You are on page 1of 1

MODULE 1 FILIPINO SA PILING LARANGAN

Panuto: Magsaliksik at Basahin ang mga sumusunod:


1. Ano ang kahalagahan ng Pagsulat? (3 mga eksperto)

Ang pagsusulat ay isa sa mga kasangkapang makatutulong upang malinang ang kaisipan ng
bawat tao na siyang nagiging daan upang mapa-unlad ang ating lipunan. Nakatutulong ito sa
paglinang ng lohikong pag-iisip at paglutas sa suliranin at bilang pang wakas, sa pamamagitan ng
pagsusulat ay maisasariwa at mapapakinabangan pa ng mga susunod na henerasyon ang
kasaysayan, at iba pang mahahalagang pangyayari sa ating bansa o sa lupang ating
kinanaroroonan.

2. Ano ang ibat-ibang larangan sa pagsulat?

Humanidades: isang larangan kung saan binibigyang tuon ang tao (kaisipan, kalagayan, at
kultura nito); hindi ang gagawin ng tao, kundi kung paano maging tao; nagbibigay ng kasanayan
sa masining na paggamit ng wika, karanasan sa pagtatasa ng opinyon ng ibang tao, at kakayahang
suriin ang mensahe ng akda.

Agham Panlipunan: larangang akademiko na pumapaksa sa tao-kalikasan, mga gawain at


pamumuhay nito, kasama ang mga implikasyon at bunga ng mga pagkilos nito bilang miyembro
ng lipunan.

Siyensya at Teknolohiya: ang siyensiya, natural science, ay ang larangang nagtutuon sa pag-
aaral ng mga penomenang likas sa mundo - sistematikong identipikasyon, obserbasyon,
deskripsyon, klaripikasyon, eksperimentasyon, imbestigasyon at teoretikal na paliwanag sa mga
penomenang ito na may layuning mabatid at magkaroon ng kaalaman tungkol dito samantalang
ang teknolohiya naman ay ang paglikha at paggamit ng iba't ibang pamamaraan o kaugnayan ng
buhay, kapaligiran, kalikasam at lipunan.

3. Paano nakakatulong ang pagsulat at pagbabasa sa iyong pang araw-araw na buhay?


Nagsisilbing komunikasyon sa kapwa ang pagsulat, nagkakaunawaan ang bawat isa, dahil dito
naihahayag ng manunulat ang kaniyang mga saloobin, kaisipan, at ideya na maaaring
makapagdulot sa mga mambabasa na mas maunawaan ang partikular na paksa at mas mapalawak
ang kanilang kaalaman. Sa pamamagitan naman ng pagbabasa, nahahasa ang iba’t ibang
kasanayan ng indibidwal na siyang nagagamit para sa lalong pagkatuto.

You might also like