You are on page 1of 50

PANUKALANG

PROYEKTO
KWARTER 2: MODYUL 4
ADD A FOOTER 2
KAHULUGAN, LAYUNIN,
GAMIT, AT KATANGIAN
NG PANUKALANG
PROYEKTO
3
KAHULUGAN
• Ay tinatawag na project proposal sa
wikang Ingles. Ang paggawa ng
panukalang proyekto ay tulad
lamang ng paggawa ng feasibility
study para sa programa o proyekto
sa isang pampaaralang
organisasyon o barangay council.
Halos ganoon din ang paggawa ng
panukalang proyekto ngunit ito ay
higit na sistematiko at pinag –
ADD A FOOTER aaralan.
DR. PHIL BARTLE
(The Community Empowerment
Collective)

• Isang samahang tumutulong


sa mga nongovernmental
organization (NGO) sa
paglikha ng mga pag – aaral
sa pangangalap ng pondo, ang
panukala ay isang proposal na
naglalayong ilatag ang mga
plano o adhikain para sa isang
komunidad o samahan.
ADD A FOOTER
KAHULUGAN
• Isang kasulatan ng
mungkahing naglalaman
ng mga plano ng gawaing
ihaharap sa tao o
samahang pag – uukulan
nito na siyang tatanggap
at magpapatibay nito
ADD A FOOTER
Besim Nebiu
(Developing Skills of NGO
Project Proposal Writing)

•Isang detalyadong
deskripsiyon ng mga
inihahaing gawaing
naglalayong lumutas
ng isang problema o
suliranin.
ADD A FOOTER
LAYUNIN
•Proposal sa
proyektong gustong
ipatupad na
naglalayong
mabigyan ng resolba
ang mga suliranin.
ADD A FOOTER
GAMIT
Ginagamit sa gabay
sa pagpaplano at
pagsasagawa nito
para sa isang
establisyemento o
institusyon.
ADD A FOOTER
KATANGIAN
•Nangangailanga
n ng kaalaman,
kasanayan, at
maging sapat na
ADD A FOOTER
pagsasanay.
KATANGIAN
•Kailangang maging
tapat na dokumento na
ang pangunahing
layunin ay makatulong
at makalikha ng
positibong pagbabago.
ADD A FOOTER
BARTLE (2011)
• Magbigay ng impormasyon at
makahikayat ng positibong
pagtugon mula sa pinag – uukulan
nito. Walang lugar sa sulating ito
ang pagsesermon, pagyayabang,
o panlilinlang, sa halip, ito ay
kailangang maging tapat at totoo
ADD A FOOTER sa layunin nito.
DAPAT GAWIN SA
PAGSULAT NG
PANUKALANG
PROYEKTO 13
Jeremy Miner at Lynn Miner
(A Guide to Proposal Planning and Writing)

A. PAGSULAT NG PANIMULA
NG PANUKALANG PROYEKTO

1.Ang mahalagang hakbang na


dapat isagawa ay ang pagtukoy sa
pangangailangan ng komunidad,
samahan o kompanyang pag –
uukulan ng iyong panukalang
proyekto o project proposal.
14
A. PAGSULAT NG PANIMULA
NG PANUKALANG PROYEKTO

2.Tandaan na ang pangunahing


dahilan ng pagsulat ng
panukalang proyekto ay
upang makatulong at
makalikha ng positibong
pagbabago. 15
A. PAGSULAT NG PANIMULA
NG PANUKALANG PROYEKTO

3. Higit na magiging tiyak,


napapanahon, at akma
kung matutumbok mo
ang tunay na
pangangailangan ng pag
– uukulan nito.
16
A. PAGSULAT NG PANIMULA
NG PANUKALANG PROYEKTO

4. Ang pangangailangan ay magiging


batayan ng isusulat na panukala.

5. Maisasagawa ang bahaging ito sa


pamamagitan ng pagmamasid sa
17

pamayanan o kompanya.
A. PAGSULAT NG PANIMULA
NG PANUKALANG PROYEKTO

6. Maaaring magsimula sa pagsagot


sa mga sumusunod na katanungan:
 Ano – ano ang mga pangunahing
suliranin na dapat lapatan ng agarang
solusyon?
Ano – ano ang mga pangangailangan
ng pamayanan o samahang ito na nais
mong gawan ng panukalang proyekto?
18
A. PAGSULAT NG PANIMULA
NG PANUKALANG PROYEKTO

7. May maraming solusyon para


sa isang suliranin, ngunit higit
na makabubuti kung
magbigay – tuon lamang sa
isang solusyon na sa palagay
mo ay higit na mahalagang
bigyang – pansin.
19
A. PAGSULAT NG PANIMULA
NG PANUKALANG PROYEKTO

8. Mula rito, maaari ng isulat ang


PANIMULA ng panukalang proyekto
na naglalaman ng suliraning
nararanasan ng pamayanan,
kompanya, o organisasyong pinag –
uukulan nito at kung paano
makatutulong ito sa pangangailangan.
Tinatawag ang bahaging ito ng sulatin 20

na PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN.
A. PAGSULAT NG PANIMULA
NG PANUKALANG PROYEKTO

9. Kinakailangang malinaw,
maikli, at tuwiran o hindi
paligoy – ligoy ang
pagkakalahad ng
PAGPAPAHAYAG NG
SULIRANIN. 21
A. PAGSULAT NG PANIMULA
NG PANUKALANG PROYEKTO

10. Naglalaman ang bahaging ito ng


maikling paglalarawan ng pamayanan o
institusyon, ang suliraning nararanasan
nito, at ang pangangailangan nito upang
masolusyunan ang nabanggit na
suliranin. Nakapaloob din sa bahaging
ito ang mga benepisyo o mga
kabutihang maaaring idulot nito kung
maisasakatuparan ang panukalang 22

proyekto.
HALIMBAWA

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Ang Maria Elena Christian School ay


isang pribadong paaralan sa lungsod ng
Minglanilla sa probinsiya ng Cebu. Ang
paaralang ito ay mayroong isang libo at
dalawandaang mag – aaral sa elementarya 23

at sekondarya.
HALIMBAWA

Isa sa mga suliraning kinakaharap ng mga mag – aaral ng


elementarya at sekundarya pati na rin ng mga guro ay ang
maliit na espasyo sa canteen na hanggang sa limampung tao
lamang ang maaaring kumain. Ito ay nagdudulot nang labis na
problema sa mga mag – aaral dahil sa kakulangan ng akmang
lugar na maaaring pagkainan maliban sa silid – aralan at
nagdudulot ng sakit ng ulo sa mga guro pagkatapos ng
tanghalian dahil sa mga basura ng mga mag – aaral.
Nagdudulot din ito ng suliranin sa mga nagtitinda sa canteen
tuwing tanghalian dahil ang pila ng mga mag – aaral ay aabot 24

hanggang sa labas ng canteen.


HALIMBAWA

Dahil dito, kinakailangan na dagdagan ang espasyo ng


kainan upang hindi na lalagpas sa canteen ang pila ng mga mag –
aaral at magkakaroon na rin ng pagkakataon ang mga guro na
makisabay sa pagkain sa mga mag – aaral sa canteen. Hindi na rin
sasakit ang ulo ng mga guro hinggil sa basura kung ang lahat ng
mag – aaral ay sa canteen na lamang kakain dahil may maraming
tapunan ng basura rito. Higit sa lahat, mabibigyan na ang mga mag
– aaral at mga guro ng mas maayos na serbisyo tuwing tanghalian
kung mayroong malawak na espasyo sa canteen. Kinakailangang
ang agarang pagsasagawa ng proyektong ito upang mas mapabuti 25
ang serbisyong maibibigay sa mga mag – aaral at mga guro.
B. PAGSULAT NG KATAWAN
NG PANUKALANG PROYEKTO

1. LAYUNIN – Sa bahaging ito makikita


ang mga bagay na gustong makamit o
ang pinakaadhikain ng panukala.
a. Kailangang tiyak ang layunin ng
proyekto.
b. Kailangang isulat ito batay sa
inaasahang resulta ng panukalang
proyekto at hindi batay sa kung paano 26

makakamit ang mga resultang ito.


B. PAGSULAT NG KATAWAN
NG PANUKALANG PROYEKTO

c. Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2005), ang


layunin ay kailangang maging SIMPLE.
Specific – nakasaad ang bagay na nais makamit o
mangyari sa panukalang proyekto.
Immediate – nakasaad ang tiyak na petsa kung kailan ito
matatapos.
Measurable – may basehan o patunay na naisakatuparan
ang nasabing proyekto
Practical – nagsasaad ng solusyon sa binanggit na
suliranin Logical – nagsasaad ng paraan kung paano 27
makakamit ang proyekto Evaluable – nakasusukat kung
paano makatutulong ang proyekto
B. PAGSULAT NG KATAWAN
NG PANUKALANG PROYEKTO

Practical – nagsasaad ng solusyon


sa binanggit na suliranin
Logical – nagsasaad ng paraan
kung paano makakamit ang
proyekto
Evaluable – nakasusukat kung
paano makatutulong ang proyekto
28
HALIMBAWA
II. Layunin

Nakapagsasagawa ng pagpapalawak sa canteen na


nakatutulong nang malaki sa mga mag – aaral at mga
guro upang hindi na nahihirapan tuwing tanghalian sa
paghahanap ng lugar sa paaralan na makakainan.
Hindi na makikita kung saan – saan lamang ang mga
basura sa paaralan na mula sa canteen at mas maayos
na ang serbisyo na maibibigay ng mga nagtitinda sa 29

canteen sa mga susunod na buwan.


B. PAGSULAT NG KATAWAN
NG PANUKALANG PROYEKTO

2. PLANO NG DAPAT GAWIN – Matapos maitala


ang mga layunin ay maaari nang buoin ang talaan ng
mga gawain o plan of action na naglalaman ng mga
hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin.
a. Mahalagang maplanong mabuti ayon sa tamang
pagkasunod – sunod ng pagsasagawa nito kasama
ang mga taong kakailanganin sa pagsasakatuparan 30

ng mga gawain
B. PAGSULAT NG KATAWAN
NG PANUKALANG PROYEKTO

b. Dapat ito ay maging makatotohanan o


realistic.
c. Kailangang ikonsidera rin ang badyet sa
pagsasagawa nito.
d. Nakabubuti na isasama sa talatakdaan ng
gawain ang petsa kung kailan matatapos ang
bawat bahagi ng plano at kung ilang araw ito 31

gagawin.
B. PAGSULAT NG KATAWAN
NG PANUKALANG PROYEKTO

e. Kung hindi tiyak ang mismong araw


na matapos ang mga ito maaaring
ilagay na lamang ang linggo at buwan.
f. Nakatutulong ang paggamit ng tsart o
kalendaryo para markahan ang
pagsasagawa ng bawat gawain. 32
ADD A FOOTER 33
B. PAGSULAT NG KATAWAN
NG PANUKALANG PROYEKTO

3. BADYET – Ito ang pinakamahalagang


bahagi ng anumang panukalang proyekto.
Kinakailangang ang bahaging ito ay wasto at
may tapat na paglalatag ng kakailanganing
badyet para sa proyekto. Ang badyet ay talaan
ng mga gastusin na kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng mga layunin. 34
B. PAGSULAT NG KATAWAN
NG PANUKALANG PROYEKTO

a. Mahalagang pag – aralang


mabuti ang bahaging ito upang
makatipid sa gugugulin.
b. Maaaring magkaroon ng higit sa
tatlo pang bidders na 35

pagpipilian.
“Paghahanda ng Isang Simpleng Proyekto”

a. Gawing simple at malinaw ang badyet upang


madali itong maunawaan ng ahensiya o
sangay ng pamahalaan o institusyon na mag
– aaproba at magsasagawa nito.

b. Pangkatin ang mga gastusin ayon sa


klasipikasyon nito upang madaling sumahin
ang mga ito. 36
“Paghahanda ng Isang Simpleng Proyekto”

c. Isama sa iyong badyet maging ang huling sentimo. Ang


mga ahensiya, sangay ng pamahalaan, o maaaring
kompanya na magtataguyod ng nasabing proyekto ay
kadalasang nagsasagawa rin ng pag – aaral para sa
itataguyod nilang proposal.

d. Siguraduhing wasto o tama ang ginawang


pagkukuwenta ng mga gastusin. Iwasan ang mga bura
o erasure sapagkat ito ay nangangahulugan ng 37

integridad at karapat – dapat na pagtitiwala para sa iyo.


HALIMBAWA

38
C. PAGLALAHAD NG
BENEPISYO NG PROYEKTO AT
MGA MAKIKINABANG NITO

a. Mahalagang maging espesipiko sa tiyak na


grupo ng tao o samahang makikinabang sa
pagsasakatuparan ng layunin.
b. Maaari na ring isama sa bahaging ito ang
katapusan o konklusyon ng iyong panukala.
c. Maaaring ilahad ang mga dahilan kung bakit
dapat aprobahan ang ipinasang panukalang 39

proyekto.
HALIMBAWA

V. Benepisyo ng Proyekto

Ang pagpapalawak ng canteen ay malaki ang magiging kapaki –


pakinabang nito sa mga mga – aaral, mga guro, at mga nagtitinda sa
canteen ng Maria Elena Christian School. Ang mahabang pila na lampas
hanggang sa labas ng canteen ay mabibigyang kalutasan na hindi na
gugugulin ng mga mag – aaral ang higit sa lima hanggang pitong minuto na
pagpila sa halip ito ay magagamit na nila sa paghahanda para sa kanilang
mga klase sa hapon. Makakatulong ang pagpapalawak ng canteen upang
mabibigyan na rin ng kalutasan ang problema ng mga guro hinggil sa mga
basura na mula sa canteen na itinatapon ng mga mag – aaral sa lugar na
kung saan sila kakain tuwing tanghalian dahil sa pamamagitan nito ang mga 40

basura na mula sa canteen ay mananatili na lamang sa dito kapag kakain


ang mga mag – aaral.
HALIMBAWA

Mapapadali na rin sa mga nagtitinda sa canteen ang pagkuha nila


ng mga kubyertos na ginagamit ng mga mag – aaral dahil hindi na ito
madadala ng mga mag – aaral sa ibang lugar o sa silid – aralan na
kanilang pinagkakainan. Higit sa lahat, mas maayos nang mapagsisilbihan
ng mga nagtitinda sa canteen ang mga bibili rito lalo na ang mga mag –
aaral at mas magiging komportable na rin sila sa kanilang pagkain.

Mahalagang isakatuparan ang proyektong ito upang mas mapag –


ibayo pa ang pagbibigay – serbisyo ng paaralan sa pangunahing
stakeholder nito na mga mag – aaral. Matagumpay na edukasyon ang
dulot ng busog at masayang kabataan dahil sa serbisyo ng kanilang
41
paaralan.
BALANGKAS NG
PANUKALANG
PROYEKTO
42
1. PAMAGAT NG PANUKALANG PROYEKTO

• Ito ay hinango mismo sa


inilahad na
pangangailangan bilang
tugon sa suliranin. 43
2. NAGPADALA

• Naglalaman ito ng
tirahan ng sumulat
ng panukalang
proyekto.
44
3. PETSA

• Ito ay araw kung kailan ipinasa


ang panukalang papel.
Isinasama rin sa bahaging ito
ang tinatayang panahon kung
gaano katagal gagawin ang 45

proyekto.
4. PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN

• Sa bahaging ito nakasaad


ang suliranin at kung
bakit dapat maisagawa o
maibigay ang
pangangailangan
46
5. LAYUNIN

• Naglalaman ito ng mga


dahilan o kahalagahan
kung bakit dapat
isagawa ang panukala. 47
6. PLANO NG DAPAT GAWIN

• Sa bahaging ito makikita ang talaan


ng pagkasunod – sunod ng mga
gawaing isasagawa para sa
pagsasakatuparan ng proyekto
gayundin ang petsa at bilang ng
araw na gagawin ang bawat isa. 48
7. BADYET

• Ang kalkulasyon ng mga


guguguling gagamitin sa
pagpapagawa ng
proyekto. 49
8. BENEPISYO NG PROYEKTO

• Ito ay nagsisilbing
konklusyon ng panukala
kung saan nakasaad dito ang
mga taong makikinabang ng
proyekto at benepisyong 50

makukuha mula rito.

You might also like