You are on page 1of 10

CONFIL 1

(Filipino sa
Larangang
Akademiko)

Modyul 2-A
Unang Linggo:
Mga Karaniwang
Sulating Akademiko
Revisyon 2021

Pangalan:________________________
Taon at Baitang: __________________
Tagapayo:________________________

Prof. Virgilio F. Manalang, PhD.


Dalubguro sa Filipino
INTEGRATED BASIC EDUCATION
GRADESCHOOL DEPARTMENT
PAASCU LEVEL III RE-ACCREDITED STATUS
Socially Responsible Leaders Making a Difference

CONFIL 1

MGA KARANIWANG SULATING AKADEMIKO

TALAAN NG NILALAMAN

YUNIT 2: MGA KARANIWANG SULATING AKADEMIKO

Aralin 3: PAGSULAT NG ABSTRAK

A. Kahulugan at Kalikasan ng Abstrak

B. Mga Uri at Nilalaman ng Abstrak

 BAHAGI NG MODYUL

A. LAYUNING PAMPAGKATUTO ( Learning Objectives)

B. ARALINANGAN ( Learning Inputs)

C. ISIPNAYAN ( Learning Seat Evidences)/ Sprout of Ideas

D. PERFORMANCE TASK : ACQUIRED LEARNING CONCEPTS OUTPUT


(ALCO) :

1
INTEGRATED BASIC EDUCATION
GRADESCHOOL DEPARTMENT
PAASCU LEVEL III RE-ACCREDITED STATUS
Socially Responsible Leaders Making a Difference

Batayan,
Nakapagappahayag ng kalikasan
isang mahusay na pamamat kahulugan ng pagsulat
Aralin 1
Layunin at pagpapahalagang pahina

PANGUNAHING NAISING PAGHUBOG:

 PAGBABAHAGI:
 Nakasisipi ng mga halimbawa ng abstrak na panulat ng iba’t ibang pag-aaral at
pananaliksik/ pahayag o tesis.
 Nakababasa ng iba’t ibang abstrak ng tesis o disetasyon bilang halimbawa sa pasusuri nito

Pamantayang Nilalaman: Ang mag-aaral ay…

 Naipaliliwanag ang kahulugan ng abstrak sa hanay ng pagsulat.


 Nakagaganap ng tungkulin ng pagsulat at pagpapahayag tungkol sa natatanginag paksa.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay…

 Nakasusulat nang ganap ng isang abstrak kaugnay sa mga nakapap na datos.


 Nakababasa ng iba’t ibang panulat-abstrak ng tesis o pahayag sa larangan ng pag-aaral at
pananaliksik.

Sa pagtatapos/ katapusan ng aralin, ang mga bata ay inaasahang:

A. Matatalakay ng kahulugan at katangian tungkol sa pagsulat.


B. Mapahalagahan ang pagsulat ng abstrak mula sa iba’t ibang pag-aaral at pananaliksik.

1. Aralinangan (Learning inputs)

2
INTEGRATED BASIC EDUCATION
GRADESCHOOL DEPARTMENT
PAASCU LEVEL III RE-ACCREDITED STATUS
Socially Responsible Leaders Making a Difference

ALAMIN MO

ABSTRAK. Inilalagay ang abstrak sa unahang bahagi ng manuskrito na nagsisilbing


panimulang bahagi ng ano mang akademikong papel. Ginagawa itong lagusan ng isang papel
sa isang copyright, patent o trademark application, gumagait din ng abstrak ang
akademikong papel upang mapadaling maipaunawa ang isang malalim at kompleks na
pananaliksik maari itong tumindig bilang isang hiwalay na teksto o kapalit ng isang buon
gpapel. (Bernales et al. (2017)

A. MGA URI AT NILALAMAN NG ABSTRAK

Narito ang mgs impormatibong abstrak na sumusunod:

1. Motibasyon. Sinasagot nito ang tanong kung bakit pinag-aralan ng isang


mananaliksik ang paksa. Sa maikli at mabilis na paraan, kailangang
maipakita sa bahaging ito ang kabuluhan at kahalagahan ng pananaliksik
.
2. Suliranin. Kailangang masagot ng abstrak kung ano ang sentral na
suliranin o tanong ng pananalaiksik.
3. Pagdulog at Pamamaraan. Ilalahad nang isang mahusay na abstrak
kung paano kakalapin o kinalap ang datos ng pananaliksik at kung saan
nagmula ang mga impormasyon at datos. Ibig sabihin mgbgibigay ito
nang maikling paliwanag sa metoolohiya ng pag-aaral.
4. Resulta. Ipakikita ng abstrak kung ano ang kinalabasan ng pag-aaral sa
pamamagitan ng paglalahad ng gma natuklasan ng mananalaoiksik.
5. Kongklusyon. Sasagutin din kung Amo ang mga implikasyon na
pananaliksik batay sa mga natukasalan.
Ang deskriptibong abstrak ay mas maikli (kadalasang nasa 100
salita lamang) kaysa sa imporamatibong abstrak na naglalaman nang
malapit sa 200 salita). Naglalaman lamng ito ng suliranin at layunin ng
pananaliksik, metodolohiyang ginamit at saklaw ng pananaliksik ngunit
hindi tinatalakay ang resulta, kongklusyon at mga naging rekomendasyon
ng pag-aaral. Sapagkat hindi buo ang impormasyong ibinibigay tungkol sa

3
INTEGRATED BASIC EDUCATION
GRADESCHOOL DEPARTMENT
PAASCU LEVEL III RE-ACCREDITED STATUS
Socially Responsible Leaders Making a Difference

pananaliksik, mas lalong kailangang basahing ang buong artikulo.

B. KALIKASAN AT BAHAGI NG ABSTRAK

1. DESKRIPTIBONG ABSTRAK:

 Inilarawan nito sa mga m,ambabsa ang mgs pangunahing ideya ng


papel
 Nakapaloob dito ang kaligiran, layunin, tuon ng papel o artikulo.
 Kung ito ay papel-pananaliksik, hindi na isasama ang pamamaraang
ginamit, kinalabasan ng pag-aaral, ay kongkulsyon.

 Mas karaniwan itong ginagamit sa mga papel sa humanidades ar


agham panlipunan, at sa mga sanaysay sa sikolohiya.

2. IMPORAMTIBONG ABSTRAK

 Ipinapahayag nito sa mambabasa ang mahahalagang ideya ng


papel.pel.
 Binubuod dito ang kaligiran, layunin, tuon, metodolohiya, resulta,
konkulsyong ng papel.
 Maikli ito, karaniwang 10% ng haba ng buong peel at isang talta
lamang.
 Mas karaniwan itong giangmit sa larangan ng agham at inhinyera o
sa ulat ng mgs pag-aaral ng sikolohiya.

ISIPNAYAN! LEARNING SHEETS


EVIDENCE

Basahin ang kasunoid na halimbawang abstrak ni Virgilio F. Manalang na “:


Ang Mga Pagpapahalagang Filipino sa “Ilaw sa Hilaga “ ni Lazaro Francisco ( 2001)

4
INTEGRATED BASIC EDUCATION
GRADESCHOOL DEPARTMENT
PAASCU LEVEL III RE-ACCREDITED STATUS
Socially Responsible Leaders Making a Difference

ABSTRAK NG TESIS

Patuloy sa paghahabi ng kasaysayan ng Panitikang Pilipino, naglililok ng mga


kaisipang makapagbibigay larawan sa kaisipan ng mga mambabasa sa
pamamagitan ng walang humpay na pagsulat ng mga nobela. Ang nobela ay may
sariling kalinangang makapagpapayabong ng kamalayan, kaisipan, karansan,
saloobin, katangian at higit sa lahat,ng pagpapahalagang Pilipino. Dahil ito ay
gumaganyak at nagtatakda ng pagkilos ng tao at nagpakita ng konsensyang
panlipunan; sa pamamagitan nit ay makikilala at matutukoy din ang natatagong
katotohanang umiiral sa lipunan, pulitika, kultura at kabuhayang nagtataguyod ng
iba’t ibang pagpapahalagang Pilipino hanggang sa kasalukuyan. Ang pag-aaral na
ito ay isinagawa lamang sa pamamagitan ng isang makatwiran, masinop at walang
killing nap pag-aaral at pagsusuri. Sa pagsusuring ito ay tahasang masusumpungan
ang mga katotohanang pumapaksa sa sosyo-kultural, pulitikal, pamumuhay,
damdaamin, asal, kilos o reaksyon ng tao. Ang pagsusuri at pag-aaral ng nobelang
“Ilaw sa Hilaga” nI Lazaro Francisco ay magiging tuntungan upang makapagdulot ng
isang malaking ambag sa patuloy na pagsulong at ikatatagumpay ng panitikang
Pilipino.

Sinagot ng mananaliksik ang mga katanungan na sumsusunod: (1) Anu-ano


ang mga pagpapahalaga ng mga Pilipino ang inilarawan sa nobela? Paano
inilarawan ng mga tauhan sa nobela ang mga pagpapahalagang ito ng mga
Pilipino? (2) Anu-ano ang mga naging bunga ng mga pagpapahalaga sa buhay ng
mga tauhan ng nobela? (3) Anu-anong mga katangian ang nahalaw sa pagsusuring
ginawa na maaring kapulutan ng aral ng mga mambabasa?

Ang palarawang pagsusuri ng nobelang “Ilaw sa Hilaga” ang ginamit ng


mananaliksik upang makuha ang datos na kinakailangang niya sa pag-aaral. Batay
sa sa ginawang pag-aaral, nabuo ang mga konklusyon na sumusunod: (1) Ang
nobelang “Ilaw sa Hilga ay naging daan upang mailantad ng iba’t ibang
pagpapahalaga at saloobin ng mga Pilipino na umugit sa kalinangan at kasaysayan
ng mga Pilipino bilang tao at bansa. (2) Ang mga sumsusunod na pagpapahalgang
Pilipino ay nailarawan ng mga tauhan batay sa kanilang mga karansan sa
pamamagitan ng mga layunin at hangarin, mga paniniwala at matibay na pananlig,
at mga pamantayan at simulain. Ang mga sumsusunod na tagubulin ng
mananaliksik ay katulad ng ; patuloy na tangkilikin at pahalagahan ang mga
batikang na Pilipino na nagbibigay disenyo at kulay sa ,mga pagpapahalagang
Pilipino;
Gayundin sa kanilang mga isinulat na nakapupukaw ng damdamin,
nagbibigay –aliw at umaakay sa magandang pananaw, adhikain, lunggati at
inspirasyon at pukawin ang damdamin ng mag-aaral ng panitikang Pilipino hinggil sa
kahalagahan ng isang pagsusuri ng akdang pampanitikan tulad ng pag-aaral na ito.

Kaisipan-Kasanayan Blg.1

5
INTEGRATED BASIC EDUCATION
GRADESCHOOL DEPARTMENT
PAASCU LEVEL III RE-ACCREDITED STATUS
Socially Responsible Leaders Making a Difference

Panuto: Pagkatapos basahin ang abstrak, sagutin ang mga katanungan na sumsusnod:

1. Ano ang paksa ng pananaliksik?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Bakit pinag-aralan ng mananaliksik ang paksa?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Ano-ano ang suliranin ng pananaliksik?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Paano kumalap ng datos ang mananaliksik?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Ano ang implikasyon ng pananaliksik?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2.ACQUIRED LEARNING CONCEPTS OUTPUT (ALCO).

TUKLASALIKSIK : (pagTUKLAS AT pananaliksik)

Pangalan: _______________________________________________________Nakuha: ________________


Baitang at Pangkat : _______________________________________________ Petsa: _________________

Panuto:
Sumipi (maaring sa internet) ng isang halimbawa ng desriptibong abstrak . Basahin
muli ang artikulo at gumawa ng isang impormatibong abstrak na pagsusuri.Tiyaking isaalang-
alang ang mga gabay sa pagbuo at nilalaman ng isang impormasyong abstrak niyon. Isulat
din sa mga kasunod na patlang ang burador ng abstrak.Isulat din pamagat ng pananaliksik at
ang pangalan ng mananalaiksik.
6
INTEGRATED BASIC EDUCATION
GRADESCHOOL DEPARTMENT
PAASCU LEVEL III RE-ACCREDITED STATUS
Socially Responsible Leaders Making a Difference

Narito ang hakbang sa pagsulat ng Abstrak


1. Basahing muli ang buong papel. Habang nagbabasa, isaaalang-alang ang gagawing
abstrak. Hanapin ang mga bahaging ito: layunin, pamamaraan, sakop, resulta,
kongklusyon, rekomendasyon, o iba pang bahaging kailangan sa uri ng abstrak na
isusulat.
2. Isulat ang unang draft ng papel. Huwag kopyahin ang mga pangungusap. Ilahad ang mga
impormasyon gamit ang sariling salita.
3. Irebisa ang unang draft ng papel upang maiwasto ang anumang kahinaan sa
organisasyon at ugnayan ng mga salita o pangungusap, tanggalin ang mga hindi na
kailangang impormasyon magdagdag ng mahahalagang impormasyon, tiyakin ang
ekonomiya ng salita, at iwasto ang mga maling gramar at mekaniks.
4. I –proofread ang pinal na kopya. (DIWA Learning Systems INC. (2016)

.
Narito ang pamantayan para sa iyong itinakdang gawain.

Organisasyon- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 5 puntos
Lohikal na pagsulat- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 5 puntos
Pagsipi ng sors at sitasyon - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 10 puntos
Pagsuno d sa pamantyan ------------------- 10 puntos
Kabuuan - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- 30 puntos

Lagda ng Tagapatnubay (Magulang/kasambahay):

_____________________________________

Buong Pangalan at Lagda

Petsa: __________________________
# CP____________________________

Masayang Buhay!
Sa matapat at matagumpay mong pagtatapos ng iyong gawain.
Pagbutihing muli sa mga susunod na gawain.
Pagpalain ka ng Amang Lumikha at ingat ka palagi

Tulong – paMpagka tuto


7
INTEGRATED BASIC EDUCATION
GRADESCHOOL DEPARTMENT
PAASCU LEVEL III RE-ACCREDITED STATUS
Socially Responsible Leaders Making a Difference

Bernales et al. (2017)Filipino sa Larangang Akademiko. Malabon City:Mutya Publishing Hopuse


https://www.jw.org/tl/turo-ng-bibliya/mga-tanong/euthanasia/)
http://www.vsm.sk.
(mula sa sa aklat ni Bernales, (2017) http://www.vsm.sk.

PAGSULAT SA Filipino sa Piling Larangan: Akademik Modyul ( 2016) DIWA Senior High School Series. UPFA University
Press

8
INTEGRATED BASIC EDUCATION
GRADESCHOOL DEPARTMENT
PAASCU LEVEL III RE-ACCREDITED STATUS
Socially Responsible Leaders Making a Difference

You might also like