You are on page 1of 37

PA N G A S I N A N S TAT E U N I V E R S I T Y

K A M P U S N G B AYA M B A N G
D E PA R TA M E N T O N G M G A W I K A

FIL 2: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina


Lektura 1

1
LEKTURA 2

YUNIT 2: REBYU SA MGA BATAYANG


KAALAMAN SA PANANALIKSIK

2
Mga Layunin ng Lektura:

✓ naisasagawa at napauunlad ang mga batayang kaalaman sa pananaliksik;

✓ nakapagbabasa at nakakapagbuod ng impormasyon, estadistika, datos at


iba pa, mula sa mga babasahing nakasulat sa Filipino sa iba’t ibang larangan;

✓ nakakapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng


trasidyonal at modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.

✓ nalilinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinasring diskuro at


pananaliksik na nakaugat sa mga realidad ng lipunang Pilipino

3
Ano ang Pananaliksik?
Ayon kay Neuman (binanggit nina Evasco et
al., 2011) ang pananaliksik ay paraan ng
pagtuklas ng mga kasagutan sa mga
partikular na katanungan ng tao tungkol sa
kanyang lipunan o kapaligiran.
Patuloy na inuunawa ng tao ang mga
pangyayari at pagbabago sa kaniyang
kapaligiran. Kasabay ng pag-unawa,
tumutuklas ang tao ng iba't ibang paraan kung
paano mapabubuti ang kaniyang pamumuhay
sa pamamagitan ng iba't ibang imbensyon at
kaalaman.
4
LEKTURA 2

MGA KASANAYAN SA PANANALIKSIK


Ang pagsasagawa ng pananaliksik ay binubuo ng iba't ibang yugto at proseso.
Kinapapalooban ito ng iba't ibang kognitibong kasanayan tulad ng pagbasa at
pagsulat. Mahalaga ang paghahasa ng iba't ibang kasanayan upang
mapagtagumpayan ang pananaliksik.

5
LEKTURA 2

PAGPILI NG PAKSA NG PANANALIKSIK


Dakila na ang pananaliksik sa sarili nitong kahulugan at kabuluhan, ngunit
lalong mailalatag ang halaga ng pananaliksik kung isasaalang-alang ang
pangangailangan ng lipunang kinalulugaran nito.

6
LEKTURA 2

Mga Katangian ng Maka-Pilipinong Pananaliksik


Sa ganitong konteksto, malaki ang pangangailangang
paunlarin ang maka-Pilipinong pananaliksik na may mga
katangiang naiiba sa tradisyonal na pananaliksik mula sa
Kanluran. Inisa-isa ni Sicat De Laza (2016) ang sumusunod
na katangian ng maka-Pilipinong pananaliksik:

7
LEKTURA 2

Mga Katangian ng Maka-Pilipinong Pananaliksik


1. Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang
Filipino at/o mg katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa
mga paksang mas malapit sa puso at isip ng mga mamamayan.

2. Pangunahing isinasaalang alang sa maka-Pilipinong pananaliksik


ang pagpili ng paksang naaayon sa interes at kapaki pakinabang
sa sambayanang Pilipino.

3. Komunidad ang laboratoryo ng maka-Pilipinong pananaliksik.

8
LEKTURA 2

Batayang Kaalaman na dapat Isaalang-alang sa


Wastong Pamimili at Paglilimita ng Paksa

1. May sapat bang sanggunian na pagbabatayan ang napiling


paksa? Kapag bagong bago ang paksa na nais talakayin,
kadalasang hindi sapat ang nasusulat na mga naunang pag-
aaral at literaturang kaugnay nito.

9
LEKTURA 2

Batayang Kaalaman na dapat Isaalang-alang sa


Wastong Pamimili at Paglilimita ng Paksa

2. Paanong lilimitahan o paliliitin ang isang paksa na malawak


ang saklaw? Maaaring hatiin ang isang malaking paksa sa
maliliit na bahagi at pumili lamang ng isang aspekto nito na tiyak
na sasaklawin.

10
LEKTURA 2

Batayang Kaalaman na dapat Isaalang-alang sa


Wastong Pamimili at Paglilimita ng Paksa

3. Makapag-aambag ba ako ng sariling tuklas at bagong kaalaman sa


pipiliing paksa? Kahit na luma ang isang paksa, depende sa pagtingin
sa ibang anggulo ng mananaliksik, ay maaari itong makapagbigay ng
bagong tuklas na kaalaman.

11
LEKTURA 2

Batayang Kaalaman na dapat Isaalang-alang sa


Wastong Pamimili at Paglilimita ng Paksa

4. Gagamit ba ng sistematiko at siyentipikong paraan upang masagot


ang tanong? Madalas na ipinapalagay ng mga mag-aaral na ang
pananaliksik ay maaaring gawin lamang sa pamamagitan ng Google,
Yahoo, o iba pang search engines sa Internet. Tiyakin na ang tanong
ng pananaliksik ay hindi lang basta masasagot ng mga dati nang
pangkalahatang kaalaman o paliwanag na makukuha sa Internet o
nailathala na sa libro.

12
LEKTURA 2

PAGPILI NG BATIS NG IMPORMASYON


Ang akademikong pagsulat ay kinakailangang nakabatay sa malalim
at malawak na batis ng impormasyon.

13
LEKTURA 2

Ilang Gabay kung Paano Namimili ng Sanggunian


ang Isang Mananaliksik

1. Tiyaking ito ay akademikong sanggunian. Ang mga akademikong


sanggunian ay may mas mabigat na salalayan sapagkat isinulat ito sa
layuning magbigay-linaw sa iba't ibang miyembro ng akademikong
komunidad tulad ng mga mag-aaral, propesor, at mga iskolar hinggil
sa isang paksa.

14
LEKTURA 2

Ilang Gabay kung Paano Namimili ng Sanggunian


ang Isang Mananaliksik

2. Tukuyin ang uri ng sanggunian. Upang matukoy kung anong


sanggunian ang may katangiang akademiko, kailangang matukoy ang
uri nito. Ang mga artikulo sa journal, aklat, at edukasyonal na ulat ay
mga karaniwang uri ng akademikong sanggunian. Maaaring ito ay
nakalimbag o online.

15
LEKTURA 2

Ilang Gabay kung Paano Namimili ng Sanggunian


ang Isang Mananaliksik

2. Tukuyin ang uri ng sanggunian. Upang matukoy kung anong


sanggunian ang may katangiang akademiko, kailangang matukoy ang
uri nito. Ang mga artikulo sa journal, aklat, at edukasyonal na ulat ay
mga karaniwang uri ng akademikong sanggunian. Maaaring ito ay
nakalimbag o online.

16
LEKTURA 2

Ilang Gabay kung Paano Namimili ng Sanggunian


ang Isang Mananaliksik

3. Alamin kung ito ay primarya o sekondaryang sanggunian. Ang mga


primaryang sanggunian ay mahalaga sapagkat nagpapakita ito ng
mga direkta at orihinal na ebidensya. Ang halimbawa nito ay mga
tiyak na kagamitan sa sining, talumpati, bahagi ng mga akademikong
sulatin, kinalabasan ng eksperimento, mga legal at historikal na
dokumento.

17
LEKTURA 2

PAGBABASA, PAGSULAT NG
PARAPHRASE, ABSTRAK, AT REBYU
Ang kritikal na pagbabasa ay mahalagang kasanayan sa pananaliksik.
May iba't ibang kasanayan sa pagbasa na dapat paunlarin ng
mananaliksik: pagsulat ng parapreys, abstrak, at rebyu.

18
LEKTURA 2

Mga Kasanayan sa Kritikal na Pagbasa

Ang paraphrase ay tumutukoy sa muling pagpapahayag ng ideya ng


may-akda sa ibang pamamaraan at pananalita upang padaliin at
palinawin ito para sa mambabasa. Mahalaga ang paraphrase sa
pananaliksik upang tukuyin ang pinagmulan ng isang ideya o kaisipan
at ipahayag ito sa pamamaraan na makatutulong sa pananaliksik.

19
LEKTURA 2

Halimbawa ng Paraphrase

Ayon kay Bienvenido Lumbera (2000), Pambansang Alagad ng Sining


sa Panitikan, mahalaga ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa
na magiging daluyan ng mga aspirasyon at pagpapahalaga ng mga
karaniwang mamamayan. Ito ay dahil mas katanggap-tanggap ang
paggamit ng wikang Ingles sa iba't ibang sangay ng pamahalaan at
paaralan, na wikang hindi nauunawaan ng mamamayan.

20
LEKTURA 2

Ang paraphrase na ito ay nagmula sa sumusunod na sipi:

Ang usapin ng wikang pambansa ay usaping kinasasangkutan ng


buhay ng milyon-milyong Pilipino na hindi nakapagsasatinig ng
kanilang adhikain at pananaw sa kadahilanang ang nasa
pamahalaan, paaralan at iba't ibang institusyong panlipunan ay
sa Ingles nagpapanukala at nagpapaliwanag (p. 130).

21
LEKTURA 2

Mga Kasanayan sa Kritikal na Pagbasa

Ang abstrak naman ay isang buod ng pananaliksik, tesis, o kaya ay


tala ng isang komperensiya o anumang pag-aaral sa isang tiyak na
disiplina o larangan. Ang abstrak ay nakatutulong upang mabilis na
makita ng isang mambabasa ang kabuuang latag ng pananaliksik,
kabilang ang mga layunin at kinalabasan nito. Sa ilang publikasyon,
tinatawag din itong presi o sinopsis.

22
LEKTURA 2

Abstrak

Ang papel na ito ay pagtatangkang magbuo ng makabuluhang


adyenda sa pananaliksik sa Araling Pilipinas, sa pamamagitan ng
panimulang rebyu ng literatura at pananaliksik sa loob at labas ng bansa.
Pokus ng papel na ito ang mga usaping makabuluhan sa konteksto ng
Pilipinas sa siglo 21. Multidisiplinari ang dulog at saklaw ng papel kaya't
ang mga iminumungkahing paksa sa pananaliksik ay tumatawid sa mga
disiplinang gaya ng agham pampolitika, teknolohiya, medisina,
inhenyeriya, araling pangkalikasan, araling pangkultura, ekonomiks at iba
pa. Sa pangkalahatan, ambag ito sa intelektwalisasyon ng Filipino bilang
wika ng pananaliksik sa iba't ibang larangan.

23
MGA HALIMBAWANG ABSTRAK

24
LEKTURA 2

Mga Kasanayan sa Kritikal na Pagbasa

Ang rebyu naman ay isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang


layunin ay isang aklat batay sa nilalaman, estilo, at anyo ng
pagkakasulat nito. Naglalaman din ang rebyu ng pagtataya o
ebalwasyon ng akda batay sa personal na pananaw ng mambabasa
na nagbibigay ng rebyu.

25
LEKTURA 2

PRESENTASYON AT
PUBLIKASYON NG PANANALIKSIK
Hindi sa mismong pagsulat nagtatapos ang proseso ng pananaliksik.
Kasinghalaga ng pagbuo ng pananaliksik ang pagbabahagi nito sa
pamamagitan ng paglalathala o presentasyon. Hindi kompleto ang
proseso ng pananaliksik kung wala ito.

26
LEKTURA 2

Ang pagbabahagi ng pananaliksik ay may dakilang layunin na


pataasin ang antas ng kaalaman at kamalayan ng mga taong pinag-
uukulan ng pananaliksik. Mahalaga ang publikasyon at presentasyon
ng pananaliksik upang ibalik sa mga mamamayan ang sistematikong
kaalaman na nakuha mula sa kanila.

27
LEKTURA 2

Ayon kay Neal-Barnett (sabanggit ni Hewlett, 2002), ang


susi sa tagumpay ng pagkalathala ng isang pananaliksik ay
pagkakaroon ng dakilang bisyon o layunin ng mananaliksik kung
bakit siya nagsusulat at nananaliksik.

28
LEKTURA 2

May mas mabigat at dakilang tunguhin ang publikasyon ng


pananaliksik na kailangang panghawakan ng isang mananaliksik
upang makamit ang mga misyon kung bakit siya nananaliksik.
Lagpas pa sa mga praktikal na kapakinabangan mula sa
paglalathala ng pananaliksik, mas mahalagang laging balikan ang
mga makatao at makalipunang tunguhin nito.

29
LEKTURA 2

AKADEMIKONG PUBLIKASYON
Ang akademikong publikasyon ay tumutukoy sa paglalathala ng buod
ng pananaliksik, pinaikling bersiyon, o isang bahagi nito sa pahayagan
o pamahayagang pangkampus, conference proceeding, monograph,
aklat, o sa mga refereed research journal.

30
LEKTURA 2

PEER REVIEW

Ang peer review ay isang proseso kung saan ang


manuskrito o artikulo ay dumaraan sa screening
o serye ng ebalwasyon bago mailimbag sa mga
journal.

31
• Tinatayang may 80,000 hanggang 100,000
journal sa buong mundo.

• Ilan sa mga pinakakilala at may pinakamalaking


bilang ng journal ay ang Institute for Scientific
Information (ISI) na may tinatayang higit 12,000 na
journal at Scopus na may higit 16,500 journal.

• Ang ilan pang kilalang citation index sa buong


mundo ay ang Science Citation Index (SCI), Social
Sciences Citation Index (SSCI), at Arts and
Humanities Citation Index (AHCI) at Thomson
Reuters.

32
LEKTURA 2

Sa Pilipinas, papaunlad pa lamang ang mga peer-reviewed


journals na kadalasan ay matatagpuan sa iba't ibang akademikong
institusyon. Ayon kay Emerlinda Roman (2007), dating presidente
ng Unibersidad ng Pilipinas, relatibong mahina pa ang produksiyon
ng mga refereed research journal sa mga lokal na unibersidad sa
Pilipinas dahil sa kakulangan sa institusyonal na pamumuhunan sa
mga kagamitan, laboratoryo, at iba pang uri ng suporta sa mataas
na antas ng pananaliksik.

33
Pigura 2.1. Proseso ng Paglalathala ng Journal
34
LEKTURA 2

PRESENTASYON NG PANANALIKSIK
Isa sa mga mahalagang linangin sa loob at labas ng akademya
ang maunlad na pagpapalitan ng kaalaman sa pamamagitan ng
mga pampublikong gawain tulad ng panayam, forum,
kumperensiya, at iba pa.

35
LEKTURA 2

Sa pamamagitan din nito, naisasapraktika ang


“pampublikong ispero" (public sphere) na ideya ni Jürgen
Habermas (1989), isang Alemang sosyolohista at pilosopo. Aniya,
mahalagang likhain ang pampublikong ispero sa loob ng mga
edukasyonal na institusyon upang ipalaganap ang
demokratikong proseso ng pagkonsulta sa mga miyembro ng
akademya sa iba't ibang isyu at larangan ng kaalaman.

36
Filipino Bilang Wika ng Bayan at/ng Pananaliksik

37

You might also like