You are on page 1of 1

MODULE 2 FILIPINO SA PILING LARANGAN

WORKSHEET NO. 3

Panuto: Sumulat ng isang maikling repleksyon mula sa gawain # 2.


Dugtungan: Naunawaan ko na ang akademikong sulatin... (10 pangungusap
lamang).

Naunawaan ko na ang akademikong sulatin ay mahalaga sa pangaraw-araw


nating pamumuhay. Ang akademikong pagsulat ay tinatawag ding “intelektwal
na pagsulat” sa kadahilanang, nililinang at pinapalawig nito ang kaalaman ng
isang tao sa partikular na larangan. Nagsisilbi itong gabay at batayan para sa
mga susunod pang pag-aaral. Ito ay nangangailangan ng mataas na antas ng
kasanayan upang maisagawa ng maayos at epektibo. Ang mga akademikong
sulatin ay nagbibigay-linaw sa mga ideyang maaari nang alam ng marami pero
mangangailangan ng dagdag na impormasyon at paliwanag. Ito ri’y
nagpapatunay ito sa mga nosyon, palagay, haka-haka at paniniwala. Ang layunin
naman nito’y makapagbigay ng mga makabuluhang impormasyon sa mga
manunulat at mambabasa. Ilan sa mga halimbawa ng mga akademikong sulatin
ang mga sumusunod: journal article, research paper, thesis, atbp.

You might also like