You are on page 1of 2

aang pagsulat ay isa sa pangunahing gawain ng mga mag-aaral.

Dito naipapahayag
ng mga estudyante ang kanilang mga naiisip.

Sa pagsulat ay kailangan: una, ang tumpak na paggamit ng mga titik; ikalawa, ang
karampatang pag-aayaw-ayaw ng mga titik, pantig at salita, at ikatlo, ang pag-uukul-
ukol ng mga sadydng pananda sa lagáy, tungkulin, bigkás, himig at katuturan ng mga
salita at pangungusap.

KAHULUGAN SA TAGALOG
áyaw: pagbibigay ng bahagi sa bawat isa

halimbawa: pag-aayaw-ayaw ng pagkain upang magkaroon ng parte ang lahat

Ano ang Pagsulat?


Ang pagsulat ay isang anyo ng komunikasyon kung saan ang kaalaman o mga ideya ng
tao ay isinasalin sa pamamagitan ng mga titik at simbolo. Ito ay nagbibigay-daan para
maihayag ng mga tao ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng tekstuwal na
pamamaraan.

Ang pagsulat ay isang mental at pisikal na aktibidad na isinasakatuparan para sa iba’t-


ibang layunin. Ito ay mental na aktibidad sapagkat ipinapairal dito ang kakayahan ng
isang tao na mailabas ang kanyang mga ideya sa pamamagitan ng pagsasatitik sa mga
ito. Ito naman ay matuturing na pisikal na aktibidad sapagkat ginagamitan ito ng
paggalaw ng kamay.

Iba pang kahulugan ng pagsulat ayon sa mga dalubhasa:

 Ayon kay Sauco, et al., (1998), ang pagsulat ay ang paglilipat ng mga nabuong
salita sa mga bagay o kasangkapan tulad ng papel. Ito ay naglalayong mailahad
ang kaisipan ng mga tao.
 Ayon naman may Badayos (1999), ang pagsusulat ay isang sistema ng
interpersonal na komunikasyon na gumagamit ng mga simbolo. Maaring ito ay
maukit o masulat sa makinis na bagay tulad ng papel, tela, maging sa malapad
at makapal na tipak ng bato.
 Batay kay Rivers (1975), ang pagsulat ay isang proseso na mahirap unawain
(complex). Ang prosesong ito ay nag-uumpisa sa sa pagkuha ng kasanayan,
hanggang sa ang kasanayan na ito ay aktwal nang nagagamit.
Kahalagahan ng Pagsulat

Mahalagang pag-aralan ang pagsulat. Ang kasanayan na ito ay makatutulong sa pang-


araw-araw na buhay lalo na sa komunikasyon.

Alinsunod dito, nagbigay si Arrogante (2000) ng apat na kahalagahan ng pagsulat. Ito


ay ang kahalagahang panterapyutika, pansosyal, pang-ekonomiya at pangkasaysayan.

1. Kahalagahang panterapyutika
Mahalaga ang pagsulat sapagkat nagiging daan ito upang maihayag ng
indibidwal ang kanyang mga saloobin. Sa pamamagitan ng pagsulat, ang hindi
natin masabi sa bibig ay naibabahagi natin ng maayos sa iba. Nakakatulong ito
sa ibang tao sapagkat ito ang kanilang ginagawang paraan upang naiibsan at
mailabas ang mabigat nilang nararamdaman.
2. Kahalagahang pansosyal
Likas na sa ating mga tao ang pakikihalubilo at pakikipagpalitan ng impormasyon
sa ating kapwa. Mahalaga ang ginagampanan ng mga sulatin sa ating lipunan.
Nakakatulong ito upang magkaroon ng interaksyon ang mga tao kahit na malayo
ang kanilang mga kausap. Halimbawa na lamang nito ay ang pagpapadala natin
ng mga sulat sa mga mahal natin na buhay na nasa ibang bansa. Sa modernong
panahon, ang pagsulat ay nahaluan na ng teknolohiya kung kaya’t mas napabilis
at napadali pa ang ating komunikasyon. Nakakatulong din ang pagsulat upang
makapagpalaganap ng impormasyon tungkol sa nangyayari sa kapaligiran tulad
ng pagbabalita gamit ang mga dyaryo at gamit ang social media.
3. Kahalagahang pang-ekonomiya
Alam mo ba na nakakatulong din ang pagsusulat sa pagpapalago
ng ekonomiya ng bansa? Ang pagsulat ay maari ding ituring bilang isang
propesyonal na gawain. Sa pagkakaroon ng mataas na kaalaman at kasanayan
sa pagsulat, nagagamit ito ng isang indibidwal upang matanggap sa mga
trabaho. Maraming pwedeng pasuking propesyon ang mga manunulat tulad ng
pagiging journalist, script writer sa mga pelikula, pagsulat sa mga kompanya at
iba pa na na maaring makatulong upang magkaroon ng kita.
4. Kahalagahang pangkasaysayan
Isa sa mga paraan upang mapangalagaan ang kasaysayan ay ang pagtatala at
pagdodokumento dito. Ang mga nailimbag na mga libro at mga naisulat na balita
sa kasalukuyang panahon ay maaring magamit na reperensiya sa hinaharap.

You might also like