You are on page 1of 2

MODULE 4 FILIPINO SA PILING LARANGAN

WORKSHEET NO. 6
Panuto: Magbasa ng halimbawa ng isang panukalang proyekto.

1. Subukang sumulat ng sariling nais gawan ng panukalang proyekto.

Panukala sa Pagtatalagang ng Comprehensive Guidance at Counselling Services sa


Paaralan

Suliranin: Maraming mag-aaral lalo na sa panahon ngayon, ang nangangailangan ng


mga tagapayo at mga taong susuporta sa kanila lalo na kapag ito’y may kinalaman na
sa kanilang mental na kalusugan. Karamihan ay nakararanas ng matinding pagkabalisa,
stress o di kaya nama’y depresyon.

Layunin: Nilalayon nitong matulungan at masuportahan ang mga mag-aaral sa


pagkakaroon ng maayos at malusog na kalagayan (mental at emosyonal) at upang
matiyak ang pagkakaroon ng academic growth sa bawat hakbang ng kanilang
paglilinang.

Pagsasagawa: Ito’y maisasagawa sa pamamagitan ng paghahanap ng isang


professionally qualified guidance counsellors upang mas maging epektibong maisagawa
ang layunin ng nasabing proyekto.

Pangangasiwa: Ang paaralan ang siyang magsisilbing tagapangasiwa ng programang ito


sa partikular na paaralan samantalang ang Kagawaran ng Edukasyon ang magsisilbing
tagapagpatupad.

Pondo o Badyet: Aabot ng di tinatayang P21,000 ang magiging pasahod sa bawat


counsellor. Samantalang ang serbisyong ihahatid naman nito sa mga mag-aaral ay libre.

2.Batay sa aralin ano ang iyong mga isinaalang-alang sa paggawa nito?

Mahalaga na maging makatotohanan ang panukalang proyekto dahil kung ang


panustos mo ay hindi umaayon sa kinakailangang salaping igugugol para sa proyekto ay
hindi ito maaaring payagan o sang-ayunan. Maaaring magdulot ito ng maling pag-iisip
para sa iba o maging sanhi pa ng pagkawala ng tiwala sa nagpanukala. Kung ang
ihahain mong panukala ay tumutugon sa mabuting kapakanan ng lahat, tiyak na
agaran itong sasang-ayunan. Kung maaari, tiyaking naisasaalang-alang ng panukalang
proyekto ang kabutihan ng lahat, hindi lamang pansarili o ng iilang tao. Hindi maligoy
at kagyat ang paglalahad ng mga detalye tiulad ng kahalagahan, katangian, at iba
pang mga datos para sa panukalang proyekto ang nilalaman ng ganitong uri ng sulatin.
Naisasagawa ito sa pamamagitan ng direktang pagdedetalye ng mga kinakailangang
bagay sa proyekto at direkta ring paliwanag sa proseso ng pagsasagawa ng proyekto.

Sa pagsulat ng panukalang proyekto, kailangang bigyang-pansin ang sumusunod


na mga tanong: Ano ang nais mong maging proyekto? Ano ang mga layunin mo sa
panukalang proyekto? Kailan at saan mo ito dapat isagawa? Paano mo ito isasagawa?
Gaano katagal mo itong gagawin? May sapat bang puhunan o kapital para sa proyekto?

Mahalagang matutuhan ng mag-aaral ang ganitong uri ng akademikong sulatin


upang malinang ang kasanayang mag-isip, magmungkahi, masusing magsiyasat, at
magpasiya o bumuo ng desisyon.

Habang isinasagawa ang pagsusuri, mahalagang isaisip ang mga sumusunod na


ang problema ay isang negatibong kalagayan, ang problemang nais bigyang solusyon ay
totoo at hindi kathang-isip lamang, at sa huli, ang problema ay hindi lang basta
kawalan ng ninanais na solusyon.

You might also like