You are on page 1of 38

Pagsulat ng

Panukalang Proyekto
Panukalang Proyekto
Sa araling ito ay mararanasan mong maglahad ng isang
panukala para sa paglulunsad ng isang pagbabago o kaya
naman ay para malutas ang isang suliranin. Matututuhan mo
sa araling ito ang pagsulat o paggawa ng panukalang
proyekto.
Ano nga ba ang panukalang proyekto?

Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Community Empowerment Collective, isang
samahang tumutulong sa mga nongovernmental organization (NGO) sa paglikha ng
mga pag-aaral sa pangangalap ng pondo, ang panukala ay isang proposal na
naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan.
Kaya ang panukalang proyekto ay nangangahulugang isang kasulatan ng mungkahing
naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nitong
siyang tatanggap at magpapatibay nito.
Ano nga ba ang panukalang proyekto?

Ayon naman kay Besim Nebiu, may-akda ng Developing Skills


of NGO Project Proposal Writing, ang panukalang proyekto ay
isang detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing gawaing
naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.
Panukalang Proyekto
Ayon kay Bartle (2011), kailangan nitong magbigay ng
impormasyon at makahikayat ng positibong pagtugon
mula sa pinag- uukulan nito. Walang lugar sa sulating ito
ang pagsesermon, pagyayabang, o panlilinlang, sa halip,
ito ay kailangang maging tapat at totoo sa layunin nito.
MGA DAPAT GAWIN SA PAGSULAT NG
PANUKALANG PROYEKTO
Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2008) sa kanilang aklat na A Guide to
Proposal Planning and Writing, sa pagsasagawa ng panukalang papel, ito ay
kailangang magtaglay ng tatlong mahahalagang bahagi at ito ay ang sumusunod:

a. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto

b. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto

c. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito


A. Pagsulat ng panimula ng
panukalang Proyekto
Bago mo lubusang isulat ang panukalang proyekto, ang unang
mahalagang hakbang na dapat isagawa ay ang pagtukoy sa
pangangailangan ng komunidad, samahan, o kompanyang pag-uukulan
ng iyong project proposal. Tandaan na ang pangunahing dahilan ng
pagsulat ng panukalang proyekto ay upang makatulong at makalikha ng
positibong pagbabago.
A. Pagsulat ng panimula ng
panukalang Proyekto
Maisasagawa ang unang bahaging ito sa pamamagitan ng pagmamasid sa
pamayanan o kompanya. Maaaring magsimula sa pagsagot sa sumusunod
na mga tanong
1. Ano-ano ang pangunahing suliraning dapat lapatan ng agarang solusyon?

2. Ano-ano ang pangangailangan ng pamayanan o samahan na nais mong


gawan ng panukalang proyekto?
A. Pagsulat ng panimula ng
panukalang Proyekto
Mula sa mga sagot na makukuha sa mga nakatalang tanong ay makakakalap
ka ng mga ideyang magagamit sa pag-uumpisa ng pagsulat ng panukalang
proyekto. Ilang halimbawa nito ay ang sumusunod:

1.Paglaganap ng sakit na dengue

2. Kakulangan sa suplay ng tubig


A. Pagsulat ng panimula ng
panukalang Proyekto
Mula sa mga nabanggit na suliranin ay itala ang mga kailangan ng
Barangay
1.Paglaganap ng sakit na dengue

a.Pagtuturo sa mga mamamayan tungkol sa pangangalaga sa kalinisan ng


kapaligiran upang maiwasan ang paglaganap ng dengue

b. Pagsasagawa ng fumigation apat na beses sa isang taon


A. Pagsulat ng panimula ng
panukalang Proyekto
2. Kakulangan sa suplay ng tubig

a.Pagtuturo sa mga mamamayan sa wastong paggamit at pagtitipio ng tubig

b.Pagpapagawa ng poso para sa bawat purok ng barangay


A. Pagsulat ng panimula ng
panukalang Proyekto
Maraming suliranin ang maaaring makita sa isang pamayaman, kompanya o samahan.
Sa mga pamayanan, ito ay maaaring kakulangan sa maayos I mga ilaw sa kalsada,
kawalan ng basketball court para sa mga kabataan. kakulangan ng mga health center sa
mga makabagong gamit at gamot, at iba pa. Sa mga kompanya naman o sa mga
institusyon, maaaring ang mga suliranin ay kakulangan sa, conference room,
kakulangan sa maaayos na daloy ng komunikasyon sa bawat opisina, kakulangan ng
pondo para sa mga proyekto, at iba pa.
A. Pagsulat ng panimula ng
panukalang Proyekto
Mula rito ay maaari mo nang isulat ang panimula ng panukalang proyekto
kung saan ito ay naglalaman ng suliraning nararanasan ng pamayanan,
kompanya, o organisasyong pag-uukulan nito at kung paanong
makatutulong sa kanilang pangangailangan ang panukalang proyektong
iyong isasagawa. Tinatawag ang bahaging ito ng sulatin na Pagpapahayag
ng Suliranin.
Halimbawa
B. Pagsulat ng Katawan ng
panukalang Proyekto
Mula rito ay maaari mo nang isulat ang panimula ng panukalang proyekto
kung saan ito ay naglalaman ng suliraning nararanasan ng pamayanan,
kompanya, o organisasyong pag-uukulan nito at kung paanong
makatutulong sa kanilang pangangailangan ang panukalang proyektong
iyong isasagawa. Tinatawag ang bahaging ito ng sulatin na Pagpapahayag
ng Suliranin.
B. Pagsulat ng Katawan ng
panukalang Proyekto
1. Layunin: Sa bahaging layunin makikita ang mga bagay na gustong
makamit o ang pinaka-adhikain ng panukala. Kailangang maging tiyak
ang layunin ng proyekto. Kailangang isulat ito batay sa mga inaasahang
resulta ng panukalang proyekto at hindi batay sa kung paano makakamit
ang mga resultang ito. Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2008),
ang layunin ay kailangang maging SIMPLE
SIMPLE
SPECIFIC- nakasand ang bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang
proyekto
IMMEDIATE- nakasaad ang tiyak na petsä kung kailan ito matatapos

MEASURABLE-may basehan o patunay na naisakatutuparan ang nasabing proyekto

PRACTICAL- nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin


LOGICAL- nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto

EVALUABLE- masusukat kung paano makatutulong ang proyekto


B. Pagsulat ng Katawan ng
panukalang Proyekto
Balikan ang halimbawang nakasaad sa ginawang paglalahad ng suliranin
hinggil sa kalagayan ng Barangay Bacao. Dito, malinaw na nakasaad na
ang suliranin ng barangay ay ang pagbahang nararanasan tuwing panahon
ng tag-ulan, Kailangan ng barangay ng breakwater o pader na pipigil sa
pag-apaw ng tubig sa ilog. Mula rito ay maaaring makabuo ng layuning
tulad nito:
Mula sa nakatalang layunin, makikitang malinaw na naipahayag ang paraan
kung paano at kailan makakamit ang panukalang proyekto. Ito rin ay
nagbibigay ng dahilan kung bakit mahalagang maisakatuparan ito.
B. Pagsulat ng Katawan ng
panukalang Proyekto
2. Plano ng Dapat Gawin - Matapos naitala ang mga layunin ay maaari nang
busin ang talaan ng mga gawain o plan of action na naglalaman ng mga hakbang
na isasagawa upang malutas ang suliranin. Mahalagang maiplano tong mabuti
ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng pagsasagawa to kusunu ang mga taong
kakailanganin sa pagsasakatuparan ng mga gasis to rin ay dapat na maging
makatotohanan o realistic Kailangang konsiders rin ang budyet sa pagsasagawa
nito
B. Pagsulat ng Katawan ng
panukalang Proyekto
Mas makabubuti kung isasama sa talatakdaan ng gawain ang petsa kung kailan
matatapos ang bawat bahagi ng plano at kung ilang araw ito gagawin. Kung
hindi tiyak ang mismong araw na maaaring matapos ang mga ito ay maaaring
ilagay na lamang kahit ang linggo o buwan.Makatutulong kung gagamit ng
chart o kalendaryo para markahan ang pagsasagawa ng bawat gawain. Suriin
ang plano ng mga gawain sa pagpapatayo ng breakwater o pader para sa
Barangay Bacao.
B. Pagsulat ng Katawan ng
panukalang Proyekto
3. Badyet Isa sa pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto ay ang
wasto at tapat na paglalatag ng kakailanganing badyet para dito. Ang badyet ay ang
talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin. Mahalagang
ito ay mapag-aralang mabuti upang makatipid sa mga gugugulin. Maaaring
magsagawa ng bidding sa mga contractor na kadalasan ay may mga panukalang badyet
na para sa gagawing proyekto.
B. Pagsulat ng Katawan ng
panukalang Proyekto
Maaaring magkaroon ng tatlo o higit pang bidders na pagpipilian. Ibigay o
ipagkatiwala ang proyekto sa contractor na magbibigay ng pinakamababang halaga ng
badyet. Sa mga karagdagang kagamitan o materyales, mas makabubuti kung
maghahanap muna ng murang bilihan para makatipid din sa mga gastusin. Huwag ding
kaligtaang isama sa talaan ng badyet ang iba pang mga gastusin tulad ng suweldo ng
mga manggagawa, allowance para sa mga magbabantay sa pagsasagawa nito, at iba pa.
B. Pagsulat ng Katawan ng
panukalang Proyekto
a. Gawing simple at malinaw ang badyet upang madali itong maunawaan ng ahensiya o sangay ng
pamahalaan o institusyon na mag-aaproba atmagsasagawa nito

b. Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon nito upang madaling sumahin ang mga ito.

c. Isama sa iyong badyet maging ang huling sentimo. Ang mga ahensiya, sangay ng pamahalaan, o
maaaring kompanya na magtataguyod ng nasabing proyekto ay kadalasang nagsasagawa rin ng pag-aaral
para sa itataguyod nilang proposal

d. Siguraduhing wasto o tama ang ginawang pagkukuwenta ng mga gastusin. Iwasan ang mga bura o
erasure sapagkat ito ay nangangahulugan ng intergridad at karapat-dapat na pagtitiwala para sa iyo.
Balangkas ng Panukalang Proyekto
Maraming balangkas ng pagsulat ng panukalang proyekto ang maaaring gamitin depende sa may-
akda na naghahain nito. Sa ibang sanggunian, tulad halimbawa ng isinulat ni Besim Nebiu sa
kanyang akdang Developing Skills & NGO's Project Proposal Writing (2002), bahagi ng panukalang
proyekto ang Abstrak o executive summary ng panukala lalo na kung medyo may kahabaan ang
isinulat na papel. Ito ay makatutulong sa mga abalang opisyal na kailangang magbasa ng maraming
mga panukala kung kaya kadalasan ang executive summary na lamang ang kanilang binabasa. Sa
ibang pormat naman ay naglalagay rin ng mga kalakip o appendices. Ang mahahalagang sipi ng datos
o dokumento na kailangan sa panukala ay inilalagay na lamang sa mga kalakip sa dulo ng panukala
upang higit na maging sistematiko at organisado ang presentasyon ng panukala. Kadalasang
isinasama sa kalakip (appendix) ang mga liham na ginamit para sa pagpapahintulot o pagpapatibay
ng panukala, ang detalye ng badyet tulad ng pinanggalingan ng pondo o donor, at iba pa
Balangkas ng Panukalang Proyekto
Maaari mong idagdag ang mga bahaging ito kung sa tingin mo ay kinakailangan
itong gamitin. Ngunit para sa higit na payak na balangkas para sa pagsulat ng
panukalang proyekto ay maaaring gamitin ang sumusunod:

1. Pamagat ng Panukalang Proyekto - Kadalasan, ito ay hinango mismo sa


inilahad na pangangailangan bilang tugon sa suliranin.

2. Nagpadala - Naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.

3. Petsa - araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel. Isinasama rin sa
bahaging ito ang tinatayang panahon kung gaano katagal gagawin ang proyekto.
Balangkas ng Panukalang Proyekto
4. Pagpapahayag ng Suliranin - Dito nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat
maisagawa o maibigay ang pangangailangan

5. Layunin - Naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat


isagawa ang panukala.
6. Plano ng Dapat Gawin - Dito makikita ang talaan ng pagkakasunod-sunod ng
mga gawaing isasagawa para sa pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang
petsa at bilang ng araw na gagawin ang bawat isa.

7. Badyet - ang kalkulasyon ng mga guguling gagamitin sa pagpapagawa ng


proyekto.
Balangkas ng Panukalang Proyekto
8. Paano Mapakikinabangan ng Pamayanan/Samahan ang Panukalang Proyekto -
kadalasan, ito rin ang nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung saan nakasaad
dito ang mga taong makikinabang ng proyekto at benipisyong makukuha nila
mula rito
Bilang gabay sa pagsulat nito ay tunghayan ang kabuoan ng
mga halimbawa ng bawat bahagi ng panukalang inilahad sa
nagdaang talakayan.
salamat sa
Pakikinig

You might also like