You are on page 1of 6

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

MODYUL 1 AKADEMIKONG PAGSULAT

Mababatid mo sa bahaging ito ng modyul ang


MODYUL 1
PAGGALUGAD: AKADEMIKONG
layunin, gamit, katangianPAGSULAT
at anyo ng akademikong
sulatin. (CS_FA11/12PN0a-c-90)

NGAKADEMIKONG PAGSULAT
PAGGALUGAD: MODYUL 1
KAHULUGAN AT KALIKASAN PAGSULAT Mababatid mo sa bahaging ito ng modyul ang
layunin, gamit, katangian at anyo ng akademikong
Ang pagsulat ay pagsasatitik sa papel o anumang
sulatin. bagay na maaaring gamitin na pagsasalitan
(CS_FA11/12PN0a-c-90)
ngPAGGALUGAD:
mga ideya, sagisag, paglalarawan ng isang
AKADEMIKONG indibibwal o grupo ng mga indibidwal sa pagnanais
PAGSULAT
MODYUL 1
na maisiwalat ang kaniyang o kanilang naiisip o nadarama. Ayon kay Dr. Lydia R. Lalunio (1985),
Mababatid mo
ang pagsulat ay isang prosesong sosyal o panlipunan, angsabunga
bahaging ito ng modyulproseso
ng interaksyong ang ng
layunin, gamit,
mga mag-aaral at produkto sa sosyo-kultural na katangian
konteksto atnaanyo ng akademikong
nakakaapekto sa pagkatuto.
PAGGALUGAD:
Binigyang-diin sulatin.na
naman ni Gonzales, (2005) (CS_FA11/12PN0a-c-90)
ang kakayahang makapagpahayag ang malinaw
sa pamamagitan ng panulat ay maituturing na isa sa mga pinakaimportanteng kasanayang
matatamo ng tao. Ayon pa rin sa kanya, “walang misteryong taglay ang mabuting panulat, ito ay
kasanayang natutuhan”. Mababatid mo sa bahaging ito ng modyul ang
layunin, gamit, katangian at anyo ng akademikong
sulatin.
Ang unang proseso ng pagsulat sa Filipino at (CS_FA11/12PN0a-c-90)
maging sa iba pang wika ay nagsisimula sa pagbuo
ng may kabuluhang parirala, at pangungusap. Hango rin ang mga ideyang naisusulat ng mga
mag-aaral sa mga lathalaing pinapabasa sa kanila, tulad ng artikulo, magasin, o dyaryo,
talumpati, kuwento, tula, sanaysay, nobela at iba pang anyo ng literatura.

Maaari ring sabihin o ipalagay na ang mga paksang isinusulat ng mag-aaral ay iyong hilig.
Isinusulat din ng mga ito mga paksang malapit sa kanilang puso at interes na karaniwan nang
malasin sa araw-araw sa karaniwan ding pagtataya, subalit sa kanilang sarili ito ay
napakaespesyal na araw, musika, pulitika, inspirasyon, paglalakbay o maging ang bawat
tagumpay na kanilang nakamit.
Halaw sa aklat nina: Garcia, L. C. et.al (2008).Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik
(Binagong Edisyon).JIMCY Publishing House

LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAGSULAT

Ayon kay Royo (2001), na nasulat sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga, Jr. na Pagbasa at Pagsulat, at
Pananaliksik, Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog ng damdamin at isipan ng tao. Sa
pamamagitan nito, naipapahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin, pangarap, agam-agam,
bungang-isip, at mga pagdaramdam. Dahil din sa pagsulat ay nakikilala ng tao ang kanyang sarili,
ang kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang lawak at tayog ng kanyang kaisipan, at ang mga
naabot ng kanyang kamalayan. Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay ang mapabatid sa mga
tao o sa lipunan ang paniniwala, kaalaman, at mga karanasan ng mga taong sumusulat.

Ayon naman kay Mabilin (2012), sa kanyang aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa


Akademikong Filipino ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaring mahati sa dalawang
bahagi. Una, ito ay maaaring maging personal o ekspresibo kung saan ang layunin ng pagsulat
ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip o nadarama ng manunulat. Ang
ganitong paraan ng pagsulat ay maaaring magdulot sa bumabasa ng kasiyahan, kalungkutan,
pagkatakot o pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat. Ang karaniwang halimbawa
nito ay sanaysay, maikling kwento, tula, dula, awit, at iba pang akdang pampanitikan.
Pangalawa, ito ay maaari namang maging panlipunan o sosyal kung saan ang layunin ng
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

pagsulat ay makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan. Ang ibang tawag sa


layuning ito ng pagsusulat ay transaksiyonal. Ang halimbawa nito ay pagsusulat ng liham,
balita, korespondensiya, pananaliksik, sulating panteknikal, tesis, disertasyon, at iba pa.

Sa kabilang dako, maaari rin namang magkasabay na maisagawa ang layuning personal at
panlipunan partikular sa mga akdang pampanitikan.

Sa pangkalahatan, narito ang kahalagahan o ang mga benepisyong maaaring makuha sa


pagsusulat:

1. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa


pamamagitan ng obhetibong paraan.
2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa
isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik.
3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan
ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isinusulat batay sa mga nakalap
na impormasyon.
4. Mahihikayat at mapapaunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa
paghahanap ng mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa
pagsulat.
5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon
ng mga pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan.
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng
kanilang pag-aaral at akdemikong pagsisikap.
7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang
batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat.

MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT

Mga dapat isaalang-alang sa pagsusulat partikular ng akademikong pagsulat.

1. Wika- Ang wika ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman,
damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais
sumulat. Mahalagang matiyak kung anong uri ng wika ang gagamitin upang madaling
maiakma sa uri ng taong babasa ang akda, komposisyon, o pananaliksik na nais mong
ibahagi sa iba. Mahalagang magamit ang wika sa malinaw, masining, tiyak at payak na
paraan.

2. Paksa- Mahalagang magkaroon ng isang tiyak na paksa o tema ng isusulat. Ito ang
magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda. Ang
pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat ay napakahalaga upang maging
malaman, makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o artikulo na
makatutulong nang malaki upang lumawak ang kaalaman sa paksang nais bigyang-
pansin.

3. Layunin- Mahalagang matukoy ang layunin sapagkat ito ang magsisilbing giya sa
paghabi ng mga datos. Kailangan matiyak na matutugunan ng iyong isusulat ang motibo
ng iyong pagsusulat nang sa gayon ay maganap nito ang iyong pakay sa katauhan ng
mga mambabasa.
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

4. Pamaraan ng Pagsulat- May limang pamaraan ng pagsulat. Una, maaring gumamit ng


paraang impormatibo kung saan ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng
impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa. Pangalawa ay ang paraang ekspresibo
kung saan ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala,
ideya, obserbasyon, at kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang
sariling karanasan o pag-aaral. Pangatlo ay ang paraang naratibo kung saan ang
pangunahing layunin nito ay magkwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa
magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod. Ang pang-apat ay paraang deskriptibo
kung saan ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo,
hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakita, narinig, natunghayan, naranasan
at nasaksihan. Panghuli ay paraang argumentatibo kung saan ang pagsulat ay
naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. Madalas ito ay
naglalahad ng proposisyon at mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.

5. Kasanayang pampag-iisip- Sa pagsulat, dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang


mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga o maging
ng mga impormasyong dapat isa sa akdang isusulat. Kailangang maging lohikal din ang
kanyang pag-iisip upang makabuo siya ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag o
pangangatwiran. Higit sa lahat, kailangang maging obhetibo siya sa pagsusuri at
pagpapaliwanag ng mga impormasyon at kaisipang ilalahad sa sulatin.

6. Kaalaman sa wastong pamaraan ng pagsulat- Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat


ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong
paggamit ng malaki at maliiit na titik, wastong pagbabaybay, paggamit ng bantas,
pagbuo ng makabuluhang pangungusap, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong
paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin.

7. Kasanayan sa Paghabi ng Buong sulatin- tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang


mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo, at masining na
pamamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyong hanggang sa wakas nito.

✄✄✄✄
PAGLALAHAD

Tunay na isang gawaing hindi maiiwasan ang pagsulat. Dahil dito makatwiran lamang na ang
PAGLALAHAD
kasanayang ito ay pag-ukulan ng masinop na pag-aaral. Kung kaya’t mahalagang pagtuunan
ng pansin ang iba’t ibang uri ng pagsulat.

1. Malikhaing
PAGLALAHADPagsulat (Creative writing)
Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makaantig sa
imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Karaniwan itong bunga ng malikot na isipan ng
mga mambabasa.
PAGLALAHAD
2. Teknikal na Pagsulat (Technical writing)
Ang uring ito ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo
ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin. Bagama’t
maituturing na malawak ang kaisipang nasasakop ng ganitong uri ng sulatin, ang inaasahang
higit na makauunawa lamang nito ay ang mambabasa na may kaugnayan sa tinatalakay na
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

proyekto o suliraning na may kinalaman sa tiyak na disiplina o larangan. Ang ilan sa mga
halimbawa nito ay ang Feasibility Study on the Construction of Platinum Towers in Makati.

3. Propesyonal na Pagsulat (Professional writing)


Ang uri ng pagsulat na ito ay may kinalaman sa mga sulating may isang tiyak na larangang
natutuhan sa akademya o paaralan. Binibigyang-pansin nito ang paggawa ng mga sulatin o
pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. Gaya halimbawa ng mga
guro, mahalagang matutuhan nila ang wastong pagsulat ng lesson plan, paggawa at
pagsusuri ng kurikulum, pagsulat ng pagsusulit at iba pa. Ang mga mag-aaral habang nag-
aaral ay mahalagang masanay sa paggawa nito para maging handa sila sa trabaho o
propesyong kanilang papasukan.

4. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)


Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag. Kasama na rito ang
pagsulat ng balita, editoryal, lathalain, artikulo at iba pa. Mahalaga sa mga taong sumusulat
nito na maging bihasa sa pangangalap ng totoo, obhetibo, at makabuluhang balita at isyung
nagaganap sa lipunan sa kasalukuyan na kanilang isusulat sa mga pahayagan, magasin o
kaya naman ay iuulat sa radyo at telebisyon.

5. Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing)


Layunin ng sulating ito na bigyang-pagpapakilala ang mga pinagkunang kaalaman o
impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon. Layunin din ng
pagsulat na ito na irekomenda sa iba ang sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang
kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa. Karaniwang makikita ang sulating ito sa huling
bahagi ng pananaliksik o kaya naman ay sa kabanatang naglalaman ng Review of Related
Literature (RRL).

6. Akademikong Pagsulat (Academic Writing)


Ang akademikong pagsulat ay isang intelektuwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay
nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayon
kay Edwin Mabilin et.al (2012), ang lahat ng uri ng pasulat ay produkto o bunga lamang ng
akademikong pagsulat.

PAGPAPALAWIG

Ngayong batid mo na ang kahulugan, kalikasan, layunin at gamit ng


PAGPAPALAWIG
pagsulat, aktuwal mo nang malalaman ang iba pang katangiang dapat taglayin ng
isang akademikong pagsulat upang masiguro na handa ka nang sumulat. Kung
gayon, basahin ang sumusunod:
PAGPAPALAWIG

MGA KATANGIANGNgayongDAPAT
batid mo na ang kahulugan,
TAGLAYIN kalikasan, layunin
NG AKADEMIKONG at gamit ng
PAGSULAT
pagsulat, aktuwal mo nang malalaman ang iba pang katangiang dapat taglayin ng
PAGPAPALAWIGpagsulat upang masiguro na handa ka nang sumulat. Kung
isang akademikong
1. Obhetibo- Kailangang ang datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng pag-aaral at
gayon, basahin
pananaliksik. angang
Iwasan sumusunod:
pagiging subhetibo o ang pagbibigay ng personal na opinyon o
paniniwala hinggil sa paksang tinatalakay. Iwasan ang paggamit ng mga pahayag na batay
sa aking pananaw o ayon sa aming haka-haka o opinyon.
Ngayong batid mo na ang kahulugan, kalikasan, layunin at gamit ng
pagsulat, aktuwal mo nang malalaman ang iba pang katangiang dapat taglayin ng
isang akademikong pagsulat upang masiguro na handa ka nang sumulat. Kung
gayon, basahin ang sumusunod:

Ngayong batid mo na ang kahulugan, kalikasan, layunin at gamit ng


FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

2. Pormal- Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Sa halip, gumamit ng mga
salitang pormal na madaling maunawaan ng mga mambabasa. Ang tono o himig ng
paglalahad ng mga kaisipan ay dapat na maging pormal.

3. Maliwanag at Organisado- Ang paglalahad ng mga kaisipan at datos ay nararapat na


maging malinaw at organisado. Ang mga talata ay kinakailangang kakikitaan ng maayos na
pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na binubuo nito. Ang
mga talata ay mahalagang magtaglay ng kaisahan. Hindi ito dapat masamahan ng mga
kaisipang hindi makatutulong sa pagpapaunlad ng paksa. Maging ang pag-uugnay ng mga
parirala o pangungusap ay dapat na pilimpili nang sa ganoon ay hindi ito makagulo sa ibang
sangkap na mahalaga sa ikalilinaw ng paksa. Bukod sa katangiang kaisahan at maayos na
pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan, ang punong kaisipan o main topic ay dapat
mapalutang o mabigyang-diin sa sulatin.

4. May paninindigan- Mahalagang mapanindigan ng sumulat ang paksang nais niyang


bigyang-pansin o pag-aralan, ibig sabihin hindi maganda ang pabago-bago ng paksa. Ang
kanyang layunin na maisagawa ito ay mahalagang mapanindigan niya hanggang sa matapos
niya ang kanyang isusulat. Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat
ng mga datos para matapos ang pagsulat sa napiling paksa.

5. May pananagutan- Ang ginamit na sanggunian ng mga nakalap na datos o impormasyon ay


dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala.

PAGTATAYA NG SARILING PAGKATUTO:


Manatili nawa ang mga natutuhan mo sa iyong isip at puso.

Sa puntong ito, isasagawa mo na ang panariling pagtataya kung handa ka na sa


pagtatasa. Lagyan ng tsek ang katapat na pahayag kung Oo o Hindi.

OO HINDI
1. Naunawaan ko ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat.
2. Naintindihan ko ang mga gamit o pangangailangang dapat
isaalang-alang bago magsulat.
3. Napaghahambing ko nang malinaw at wasto ang iba’t
ibang uri ng pagsulat.
4. Naiisa-isa ko ang mga katangiang dapat taglayin ng isang
akademikong Pagsulat.

PAGTATAYA NG SARILING PAGKATUTO:


Manatili nawa ang mga natutuhan mo sa iyong isip at puso.

Sa puntong ito, isasagawa mo na ang panariling pagtataya kung hand aka na sa


pagtatasa. Lagyan ng tyek ang katapat na pahayag kung Oo o Hindi.
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

PAGTATAYA

Ito na ang huling yugto ng iyong pagkatuto para sa araling ito na sadyang
PAGTATAYA
inilaan upang sukatin ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman
sa pagsasakatuparan ng iyong proyekto.

PAGTATAYA
Isaalang-alang na sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

a) Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat.


(CS_FA11/12PB-Oa-c-101)
PAGTATAYA
b) Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
b.1 Layunin b.3 Katangian
b.2 Gamit b.4 Anyo

Makatutulong kung ganoon ang susunod na gawain.

Ito na ang huling yugto ng iyong pagkatuto para sa araling ito na sadyang
MGAinilaan
PINAGHANGUAN
upang sukatinNG
angTALA
iyongAT GAWAIN:
natutuhan sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman
sa pagsasakatuparan ng iyong proyekto.
Constantino, P. C. et al (2016). Filipino sa piling larang (akademik). Rex Publishing Company
Isaalang-alang na sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
Garcia, L. C. et.al (2008). Kalatas: pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik (Binagong
c) Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat.
Edisyon). JIMCY Publishing House
(CS_FA11/12PB-Oa-c-101)
d) Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
Julian, A. B. at Lontoc, N. B. (2017). Pinagyamang pluma. Phoenix Publishing
b.1 Layunin b.3 Katangian
House Inc.
b.2 Gamit b.4 Anyo

Makatutulong kung ganoon ang susunod na gawain.

Ito na ang huling yugto ng iyong pagkatuto para sa araling ito na sadyang
inilaan upang sukatin ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman
sa pagsasakatuparan ng iyong proyekto.

Isaalang-alang na sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

e) Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat.


(CS_FA11/12PB-Oa-c-101)
f) Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
b.1 Layunin b.3 Katangian
b.2 Gamit b.4 Anyo

Makatutulong kung ganoon ang susunod na gawain.

Ito na ang huling yugto ng iyong pagkatuto para sa araling ito na sadyang
inilaan upang sukatin ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman
sa pagsasakatuparan ng iyong proyekto.

Isaalang-alang na sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

g) Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat.


(CS_FA11/12PB-Oa-c-101)

You might also like