You are on page 1of 12

 

 
Suriin Gabay sa Pagwawasto 
Yunit 1: Akademikong Pagsulat 
 
Nilalaman 
Aralin 1: Kahulugan at Katangian ng Akademikong Pagsulat 1 

Aralin 2: Layunin sa Paglinang ng Kasanayan sa Akademikong Pagsulat 4 

Aralin 3: Mga Uri ng Akademikong Pagsulat 8 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
 

SURIIN​ Gabay sa Pagwawasto 


 

Yunit 1: Akademikong Pagsulat  


 
Aralin 1: Kahulugan at Katangian ng Akademikong 
Pagsulat 
 

Part A. 
1. Saan ginagamit ang akademikong sulatin? 
Sagot:​ Ang akademikong sulatin ay ginagamit hindi lamang sa mga akademikong 
institusyon o paaralan. Samakatwid, hindi lamang ang mga mag-aaral ang 
gumagawa nito kundi maging ang mga propesyonal na nasa kani-kanilang 
industriya o kompanyang kinabibilangan ay sumusulat din ng mga akademikong 
sulatin. Ginagamit ito upang mabisang mailahad ang iba’t ibang impormasyon.  
 
2. Ano-ano ang katangian at kakanyahan ng sulating pang-akademiko?  
Sagot:​ Ang katangian at kakanyahan ng sulating pang-akademiko ay pormal, 
malinak, tiyak, may paninindigan, at may pananagutan. 
 
3. Paano masasalamin sa isang sulating pang-akademiko ang pananagutan nito? 
Magbigay ng tiyak na halimbawa o sitwasyon.  
Sagot:​ Pananagutan ng manunulat na ipabatid sa mga mambabasa kung saan 
niya hinango at ibinatay ang kaniyang mga isinulat. Isang halimbawa nito ay ang 
paglalagay ng mga sanggunian kung saan hango ang impormasyon o materyal na 
ginamit sa ginawang sulatin. 
 
4. Kailan masasabing isinasaalang-alang ng manunulat ang may-akda ng mga tekstong 
kaniyang pinaghanguan ng impormasyon?  
Sagot:​ Ang paggamit ng sipi at paglalagay ng bibliyograpiya sa mga isinusulat, 
maging ito man ay pang-akademiko o anumang uri ng sulatin ay isang 
pangangailangan, ito ay pagkilala at paggalang sa mga eksperto o may-akda ng 
tekstong ginamit bilang reperensiya o pinagbatayan ng mga isinulat.   

 
  1 
 
 

SURIIN​ Gabay sa Pagwawasto 


 
 
5. Paano masasabing may paninindigan ang isang manunulat ng akademikong sulatin?  
Sagot:​ Sinumang manunulat ay kayang mapanindigan ang kaniyang mga isinulat 
sa tulong ng mga sipi at bibliyograpiya ng mga naging reperensiya ng kaniyang 
mga isinulat.  

Part B. 
1. Ang mga isinulat bang akademikong sulatin ay maaaring gamiting batayan upang 
kilalanin ang pagkatao ng sumulat? 
Sagot:​ Sinasabing repleksiyon ng sarili ang anumang kaniyang ginawa, kasama 
dito ang mga isinulat. Ang organisado at pormal na pagkakasulat ng akademikong 
sulatin ay maaaring magbigay ng mabuting impresyon sa nagsulat.  
 
2. Ang pagsulat ba ay maaaring puhunan ng pansariling pag-unlad? Paano?  
Sagot:​ Gaya ng mga nabanggit sa mga tinalakay sa aralin, kasama ng pagsusulat 
ang mapanuring pagbabasa. Batay rito, masasabing nagpapalalim ng isipan ang 
pagsusulat. Higit na nagiging komprehensibo ang nilalaman ng isang sulatin ng 
isang taong nalinang ang kritikal na pag-iisip. Ang bagay na ito ay masasabing 
pagpapaunlad ng sarili.  
 
3. Sa papaanong paraan makatutulong ang akademikong pagsusulat sa 
pang-araw-araw na pamumuhay? Ipaliwanag. 
Sagot:​ Makatutulong ang akademikong pagsulat sa pang-araw-araw na 
pamumuhay dahil magagamit natin ito sa maayos na komunikasyon. Sa pagsulat 
nito, maaaring malinang ang tas ng ating pag-iisip sa wastong paggamit ng mga 
salita at mapahahalagahan din natin ang likha ng iba sa pagpapakita ng mga 
pananagutan sa bawat materyal na gagamitin. 
 
4. Ano ang naitutulong ng mga ganitong sulatin sa pagpapalawak ng komunikasyon? 
Sagot:​ Sa pamamagitan nito ay napalalawak ang komunikasyon dahil natutuhan 
natin na gumamit ng angkop na salita sa bawat pagkakataon at naaayon sa 
sitwasyon. 
 

 
  2 
 
 

SURIIN​ Gabay sa Pagwawasto 


 
5. Sa iyong palagay, bakit kailangan matutuhan ang pagsulat ng akademikong pagsulat? 
Palawakin ang sagot. 
Sagot:​ Bilang ito ay hindi lamang ginagamit ng mga mag-aaral kundi maging ng 
mga propesyonal.  
 
 
 

Pamantayan sa  Deskripsyon  Puntos 


Pagmamarka 

Nilalaman  Tama ang sagot. Malalim ang kaisipang nakapaloob sa   


5 puntos  paliwanag. May mga pinagbatayan at hindi nakatuon 
lamang sa pansariling opinyon.  

Organisasyon ng  Malinaw ang kabuuang paliwanag sa dahilang   


Ideya  organisado ang paglalahad ng mga ideya mula sa 
3 puntos  pinakasimpleng ideyang may pinagbatayan hanggang 
sa pagbibigay ng pangunahing ideya na nais 
bigyang-diin.  

Paggamit ng Wika  Mahusay ang pagpapaliwanag sa dahilang tama ang   


2 puntos  salitang pinili para sa ideya, tama ang pagkakabuo ng 
mga pangungusap, at masasabing may mataas na 
retorika at tamang gramatika sa wikang Filipino. 

Kabuuan     
10 puntos 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
  3 
 
 

SURIIN​ Gabay sa Pagwawasto 


 

Yunit 1: Akademikong Pagsulat  


 
Aralin 2: Layunin sa Paglinang ng Kasanayan sa 
Akademikong Pagsulat 
 

Part A. 
1. Ano ang mahalagang gampanin ng paglalagay ng kongklusyon sa mga akademikong 
sulatin?  
Sagot:​ Ang kongklusyon ay nagsisilbing pahayag o paliwanag na natuklasan 
mula sa mga datos ng akademikong sulatin. Makikita sa bahaging ito ang 
kasagutan sa mga itinatampok na katanungan o suliranin sa isinulat na pag-aaral 
at sulatin. 
 
2. Paano masasabing napalalalim at napalalawak ng pagsulat ng akademikong sulatin 
ang kaalaman ng isang indibidwal? 
Sagot:​ Sa pamamagitan ng pagsasanay sa akademikong pagsulat ay nagagawa 
nitong mapalalim at mapalawak ang kaalaman ng isang indibidwal sa paraan ng 
pagsasaliksik ng mga kaugnay na konsepto na hinihiling ng paksa o temang nais 
talakayin sa sulatin.​ ​Napag-uugnay ng isang mananaliksik o ng manunulat ang 
kaniyang salita sa diwang nais ipahayag sa pamamagitan ng lohikal at kritikal na 
paghihimay ng mga datos na nakalap at pagsasatitik nito sa papel.  
 
3. Ano ang nagiging gampanin ng pag-aangkop ng/ng mga layunin sa pagpili ng 
makabuluhang paksa ng nais ipahiwatig sa akademikong sulatin? 
Sagot:​ Malaking gampanin na matiyak ang mga layunin ng isang akademikong 
sulatin, lalo na ang pag-aangkop nito upang matiyak din ang paksa ng sulatin. Sa 
pamamagitan ng layunin, nagkakaroon ito ng paghuhulma sa nais itampok na 
paksa at nagkakaroon din ng direksiyon ang kabuuan ng sulatin. Ginagamit din 
ang layunin upang mapalutang ang paksang tatalakayin sa sulatin.  

 
  4 
 
 

SURIIN​ Gabay sa Pagwawasto 


 
4. Paano nakatutulong ang paglikha ng balangkas ng mga paksang nais talakayin sa 
akademikong sulatin? 
Sagot:​ Ang balangkas ay ang paghahanay ng mga ideya tungkol sa isang sulatin. 
Malaki ang naitutulong nito upang maisa-isa ang mga pangunahing ideya o mga 
pantulong na ideya na maaaring maging daan upang matalakay ang paksa ng 
sulatin. Sa pamamagitan din ng balangkas ay hindi naliligaw o nawawalan ng 
pokus ang sulatin sa paksa nito. Nagkakaroon ng tamang direksiyon ang 
pagtalakay at ang nilalaman ng akademikong sulatin.   
 
5. Ano-ano ang karaniwang tanong na sinasagot ng isang manunulat sa pagsisimula ng 
kaniyang pagsulat? Paano nakatutulong ang mga ito sa pagpapaunlad ng sulating 
akademiko? 
Sagot:​ Kadalasan ang ginagamit na panimulang tanong ay ang ano, sino, kailan, 
paano, at bakit. Nakatutulong ang mga hudyat na salita na ito para sa 
pagtatanong ng manunulat upang mapaunlad ang sulating akademiko. 
Makikitang ang mga hudyat na salita ay may papaunlad ring mga ideya mula sa 
mga simpleng sagot patungo sa komplikadong sagot na maaaring maging laman 
ng isang akademikong sulatin. Ang mga halimbawa ng mga tanong ay kadalasang 
naiiugnay sa layunin ng isang sulatin. Halimbawa: Ano ang paksa na aking 
tatalakayin? Sino ang magbabasa ng aking sulatin? Kailan ko ito sisimulan at 
matatapos? Paano ko ito ilalahad? Bakit kailangan kong isulat ang ganitong 
paksa?  
 

Part B. 
1. Sa iyong palagay, paano nagiging kasangkapan ang pagkakaroon ng kasanayan sa 
akademikong pagsulat sa paglilinang ng sarili? 
Sagot:​ Nagiging kasangkapan ang pagkakaroon ng mahusay na kasanayan sa 
akademikong pagsulat sa paglinang ng sarili sa pamamagitan ng sumusunod: 
Una, nagbubukas ng pagkakataon sa isang indibidwal upang matuklasan at 
maunawaan ang mga tunay na nangyayari sa kaniyang kapaligiran sa 
pamamagitan ng serye ng mga pagsasaliksik, pagbabakas, o pagmamapa ng mga 
konsepto sa tunay na buhay. Ikalawa, mas napauunlad ang kasanayan sa 
paghimay-himay ng mga detalye at nakikilala ang katotohanan at ang opinyon na 
 
  5 
 
 

SURIIN​ Gabay sa Pagwawasto 


 
maaaring maging bahagi ng pagsulat, at ikatlo, natututong mag-ugnay ng mga 
detalye batay sa paksa ng sulatin at paraan ng transisyong gagawin sa mga 
talata.  
 
2. Sa kabuuan, ano ang pangunahing kahalagahan ng paglilinang ng kasanayan sa 
akademikong pagsulat? Talakayin. 
Sagot:​ Ang pangunahing kahalagahan ng paglilinang ng kasanayan sa 
akademikong pagsulat ay ang pagpapanday sa sarili at sa makrong kasanayang 
pagsulat. Sa tulong nito, nagiging daan ito upang higit na mapahalagahan ang 
pagsulat bilang kabahagi ng pag-unlad, at hindi lamang pangangailangan sa 
paaralan. 
 
3. Sa iyong palagay, maituturing bang nakahihigit ang pagsulat ng mga sulating 
akademiko sa iba pang anyo o paraan ng pagsusulat? Talakayin. 
Sagot:​ ​Hindi, ang lahat ng gawain ng pagsulat ay pantay lamang. Nagkakaiba 
lamang ito sa proseso, pormat, at paksa ngunit pareho lamang itong mahalaga 
upang maging matalino ang mga mag-aaral.  
 
4. Sa pagtatamo ng kalinangan ng kasanayan sa akademikong pagsulat, paano ito 
nakaaapekto sa iba pang makrong kasanayan ng isang indibidwal tulad ng pakikinig, 
pagsasalita, pagbabasa, at panonood? Talakayin. 
Sagot:​ Nakaaapekto ang pagtatamo ng kalinangan ng pagsulat sa iba pang 
makrong kasanayan dahil ang pagsulat ay produkto ng apat na makrong 
kasanayan na taglay ng mga mag-aaral.  
 
5. Sa pagtatamo ng kalinangan ng kasanayan sa akademikong pagsulat, paano ito 
nakatutulong sa isang indibidwal upang malinang ang kaniyang kasanayan sa iba 
pang anyo o paraan ng pagsulat? Ipaliwanag. 
Sagot: ​Malaki ang tulong nito dahil nagkakaroon ng pagkakataon na 
magsagawa ng ehersisyo sa pagsulat. Nababatid niya ang tamang pormat, 
nakikilala niya ang suliranin na maaaring maging paksa ng sulatin.  
 
 

 
  6 
 
 

SURIIN​ Gabay sa Pagwawasto 


 
   
 

Pamantayan sa  Deskripsyon  Puntos 


Pagmamarka 

Nilalaman  Tama ang sagot. Malalim ang kaisipang nakapaloob sa   


5 puntos  paliwanag. May mga pinagbatayan at hindi nakatuon 
lamang sa pansariling opinyon.  

Organisasyon ng  Malinaw ang kabuuang paliwanag sa dahilang   


Ideya  organisado ang paglalahad ng mga ideya mula sa 
3 puntos 
pinakasimpleng ideyang may pinagbatayan hanggang 
sa pagbibigay ng pangunahing ideya na nais 
bigyang-diin.  

Paggamit ng Wika  Mahusay ang pagpapaliwanag sa dahilang tama ang   


2 puntos  salitang pinili para sa ideya, tama ang pagkakabuo ng 
mga pangungusap, at masasabing may mataas na 
retorika at tamang gramatika sa wikang Filipino. 

Kabuuan     
10 puntos 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
  7 
 
 

SURIIN​ Gabay sa Pagwawasto 


 

Yunit 1: Akademikong Pagsulat  


 

Aralin 3: Mga Uri ng Akademikong Pagsulat 


 

Part A. 

1. Sa paanong paraan natin mapag-iiba-iba ang katangian ng bawat uri ng 


akademikong pagsulat? 

Sagot: ​Sa pamamagitan ng malalimang pagsuri sa katangian ng bawat uri ng 


akademikong pagsulat ay matutukoy ang mga katangiang magkahalintulad at 
magkaiba ng bawat isa. 

2. Sa paanong paraan nakatutulong ang paglinang sa mga uri ng akademikong 


pagsulat sa pagpapaunlad ng iba pang makrong kasanayan?  

Sagot:​ Ang pagsulat ay laging kaagapay ng iba pang makrong kasanayan. Tulad 
na lamang ng makrong kasanayan sa pagbabasa. Isa sa mga susi ng mahusay na 
sulatin ay ang pagbibigay-pansin sa mga ilalahad na impormasyon. Ang 
pangangalap ng impormasyon ay mapapalalim sa pamamagitan ng masusing 
pagbabasa. Samakatwid, ang ibang makrong kasanayan ay nalilinang din 
kasabay ng pagkalinang ng kakayahan sa pagsulat. 

3. Sa paanong paraan nakatutulong sa mga mag-aaraal ang akademikong sulatin?   

Sagot:​ Maaaring makatulong ang akademikong sulatin sa akin bilang isang mag- 
aaral sa pamamagitan ng paghubog sa aking kakayahang maging kritikal  
sa pagsusuri ng mga impormasyong kakailanganin sa pagsulat at upang  
maging kritikal sa pagsusuri ng mga paksang panlipunan. 
 
 
 
 
  8 
 
 

SURIIN​ Gabay sa Pagwawasto 


 

4. Kung pilit lamang na naisin ng mag-aaral na sumulat ng akademikong sulatin upang 


pumasa sa isang asignatura, ano ang maaaring maging implikasyon nito sa kaniyang 
kakayahang magsulat? 
Sagot:​ ​Hindi tunay na mahuhubog ang kaniyang kakayahan sa pagsulat. 
Magiging bubot ang kaniyang kritikal na pag-iisip, kakayahang sumuri ng mga  
impormasyon, maglahad nang sistematiko, at sa kabuuan ay hindi magiging  
isang mahusay na manunulat. 
 
5. Bakit kinakailangang maging mapanuri sa mga impormasyong gagamitin sa 
pagsulat ng isang akademikong sulatin? 
Sagot:​ ​Napakahalaga na maging mapanuri sa mga impormasyong ilalahad sa  
sulatin sapagkat ito ang magpapatibay ng mga pahayag, naratibo, tesis na  
pahayag, at mga argumento ng sulatin. 

Part B. 

1. Bakit natin kinakailangang kilalanin ang ating sariling kalakasan at kahinaan 


sa pagpili ng akademikong uri ng pagsulat na ating bubuuin? 

Sagot​: S
​ a pamamagitan ng pag-unawa sa ating sariling kakayahan, higit nating 
masasagot at mapauunlad kung saang aspekto tayo mahina at nangangailangan 
ng higit pang pansin. Gayundin naman, mabilis nating matutukoy kung aling 
aspekto ng ating pagsulat ang higit na nararapat pang pagtibayin at panatilihin. 

2. Paano nagiging mahalaga ang kaalaman, karanasan, at maging ang 


imahinasyon sa pagsulat ng anumang uri ng akademikong pagsulat​? 

Sagot:​ Ang mga nabanggit ay maaaring maging pundasyon ng nilalaman ng 


isusulat na anumang uri ng pagsulat. Ang malalim na kaalaman at karanasan ng 
manunulat ay lubos na makatutulong sa pagbuo ng daloy at bigat ng isang teksto. 

  

 
 
  9 
 
 

SURIIN​ Gabay sa Pagwawasto 


 

3. Gaano kahalaga ang pagkilala sa mga impormasyong ginagamit upang bumuo ng 
akademikong sulatin? 

Sagot:​ ​Napakahalaga ng pagkilala sa mga pinanggalingang impormasyon ng isang 


akademikong pagsulat upang mabigyang-pansin na ang ideya ay hiniram lamang 
sa iba at ginagamit upang maging suporta sa isinasagawang sulatin o pag-aaral. 
Ito rin ay makatutulong upang mapaunlad ang kaalaman sa pagbibigay-respeto sa 
karapatang-ari ng ibang manunulat. 

4. Sa iyong palagay, ano ang maaaring mangyari kung hindi pagtutuunan ng pansin 
ang isang akademikong sulatin? 

Sagot:​ M
​ aaari nitong talunin ang kahalagahan ng isang akademikong sulatin. 
Ang kahalagahan nito ay upang masagot ang mga katanungang umiiral sa 
ating lipunan, ngunit, kung hindi ito bibigyan ng wastong tuon, maaaring ang 
mga kasagutang ilalahad ng manunulat ay hindi mapanghahawakan at 
mapagkakatiwalaan. 

5. Sa papaanong paraan higit na magiging kritikal ang paglalahad ng mga 


impormasyon sa isang akademikong sulatin? 

Sagot:​ H
​ igit na magiging kritikal ang paglalahad ng mga impormasyon kung 
ang daloy ng ideya ay mahusay na nailahad ng manunulat. Gayundin, kung 
ang mga impormasyong inilahad ng manunulat ay yaong mga nagmula sa 
mapagkakatiwalaang reperensiya. 

   

 
  10 
 
 

SURIIN​ Gabay sa Pagwawasto 


 

 
 

Pamantayan sa  Deskripsyon  Puntos 


Pagmamarka 

Nilalaman  Mahusay ang nilalaman ng sagot nang dahil sa pagsala   


5 puntos  sa mga mahahalagang impormasyong isinama. May 
pinagbatayan ang sagot at hindi lamang haka-haka. 

Daloy ng Ideya  Mahusay ang daloy ng impormasyon. Ang ideya ay   


3 puntos  masinop na napagsunod-sunod mula sa 
pinakamahalaga hanggang sa hindi gaanong mahalaga 
kaya naman naging madali ang pag-unawa sa sagot.  

Paggamit ng Wika  Katangi-tangi ang paggamit ng wika. Nauunawaan sa   


2 puntos  antas ng kanilang henerasyon. Mahusay ring nagamit 
ang mga salita at bantas sa pagbuo ng mga 
pangungusap. 

Kabuuan     
10 puntos 

 
 

 
  11 
 

You might also like