You are on page 1of 43

1

FILIPINO SA PILING
LARANG - AKADEMIK
MODYUL 2
1
A
Bu rali
od n 1
at P a
Si g k
nt ila
es
is la s
a A
bs
tr
ak

2
,
A
ra
lin
2
BI
O
N
O
TE
Mga Nilalaman:

A
PR rali
O n3
Y
EK PA
TO NU
K
A
LA
N
G
2
Kasanayang 3

Pampagkatuto
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin
batay sa layunin, gamit, katangian, at anyo.
   
Layunin:
 Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin
batay sa layunin, gamit, katangian at anyo.
 Naibibigay ang mga layunin, gamit, katangian at
anyo ng iba’t ibang akademikong sulatin.
 Naisasabuhay ang kahalagahan ng
akademikong sulatin sa pang-araw-araw na
buhay
1. PAGKILALA SA ABSTRAK,
BUOD AT SINTESIS
Pamilyar ba kayo sa mga
5

kulturang popular sa ibaba?


6

Instructions
WORDfor use
PUZZLE
Subukang ayusin ang pangkat ng mga salita sa isang pangungusap upang malama
ang kahulugan ng ABSTRAK
ang deskripsyon abstrak pahayag ay
ng halaw isang o
sulatin pinaikling

Sa mga pampanitikan ito ay bahagi ng


buo at sulatin, sulating maaaring
isang mahabang

Sa mga tulad ng tesis o, ng kabuuan


disertasyon ng buong aklat
sulatin naglalaman ito

Ito ay ng buod, at ang kongklusyon


ng nang hindi sa 200 salita naglalaman
resulta, pananaliksik lalagpas
7

Instructions
WORDfor use
PUZZLE
Subukang ayusin ang pangkat ng mga salita sa isang pangungusap upang malama
ang kahulugan ng ABSTRAK

ang abstrak o halaw ay pinaikling deskripsyon ng isang pahayag o sulatin

Sa mga sulating pampanitikan maaaring ito ay bahagi ng isang buo at mahabang


sulatin

Sa mga sulatin tulad ng tesis o disertasyon, naglalaman ito ng kabuuan ng buong


aklat

Ito rin ay naglalaman ng buod ng iyong pananaliksik, resulta ng pananaliksik at


ang konklusyon ng pananaliksik nang hindi lalagpas sa 200 salita.
8

Instructions for use


ABSTRAK

✘Ang Abstrak ay buod ng nilalaman


ng isang saliksik o sulatin. 
nababatay ang pagsulat nito ayon sa pagkakasunod-
sunod ng saliksik.

Naisusulat ito sa ikatlong panauhan at nababatay sa


katotohanan at hindi opinyon lamang ng may akda
tungkol sa pananaliksik
9

 karaniwang hindi lalagpas ng isang pahina at


umaabot lamang 200-250 salita na nakadoble –
espasyo ang pagsulat.

 Higit na lumilinaw ang pagbabasa kapag may


abstrak. Hindi ito nararapat puno ng mga salita
mahihirap unawain.

 Layunin nitong maipakita sa mga ibang


mananaliksik ang resulta ng ginawa niyang pag-
aaral at maging batayan ng susunod pang pag-
aaral.
10

Maaaring gamitin ang format na IMRD


(Introduction, Methods, Result at
Discussion) sa pagkakasulat.

Ang abstrak ay maikli, madiwa,


makatotohanan ang mga datos at
madaling unawain ang pagsulat.
 
11

Paano
naman naiiba
ang abstrak
sa sintesis at
buod?
12
13

Ang Sintesis at Buod ay


magkatulad lamang ng gamit.
 
Ang pagsulat ng buod at sintesis ay
pareho lang ng format ,ito ay
sinusulat ng patalata at maikli
lamang.
 
14

Magkaiba ang buod at sintesis sa


usapin ng mga ideyang nilalagom.
 
 Layunin ng sintesis maipakita ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga kaisipan at kung paano ito
makapagpapalawak sa kanyang ginagawang pag-
aaral.

 Layunin ng buod na ilahad ang kanyang pag-unawa sa


binasang akda. Naipahahayag nito ang mapanuri
niyang pag-iisip sa kanyang ginagawang pag-aaral.
 
15

BUOD SINTESIS
 naglalagom ng isang akda may  sa teknikal na kahulugan ng sintesis,
pinupuntong isang ideya. tinatangka nitong tasahin ang iba’t
ibang ideya mula sa iba-ibang batis
ng kaalaman at binibigyan ng
 Sa buod may kahilingan ang guro na integrasyon ang mga magkakaibang
magsulat ng sariling opinyon. Saka ideya.
lamang ito isasagawa. Kung walang  Sa layon ng pagsulat ng sintesis
kahilingan, isulat lamang ang pinaka- nakatuon ito sa pagtatasa ng iba’t
ideya o lagom na walang ibinibigay ibang punto, paghahanap ng
na opinyon. pagkakatulad at pagkakaibaat
pagbibigay ng sintesis ukol sa
nabasang akda
 May sariling opinyon makikita sa
sintesis,

 
2. BIONOTE
Kasanayang 17

Pampagkatuto
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin
batay sa layunin, gamit, katangian, at anyo.
   
Layunin:

1. Nakikilala ang mga akademikong sulatin ayon sa


layunin, gamit, katangian at anyo (Bionote).
2. Naisasabuhay ang kahalagahan ng pagkilala sa mga
ito (Bionote )
 
18

TUKLASIN NATIN
Nabibilang ka sa henerasyon ng makabagong teknolohiya, naglipana ang mga cellphones,
cameras, computers, laptops at kung ano-ano pang-gadgets. Natitiyak kong nakaranas ka
na rin magselfie at groupie.
Lagyan ng masayang mukha kung pumapabor ka sa nakatalang pangungusap at malungkot
na ngiti kung taliwas
“Looking Beyond Myself”  
1. Masaya ka habang nagseselfie o  
groupie.
2. Binubura mo ang mga larawang  
hindi maganda ang kuha mo.
3. Pinopost mo sa facebook o  
Instagram ang iyong larawan.
4. Inaabangan mo kung sino maglalike  
ng larawan mo.
5. Masayang-masaya ka kasi  
maraming naglike sa larawan mo.
19

Kung maraming masayang mukha ang


iyong iginuhit. Nangangahulugan na
natutuwa ka sa nakikita sa iyo ng kapwa
mo. Subalit masasabing hindi ganap ang
pagkakilala mo sa iyong sarili at ng iyong
kapwa sa iyo.
 
20
Mahalagang kasanayan ang pagsulat 21

ng mga tala sa may-akda o


 
bionote
Ito ay pinaikling buod ng mga tagumpay,
kakayahan, edukasyong natamo,mga pagsasanay
na taglay ng isang akda
Karaniwan itong nakasulat sa ikatlong
panauhan.
 
Naglalahad ng academic career na madalas
makikita sa journal, aklat, abstrak,
website
22
23

BIO o buhay

Mula sa salitang Greek na


“Bios” (buhay)
Na may kaugnayan sa salitang
Latin na “Vivus” (buhay)
At sa salitang Sanskrit na
“Jivas” (buhay)
Bionote
24

Kadalasan ito ay hinihiling sa mga sumusunod na mga pagkakataon:


Pagpapasa ng artikulo o pananaliksik sa dyornal o antolohiya
pagpapasa ng mga aplikasyon sa palihan o workshop
Pagpapakilala sa sarili sa website o blog
Panimulang pagpapakilala ng aplikante sa isang posisyon o
scholarship
Tala ng emcee upang ipakilala bilang speaker
Pagpapakilala ng may akda, editor o iskolar sa ilalathala sa huling
bahagi ng kanilang akda o anomang publikasyon
maikling impormasyon bilang gabay sa mga mananaliksik
 
25
26

MGA DAPAT LAMANIN NG BIONOTE

 Personal na impormasyon
(pinagmulan, edad, buhay kabataan
– kasalukuyan)
 Kaligirang pang-edukasyon
(paaralan, digri, at karangalan)
 Ambag sa larangang kinabibilangan
(kontribusyon at adbokasiya)
N
27

A A
D
N  Dahil ang tala sa may akda ay buod piliin lamang ang mga mahahalagang bahagi sa
TA
kanyang biodata.(hindi ito pagbubuhat ng sariling bangko ng may-akda)
 Kailangan siksik, at malaman sa impormasyon ang bionote.
 Piliin lamang mga tala may kaugnayan sa paggagamitan ng kanyang pagsulat o
publikasyon
 Nagsisimula ang bionote sa pangalan ng taong tinutukoy nito.
 May dalawang uri ang bionote ayon sa hinihingi ng pagkakataon---- ang maikli ngunit siksik
at ang mahaba na maihahalintulad sa isang entri ng ensiklopedya.
 Mahalaga ito upang ipakilala ang kakayahan ng sarili bilang akda o mananaliksik.
 Iwasan ang paglagay ng mali o pagsisinungaling sa bionote lalo na ang edukasyong
natamo.
 kailangan paunlarin ang sarili upang magkaroon ng laman at ningning ang bionote.
 Siguraduhin madadagdagan ng mga impormasyon ang iyong bionote sa susunod na
panahon.
 maaari ring idagdag ang email address ng may-akda.

 
28
3. Panukalang
Proyekto
Kasanayang 30

Pampagkatuto
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin
batay sa layunin, gamit, katangian, at anyo.
   
Layunin:

1.Nakikilala ang mga akademikong sulatin ayon sa layunin,


gamit, katangian at anyo ( Panukalang Proyekto).
2. Naisasabuhay ang kahalagahan ng pagkilala sa mga ito
(Panukalang Proyekto)
 
31

Saloobin
Payo
Palagay Mungkahi
Alok
Pagpaplano
PANUKALA Suhestiyon
Kaalaman

Opinyon Pagbabalak
32

PANUKALANG PROYEKTO

- ito ay inihahanda upang mabigyan ang guro ng


pagkakataong masukat at masuri ang halaga at
pakinabang ng inihandang proyekto ng isang
mag-aaral o grupo ng mag-aaral.
33

PANUKALANG PROYEKTO
-isang proyekto na iminumungkahing isagawa dahil
nakikitang kinakailangan ng pagkakataon.

-hindi ito gawaing basta-basta sapagkat nangangaila-


ngan ito ng ibayong pagpaplano at pananaliksik dahil
dapat na mapatunayan nito ang kahalagahan ng
pagsasagawa ng proyekto
34

MAHALAGANG…..
✘ Gawing makatotohanan at makatuwiran ang panukalang
proyekto at itanghal ang mga pakinabang nito.
✘ Kadalasan ang proyekto ay may kaugnayan sa kanilang
interes, pangangailangan at larang. Ito ay maaaring
isang pananaliksik, mga proyekto makabubuti sa isang
paaralan,o komunidad, isang exhibit o ano pa man.
✘ Binabagtas sa panukalang proyekto ang proseso ng
pag-aaral mula simula hanggang katapusan.
✘ Sa proseso ng pag-aaral , natitiyak ng mga mag-aaral
ang nais niyang saliksikin, ang ambag nito sa pag-aaral
at ang inaasahang resulta.
mga bahagi ang Panukalang Proyekto 35

(Paggawa ng isang Risert)


 
 Tentatibong pamagat
 Mga layunin ng Pag-aaral
 Halaga ng pag-aaral
 Suliraning tutugunan
 Mga rebyu ng kaugnay na literatura at pag-aaral
 Balangkas ng pag-aaral
 Metodolohiya
 Talaan ng gawain
 Sanggunian
36

Bahagi ng Panukalang Proyekto


 
PANIMULA – dito inilalahad ang mga rasyunal o mga
suliranin,layunin o motibasyon.

KATAWAN - dito naman inilalagay ang detalye ng mga


kailangan gawin at ang imimungkahing badyet para sa mga ito.

KONKLUSYON – dito inilalahad ang mga benepisyong


maaaring idulot ng proyekto
37

Nilalaman ng Panukalang Proyekto


 
Pamagat/Pangalan ng Proyekto- dapat malinaw at maikli, nakalahad kung
saan isasagawa at kung sino/alin ang mga tagatanggap
Hal. TECHNOLOGY TRANSFER OF "ELECTRICAL WIRING CIRCUIT
TRAINER“ TO ROSARIO NHS

Proponent ng Proyekto – tumutukoy sa tao o asosasyon, pagpapakilala kung


sinong indibidwal o aling organisasyon ang nagmungkahi ng proyekto

Kategorya/Klasipikasyon ng Proyekto – ito ba ay isang seminar,


kumperensiya, patimpalak,palihan ng research o outreach program .
(pang-edukasyon, pangkalusugan o iba pa)
Proponent ng Proyekto: 38

Dr. Erma B. Quinay – VPRDE


Prof. Romeo M. De Castro – Director, ESO
Atty. Edgard E. Valdez – Executive Director
Asst. Prof. Armando V. Mendoza Jr. – Asst. Director, Industry and
Institutional Development Services
Asst. Prof. Adelaido P. Pinawin – Associate Dean, CIT
Mr. Bryan M. Macasaet – Extension Services Coordinator, CIT
Mr. Felomino A. Barcelos – Faculty Extensionist
Rodemer M. Dela Cruz – Proponent
David C. Dimaano – Proponent
Klasipikasyon ng Proyekto : Extension Service
39
Petsa/Kalendaryo ng Gawain – bahaging nagpapakita ng lahat at sunod-sunod na
gawain tungo sa pagsasakatuparan ng mga layunin. Kailan ipapadala ang
proposal ,haba ng panahon upang maisakatuparan ito.

Rasyunal ng Proyekto – inilalahad dito ang mga pangangailangan at kung ano ang
kahalagahan ng proyekto. Ito ang susuporta kung bakit kailangan ang proyekto.

Deskripsyon ng Proyekto –Isusulat ang tiyak na layunin at detalye ng pagplano


paraan upang maisagawa ang proyekto.

Badyet/Kabuuang Pondong Kailangan – mga inaasahang gastusin, isa-isang itatala


lahat ng mga kagastusan at ang kabuuang pondong kailangan
40
Pakinabang/Mga Kapakinabangang Dulot – ano ang pakinabang ng proyekto sa mga
maapektuhang ahensya o indibidwal matapos ang proyekto

Layunin ng Proyekto – isasaad din ang layunin sa pagsasagawa ng gawain

Lagda – lahat ng taong kasangkot sa proyekto ay lalagda upang mapagtibay ito


41

Mga DapAT TANDAAN SA PAGSULAT NG


PANUKALANG PROYEKTO
✘ Makatutulong ang panukalang proyekto upang maging sistematiko ang pagsasagawa
ng isang pananaliksik
✘ Masisipat sa pamagat ang pokus ng isasagawang proyekto
✘ Umisip ng mga layuning kayang makamit at makatotohanan
✘ Kailangan may kapakinabangan sa lipunan ang isasagawang proyekto
✘ Magbasa ng maraming sanggunian dahil ito ang susi ng nilalaman ng isang pag-aaral.
✘ Kailangang bukas sa anomang rebisyon mula sa tagapayo ang iyong isusulat..
✘ Taglay ng metodolohiya ang teoryang gagamitin sa isang pagsusuri.
✘ Kailangan ang talaan ng gawain upang masistematiko at planado ang isasagawang
proyekto.
42

TipS sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto

1. Alamin ang mga bagay na makapagkukumbinsi sa


nilalapitang opisina o ahensya sa pag-aapruba ng
panukalang proekto.
2. Bigyan diin ang mga pakinabang na maibibigay ng
panukalang proyekto.
3. Tiyaking malinaw,makatotohanan at makatuwiran ang
budyet sa gagawing panukalang proyekto.
4. Gumamit ng simpleng salita at pangungusap. Iwasang
maging mahaba ito upang madaling mabasa.
43

Salamat sa
Pakikinig!

You might also like