You are on page 1of 34

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)

MODULE 2

Aralin 3
ANG KALIKASAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

Ang pagsulat ay isang sosyo-kognitibong proseso. Binibigyan pansin nito ang


emosyonal at kalagayang sosyal ng manunulat, maging kanyang kognetibong kakayahan
sa paglikha ng isang diskurso sa pagsusulat, ang envayronment o paligid ng manunulat
ay isang mahalagang pinagmumulan ng paksa, karanasan o ideya. Ang mga karanasan o
ideya ng manunulat ang kanyang pagyayamanin at ilalahad sa kanyang pagsulat. Ang
pagsulat ay isang bahagi ng pakikipag-ugnayan o komunikasyon. Dahil dito, ang
manunulat bilang pinagkukuhanan ng ideya ay lilikha ng kaisipan o mensahe na
maaaring mula sa kanyang aspetong sosyal. Sa pagproseso ng mga karanasan o ideya,
ang manunulat ay gagamit ng kanyang kognitibong daymensyon. Ang pag-enkowd ng
kanyang mensahe sa paraang Mauunawaan ng mambabasa ay isang pangkaisipang
gawain ng manunulat. Sa pagtupad ng gayong tungkulin upang magkaroon ng maayos
na pakikipag-ugnayan sa mambabasa, ang manunulat ay gagamit ng mga istratehiya o
pamamaraang pangkaisipan upang madaling maunawaan ng mambabasa ang
mensaheng nais ipahatid ng manunulat sa kanya. Ang mga istratehiya at metodo ay
naglalayong gabayan ang manunulat sa kanyang malinaw at makabuluhang
pagpapahayag. Dahil ang pinakalayunin ng pagsusulat ay ang makapagpahayag ng
mensahe, nararapat lamang na ang presentasyon ng mga ideya ay sapat at kumpleto,
totoo, makabuluhan, at malinaw.

Ang pagsusulat ay isang multi-dimensyonal na kasanayan. Ito ay


nangangailangan nang masusi at kritikal na pag-iisip. Sinasaklaw ng pagsulat ang iba’t
ibang diskurso sa iba’t ibang disiplina. Ang mga sanaysay, ulat, factsheets, at iba’t ibang
mga nasusulat na teksto sa larangan ng siyensya, teknolohya, edukasyon, humanidades
at agham panlipunan ay sinasaklaw ng akademikong pagsulat. Ang akademikong
pagsulat ay isang pag-aaral ng mga kasanayang kritikal, at proseso at produkto. Ang mga
kasanayang kritikal ay ang mga kakayahan ng isang manunulat na suriin, balangkasin,
ihambing, ibuod, buuin ang tesis ng papel. Ang pag-aaral ng proseso at produkto ay
nangangahulugan ng pagsusuri sa proseso ng paggawa ng mga syentipikong papel o mga
sanaysay pananaliksik. Sa pag-aaral ng proseso, ang manunulat ay, kailangang pag-
aralan ang anyo, porma at istruktura ng mga nabanggit na papel.

1
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

Aralin 3.1
MGA SALIK NA ISINASAALANG-ALANG SA PAGSULAT

Ang manunulat at ang kanyang layunin. Nakasalalay sa kakayahan ng manunulat ang


tagumpay ng pagsulat. Ang kanyang kakayahang bumuo ng mga ideya at ilahad ang mga
ito ay ilan lamang sa kanyang mga dapat taglayin. Sa pagbuo ng mga-ideya, ang
manunulat ay dapat na isaalang-alang ang kanyang layunin sa pagsulat. Ang pagsulat ng
masining ay naglalayong mang-aliw at magpahayag. Ang akademikong pagsulat ay
naglalayong magpahayag at mag-ulat, mag-analisa at magbuo ng malinaw na pananaw.

Sa simula ng pagsulat, ang manunulat ay nahaharap sa isang suliranin: ano ang


paksang kanyang isusulat? Sa pagsusulat ng napiling paksa, ang manunulat ay haharap
muli sa ibayong suliranin: Paano sisimulan, paano ipahahayag, at paano tatapusin ang
sinusulat?

Ang magbabasa at ang paksa. Isang mahalagang salik ng epektibong pagsulat ay ang
pagsusuri sa babasa ng susulating papel. Ang kakayahan ng babasa sa pag-intindi sa
linggwaheng ginamit, at ang kanyang kakayahang bumuo ng mga konsepto ay
mahalagang ikonsidera ng manunulat. Malimit, ang mahirap na pagpapahayag ay nasa
pagpapaliwanag ng mga teknikal na konsepto sa paraang hindi teknikal. Ang masining na
pagsulat (tula, kuwento at iba pa) ay nangangailangan ng masining at matayutay na
pagpapahayag. Malimit, ang linggwaheng ginagamit ay hindi teknikal o pormal, ito ay
konverseysyunal. Sa akademikong pagsulat, ang linggwaheng gagamitin ay kailangang
akma sa linggwahe ng babasa. Hindi katulad nang masining na pagsulat na maaaring
magkaroon ng iba’t ibang interpretasyon, ang akademikong pagsulat ay kailangang
eksplisit at tuwiran ang pagpapahayag. Hindi dapat bubuo ng implicature o inference ang
mambabasa na lihis sa ibig ipahayag ng manunulat. Ang mambabasa ay nagkakaroon
din ng layunin. Ang mambabasa ng komiks, magasin o mga nobela ay may layuning
maaliw sa mga kwento ng buhay. Ang mambabasa ng scholarly papers ay may layuning
mainform, o kumuha ng impormasyong gagamitin sa pagsulat ng research paper. Ang
paksa ng akademikong pagsulat ay mula sa agham, teknolohiya o mga ibang disiplina.

2
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

PAGSASANAY 3.1

1. Ilarawan sa pamamagitan ng isang flowchart ang sosyokognitibong proseso ng pagsulat.


2. Ipaliwanag kung bakit multi-dimensyonal ang pagsulat.
3. Balangkasin ang mga layunin ng mga sumusunod na manunulat at mambabasa. Gawing
tiyak ang pagtukoy ng mga layunin.

Manunulat Layunin Ang kanyang Layunin ng


mambabasa sa Mambabasa
Susulating Papel
Guro
Doktor ng Medisina
Inhinyero
Sikolohista
Nars
Pulis

3
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

Aralin 3.2
PROSESO NG PAGSULAT

Paano ba maging isang mahusay na manunulat? Ano ba ang dapat gawin para
makabuo ng isang magandang pagpapahayag?

Sinasabing walang taong ipinanganak na mahusay sumulat, subalit sa ilan, ito ay


totoo. Kung wala kang sa pagsulat hindi ka magiging magaling na manunulat. Subalit sa
iba’t ibang disiplina, ang pagsusulat ay isang fundamental na pangangailangan. Maaring
hindi ka nangarap maging isang nobelista o manunulat sa radio o telebisyon,ngunit ang
iyong pangarap na magiging scientist, engineer, teacher,nurse o ano pa man, ay
nangangailangan ng kasanayan sa akademikong pagsulat.

Bago Magsulat.
Maraming balakid ang proseso ng pagsulat una rito ay natutungkol sa paksang
susulatin. Bago magsulat, ang manunulat ay nararapat na gawing particular ang
paksang lilinangin sa diskurso. May mga pamamaraang ginagamit sa pagbuo ng paksa
na maaring tumugon sa nabanggit na suliranin. Ito ay ang mga sumusunod:
brainstorming, clustering, outlining, at focused freewriting.

Ang brain storming ay ang paglilista ng mga paksang kaugnay sa interes ng


manunulat. Kaugnay ng kanyang paglilista ay ang pagkokonsidera ng kanyang kaalaman
at kakayahang linangin ang paksang nabanggit. Pagkatapos ng brainstorming maaaring
pumili ang manunulat ng paksang lilinangin.

Clustering Kapag nakapili na ang manunulat, maaari na niya itong i-klaster upang
makabuo ng mga sub-topics. Ang mga sub-topics ay iuugnay sa punong paksa. Sa
ganitong paraan malalaman ng manunulat kung ano ang mga paksang kaugnay at di-
kaugnay sa paksang susulatin.

Outlining. Pagkatapos makabuo ng klaster o idea web, susubukin ng manunulat na


isaayos ang mga ideyang kaugnay ng paksa sa pamamagitan ng paggawa ng balangkas o
outline. Iaayos ng manunulat ang mga paksa sa lohikal na pagkakasunod-sunod. Sa
paggawa ng balangkas, ang mga mahahalagang bahagi ng susulating paksa ay dapat na
maipaloob sa balangkas: ang simula, ang katawan, at ang pangwakas.

Focus free writing. Ito ay ang pagsubok na linangin ang mga paksa sa nasabing
working outline mula sa ideya tungo sa pagbuo ng mga pangungusap at talata. Sa
paggawa nito, ang manunulat ay susubok gumawang burador o rough draft.

4
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

ANG TESIS ISTEYTMENT

Ang pangungusap na ito ay naglalayong ipahayag ang pinakakonsepto ng


manunulat tungkol sa susulating paksa. Dapat ipahayag ng manunulat ang kanyang
kuro-kuro o pananaw na nais patunayan sa kalamanan ng papel na pampananaliksik.
Ang tesis isteytment ay hindi naglalayong ipahayag lamang ang isang lantarang
katotohanan, subalit, ito ay nagpapahayag ng pananaw ng manunulat sa nasabing
katotohanan. Sa medaling salita, ito ay opinion ng may-akda batay sa katotohanan o
ebidensyang ipahahayag sa katawan ng papel.

Ang tesis isteytment ay:


1. Dapat kumpletong pangungusap, hindi tanong at hindi parirala.
2. Dapat na ipinapahayag nang malinaw ang opinion, o pananaw ng manunulat tungkol sa
katotohanan lamang.
3. Dapat na may isang ideya lamang, hindi pwedeng ipahayag ng may-akda ang dalawa o
higit pang ideya tungkol sa paksa.
4. Dapat na limitado batay sa itinatakdang sulating gawain.

5
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

PAGSASANAY ARALIN 3.2

1. BRAINSTORMING
Pumili ng sampung paksa at limitahin ang mga ito batay sa halimbawa sa ibaba:

Kahirapan  Kahirapan sa bansa  Ugat ng kahirapan sa bansa  Pagwawalang


bahala ng mga Pilipino; Isang Ugat ng Kahirapan sa Bansa.

 Sikolohiya ng Kabataan
 Programang Panlipunan
 Ang Kultura at Wika
 Ang impluwensya ng Pulitika
 Demokrasya sa Bansa
 Paniniwalang Espiritwal
 Pagpapahalagang Moral ng mga Pilipino
 Pandemya
 Mga Pilipino sa ibayong Dagat
 Covid19
 Pagkakawanggawa
 Pilipino o Filipino
 Kalamidad ng Bansa
 Agenda 21
 Terorismo at Digmaan
 Ang Edukasyon sa Bansa
 Kulturang Muslim
 Graft and Corruption

2. CLUSTERING
Bumuo ng klaster mula sa output mo sa brainstorming.

3. PAGGAWA NG WORKING OUTLINE


Gamitin ang balangkas sa ibaba upang magawa ang iyong working outline
gamitin ang detalye mula sa ginawang klaster.

Paksa: _______________________________
_______________________________

I. Pagpapaliwanag sa paksa at ang layunin


__________________
__________________

II. Unang klaster:


a.__________________
b.__________________
c.__________________

6
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

III. Ikalawang klaster:


a.__________________
b.__________________
c.__________________

III. Ikatlong klaster:


a.__________________
b.__________________
c.__________________

4. TESIS ISTEYTMENT
Tukuyin kung ang mga sumusunod ay tesis isteytment o hindi. Tukuyin kung
ano
ang kamalian ng mga hindi tesis isteytment at subuking ayusin ang mga ito.

1. Ang gatas ng ina ay pinakamainam sa lahat.


2. Ang pagiging isang mahusay na nars ay nangangailangan ng hindi lamang
kaalaman
sa medisina kundi ng matibay na dedikasyon.
3. Ano ba ang mga dapat taglayin ng isang mahusay na businessman?
4. Ang sakit na Dengue.
5. Ang mga taong higit sa 76 taong gulang

5. Gumawa ng Tesis Isteytment para sa mga naiklaster na mga paksa.

7
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

Aralin 3.3
ANG AKTWAL NA PAGSULAT O DRAFTING

Ang diskurso ay binubuo ng mga epektibong pangungusap na bumubuo ng isang


talata. Ang talata ay kalipunan ng mga pangungusap nabumubuo ng isang talata. Ang
talata ay kalipunan ng mga pangungusap na lumilinang sa isang limitadong paksa. Ang
paglalahad ng limitadong paksa ay bahagi ng paglilinang ng isang buong palagay,
paksang-diwa, kuro-kuro o ideya ng kabuuang diskurso. May iba’t ibang uri ng talata
ayon sa kanilang ginagampanang tungkulin sa diskurso. Ang bahagi ng diskurso ay
laging may panimula, pangkatawan at pangwakas na mga talata.

Ang panimulang talata ay binubuo ng epektibong pagganyak o motiveysyon. Sa


isang papel ng pananaliksik. Ito ay malimit na overvyu o isang oryentasayon tungkol sa
talakaying paksa.

Ang mga pangkatawang talata ay naglalaman ng paglalahad, pagbibigay ng


ebidensya, paglalarawan, pangangatwiran, paghahambing, pagbibigay halimbawa,
pagpapaliwanag ng proseso, sanhi at bunga at iba pa.

Ang pampinid na talata ay naglalayon na magbigay ng konklusyon at paglalahat


batay sa mga puntos na nailahad sa katawan ng papel na pananaliksik. Dito binibigyang
diin ng manunulat ang kanyang nais na patunayan kaugnay ng kanyang tesis.

Mga Bahagi ng Talata

Ang isang talata ng isang syentipikong papel ay binubuo ng iba’t ibang


pangungusap. Ang bawat pangungusap ay may ginagampanang tungkulin sa paglinang
ng limitadong paksa. Ang paksang pangungusap ay naglalaman ng partikular na ideyang
talakayin sa diskurso. Ito ay diretsong lumilinang sa tesis isteytment.

Ang isang paksang pangungusap ay nagbibigay ng kaukulang pagpapaliwanag o


paglilinang sa pamamagitan ng sumusuportang pangungusap. Ang mga ito ay nagbibigay
ng detalye sa paksang pangungusap.

Tesis: Ang pagiging isang mahusay na nars ay nangangailangan ng hindi lamang


kaalaman sa medisina kundi ng matibay na dedikasyon.

Mga Paksang Pangungusap:

1 Tungkulin ng nars na magbigay ng ginhawa sa pasyente sa pamamgitan ng pagpapakita


ng konsern sa kagalingan ng huli.

2 Ang kanyang trabaho ay nangangailangan ng pagtitiis sa anumang


Kalagayan sa ospital o pasyente.

3 Bahagi ng kanyang trabaho ang pakikisalamuha sa ibat ibang pasyente na


may ibat ibang karamdaman.

8
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

Mapupuna mula sa itaas na ang tesis isteytment ay nililinang ng mga paaksang


pangungusap, ang bawat paksang pangungusap ay lilinangin ng mga sumusuportang
pangungusap.

Pag-eedit ng Naisulat na Diskurso

Ang pangunahing bahagi ng pagsusulat ang ay pag edit ng naisulat na diskurso


.Pagkatapos ng paulit ulit na pagbasa at pagrebisa sa naisulat na papel, ang manunulat
ay dapat na iedit bago irebisa tungo sa pinal na manuskrip ng papel.

Sa pag-eedit, kailangang bigyan ng kunsiderasyon ang tatlong aspekto ng bawat


nasusulat na talata.Ang panlabas na kaanyuan, gramatiko, at semantiko ay ang mga
mahahalagang dapat bigyang pansin ng manunulat.

Ang panlabas na kaanyuan ng isang talata ay natutungkol sa wastong gamit ng


bantas at ispeling .Kailangang rebyuhin ng manunulat ang mga pamantayan at tuntunin
sa paggamit ng mga bantas.

Ang pag aayos ng gramatiko ay tungkol sa pagaayos ng mga salita sa isang


pangungusap at pa-aayos ng mga pangungusap sa kabuuan ng talata.

Ang panghuling mahalagang aspekto ng page edit ay ang pag-eedit ng


semantikong katangian ng bawat talata.Ang kaisipang inihayag sa bawat talata ay dapat
makabuluhan at angkop sa bawat paksang nililinang.Kung may mga dapat alising mga
pangungusap o palitang mga salita dahil hindi akma sa nais iparating, kailangang
magawa ang mainam na page edit.

9
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

PAGSASANAY ARALIN 3.3

MUNGKAHING GAWAIN 1
1 Subuking linangin ang tesis sa halimbawa sa pamamagitan ng pagbuo ng isang
diskursong may limang talata: (1) panimula (2) paglinang sa unang paksang
pangungusap (3) paglinang sa ikalawang paksang pangungusap (4) paglinang sa ikatlong
paksang pangusap (5) pampinid na talata.

2. Gawing mga talata ang mga paksang binuo sa pagsasanay ng paggawa ng working
outline o balangkas.

3. Pumili ng isang paksa na nag uugnay sa iyong kurso, gumawa ng klaster, working
outline, tesis at mga paksang pangungusap. Linangin ang mga paksa sa pamamgitan ng
pagbuo ng mga talata.

MUNGKAHING GAWAIN 2
1. Iedit ang mga sumusunod na talata.

Talata A
Tungkulin ng mga nars na magbigay ng ginhawa sa pasyente sa pamamagitan ng
pagpapakita ng konsern sa kagalingan ng huli. Ang kanyang konsern ay dapat na
bigyang pansin mismo ng nars. Ang nars ay dapat na maging na maging compassionate
at affectionate sa kanyang pasyente. Ang pagiging affectionate ay isang katangiang
nagpapakita ng dedikasyon. Ito rin ay isang katangiang nagpapakita ng dedikasyon. Ito
rin ay isang katangiang magpapamalas ng pagiging isang mabuting nars na hindi lamang
may kaal

Talata B
Ang mainit na klima ay malimit na nagpapababa sa antas ng motibasyong
magtrabaho ng isang trabahador. Ang klima ng bansa ay nagiging isang salik sa pagiging
tamad ng isang pinoy. Gusto mo na lang matulog kaysa magbilad sa araw. Dahil sa
pagiging tamad nalulumpo ang ekonomiya ng bansa, ang tao ay magiging mahirap.

Talata C
Isang magandang advantage ng cloning ay ang pagbibigay nito ng daan upang
lubos na maunawaan ng tao ang iba’t ibang proseso ng ating katawan. Sa pagtuklas ng
bawat proseso, maaaring matugunan ang mga lihim sa kagalingan ng mga sakit tulad ng
kanser. Subalit ito ay kinontra ng simbahan dahil baka gawing spare parts ang mga
clone. Subalit, maganda pa rin ang maaaring idulot nito upong lubos na mapangalagaan
ang kalusugan ng tao, at hindi para lumikha ng spareparts.

2. Kunin ang mga talatang binuo para sa pagsasanay na ito at subuking iedit
ang mga ito. Ipresent ang lahat ng pagbabagong naganap sa mga talata.

10
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

Aralin 4
MGA URI NG PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Nahaharap ang isang mag-aaral sa napakaraming obligasyon sa sandaling dumako


sa aralin ng pagsulat. Hindi lamang iisa kundi iba-ibang uri ng sulatin ang dapat niyang
ihanda upang tumugon sa mga rekwayrment ng lima o siyam na disiplina o kurso. Sa
madaling salita, kailangan niyang magkaroon ng kasanayan sa pagsulat sa iba’t ibang
disiplina at larangan ng buhay. Ang pagsulat na gagawin ay maaaring akademik,
jornalistik, o teknikal.

Akademik na Pagsulat. Ito ay sumasaklaw sa mga sulating inihahanda ng isang


mag-aaral kaugnay sa kanyang pag-aaral. Kabilang dito ang pagsulat, reaksyong papel,
konseptong papel, jornal at pamanahong papel.

ARALIN 4.1
PAGSULAT NG REPORT

Ang report ay isang paglalahad ng mga faktwal na impormasyon o katotohanan:


kung anong nasaksihan, narinig, nabasa, naranasan, o natuklasan at napag-alaman
ng isang nilalang.

ARALIN 4.1.1
ORGANISASYON NG REPORT

I. Panimula
Naglalahad ito ng pangunahing impormasyon tungkol sa iniuulat maging ito
ma’y lugar, tao, sitwasyon o kaganapan, o bagay.

II. Katawan
Tinatalakay ditto ang mga detalye ukol sa ulat. Inilalahad ito sa pamamagitan
ng paglalarawan, paghahambing, pagtukoy sa sanhi at bunga, pag-isa-isa,
pagbibigay halimbawa at iba pa.

III. Wakas
Nagsasaad ito ng kahalagahan, puna, o komentaryo, paalala, at rekomendasyon
hinggil sa ulat na sinulat.

Halimbawa:
Report ng Isang Saliring Karanasan

Isang Di-Malilimutang Araw


Ni Yolanda C. Valencia

A. Ilang lingo pagkaraang mamatay ang aking ina, nagging balisa ako sapagkat
nalalapit na ang paggunita sa araw ng kanyang pagkamatay na tinatawag sa
aming lalawigan na “forty days”. Hindi ako mapalagay sapagkat lubhang
marami akong tungkuling dapat gampanan sa aking trabaho dito sa
Lungsod ng Angeles gayong kailangan ko ring umuwi sa aming probinsya ssa
11
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

Batangas upang makilahok sa pagdiriwang. Para sa isang pamilyang may


maigting na pagkakabuklod tulad ng sa amin, lubhang napakahalagang
magkatipun-tipon ang mag-anak sa araw na nabanggit.

B. Iisang araw na lamang ang nalalabi upang gawin kong final ang aking pasya; kung
dadalo ako sa “forty days” ni Inay o papasok ako sa aking trabaho. Kinahapunan,
tumawag sa telepono ang aking nakatatandang kapatid at sinabing “Yol, hindi nauubos
ang trabaho ngunit

isang araw lamang ang forty days ni Inay”. “Basta ako, desididong uuwi,” ang dagdag
niyang sabi. Bunga nito’y lalo akong naguluhan. May katuwiran si ate sapagkat
pinakamamahal naming si Inay.

C. Kinagabihan, maaga kaming nahiga dala nang kapaguran. Natutulog na silang


lahat, ang aking anak at kasama sa bahay gayong ako’y pabiling-biling pa rin.
Nakatulugan kong tinitimbang ang mga pangyayari. Sa aking pagtulog, ako’y nanaginip.
Ito na marahil ang pinakaasam-asam kong mangyari sa aking buhay sapagkat labis
akong nalulungkot sa pagkawala ni Inay. Bukod dito, lagi kong inaasam na Makita o
maramdaman ang kanyang presensya kahit sa anong paraan. Siya ang aking
napanaginipan. Sa aking panaginip, buhay na buhay siya. Malakas, nakangiti at tulad
ng dati, napakahinahon ng boses niyang punong-puno ng pagmamahal. Hinawakan niya
ang aking mga paa at sinasabing siya’y masaya kung magkakasama kaming
magkakapatid. Katabi niya si tatay na tumatangu-tango sa pagkarinig sa kanyang
sinabi. Kasunod noon ay ang pagmulat ng aking mga mata at matuklasang ako’y
nakaupo na.

D. Noon di’y dali-dali akong bumangon at inihanda an gaming dadalhin sa pag-uwi.


Ginising ko ang aking kasambahay at isa-isa kaming naghanda sa pag-alis. Eksaktong
alas kuwatro ng medaling araw ay nakasakay kami ng bus patungong Maynila. Ganap
na ikasampu ng umaga, isang oras bago ang padasal ay nakarating kami sa aming
tahanan sa Natu, Rosario, Batangas. Maraming tao sa aming bahay, katunayang hindi
lamang kaming mag-anak ang nagmamahal kay Inay.

E. Sa tagpong iyon, lubos ang nagging kagalakan ng aking ama sapagkat ako na lamang
at ang aking pamilya ang kanilang hinihintay. Pagkaraan ng sandaling kuwentuhan,
naghanda na kami para sa padasal. Eksaktong alas onse ng umaga, taimtim naming
ipinagdasal ang pagkakaroon ni Inay ng ibayong katahimikan. Sinundan ito ng
pagsasalu-salo para sa tanghalian. Ganap na alas dos ng hapon nang kami’y tumungo
sa sementeryo upang dalawin ang puntod ni Inay. Marami kaming dalang bulaklak.
Nagtirik din kami ng kandila at nag-alay ng mataimtim na panalangin para sa kanya.

F. Eksaktong alas kwatro ng hapo’y muli kaming sumakay ng bus patungong Maynila
upang bumalik ng Angeles. Kasabay ang aking Nakatatandang kapatid na nakatira sa
Maynila, sabay-sabay kaming nakatulog dala ng matinding pagod ngunit tahimik at
payapa ang kalooban.

G. Nasabi ko sa aking sarili na lubhang makabuluhan ang pagdiriwang ng forty days ni


Inay sapagkat siya mismo ang nagpasya para sa akin upang makasama ko ang aking
pamilya at higit sa lahat, siya.

12
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

ARALIN 4.1.2
PAGSUSURI NG REPORT

I. Panimula (Talata A)
Inilahad ang sitwasyon; ang suliranin at ang mga pagpipiliang solusyon, ang
okasyon, kahalagahan ng okasyon at lugar saan ginanap ang okasyon.

II. KATAWAN (Talata B-F)


A. Nagpaigting sa pasya ( Talata B at C) (Pagsasalaysay)
1. Pagtawag ng kapatid sa telepono.
2. Pagkakaroon ng panaginip.

B. Pagdalo sa Okasyon (D, E, and F)


C. Wakas (Pagpatukoy sa kahalagahan ng okasyon)

13
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

PAGSASANAY 4.1

Mungkahing gagawin:
1. Sumulat ng isang report patungkol sa kaganapan ngayon sa iyong paligid.
Maaaring tungkol sa COVID19, Pagbaha, mga nakalipas na bagyo o ano pa mang
paksang nais.

14
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

ARALIN 4.2
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL

Ang reaksyong papel o panunuring papel ay tumutukoy sa paglalahad ng


makatarungan, patas o balanseng paghuhusga o assessment sa mga sitwasyong may
kinalaman sa mga tao, bagay, pook, at mga pangyayari. Sumasaklaw din ito sa
matalinong pagtataya sa kalidad, kakayahan, pamamaraan, katotohanan at kagandahan
ng obra maestra ng isang nilalang. Isang halimbawa ay ang pagbibigay ng reaksyon ng
mga tao sa mga pangyayaring pampulitikal, pang-ekonomikal o pansosyal. Puwede ring
ipahayag ang reaksyon o puna sa napanood na pelikula, dula, konsyerto, o ipinintang
disenyo o larawan.

Ayon kay Ulit (2003) ang pagsusuri ay hindi lamang nakatuon sa magagandang
puntos kundi maging sa mga di-magagandang puntos kung anumang sinusuri. Totoong
kapwa binibigyang-pansin ang mga kagalingan at kahinaan ng tao, bagay, lugar o
pangyayaring tampok sa pagbuo ng reaksyon.

ARALIN 4.2.1
PAMAMARAAN SA PAGBUO NG REAKSYONG PAPEL

A. Reaksyon sa Isang Nobela o Maikling Kwento


1. Ilahad ang buod o lagum ng Nobela
2. Pagsusuri sa mga Elemento:
a. Tagpuan – (Banggitin muna ang tag-puan)
Ilahad ang mga reaksyon sa tagpuan.

b. Banghaay – (Itala ang mga pangyayari)


Ilahad ang reaksyon

c. Tauhan (Tukuyin ang mga tauhan batay sa halaga ng ginampanan sa


akda)
Bgyang puna ang bawat isa.

d. Tema (Tukuyin ang tema ng akda)


Punahin ang relevance ng tema sa lipunang
ginagalawan.

e. Istilo (Banggitin ang mga istilong lumutang sa akda)

B. Reaksyon sa Isang Pelikula


1. Ilahad ang mga pangyayari sa pelikula
2. Isalit ang komentaryo o reaksyon sa bawat pangyayari.
3. Ilahad ang kabuuang reaksyon sa pelikula.

C. Reaksyon sa Isang Pangyayari, Isyu, Tao, o Bagay.


1. Ilahad ang pangkalahatang obserbasyon at assessment tungkol sa sinusuri.
2. Isa-isang bigyang puna o komentaryo ang bawat aspektong may kaugnayan
sa sinusuri sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga detalyeng susuporta sa
naunang inilahad na pangkalahatang obserbasyon.
15
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

3. Bumuo ng pangkalahatang reaksyon sa sinusuri.

JOURNALISTIK NA PAGSULAT:
Ito ay tumutukoy sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag.

A. BALITA
Ang balita ay tumutukoy sa pasalita o pasulat na ulat na tungkol sa mga bagay na
nangyari na, nangyayari o mangyayari palamang.
Ang balita ay anumang pangyayaring hindi karaniwan, isang ulat, nakapagbibigay
impormasyon at mapaglilibangan ng mambabasa, nakikinig at nanunuod

MGA URI NG BALITA


1. Ayon sa Saklaw o Pinangyarihan
A. Balitang local o nasyonal- sumasaklaw sa mga balita o pangyayari sa loob
ng bansa.
Ang halimbawa nito ay ang mga balitang naririnig sa mga radyo,
napapanood sa telibisyon at nababasa sa mga diaryo tungkol sa mga
pangyayari sa bansa, kagaya ng kaganapan tungkol sa bagyong paparating
sa ating bansa, sunog sa Maynila, pagputok ng bulkan.

B. Balitang dayuhan- sumasaklaw sa mga balita o kaganapan sa labas ng


bansa.
Halimbawa nito ay ang balitang pagkapanalo ni Joe Biden sa US
President Election. Isa pang halimbawa ay ang usaping COVID19 sa iba’t
ibang panig ng mundo.

2. Ayon sa Nilalaman
A. Balitang Pang-agham

B. Balitang Pangkaunlaran

C. Balitang Pampalakasan

3. Ayon sa Takdang Panahon


A. Paunang Balita- ito’y may kinalaman sa mga inaasahan o nakatakdang
kaganapan gaya ng kompetisyon, konsyerto, dula, palaro, kampanya, miting
de avanse at iba pa. Tuwirang balita at balitang lathalain ang ginagamit na
pamamaraan sa balitang ito.

B. Balitang Di-inaasahan- kabilang ditto ang mga balitang nangyayari nang di-
inaasahan.

C. Balitsng Itinalaga- ito’y sumasaklaw sa mga balitang naisulat na o susulatin


pa lamang. Hango ang mga ito sa isang palagian o pirmihang pinagkukunan
ng mga balits tulad ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan, pook pampubliko
gaya ng ospital, paaralan, palengke, atb.

4. Ayon sa Anyo
16
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

A. Tuwirang Balita- ang mga pangyayaring sa uring ito ay inihahayag mula sa


pinakamahalaga hanggang sa pinakamaliit na kahalagahan. Tuwiran at di-
paliguy-ligoy ang paraan ng paglalathala ditto; ang mga pangungusap ay
maikli at mga simple at medaling maunawaang mga kataga ang ginagamit.

B. Balitang Lathalain- ang uring ito’y base rin sa tunay na pangyayari tulad
ng tuwirang balita. TUlad ng ayos ng isang kwento, ang ayos nito’y
pinagpalibang-pinakamahalagang pangyayari.

5. May Tanging Uri


A. Batay sa mga Datus na Nakalap- Isa itong pagpapahayag ng
karaniwang kaganapan na sumasagot sa mga tanong na Sino? Ano?
Saan? Kailan? Bakit? At Paano?
B. Batay sa Kilos o Aksyon- paraan ito ng pagpapahayag ng mga faktwal
na kaganapan na tinatampukan ng kilos, madulang pangyayari.
Pagbibigay katangian sa tao, salaysay ng isang saksi at mga kaugnay na
paliwanag.
C. Batay sa Talumpati o Panayam- sinasabi rito kung sino ang
tagapagsalita o kung sino ang kinapanayam, ang diwa ng talumpati,
okasyon, oras, at lugar ng pinagdausan, mga banggit na pangungusap,
paglalarawan ng manonood, mga kilos at reaksyon nila.
D. Balitang Kinipil- ang pagpapahayag ditto ay maikli na hindi hihigit sa
dalawang talata. Kapag pinagsama-sama ang mga kinipil na balita,
nagiging news round-up ito na inaayos sa ilalaim ng palagiang ulo gaya
ng News Brief o News Round-up.
E. Bulitin- ito’y karagdagang balita sa kasalukuyang mahahalagang balita.
Matatagpuan ito sa unang pahina, nakakahon at medaling mabasa.

Mga Hakbang sa Pagsusulat ng Balita:


1. Isulat ang buod ng pangyayari.
2. Isulat ang mga datos ng kaganapan ayon sa pababa o paliit na kahalagahan.
3. Unahin ang pinakatampok na impormasyon sa pamatnubay.
4. Isulat ang balita ayon sa pagkasunud-sunod na pangyayari batay sa pababang
kahalagahan.

Mga Mungkahing Paraan ng Pagsusulat ng Balita:


1. Isulat kaagad ang balita makaraang makalap
2. Bigyang-diin ang tampok na kaganapan.
3. Maging eksakto at iwasang maglahad ng opinion.
4. TUkuyin ang awtoridad o pinagmulan ng balita.
5. Banggitin ang buong pangalan ng tao sa unang pagkakataon; G. at Gng. o Bb.
o kung ano mang tanging titulo sa susunod na pagbanggit.
6. Ipahayag ang kaganapan nang patas at iwasang gumamit ng mga salitang
makaaapekto sas moral ng mambabasa o ng sangkot sa balita.
7. Gumamit ng mga simple at tiyak na salita.
8. Sikaping maging maikli, payak, ,ay varyasyon, at medaling maunawaan ang
mga pangungusap.
9. Bumuo ng mga pangungusap na nasa tinig ng tukuyan.

17
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

Halimbawa ng Isang Balita:

Balitang Batay sa Talang nakalap (Fact Story)

Matagumpay at matahimik na naidaos ang Araw ng Edukasyon sa Linggo ng mga


Kabataang Lalaki at Babae sa pamantasan ng Angeles noong Agosto 14, 2003. Ang lahat
na nahirang ay maayos at matagumpay na gumanap ng kanikanilang tungkulin sa araw
na yaon.

Ang gumanap sa tungkulin ng punong-guro ay si Angeli Valencia at sa


pangalawang punong guro naman ay si Divine Rivera.

Samantala, sa St. Benedict ang sumunod naman na nagging pangulong guro ay si


Romano Manaloto. Ang nagging tagapatnubay ay ginampanan ni Jessa Roallos.

Naging kapuri-puri ang mga gurong mag-aaral na pawing tumupad ng kani-


kanilang tungkulin at gayon din ang mga mag-aaral na nagpamalas ng kanilang
paggalang sa bawat mag-aaral na nagturo sa kanila bilang pagdiriwang sa Araw ng
Kabataan.

18
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

PAGSASANAY 4.2.1

Panuto: Humanap sa Internet ng mga balita ayon sa iba’t ibang uri nito. Suriin
ang paraan ng pagkakasulat at tukuyin ang mahahalagang katangian ng bawat isa.

19
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

B. PANGULONG TUDLING O EDITORIAL

Ang pangulong tudling o editorial ay tumutukoy sa mapanuring pagbibigay-


kahulugan sa esensya ng isang kasalukuyang kontrobersya upang manghikayat,
manlibang at magbigay-kaalaman sa mambabasa. Ito’y isa ring paraan ng paglalahad ng
palagay, opinion, o komentaryo sa isang tunay na pangyayari. Iisang tao lamang ang
sumulat nito ngunit ang buong pamatnugutan ay naninindigan para rito.

Mga Uri ng Pangulong Tudling:


1. Pangulong Tudling na Nagbibigay kaalaman- binibigyang diin nito ang
kahalagahan ng isang pangyayari.

Halimbawa: Nilalaman ng isang memorandum tungkol sa pagpatupad ng


pagpaplano ng pamilya.

2. Nagbibigay-kahulugan- Bibigyang kahulugan ang isang pangyayari.

Halimbawa: Kahulugan at bunga ng isang bagong memorandum oang kabutihang


maidudulot ng pagpaplano ng pamilya.

3. Nakikipagtalo- humihikayat sa mambabasa upang pumanig sa paniniwala ng


sumulat.

Halimbawa: Nasa tamang panig ang taong nagpapalabas ng bagong


memorandum, kailangang magplano ng pamilya.

4. Namumuna- inilalahad ang mabuti at masamang katangian ng isang


kontrobersya. Binibigyang puwang ang pagtalakay sa magkabilang panig gayong
may kinikilingang isang panig ang sumulat.

Halimbawa: Parusang bitay; Dapat bang ipatupad?


Diborsyo; Mabuti ba o Makasisira ng Pamilya?

5. Nanghihikayat- mabisang nanghihikayat

Halimbawa: Ipagpatuloy ang mabuting nasimulan ng Pangulo.


Suportahan ang bagong Panukalang Batas.

6. Nangangaral o Pumupuri- Pagbibigay pugay sa kahanga-hangang ginawa ng


isang tao, pagpapahalaga sa isang namayapa na may nagawang kabutihan o sa
isang bayani sa araw ng kapanganakan o kamatayan.

Halimbawa: Ang Bagong kampeon


Jose Abad Santos, Dangal ng Pampanga

7. Pagpapahayag ng Natatanging araw- nagpapahayag ng kahalagahan ng isang


tanging okasyon.

20
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

Halimbawa: Buwan ng Pag-iwas sa Kanser


Buwan ng WIka

8. Panlibang- may layuning makapanlibang.

9. Batay sa Tahasang Sabi- ito’y batay sa isang pahayag ng isang tao o ng isang
dakilang tao na inilalagay sa katapusan ng tudling pang-editorial.

Halimbawa: Mahalagang pangungusap ng Pangulo ng Bansa

Mga Bahagi ng Pangulong Tudling:


I. Panimula
A. Balitsng batayan (newspeg) o ipotesis
Halimbawa: Mga OFWs, pinauwi na sa bansa

B. Reaksyon sa titik A
Halimbawa: Ang ginagawang pasya ng Pangulo ay isang matalinong
hakbang.

II. Katawan ng Editoryal


Dito inilalahad ang mga datos, ideya o paninindigan laban o sang-ayon sa
paksa.

III. Pangwakas o konklusyon


Maaaring isang pagpapatibay sa opinion o isang paalala o isang suhestyon.

Pagsulat ng Pangulong Tudling


1. Mga Teknik sa Pagsulat ng Panimula

a. Pagtatanong
Halimbawa: Ano ang kahihinatnan ng balak ng pangulo na lumikha ng 10
milyong trabaho para sa mgs Pilipino?

b. Paglalahad ng Paksa
Halimbawa: Nagbabalak na namang humiram ang pamahalaan ng pera sa
ibang bansa. Panahon na upang tayo’y di-sumang-ayon sa Pangulo.

c. Pagsasalaysay ng isang pangyayari o insidenteng may kaugnayan sa


paksa.
Halimbawa: Katawa-tawa ang resulta ng exit survey na ginawa ng bawat
isang partido bilang paghahanda sa darating na local na halalan sa buwan ng
Mayo.

d. Pagsipi
Halimbawa: “ Ang mga taong pinagbuklod ng Diyos ay di dapat paghiwalayin
ng tao.”

e. Kapansin-pansing panimula
Halimbawa: Isang top-notcher sa board exam ng medisina ang kasalukuyang
kumukuha ng Care Giver Training sa Canada.
21
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

f. Kuro-Kurong laban o sang-ayon sa paksa.


Halimbawa: Ako’y kaisa sa hinaing ng taong bayan laban sa diktadurang
pamamahala.

Mali ang taong bayan sa kanilang pagtugon sa isyung pagpapatalsik sa


pangulo.

g. Mungkahi o tagubilin ukol sa paksa.


Hal. Dapat nating labanan ang droga.

HALIMBAWA NG PANGULONG TUDLING:

ANG EDSA REBOLUSYON

Sa araw na ito, Pebrero 25, ating pinagdiriwang ang Araw ng EDSA Revolution.
Ating gugunitain kung paano pinigil ang mga sandatahang sundalo ng mga rosary at
bulaklak ng mga di armadong sibilyan.

Ang EDSA Revolution ay ang kauna-unahang pag-aalsa na tumapos sa


dalawampung taong diktadurang pamahalaan; isang paghihimagsik na nagpalaya sa
mamamayang Pilipino sa kalupitan.

Ngayong araw na ito, nagising ang buong mundo at kanyang napag-alaman na


mayroon palang isang baying nagngangalang Pilipinas, isang bayan kung saan ang
digmaan ay maaaring maganap nang matahimik, at ni wala kahit kaunti mang dugong
dumanak.

Saludo ang daigdig sa bansang Pilipinas. Saludo kami sa magigiting,


matatapang at matatalinong namuno sa EDSA Revolution!

Sa ating paggunita sa araw na ito, hueag nating iwaksi sa pag-iisip na ang


kalayaang ating nakamit ay mananatili lamang kung ating pahahalagahan.

22
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

PAGSASANAY 4.2.2

Panuto: Sumulat ng isang editoryal tungkol sa isa sa mga sumusunod:

1. Korapsyon sa Pilipinas; May Pag-asa pa bang mawala o Mabawasan?


2. Pornograpiya; Art o Kalaswaan?
3. Moralidad ng Pilipino; Mayroon pa ba o Pawala na?

23
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

URI NG PAGSULAT

Ayon kay Edwin R. Mabilin sa kanyang librong Pilosopiya ng Pagbasa at Pagsulat


para sa Esensyal na pananaliksik, pagkatapos matutunan ang konsepto, layunin,
proseso at iba pang kaalaman sa pagsulat, marapat na matutunan ng isang mag-aaral
ang mga Uri ng pagsulat.

Marahil ang mga ibang mag-aaral ay nkababatid na isa sa Uri ng pagsulat ay


kanila nang nagagawa, ito ay ang Akademikong pag-sulat, at ang iba naman ay wala sa
kanilang kamalayan na ang kanilang ginagawa ay isa na palang akademikong pagsulat.

Unahin nating pag-aralan ang:

1. AKADEMIKONG PAGSULAT (ACADEMIC WRITING)

Natatandaan mo ba ang mga sandaling palagi kang abala at masigasig sa pagkuha


ng mga kaalaman at impormasyong madalas ay nasa library; nasa mga computer shop o
palaging naka-open ang sariling computer laptop para sa pagkuha ng mga kaalaman sa
tulong ng internet; kung minsan din ay dumadalo ka sa mga seminar-worksyap o
nakikipanayam, madalas nakikinig ng kektyur ng iyong mga propesor at bukod pa sa
mga masusing pagbasa. Naalala mo na ba kung para saan ang mga ginawa mong iyon?
Hindi ba’t iyan ang mga gawaing pang-akademiko? Na kailangang gawin mo ang mga
iyan para sa pagsulat ng pananaliksik, takdang aralin at paghahanda ng mga
pangwakas na pagsusulit.

Sa Akademya, ang pagsusulat ang isa sa napakahalagang batayan upang matukoy


at masuri ng mga propesor mo kung maari ka na bang biggyan ng marka o kung
nakatupad ka ba sa mga pangangailangan ng kurso lalo sa pagpapakita sa produkto ng
iyong kaalaman. Kadalasan pa nga, bukod sa mahahabang pagsusulit, gumagawa kayo
ng mga pananaliksik o isang pag-aaral bilang bahagi ng inyong kahandaan. Iyan ay ang
iyong mga kasanayan sa akademikong pagsulat.

Ito ang uri ng pagsulat na higit na mahalaga kaysa sa lahat ng uri ng pagsulat,
sapagkat ito ang larangang ang lahat ng kaalaman sa pagsulat ay rito
hinuhulog,nililinang at pinaghuhusay. Mula sa lahat ng sulating iyong pinagdadaanan
sa elementarya hanggang tersyarya at maging sa puntong ikaw ay magdadalubhasa
(master degree) o magpapakadalubhasa (doctoral degree) ay matatawag na akademikong
pagsulat. Katulad ng pagsulat ng iba’t ibang uri ng mga sanaysay o komposisyon;
pagsulat at pagsusuri ng mga akdang pampanitikan; kritikal na pagsulat ng mga
artikulo at lohikal na pagsulat ng mga pananaliksik o pamanahunang papel ukol sa iba’t
ibang disiplina at maging ang mga pinakamataas na antas at intelektwal na pagsulat
dahil lubos na pinatataas nito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan.

24
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

2. MALIKHAING PAGSULAT (CREATIVE WRITING)

Sa lahat ng uri ng pagsusulat, ito ang pagsulat na punong-puno ng konsentrasyon


at imahinasyon ng mga manunulat. Isinusulat ang ganitong uri upang maghatid saya at
aliw sa mga mambabasa sa pamamagitan ng pagpukaw at pagsundot sa kanilang
damdamin at isipan. Ang kadalasan ng ganitong pagsulat ay ang mga akdang
pampanitikan na tinatalakay sa paraang kathang-isip lamang (non-fiction), minsan
nama’y batay sa tunay na pangyayaring (fiction) ginagamitan ng masisining na mga
pananalita tulad ng idyoma, tayutay, simbolismo, at iba pang katulad na pananalita. Ito
ay bunga ng malilikot na imahinasyon at pag-iisip ng mga manunulat na kinabibilangan
ng mga makata, kwentista, at nobelista. Kaya maihahanay sa produkto mg ganitong
pagsulat ang tula, dula, maikling katha, nobela, malikhaing sanaysay at ang mga
kinalilibangan natin ngayon, katulad ng panitikang popular na teleserye, telenobela,
komiks, musika, pelikula at iba pa.

3. PROPESYUNAL NA PAGSULAT (PROFESSIONAL WRITING)

Uri ng pagsulat kung saan inilalapat mo na ang iyong natutuhan sa akademya, ito
ang puntong nasa aktwal ka nang pagganap sa iyong propesyon. Susulat ka batay sa
natatanging larangan, depende sa hinihingi ng iyong propesyon. Karugtong ito ng iyong
natutuhan sa akademikong larangan kaugnay ng pagsasanay sa disiplinang pinili mo.
Katulad ng Criminology ma tinuruan ka sa akademya sa paggawa ng police, investigative
at criminal report; Teacher na tinuruan kang gumawa ng lesson plan; Doctor na gumawa
ng Medical Analysis at report; Nurse na gumawa ng narrative report at iba pa.
Samakatuwid, ito ang pagsulat kung saan sumusulat ka kaugnay sa iyong propesyon o
kasalukuyang hanapbuhay.

4. TEKNIKAL NA PAGSULAT (TECHNICAL WRITING)

Kakaiba naman ang pagsulat na ito sapagkat nangangailan ito ng impormasyong


teknikal na kadalasang ang layunin ay lumutas ng isang komplikasyodong suliranin.
Nangangailangan ito ng ibayong pagpaplano o mga hakbang kung paano ang isang
bagay o ideya ay maipapatupad at magiging matagumpay. May kalakihan ang sangkop
na ideya ng ganitong pagsulat at kadalasang nakatutok sa malaking kapakipakinabang,
ngunit ang babasa sa ganitong pagsulat ay iyon laamng may kaugnayan sa ganitong
usapin. Ang halimbawa ng ganitong pagsulat ay ang “City Planning and Construction
Building, Feasibility Study, Trade and Commerce Correspondence” at iba pang mga
katulad.

5. DYORNALISTIK NA PAGSULAT (JOURNALISTIC WRITING)

Ang ganito namang klase ng pagsulat ay sadyang inilaan para sa usaping


pamamahayag o pag-uulat ng mga balita. Halimbawa ng ganitong pagsulat ay ang
pagsulat ng mga balita, artikulo, editorial kolum, lathalain, at iba pa. Kaugnay nito ang
25
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

mga pangangalap ng iba’t ibang pangyayari o kaganapan sa mga pahayagan at magasin.


Ang karaniwang sumusulat ng ganitong pagsulat ay iyong mga taong may kinalaman sa
sining at agham ng pamamahayag, mga tagapagbalita, journalist at iba pa.

6. REPERENSYAL (REFERENTIAL WRITING)

Ito ang uri ng pagsusulat na walang ibang layunin kundi ang magbigay ng
mungkahi magrekomenda ng iba pang kaalaman o pagkukunang kaalaman na
nararapat bigyang pansin sapagkat may kaugnayan ito sa isinulat na konseptong papel.
Karaniwang ang ganitong pagsulat ay makikita sa katapusang bahagi ng isinasagawang
pananaliksik o kaya naman ay sa kabanata ng pag-aaral na tumatalakay sa kaugnay na
literature o pag-aaral. Maari rin namang Makita sa iba pang bahagi ng pamanahunan o
konseptong papel o tesis upang bigyang pagkilala o imungkahi ang mga pinagkunang
kaalaman o sorses ng manunulat sa kanyang isinasagawang pananaliksik.

26
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

HALIMBAWA NG AKADEMIKONG PAGSULAT

1. AGENDA NG PAGPUPULONG

HOMEOWNERS ASSOCIATON
Ascension ave.,cor, Misa de Gallo St., LagroSubdv., Quezon City

Petsa ng Pagpupulong: Setyembre 24, 2018


Items ng Agenda: Beautification project ng subdibisyon
Attendance: President: Mikael Jan B. Austria
Secretary: Ma. Faith Errua
Treasurer: Denver Dela Cruz

MgaMiyembro:
Jian Jacko Mateo Levi Joy Celiz
John Mark Bonite Theresa Andrade
Darlene Bea David Agarao
ShendryleValiente

Minutes ng nakaraangpagpupulong:
 Itinaas ni Mikael Jan Austria ang ideya ng pagsisimula ng pagpupulong sa
pagbibigay ng ideya tungkol sa anibersaryo ng gaganapin sa subdibisyon. Ang
isang ideya ay ang paglalagay ng mga palamuti sa paligid ng buong
subdibisyon.

 Nagbigay ng ilang ideya si John Mark Bonite ng pagtatalaga ng isang


committee namagpaplano ng bawat selebrasyon na gaganapin sa subdibisyon.
 Itinanong kung meron pang ibang mga ideya ngunit nagustuhan na ito ng
lahat at nagtalaga ang Presidente ng isang committee ng nagpaplano ng
selebrasyon para sasyudad.
Reports:
 Nang maitalaga ang party planning committee, ang bawat selebrasyon ay
binantayan, at sinuportahan ng nasabing committee.

Malters ng nakaraang Pagpupulong:


 Pangongolekta ng monthly dues

Susunodna Meeting:
 Beautification project ng subdibisyon.
Closure:
Nagpapasalamat ang Presidente sa mga miyembro sa pagdalo sa pagpupulong. Ang
pagpupulong ay natapos na sa pagkat wala nang isyu ang itinataas ng mga miyembro ng
asosasyon. Ang pagpupulong ay natapos sa ganap na 12:00 PM ng tanghali.

27
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

2. PHOTO ESSAY

Wika ng Kasaysayan
#medialiteracy

Ang Filipino, ang pambansang wika ng Pilipinas. Pinaka mahalagang instrumento


ng komunikasyon at pagpapahayag ng damdamin, at ng pagkatuto. Paano na lamang
kung makalimutan?

Sa panahon ngayon mas kilala na ang cellphone bilang pinakamabisang midyum


na pinagdadaluyan ng komunikasyon. Isang pindot lang ay makakapagpadala ka na ng
mensahe. Ngunit hindi mo ba pansin ang lenggwaheng ginagamit sa mga cellular phone
ay wikang banyaga?

28
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

Laganap na hindi lamang sa ating lipunan kundi pati na din sa bansa at sa buong
mundo ang mga isyu ng pagpapatiwakal o pagkitil ng tao sa sarili niyang buhay. Ang
pagpapatiwakal ay isang seryosong public health problem na dapat masolusyonan sa
ating lipunan, Marami sa mga kabataan ang maagang namumulat sa pagpapakamatay
dahil sa hirap at bigat ng kanilang pinagdadaanan sa buhay.

Araw araw marami tayong nakikita at nakakasalamuha na mga taong nakangiti,


nakaririnig ng mga sobrang lakas na halakhak, mga taong wala lang makikitang
problema dahil sa sobrang bait at hinhin. Pero maniwala ka man o sa hindi, di lahat ng
nakikita ng mata ay totoo. Karamihan ngayon, kung sino pa iyong masaya at nakangiti
ay sila pa yung may sobrang laking problema, sobrang laging takot, at sobrang bigat ng
pinapasan na sakit. Batay sa mga pananaliksik, isa ang depresyon o labis na
kalungkutan sa mga pangunahing dahilan ng pagpapatiwakal sa mga kabataan.

29
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

Iba iba ang pananaw ng mga tao tungkol sa isyu ng pagpapatiwakal, Karamihan
sa atin ay sinasabing “Desisyon nya yan,” “Kasalanan nya kung bakit sya namatay kasi
pinili nya,” “Kasalanan ang magpakamatay kaso ginusto nya,” at “Ang dali nya kasi
sumuko kaya ganyan.” Hindi man lamang ba sumagi sa ating isipan kahit minsan kung
ilang ulit na silang lumaban, kung gaano karaming beses na siyang tumayo kahit ilang
ulit na silang nadapa at nabigo bago sumuko? Marahil kaya natin nasasabi ito dahil
hindi pa natin nararanasan yung sakit, yung bigat, at yung hirap ng pinagdadaanan
nila. Oo, death is a choice at madalas death is the only choice. Siguro kaya may mga
nagpapakamatay ay dahil wala na silang nakikitang dahilan para mabuhay, siguro
sawang sawa na sila sa sakit, pagod na pagod na sila sa problema at siguro noong
nabubuhay pa sila ay walang nagparamdam kung gaano sila kahalaga. Ang mga taong
ito, nagpapatiwakal sila hindi para tapusin ang buhay nila kundi para tapusing ang
sakit at paghihirap na nararanasan nila.

Ang mga kabataan ay mas nangangailangan ng patnubay ng mas nakatatanda at


ang pinakamagandang solusyon dito ay ang pagiging bukas ng mga kabataan sa
kanilang mga pinagdaraanan at mga nararanasan. Kaya kung maaari ay huwag tayo
basta basta na lang manghusga, tumulong tayo sa kapwa natin. Huwag natin itong
isawalang bahala, hindi ito isang biro. Huwag nating hayaang mas dumami pa ang mga
tao, di lamang ang mga kabataan, na winakasan ang kanilang mga buhay.

Gawa ni: Ma. Faith C. Errua

30
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

3. LAKBAY SANAYSAY

Bilang isang kabataan at estudyante, hinahanap-hanap ko ang pakiramdam ng


tag-araw dahil bakasyon na. Lalong lalo na ang pakiramdam ng tuwa sa pag-iisip na
malapit na ang araw para sa swimming. Ngunit hindi lang ang paglangoy sa dagat ang
naging habol ko sa lugar, kundi ang malibot ang buong lugar na kagandahang gawa ng
Diyos.

Natatayang limang oras ang biyahe patungo sa lugar na ito. Kami ay nagmula sa
Bagong Silang sa Metro Manila at umalis ng ika-2 ng umaga at nakarating sa lugar sa
ganap na ika-1 ng hapon dahil kailangan naming tumigil muna sa bahay ng isang
kasama upang kumain ng agahan.

Ang lugar na ito ay isla ng Pundaquit sa Zambales. Ito ay dinarayo dahil sa


dalampasigan nitong gawa sa abo ng bulkan na siyang nagmimistulang puting
buhangin kapag nasisinagan ng araw. Ito rin ay daan patungo sa iba’t-iba pang mga isla
sa Zambales.

Hindi lamang ang mga isla ang sentro ng atraksyon rito. Mayroon ding pormasyon
ng mga bato kung saan maaaring akyatin at makikita na ang lawak ng buong
dalampasigan. Maaari din namang kumuha ng litrato rito dahil sa ganda ng hampas ng
alon sa mga bato. Marami ring makukuhang sea shells na magandang ilagay sa
koleksiyon.

Nagtatago rin dito ang isang napakataas na talon. Ngunit sa kasamaang palad ay
hindi namin ito nakitang may tubig na dumadaloy. Ang talon ay nag tatago sa kaloob-
looban ng isla at napapaligiran ng nagtataasang mga puno at bato.

Huwag palagpasin ang ganda ng kalikasan. Dayuhin at tangkilikin ang sariling


atin. Tayo ay magkaroon ng napakasayang alaala at karanasan sa mainit na yakap ng
kalikasan na gawa ng Ating Diyos na Buhay.

Gawa ni: Rozette V. De Guzman

31
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

4. POSISYONG PAPEL

Posisyong papel tungkol sa pagkakaroon ng libreng internet sa mga


pampublikong lugar ni: Faith Errua

Ano nga ba ang Internet? Ano ang kahalagahan ng pagkaroon ng libreng internet
sa publiko? ano ano ang magiging epekto nito sa tao? makabubuti ba ito o
makakasama? Kasabay ng modernisasyon ay ang pagusbong ng teknolohiya sa mundo
ngayon. Marami nang mga naimbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na
siglo, isa na dito ang internet.Ang internet ay isang sistema na ginagamit nang buong
mundo upang mapagkonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na
dumadaan sa iba’t-ibang klase ng telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng
telepono, satellites, at ibang komunikasyon na hindi gumagamit ng kable(wireless) na
kung saan ang mga iba’t-ibang impormasyon ay mapaparating at mababasa ng publiko.
Sa panahon ngayon ay hindi na lamang mga kompyuter ang makakakonekta sa internet
ngunit lahat na ng mga bagong gamit katulad ng mga tablet computer, mga cellphone, at
marami pang iba. Kakambal na ng salitang Internet ang Social Media, Ang Social Media
ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay
lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang
virtual na komunidad at mga network. Bukod dito, ang social media ay may interactive
platfosensational-social-media-facts-figures-and-statistics-6-infographicsrm na kung
saan ang isang indibidwal at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha,
tumalakay at baguhin ang nilalamang binuo ng gumagamit. Ito ang nagbibigay daan sa
isang matibay at malaganap na pagbabago sa komunikasyon sa pagitan ng mga
organisasyon, mga komunidad at mga indibidwal.

Noong Nakaraang Agosto 2, 2017 ay pinirmahan ang batas na nagpapatupad ng


Libreng Internet sa mga pampublikong lugar o ang R.A. 10929 act of 2017, ang
panukala ay nagbibigay ng libreng pampublikong pag-access sa internet sa “mga
tanggapan ng pambansa at lokal na pamahalaan; pampublikong mga institusyong pang-
edukasyon; mga unibersidad at kolehiyo ng estado, at mga institusyon sa teknolohiya;
mga pampublikong ospital, mga sentrong pangkalusugan, at mga yunit ng kalusugan sa
kanayunan; pampublikong parke, plaza, library at mga barangay reading center;
pampublikong paliparan at pantalan; at mga terminal ng pampublikong transportasyon.
” Nagbibigay din ang batas na walang mga singil ang kukunin mula sa mga gumagamit
upang kumonekta sa mga pampublikong punto ng Internet access.Sang ayon ako sa
pagpapatupad nito dahil makabubuti ito di lamang sa mga estudyante ngunit pati na rin
sa lahat ng mamamayang pilipino, napapagaan ng internet ang bawat trabaho o buhay
ng tao, halimbawa na lamang sa transportasyon may mga naglabasang mobile app para
madali tayong makahanap ng sasakyan gaya ng Grab at Uber. Sa magaaral naman ay di
na sila gagastos ng malaki para magrenta ng kompyuter dahil libre na ang wifi,
makakapagriserts na sila ng kanilang mga asignatura ng walang ginagastos.

Malaki ang naitutulong satin ng Internet ngunit ang lahat nga ng labis ay
nakakasama mas makakabuti kung gagamitin natin ito sa wasto at tama para maiwasan
ang anumang problema sa Internet magandang maging maingat at tandaan ang ‘Think
before you click’.

32
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

Posisyong Papel tungkol sa Paggamit ng Ipinagbabawal na Gamot ni: Rozette V. De


Guzman

Alam nang lahat na ang gamot ay kailangan upang mabawasan ang sakit na
dinaramdam, o di kaya ay pang alis sa mga karamdaman. Ngunit sa kabilang banda,
mayroon pang mga tao ang nais maging dahilan ng kapahamakan ng bawat isa.
Gumagawa sila ng mga gamot na siyang magdudulot ng kapahamakan ng lahat.

Sa panahon ngayon, nauuso ang tinatawag nilang Extra Judicial Killings o mas
kilala sa tawag na Oplan: Tokhang. Ang oplan na ito ay nag lalayong masugpo ang
paggamit ng droga sa bansa. Ang paraan ng mga awtoridad ay ang pagpatay sa mga
sinasabi nilang nanlaban na mga drug user na siya ring ginagamit ng ibang
masasamang loob upang puksain ang kapwa nila. Marami ang galit na galit sa mga
pulis, sinasabi ng marami na hindi naman suspek ang mga napatay ng pulisya. May
reward kasi sila kapag nakapatay o nakahuli sila ng adik sa droga. Ngunit hindi rin
lahat ng pumatay ay miyembro ng pulisya pero bakit patuloy silang nasisisi? Maraming
pagkakataon na din na napatunayan na hindi lamang ang pulisya ang naging dahilan ng
pagpatay kundi ang kapwa drug users at dealers ng mga biktima. Sila mismo ay
nagpapatay para lamang maitago o mailigtas ang mga sarili sa peligrong dulot ng Oplan:
Tokhang. Marami ang pilit na iniiwasan ang katotohanang ito dahil ang gusto nila ay
may managot bagamat hindi nila alam ang katotohanan.

Hindi ba ninyo napapansin na dahil sa pangyayaring ito ay nabawasan na ang


karahasan sa bansa? Huwag nating isarado ang inyong mga mata, tainga lalo na ang
isipan sa katotohanan. Piliting alamin ito kahit pa ang resulta nito ay sakit sa
damdamin. Huwag tumingin sa iisang punto lamang. Palawakin ang isip dahil ang
katotohanan lang ang makapagpapalaya sa bawat isa.

5. REPLEKTIBONG SANAYSAY

MOBILE LEGEND
Patok na patok di lamang sa mga kabataan kundi pati na rin sa ibang matatanda
ang mga online games mapa- android man o sa PC nilalaro, isa sa mga laro na uso
ngayon ay ang ML o Mobile Legends.

Ang Mobile Legends ay isang MOBA (Multiplayer Online Battle Arena) isang genre
ng video games kung saan ang isang player ay may kinokontrol na character na nasa
isang team o koponan na lumalaban sa kabilang koponan. Ang Mobile Legends ay
kahawig ng League of Legends na may 5v5 na laban kung saan pipili ka ng hero kasama
ang iyong mga kakampi na maaring: Marksman, Tank, Assasin, Fighter, Mage, at
Support. Ang aking buhay ay aking maihahalintulad sa larong ito, na may bawat laban
na kailangang maipanalo, na sa buhay ay kailangan mong gawin lahat ng iyong
makakaya upang magtagumpay sa mga hamon at pagsubok. Masasabi ko rin na sa
bawat laban sa buhay ay meron tayong mga makakasama na tutulong sa atin sa pag-
angat at meron ding mga tao na hahatakin tayo pababa, kailangan nating matutunang
maging matatag sa bawat pagsubok na darating dahil sa buhay ng tao ay walang
problema na ibibigay sa atin ang Diyos na di natin kayang lagpasan.

Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay panalo, sabi nga ang buhay ng tao ay
may ‘ups and downs’ di sa lahat ng oras lagi tayong masaya may mga punto pa din na
makakadanas tayo ng pagkatalo at luluha subalit ang bawat pagkatalong ito ay isipin
natin na sa susunod atin pang galingan at higitan ang ating makakaya para mas maka
mit ang masayang tagumpay sa buhay.
33
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MODULE 2

Gawa ni: Ma. Faith C. Errua

“Dad, Sana Naririto ka pa Hanggang Ngayon”

Siyam na taong gulang ako noon nung nawalan ako ng ama. Patuloy kong sinisisi
ang sarili ko kung baki t hindi ako naging mabuting anak sa kabila ng aking murang
edad. Lagi kong hinihiling na sana’y maibalik ko ang oras para nakapaglambing man
lang ako sa aking daddy kahit sa huling pagkakataon lang.

Naaalala ko pa noon, sinisi ko ang sarili dahil sa pagkamatay ng aking ama.


Sinabi ko kay mommy na ako ang dahilan kung bakit namatay si daddy. Na narinig kasi
ako ng Diyos na humiling na sana ay mamatay na siya sa kadahilanang pinagalitan niya
ako. Pero napagtanto ko rin ang hirap ng mawalan ng ama. Naranasan naming noon na
hindi na kumain ng isang araw dahil hindi pa kami nakakabangon mula sa sakit ng
pagkawala ng haligi ng aming tahanan. Sa katunayan, hanggang ngayon ay hindi parin
naaalis ang sobrang sakit na idinulot nun. Strikto si daddy. Lagi niyang iniisip ang
kapakanan naming mga anak niya. Ayos lamang na hindi na sila makapagdate o
magkaroon ng mga material na nais nila basta’t maibigay lamang ang gusto naming. Si
daddy yung tipong hihindi sa una ngunit magugulat ka na lamang ay pinaghandaan
niya na pala. Minsan, naiinggit ako sa mga kabataan na kasama nila ang kanilang mga
ama. Naiiyak ako sa tuwing iniisip na bakit kasi siya nawala? Ngunit alam ko na ang
lahat ng nangyayari sa pagdaan ng panahon ay may magandang idudulot sa hinaharap.
Dad, alam ko na kahit sa huling pagkakataon ay tinuruan mo pa rin ako ng
napakahalagang aral. Yun ay ang pagiging matatag sa lahat ng problemang daranasin at
ang mas kumapit pa sa Diyos dahil siya lang ang makakatulong sa akin at sa lahat. Sa
mga pananahong ito dad, malapit nang sumapit ang ika-siyam na taon ng pagkawala mo
ngunit ang mga alaala mo ay parang kalian lang nangyari.

34

You might also like