gustong makamit o ang pika-adhikain ng
panukala.Kailangan maging tiyak ang layunin ng proyekto.Kailangan isulat ito batay sa mga inaasahang resulta
ng panukalang proyektoat hindi batay sa kungpaano makakamit ang mga resultang ito.Ayon kina Jeremy Miner
AT lYNNmINER (2005 ) ang layunin ay kailangang maging SIMPLE.
1. Specific- nakasaad ang tbagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto
2. Immediate- nakasaad ang tiyak na petsa kung kailan ito matatapos
3. Measurable- may basehan may basehan o patunay na naisakatuparan ang nasabing proyekto
4. Logical- nagsasaad ng paraan kung kung paano makakamit ang proyekto
5. Evaluable- masusukat kung paano makatutulong ang proyekto
2. Plano ng dapat gawin- matapos maitala ang mga layunin ay maaari ng buoin ang talaan ng mga gawain oplan
of action na naglalaman ng mga hakbang na isaagawa upang malutas ang suliranin. Mahalagang maiplano itong
mabuti ayon sa tamang pagkakasunosunod ng pagsasagawa nito kasama ang mga taong kakailanganin
pagsasakatuparan ng mga gawain. Ito rin ay dapat maging katotohanan o realistic . Kilangang ikonsidera rin
ang badyet sa pagsasagawa nito.
Bilang gabay sa pagsulat nito ay tunghayan ang kabuoan ng mga halimbawa ng bawat bahagi ng panukalang
inilahad sa nagdaang talakayan.

Plano ng Paggawa ng Breakwater o Pader para sa ilog ng Barangay Bacao

1. Pagpapasa, pag-aaroba, at paglalabas ng badyet (7 araw)


2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontra sa pagpapagawa ng
breakwater o paderr (2 linggo)
Ang mga contractor ay inaasahan magpapasa o magsusumite ng kani-kanilang tawad para
sa pagpapatayo ng breakwater kasama ag gagamiting plano para rito.
3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na gagawa ng
breakwater (1 araw)
Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling contractor para sa
kabatiran ng nakararami.
4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay Bacao (3 na
buwan)
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 araw)

1. Badyet- isa sa pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto ay ang wasto at tapat na
paglalatag ng kakailanganing badyet para ditto. Ang badyet ay ang talaan ng mga gastusin na kakailanganin
sa pagsasakatuparan ng layunin. Maaaring magsagawa ng bidding sa mga contractor na kadalasan ay may
mga panukalang badyet na para sa gagawing proyekto. Ibigay o ipagkatiwala ang proyekto sa contractor na
magbibigay ng pinakamababang halaga ng badyet.
Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat tandaan sa paggawa ng badyet para sa panukalang
proyekto ayon sa datos mula sa modyul tungkol sa pagsulat ng panukalang proyekto na may pamagat na
“Pagahahanda ng Isang Simpleng Proyekto.
a. Gawing simple at malinaw ang badyet upang madali itong maunawaan ng ahensiya o sangay ng
pamahalaan o institusyon na mag-aaproba at magsasagawa nito.
b. Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon nito upang madaling sumahin ang mga ito.
c. Isama sa iyong badyet maging ang huling sentimo. Ang mga ahensiya, sangay ng pamahalaan, o
maaaring kompanya na magtataguyod ng nasabing proyekto ay kadalasang nagsasagawa rin ng pag-
aaral para sa itataguod nilang proposal.
d. Siguraduhing wasto o tama ang ginwang pagkukuwenta ng mga gastusin. Iwasan ang mga bura o
erasure sapagkat ito a nangangailangan ng intergridad at karapat-dapat sa iyo.
Narito ang halimbawa ng badyet na maaaring gamitin sa pagpapagawa ng breakwater ng Barangay
Bacao.
Mga Gastusin Halaga
I. Halaga ng pagpapagawa ng breakwater batay sa Php 3,200,000.00
isinumite ng napiling contractor (kasama na rito
ang lahat ng materyales at suweldo ng mga
trabahador)
II. Gastusin para sa pagpapasinaya at pagbabasbas Php 20,000.00
nito
Kabuoang Halaga Php 3,220,000.00
C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito
Kadalasan ang panukalang proyekto ay naaaprubahan kung malinaw na nakasaad dito kung sino ang
matutulungan ng proyekto at kung paano ito makatutulong sa kanila. Maaaring ang makinabang nito ay
mismong lahat ng mamamayan ng isang pamayanan, ang mga empleyado ng isang kompanya, o kaya naman ay
miyembro ng isang samahan.
Maaari na ring isama sa bahaging ito ang katapusan o kongklusyon ng iyong panukala. Sa bahaging ito
maaaring ilahad ang mga dahilan kung bakit dapat aprobahan ang ipinasang panukalang proyekto.
Balangkas ng Panukalang Proyekto
Maraming balangkas ng pagsulat ng panukalang proyekto ang maaaring gamitin depende sa may-akda
na naghahain nito. Sa ibang saggunian, tulad halimbawa ng isinulat ni Besim Nebiu sa kanyang Developing
Skills & NGO’S Project Proposal Writing (2002), bahagi ng panukalang proyekto ang Abstrak o executive
summary ng panukala lalo na kung medyo may kahabaan ang isinulat na papel. Ito ay makatutulong sa mga
abalang opisyal na kailangang magbasa ng maraming mga panukala kung kaya kadalasan ang executive
summary na lamang ang kanilang binabasa.
Sa ibang pormat naman ay naglagay rin ng mga kalakip o appendices. Ang mahahalagang sipi ng datos o
dokumento na kailangan sa panukala ay inilalagay na lamang sa mga kalakip sa dulo ng panukala upang higit na
maging sistematikong at organisado ang presentasyon ng panukala. Kadalasang isinasana sa kalakip (appendix)
ang mga liham na ginamit para sa pagpapahintulot o pagpapatibay ng panukala, ang detalye ng badyet tulad ng
pinanggalingan ng pondo o donor, at iba pa.
Maaari mong idagdag ang mga bahaging ito kung sa tingin mo ay kinakailangan itong gamitin. Ngunit
para sa higit na payak na balangkas para sa pagsulat ng panukalang proyekto ay maaaring gamitin ang
usmusunod:
1. Pamagat ng Panukalang Proyekto- kadalasan, ito ay hinango mismo sa inilahad na pangangailangan
bilang tugon sa suliranin.
2. Nagpadala- Naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.
3. Petsa- o araw kung kalian ipinasa ang panukalang papel. Isinasama rin sa bahaging ito ang tinatawang
panahon kung gaano katagal gagawin ang proyekto.
4. Pagpapahayag ng Suliranin- Dito nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat isagawa o maibigay ang
pangangailangan.
5. Layunin- Naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat isagawa ang panukala.
6. Plano ng Dapat Gawin- Dito makikita ang talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawaing isasagawa
para sa pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang petsa at bilang ng araw na gagawin ang bawat isa.
7. Badyet- Ang kalkulasyon ng mga guguling gagamitin sa pagpapagawa ng proyekto.
8. Paano Mapakikinabangan ng Pmayanan/Samahan ang Panukalang Proyekto- kadalasan, ito rin
ang nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung saan nakasaad dito ang mga taong makikinabang ng
proyekto at benipisyong makukuha nila mula rito.

PANUKALA SA PAGGAWA NG BREAKWATER PARA SA BARANGAY BACAO


Mula kay Leah Grace L. Delgado
324 Purok 10, Tiburcio Luna Avenue
Barangay Bacao
General Trias, Cavite
Ika-11 ng Disyembre, 2015
Haba ng Panahong Gugulin:3 buwan at kalahati
I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barangay ng bayan ng General Trias sa
Cavite. Ito ay nanatiling pamayanang agrikutural bagama’t unti-unti n ring nagsusulputan ang mga
pabrika sa lugar nito.
Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan ay ang malaking pagbaha
tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng
pagkasira ng kanilang mga bahay, kagamitan, at maging ng mga pananim. Ang pangunahing sanhi
ng pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa ilog na nanggaling sa bundok.
Dahil dito nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na pipigil sa mabilis na
pag-aapaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay maipapatato tiyak na di na kakailanganin pang ilikas
ang mga mamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa lahat, maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng
mga lupa sa tabi ng ilog. Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa
kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.
II. Layunin
Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan ang pag-apaw ng tubig sa
ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamaysn at maging ang kanilang mga ari-arian at
hanapbuhay sa susunod na mga buwan.
III. Plano ng Dapat Gawin
1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglalabas ng badyet(7 araw)
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontra sa pagpapagawa ng breakwater
o pader (2 linggo)
Ang mga contractor ay inaasahang magsusumite ng kani-kanilang tawad para sa pagpapatayo ng
breakwater kasama ang gagamiting plano para rito.
3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na gagawa ng breakwater (1
araw)
4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay Bacao (3 na
buwan)
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 araw)

IV. Badyet
Mga Gastusin H
alaga
1. Halaga ng pagpapagawa ng breakwater batay sa isinumite Php 3, 200,000.00
ng napiling contractor(kasama na rito ang lahat ng
V. Benepisyo ng Proyekto
materyales at mga
at suweldo Makikinabang
ng mga trabahador)Nito
2. Gastusin para sa pagpapasinaya at pagbabasbas nito Php 20,000.00 Ang
Kabuoang Halaga Php 3, 220,000.00
pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki-pakinabang sa lahat ng mamamayan ng
Barangay Bacao. Ang panganib sa pagkawala ng buhay dahil sa panganib na dulot ng baha ay
masosolusyunan. Di makararanas ang mga mamamayan ng pagkasira ng kanilang tahanan at mga kagamitan
na tunay na nagdudulot ng malaking epekto sa kanilang pamumuhay. Higit sa lahat, magkakaroon nan g
kapanatagan ang puso ng bawat isa tuwing sasapit ang tag-ulan dahil alam nilang hindi agad aapaw ang tubig
sa ilog sa tulong ng ipatatayong mga pader.
Mababawasan din ang trabaho at alalahanin ng mga opisyales ng barangay sa paglilikas ng mga
pamilyang higit na apektado ng pagbaha sa tuwing lumalaki ang tubig sa ilog. Gayundin, maiiwasan ang
pagkasira ng pananim ng mga magsasaka na karaniwang pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga mamamayan
nito.
Tiyaking ligtas ang buhay ng mga mamamayan ng Barangay Bacao. Ipagawa ang breakwater o pader
na kanilang magsisilbing proteksiyon sa panahon ng tag-ulan.

ACTIVITY 1
Mahusay! Nasagutan mo lahat ang unang gawain. Ngayon ay susukatin ang iyong kakayahan sa pagsulat panukalang para
sa pamayanan o paaralan. Handa ka na ba? Umpisahan mo na!

Panuto: Nabigyan ka ng pagkakataong manguna sa paggawa ng isang proyektong sa tingin mo ay kailangang-


kailangang maisakatuparan. Pumili ng isang proyektong nais mong magawa o maipatupad maaaring sa inyong
pamayanan o sa paaralan. Bilang unang hakbang ay kailangang sumulat ka muna ng isang panukalang proyekto
upang mahikayat mo ang mga natalakay sa araling ito para sa gagawing sulatin particular ang pagiging matapat
lalo na sa pagbibigay ng badyet para sa proyekto.

Ma’am, nasa last page po ang aking Panukalang Proyekto : )

Pamantayan Puntos
Nakasulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang panukalang proyekto 5
(CS_FA11/12PU-0p-r-94)
Makatotohanan at katanggap-tanggap ang panukalang proyekto 5

Nakasulat ng panukalang proyektong batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng 5


wika. (CS_FA11/12WG-0p-r-93)

Nasalamin sa kabuoan ng sulatin ang pagsasaalang-alang ng etika sa binubuong 5


akademikong sulatin. (CS_FA11/12EP-0p-r-40)
Kabuoang puntos 20

ACTIVITY 2
Mga Gawain sa Pagkatuto
Panuto: Balikan ang halimbawang binasang panukalang proyekto sa aralin at saka suriin ito batay sa tseklist sa
ibaba. Lagyan ( ) ang mukhang masaya kung nakitang maayos na nasunod nito ang katangiang dapat taglayin
ng bahaging nakatala sa kaliwa at lagyan naman ng tsek ( ) ang mukhang malungkot kung hindi. Sumulat ng
maikling paliwanag tungkol sa napiling sagot.

Bahagi ng Panukalang Proyekto


Pamagat: Ang pamagat ay umaayon sa ginawang panukalang proyekto.

Pagpapahayag ng Suliranin: Maayo na naipahayag ang mga suliranin ng Barangay Bacao.

Layunin: Ang layunin ay napagtuonan ang hinaing ng mga


mamamayan.
Plano na Dapat Gawin: Maayos ang pagpaplano sa pagpapagawa ng breakwater at
tiyak na makakatulong.
Badyet: Ang ibinigay na badyet ay swak sa iapapagawang proyekto.

Pakinabang/Benepisyo: Marami ang makikinabang dito lalo na ang mga lokal na


mamamayan na labis na nasasalanta ng ng pagbaha.
Prosesong Tanong:
1. Ano ang kahulugan ng SIMPLE para sa pagsulat ng layunin ng proyekto? Sang-ayon k aba rito?
Sang-ayon ako sa simpleng pagsulat ng layunin ng proyekto, dahil dapat nakapokus ito sa iisang
hinahangad na resulta, at kahit na simple, may pakinabang naman ito sa mga tao.
.

2. Bakit mahalang matutuhan ang wastong paraan ng pagsulat ng panukalang proyekto?


Sapakat nakakatulong ito upang maging bihasa tayo sa pagpapatupad ng kapaki-pakinabang na proyekto
na malaki ang maitutulong sa mamamayan. Natutuhan nating maging planado at organisado sa mga
dapat gawin.
______________________________________________________________________________________
__

Repleksyon/Isaisip:
Paano mo magagamit sa iyong buhay partikular sa hinaharap ang kasanayan sa pagsulat ng isang
panukalang proyekto?

Magagamit ko ang kaalaman sa pagsusulat ng panukalang proyekto sa hinaharap dahil nais kong maging isang
Architect at bilang isang Architect, kailangan ng sapat na kaalaman sa pagpaplano ng isang proyekto. Magiging
madali para sa akin kapag ako ay naging isang Architect ang mga hakbang sa pagpapatupad ng proyekto sa
organisado at tiyak na paraan.

EBALWASYON
Panuto: Tukuyin ang hinihinging bahagi sa pagsulat ng panukalang proyektong nakatala sa ibaba. Isulat ang
sagot sa nakalaang linya sa kaliwa.
Badyet 1.Ang kalkulasyon ng mga guguguling gagamitin sa pagpapagawa ng proyektay nakatala sa
bahaging ito.
2. Ang nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung saan nakasaad ang mga taong
makikinabang ng proyekto at benepisyong makukuha nila mula rito.
Nagpadala___3. Dito makikita ang tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.
Plano ng dapat gawin4. Dito makikita ang talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawaing isasagawa para
sa pagsasakatuparan ng proyekto.
Pamagat ng panukalang proyekto 5. Ito ay mas madalas na hinango mismo sa inilahad na pangangailangan
bilang tugon sa suliranin.
Pagpapahayag ng suliranin 6. Nakatala rito kung bakit dapat maisagawa o maibigay ang pangangailangan.
Petsa 7. Panahon kung kalian ipinasa ang panukalang papel gayundin ang tinatayang panahon kung
kalian ito matapos.
Layunin 8. Sa bahaging ito makikita ang mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat isagawa ang
panukala.

POST ASSESSMENT
Panuto: Balikan ang halimbawa ng panukalang proyekto sa aralin at sagutin ang sumusunod na mga tanong.
a. Tungkol saan ang panukalang proyekto?
Tungkol ito sa pag-gawa ng breakwater na siyang pipigil sa baha sa pagdaloy nito sa mga kabahayan ng
Barangay Bacao.
b. Ano ang pangunahing layunin ng nasabing proyekto?
Layunin nitong hindi na kailangang lumikas ang mga mamamyan ng Barangay Bacao kapag bumabaha
dahil mapipigilan na ito ng ipapagawang breakwater.
c. Makatarungan ba ang badyet na nakatala para sa nasabing proyekto?
Sa aking palagay, makatarungan ang badyet para sa nasabing proyekto. Malaki ang badyet na inihanda
kaya naman malaki din ang maitutulong nito sa lungsod.
d. Sa iyong palagay, talaga bang mapakikinabangan ang nasabing proyekto?
Oo, Malaki ang pakinabang at tulong na mabibigay ng proyekto sa mga tao sa barangay na mapigilan
ang pagbaha na maaring ikasira ng mga ari-arian.

Mahusay! Binabati kita! Maayos mong natapos ang lahat ng gawain.

F.
Panukala sa pagpapatayo ng Community Pantry para sa lungsod ng Alicia
Mula kay Nathaniel James V. Comabig
Purok Dancing Lady
Barangay Poblacion
Alicia Zamboanga Sibugay
Ika-15 ng Oktobre, 2021
Haba ng Panahong Gugulin: 3 linggo
I. Pagpapahayag ng Suliranin

Nang nagsimula ang pandemya, isa ang Alicia sa mga labis na naapektuhan ng lockdown. Nagsara ang mga
tindahan at iba pang mga negosyo na siyang dahilan upang mawalan ng trabaho at kita ang mga tao dito. “No work, no
pay”. Ang katagang ito ang nagpapagutom sa mga pamilyang walang mahanap na trabhao at tanging sa ayuda na galing sa
pamahalaan na lamang umaasa.
Sagana sa mga gulay, isda, at prutas ang aming lungsod, ngunit hindi na nabebenta at karamihan nito ay nasisira o
di kaya’y nabubulok na lang. Pangingisda ang pangunahing hanap buhay ng mga tao dito, ngunit dahil sa lockdown,
matumal ang bentahan at halos wala nang bumibili.
Marami ang nasasayang na pagkain dahil wala itong mapalalagyan. Kaya naman naisipan naming magpatayo ng
Community pantry na may katagang “Kumuha ayon sa pangangailangan, magbigay ayon sa kakayahan.” Kaakibat ang
grupo ng kabataang tulad ko na gustong wakasan ang gutom na nararanasan ng aming lunsod. Kung ito ay
maisasakatuparan, tiyak na marami ang makikinabang at wala nang masasayang na pagkain. Higit sa lahat, matutugunan
ang gutom na aming nararanasan sa gitna ng pandemya.

II. Layunin
Makapagpagawa ng Community pantry upang masolusyonan ang gutom na nararanasan sa lungsod ng Alicia.
Matugunan ang mga esensyal na pangangailangan tulad ng pagkain at tubig. Layunin din ng proyektong ito ang
pagkakaisa sa pagbibigay ng tulong na naayon sa kakayahan. Kaakibat ang ibang kabataang tulag ko, pati narin ang aming
local na karpintero, masisimulan namin ang konstruksyon sa pagbuo ng pantry.

III. Plano ng Dapat Gawin


1. Pagpapasa, pagaproba, at paglalabas ng badyet (5 araw)
2. Paghahanap ng boluntayong tutulong sa pagpapagawa ng pantry. (tatlong araw)
3. Paghahanap ng eksaktong lokasyon kung saan pagtatayuan. (dalawang araw)
4. Pagbili ng mga kailangang materyales para sa konstruksyon. (tatlong araw)
5. Pagsisimula ng proyekto base sa inilunsad na disenyo. (isa linggo)
6. Pagbibigay ng ayuda ayon sa kakayahan, kumuha ng ayon sa kailangan.

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga


1. Halaga sa mga materyales na kailangan sa pagpapagawa ng pantry batay sa laki, at tibay Php 25, 000.00
nito. (kasama na rito ang sweldo ng karpintero at meryenda sa mga boluntaryong
tutulong)
2. Karagdagang ayuda tulad ng mga gamot at iba pang esensyal na pangangailangan. Php 10, 000.00

Kabuoang Halaga Php 35, 000. 00

V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito

Ang pagpapagawa ng community pantry ay magiging kapaki-pakinabang sa lahat ng mamamayan ng Alicia. Ang
gutom na nararanasan ng mga tao ay dahilan upang sila ay mas madaling kapitan ng mga sakit, kaya malaking tulong ang
community pantry dahil libre na silang makakakuha batay sa kasalukulang pangangailangan. Hindi na makakaranas ng
gutom ang mamamayan ng Alicia, at higit sa lahat wala nang masasayang sa pagkain dahil kusa na itong ipamimigay sa
mga nangangailangan.
Makakatulong din ito sa pagpapalakas ng immune system upang makaiwas sa mga sakit lalo na sa gitna ng
pandemya. Isa pang benipisyo nito ay lahat makakatangap sa pamamagitan ng pagtutulongan at pagkakisa.

You might also like