You are on page 1of 9

Search

Upload
PANUKALANG PROYEKTO MODYUL 4 KWARTER
2.pptx
•0 likes•20 views

N NicaHannah1 Follow

Filipino 12­Panukalang Proyekto Modyul 4


Read more

Education

1 of 50

Download Now Download to read o몭line


Recommended
Grade 6 dll epp 6 q3 week 9
CristinaSingsing

Aralin 4.8 (Pangwakas na Gawain).docx


JeanroseSanJuan

9 MENU NG PAGKAIN.docx
PATRICKJOSEPHBRIONES

Panukalang proyekto backup.pptx


Losala1

Panukalang proyekto.pptx
Losala1

Week­5­Q2­ADM­Filipino­sa­Piling­Larang­TVL.pdf
MARYANNLOPEZ16

ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
hazelpalabasan1

Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Teacher's Guide


DepEd ­ San Carlos City (Pangasinan)
More Related Content
Similar to PANUKALANG PROYEKTO MODYUL 4 KWARTER 2.pptx (20)

6 FEASIBILITY STUDY.docx Aralin 3.2.docx EsPG5Q3.pdf AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALA

More from NicaHannah1 (8)

5_Q1­Komunikasyon at Pananaliksik sa kultura.pptx powerpoint COT 2022 ikatlong markahan.pptx

Recently uploaded (20)

3rd quarter filipino 10­nelson mandela.pptx CAPALONGA DISTRICT VRP PRESENTATION.pptx

PANUKALANG PROYEKTO MODYUL 4 KWARTER 2.pptx


1. KWARTER 2: MODYUL 4
2. ADD A FOOTER 2
3. 3
4. • Ay tinatawag na project proposal sa wikang Ingles. Ang paggawa ng panukalang proyekto ay tulad lamang ng
paggawa ng feasibility study para sa programa o proyekto sa isang pampaaralang organisasyon o barangay council.
Halos ganoon din ang paggawa ng panukalang proyekto ngunit ito ay higit na sistematiko at pinag – aaralan. ADD A
FOOTER
5. •Isang samahang tumutulong sa mga nongovernmental organization (NGO) sa paglikha ng mga pag – aaral sa
pangangalap ng pondo, ang panukala ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa
isang komunidad o samahan. ADD A FOOTER
6. •Isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang pag –
uukulan nito na siyang tatanggap at magpapatibay nito ADD A FOOTER
7. •Isang detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.
7. •Isang detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.
ADD A FOOTER
8. •Proposal sa proyektong gustong ipatupad na naglalayong mabigyan ng resolba ang mga suliranin. ADD A FOOTER
9. Ginagamit sa gabay sa pagpaplano at pagsasagawa nito para sa isang establisyemento o institusyon. ADD A
FOOTER
10. •Nangangailanga n ng kaalaman, kasanayan, at maging sapat na pagsasanay. ADD A FOOTER
11. •Kailangang maging tapat na dokumento na ang pangunahing layunin ay makatulong at makalikha ng
positibong pagbabago. ADD A FOOTER
12. • Magbigay ng impormasyon at makahikayat ng positibong pagtugon mula sa pinag – uukulan nito. Walang lugar
sa sulating ito ang pagsesermon, pagyayabang, o panlilinlang, sa halip, ito ay kailangang maging tapat at totoo sa
layunin nito. ADD A FOOTER
13. 13
14. 1.Ang mahalagang hakbang na dapat isagawa ay ang pagtukoy sa pangangailangan ng komunidad, samahan o
kompanyang pag – uukulan ng iyong panukalang proyekto o project proposal. 14 A. PAGSULAT NG PANIMULA NG
PANUKALANG PROYEKTO
15. 2.Tandaan na ang pangunahing dahilan ng pagsulat ng panukalang proyekto ay upang makatulong at makalikha
ng positibong pagbabago. 15
16. 3. Higit na magiging tiyak, napapanahon, at akma kung matutumbok mo ang tunay na pangangailangan ng pag –
uukulan nito. 16
17. 4. Ang pangangailangan ay magiging batayan ng isusulat na panukala. 5. Maisasagawa ang bahaging ito sa
pamamagitan ng pagmamasid sa pamayanan o kompanya. 17
18. 6. Maaaring magsimula sa pagsagot sa mga sumusunod na katanungan: Ano – ano ang mga pangunahing
suliranin na dapat lapatan ng agarang solusyon? Ano – ano ang mga pangangailangan ng pamayanan o samahang
ito na nais mong gawan ng panukalang proyekto? 18
19. 7. May maraming solusyon para sa isang suliranin, ngunit higit na makabubuti kung magbigay – tuon lamang sa
isang solusyon na sa palagay mo ay higit na mahalagang bigyang – pansin. 19
20. 8. Mula rito, maaari ng isulat ang PANIMULA ng panukalang proyekto na naglalaman ng suliraning nararanasan ng
pamayanan, kompanya, o organisasyong pinag – uukulan nito at kung paano makatutulong ito sa pangangailangan.
Tinatawag ang bahaging ito ng sulatin na PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN. 20
21. 9. Kinakailangang malinaw, maikli, at tuwiran o hindi paligoy – ligoy ang pagkakalahad ng PAGPAPAHAYAG NG
SULIRANIN. 21
22. 10. Naglalaman ang bahaging ito ng maikling paglalarawan ng pamayanan o institusyon, ang suliraning
nararanasan nito, at ang pangangailangan nito upang masolusyunan ang nabanggit na suliranin. Nakapaloob din sa
bahaging ito ang mga benepisyo o mga kabutihang maaaring idulot nito kung maisasakatuparan ang panukalang
proyekto. 22
23. I. Pagpapahayag ng Suliranin Ang Maria Elena Christian School ay isang pribadong paaralan sa lungsod ng
Minglanilla sa probinsiya ng Cebu. Ang paaralang ito ay mayroong isang libo at dalawandaang mag – aaral sa
elementarya at sekondarya. 23
24. Isa sa mga suliraning kinakaharap ng mga mag – aaral ng elementarya at sekundarya pati na rin ng mga guro ay
ang maliit na espasyo sa canteen na hanggang sa limampung tao lamang ang maaaring kumain. Ito ay nagdudulot
nang labis na problema sa mga mag – aaral dahil sa kakulangan ng akmang lugar na maaaring pagkainan maliban
sa silid – aralan at nagdudulot ng sakit ng ulo sa mga guro pagkatapos ng tanghalian dahil sa mga basura ng mga
mag – aaral. Nagdudulot din ito ng suliranin sa mga nagtitinda sa canteen tuwing tanghalian dahil ang pila ng mga
mag – aaral ay aabot hanggang sa labas ng canteen. 24
25. Dahil dito, kinakailangan na dagdagan ang espasyo ng kainan upang hindi na lalagpas sa canteen ang pila ng
mga mag – aaral at magkakaroon na rin ng pagkakataon ang mga guro na makisabay sa pagkain sa mga mag – aaral
sa canteen. Hindi na rin sasakit ang ulo ng mga guro hinggil sa basura kung ang lahat ng mag – aaral ay sa canteen
na lamang kakain dahil may maraming tapunan ng basura rito. Higit sa lahat, mabibigyan na ang mga mag – aaral at
na lamang kakain dahil may maraming tapunan ng basura rito. Higit sa lahat, mabibigyan na ang mga mag – aaral at
mga guro ng mas maayos na serbisyo tuwing tanghalian kung mayroong malawak na espasyo sa canteen.
Kinakailangang ang agarang pagsasagawa ng proyektong ito upang mas mapabuti ang serbisyong maibibigay sa
mga mag – aaral at mga guro. 25
26. 1. LAYUNIN – Sa bahaging ito makikita ang mga bagay na gustong makamit o ang pinakaadhikain ng panukala. a.
Kailangang tiyak ang layunin ng proyekto. b. Kailangang isulat ito batay sa inaasahang resulta ng panukalang
proyekto at hindi batay sa kung paano makakamit ang mga resultang ito. 26
27. c. Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2005), ang layunin ay kailangang maging SIMPLE. Specific – nakasaad
ang bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto. Immediate – nakasaad ang tiyak na petsa kung
kailan ito matatapos. Measurable – may basehan o patunay na naisakatuparan ang nasabing proyekto Practical –
nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin Logical – nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang
proyekto Evaluable – nakasusukat kung paano makatutulong ang proyekto 27
28. Practical – nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin Logical – nagsasaad ng paraan kung paano
makakamit ang proyekto Evaluable – nakasusukat kung paano makatutulong ang proyekto 28
29. II. Layunin Nakapagsasagawa ng pagpapalawak sa canteen na nakatutulong nang malaki sa mga mag – aaral at
mga guro upang hindi na nahihirapan tuwing tanghalian sa paghahanap ng lugar sa paaralan na makakainan. Hindi
na makikita kung saan – saan lamang ang mga basura sa paaralan na mula sa canteen at mas maayos na ang
serbisyo na maibibigay ng mga nagtitinda sa canteen sa mga susunod na buwan. 29
30. 2. PLANO NG DAPAT GAWIN – Matapos maitala ang mga layunin ay maaari nang buoin ang talaan ng mga gawain
o plan of action na naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin. a. Mahalagang
maplanong mabuti ayon sa tamang pagkasunod – sunod ng pagsasagawa nito kasama ang mga taong
kakailanganin sa pagsasakatuparan ng mga gawain 30
31. b. Dapat ito ay maging makatotohanan o realistic. c. Kailangang ikonsidera rin ang badyet sa pagsasagawa nito.
d. Nakabubuti na isasama sa talatakdaan ng gawain ang petsa kung kailan matatapos ang bawat bahagi ng plano at
kung ilang araw ito gagawin. 31
32. e. Kung hindi tiyak ang mismong araw na matapos ang mga ito maaaring ilagay na lamang ang linggo at buwan. f.
Nakatutulong ang paggamit ng tsart o kalendaryo para markahan ang pagsasagawa ng bawat gawain. 32
33. ADD A FOOTER 33
34. 3. BADYET – Ito ang pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto. Kinakailangang ang bahaging
ito ay wasto at may tapat na paglalatag ng kakailanganing badyet para sa proyekto. Ang badyet ay talaan ng mga
gastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng mga layunin. 34
35. a. Mahalagang pag – aralang mabuti ang bahaging ito upang makatipid sa gugugulin. b. Maaaring magkaroon ng
higit sa tatlo pang bidders na pagpipilian. 35
36. a. Gawing simple at malinaw ang badyet upang madali itong maunawaan ng ahensiya o sangay ng pamahalaan
o institusyon na mag – aaproba at magsasagawa nito. b. Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon nito
upang madaling sumahin ang mga ito. 36
37. c. Isama sa iyong badyet maging ang huling sentimo. Ang mga ahensiya, sangay ng pamahalaan, o maaaring
kompanya na magtataguyod ng nasabing proyekto ay kadalasang nagsasagawa rin ng pag – aaral para sa itataguyod
nilang proposal. d. Siguraduhing wasto o tama ang ginawang pagkukuwenta ng mga gastusin. Iwasan ang mga bura
o erasure sapagkat ito ay nangangahulugan ng integridad at karapat – dapat na pagtitiwala para sa iyo. 37
38. 38
39. a. Mahalagang maging espesipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sa pagsasakatuparan ng
layunin. b. Maaari na ring isama sa bahaging ito ang katapusan o konklusyon ng iyong panukala. c. Maaaring ilahad
ang mga dahilan kung bakit dapat aprobahan ang ipinasang panukalang proyekto. 39
40. 40 V. Benepisyo ng Proyekto Ang pagpapalawak ng canteen ay malaki ang magiging kapaki – pakinabang nito sa
mga mga – aaral, mga guro, at mga nagtitinda sa canteen ng Maria Elena Christian School. Ang mahabang pila na
lampas hanggang sa labas ng canteen ay mabibigyang kalutasan na hindi na gugugulin ng mga mag – aaral ang higit
sa lima hanggang pitong minuto na pagpila sa halip ito ay magagamit na nila sa paghahanda para sa kanilang mga
sa lima hanggang pitong minuto na pagpila sa halip ito ay magagamit na nila sa paghahanda para sa kanilang mga
klase sa hapon. Makakatulong ang pagpapalawak ng canteen upang mabibigyan na rin ng kalutasan ang problema
ng mga guro hinggil sa mga basura na mula sa canteen na itinatapon ng mga mag – aaral sa lugar na kung saan sila
kakain tuwing tanghalian dahil sa pamamagitan nito ang mga basura na mula sa canteen ay mananatili na lamang
sa dito kapag kakain ang mga mag – aaral.
41. 41 Mapapadali na rin sa mga nagtitinda sa canteen ang pagkuha nila ng mga kubyertos na ginagamit ng mga
mag – aaral dahil hindi na ito madadala ng mga mag – aaral sa ibang lugar o sa silid – aralan na kanilang
pinagkakainan. Higit sa lahat, mas maayos nang mapagsisilbihan ng mga nagtitinda sa canteen ang mga bibili rito
lalo na ang mga mag – aaral at mas magiging komportable na rin sila sa kanilang pagkain. Mahalagang isakatuparan
ang proyektong ito upang mas mapag – ibayo pa ang pagbibigay – serbisyo ng paaralan sa pangunahing stakeholder
nito na mga mag – aaral. Matagumpay na edukasyon ang dulot ng busog at masayang kabataan dahil sa serbisyo ng
kanilang paaralan.
42. 42
43. 43 • Ito ay hinango mismo sa inilahad na pangangailangan bilang tugon sa suliranin.
44. 44 • Naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.
45. 45 • Ito ay araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel. Isinasama rin sa bahaging ito ang tinatayang panahon
kung gaano katagal gagawin ang proyekto.
46. 46 • Sa bahaging ito nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o maibigay ang pangangailangan
47. 47 • Naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat isagawa ang panukala.
48. 48 • Sa bahaging ito makikita ang talaan ng pagkasunod – sunod ng mga gawaing isasagawa para sa
pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang petsa at bilang ng araw na gagawin ang bawat isa.
49. 49 • Ang kalkulasyon ng mga guguguling gagamitin sa pagpapagawa ng proyekto.
50. 50 • Ito ay nagsisilbing konklusyon ng panukala kung saan nakasaad dito ang mga taong makikinabang ng
proyekto at benepisyong makukuha mula rito.

AboutSupportTermsPrivacyCopyrightCookie PreferencesDo not sell or share my personal information


English 
Everand

© 2024 SlideShare from Scribd 

You might also like