You are on page 1of 39

FILIPINO SA PILING

LARANGAN
Paano nalilinang ang kasanayang
pangwika?
Makrong
Kasanayan
Pakikinig
Pagsasalita
Pagbasa
Pagsulat
I. Pakikinig

Ang pakikinig ay proseso ng pagtanggap ng


mensahe sa pamamagitan ng sensoring
pakikinig at pag-iisip.
Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa
mensaheng nais iparating ng taong nagdadala ng
mensahe. Ang pandinig ay nananatiling bukas at
gumagana kahit na tayo ay may ginagawa.
II.Pagsasalita

Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao


na maipahayag ang kanyang
ideya,pinaniniwalaan at nararamdaman sa
pamamagitan ng paggamit ng wikang
nauunawaan ng kanyang kausap.
III.Pagbasa
 Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na
simbolo. Pagbibigay ito ng kahulugan sa mga
sagisag/simbolo sa iyong kaisipan.
 Ito ay pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga simbolo
(titik) na nakalimbag sa pahina.
 Ito ay susi sa malawak na karunungan.
IV-
PAGSULAT
PAGSULAT
Ang pagsulat ay isang anyo ng komunikasyon
kung saan ang kaalaman o mga ideya ng tao
ay isinasalin sa pamamagitan ng mga titik at
simbolo. Ito ay nagbibigay-daan para
maihayag ng mga tao ang kanilang saloobin
sa pamamagitan ng tekstuwal na
pamamaraan.
PAGSULAT
Ang pagsulat ay isang mental at pisikal na
aktibidad na isinasakatuparan para sa iba’t-ibang
layunin. Ito ay mental na aktibidad sapagkat
ipinapairal dito ang kakayahan ng isang tao na
mailabas ang kanyang mga ideya sa
pamamagitan ng pagsasatitik sa mga ito. Ito
naman ay matuturing na pisikal na aktibidad
sapagkat ginagamitan ito ng paggalaw ng kamay.
PAGSULAT
Ayon kay Sauco, et al., (1998),
ang pagsulat ay ang paglilipat ng mga
nabuong salita sa mga bagay o
kasangkapan tulad ng papel. Ito ay
naglalayong mailahad ang kaisipan ng
mga tao.
PAGSULAT
Ayon naman may Badayos (1999),
ang pagsusulat ay isang sistema ng
interpersonal na komunikasyon na
gumagamit ng mga simbolo. Maaring ito ay
maukit o masulat sa makinis na bagay
tulad ng papel, tela, maging sa malapad at
makapal na tipak ng bato.
PAGSULAT
Batay kay Rivers (1975), ang pagsulat ay
isang proseso na mahirap unawain
(complex). Ang prosesong ito ay nag-
uumpisa sa sa pagkuha ng kasanayan,
hanggang sa ang kasanayan na ito ay
aktwal nang nagagamit.
Apat na Kahalagahan
ng Pagsulat.
Kahalagahang Panterapyutika
1.Mahalaga ang pagsulat sapagkat nagiging daan ito
upang maihayag ng indibidwal ang kanyang mga
saloobin. Sa pamamagitan ng pagsulat, ang hindi
natin masabi sa bibig ay naibabahagi natin ng
maayos sa iba. Nakakatulong ito sa ibang tao
sapagkat ito ang kanilang ginagawang paraan
upang naiibsan at mailabas ang mabigat nilang
nararamdaman.
Kahalagahang Pansosyal
Likas na sa ating mga tao ang pakikihalubilo
at pakikipagpalitan ng impormasyon sa ating
kapwa. Mahalaga ang ginagampanan ng
mga sulatin sa ating lipunan. Nakakatulong
ito upang magkaroon ng interaksyon ang
mga tao kahit na malayo ang kanilang mga
kausap.
Kahalagahang pang-Ekonomiya
Ang pagsulat ay maari ding ituring bilang isang
propesyonal na gawain. Sa pagkakaroon ng mataas
na kaalaman at kasanayan sa pagsulat, nagagamit ito
ng isang indibidwal upang matanggap sa mga trabaho.
Maraming pwedeng pasuking propesyon ang mga
manunulat tulad ng pagiging journalist, script writer sa
mga pelikula, pagsulat sa mga kompanya at iba pa na
na maaring makatulong upang magkaroon ng kita.
Kahalagahang Pangkasaysayan
Isasa mga paraan upang
mapangalagaan ang kasaysayan ay
ang pagtatala at pagdodokumento dito.
Ang mga nailimbag na mga libro at
mga naisulat na balita sa
kasalukuyang panahon ay maaring
magamit na reperensiya sa hinaharap.
“Kasintanda na ng daigdig ang
pangangailangan ng tao sa
mabisang komunikasyon”.
T-
E-
K-
N-
I-
K-
A-
L-
ANO BA ANG
PAGKAKAIBA NG
SULATING
TEKNIKAL SA
KOMUNIKASYONG
TEKNIKAL?
Ayon kay Martinez et.al (2011)

 Angkomunikasyong Ang sulating


teknikal ay teknikal ay naman
nagtataglay ng ay isa lamang sa
tiyak na anyo na maraming anyo ng
nakapukos sa komunikasyong
pasulat at teknikal.
pasalitang diskurso.
Komunikasyong Teknikal

SUSI NG TAGUMPAY PARA SA


ISANG TAO KUNG SIYA AY
NAGTATAGLAY NG
KAHUSAYAN SA
KOMUNIKASYON.
Komunikasyong Teknikal

Ang mahusay na kumunikasyong teknikal ay


marapat na tiyak, malinaw, at maikli.
Isinasaalang- alang dito ang awdiyens, layunin,
at konteksto tungo sa mabisang komunikasyon.
Sa kasalukuyan, sinasaklaw ng komunikasyong
teknikal ang video, audio, slides, at iba pang
multimedia na kagamitan.
KASAYSAYANG NG KOMUNIKASYONG TEKNIKAL
Sextus Julius Frontinus- nagmula sa Sumerian,
sumulat ng manwal para sa mga gusali at
pagpapanatili nito noong A.D. 97.
Pliny the Elder- isang administrador at
sundalong Romano, isinulat ang The Natural
History
Reginald Scot- mula sa panahon ng Renaissance,
nakabuo ng teknikal na manwal patungkol sa
paghahalamanan.
Kahulugan ng Komunikasyong Teknikal

ito ay isang espesyalisadong anyo ng


komunikasyon.
 may tiyak na awdiyens, layunin,
estilo, pormat, sitwasyon, nilalaman,
at gamit na siyang pangunahing
element ng komunikasyong teknikal.
MGA ELEMENTO
NG
KOMUNIKASYONG
TEKNIKAL
AWDIYENS
NAGSISILBING TAGATANGGAP
NG MENSAHE AT MAAARING
SIYA AY ISANG TAGAPAKINIG,
MANONOOD, O MAMBABASA.
LAYUNIN
ITOANG DAHILAN KUNG
BAKIT KINAKAILANGANG
MAGANAP ANG PAGPAPADALA
NG MENSAHE.
ESTILO

KINAPAPALOOBAN ITO NG
TONO, BOSES, PANANAW, AT
IBA PANG PARAAN KUNG
PAPAANONG MAHUSAY NA
MAIPAPADALA ANG MENSAHE.
PORMAT

TUMUTUKOY ITO SA
GINABAYANG ESTRUKTURA
NG MENSAHENG IPADADALA.
SITWASYON

PAGTUKOY ITO SA ESTADO


KAUGNAY SA LAYUNING NAIS
IPARATING NG MENSAHE.
NILALAMAN

DITONAKASAAD ANG DALOY


NG IDEYA NG KABUUANG
MENSAHE NG
KOMUNIKASYON.
GAMIT

ITOANG PAGPAPAKITA NG
HALAGA KUNG BAKIT
KINAKAILANGAN NA
MAIPADALA ANG MENSAHE.
MGA HALIMBAWA NG SULATING TEKNIKAL

1. MANWAL
2. LIHAM PANGNEGOSYO
3. FLYERS/ LEAFLETS
4. FEASIBILITY STUDY
5. NARATIBONG ULAT
6. PAUNAWA/ BABALA/ ANUNSIYO
7. MENU NG PAGKAIN
MGA HALIMBAWA NG SULATING TEKNIKAL

 Manwal - naglalaman ng iba’t ibang impormasyon


hinggil sa isang produkto, kalakaran sa isang
organisasyon o samahan o kaya’y mga detalyeng
naglilinaw sa proseso, estruktura, at iba pang mga
detalyeng nagsisilbing gabay sa mga magbabasa nito.
 Liham pangnegosyo - Karaniwang ito ay liham mula sa
isang kompanya para sa isa pang kompanya, o sa
pagitan ng mga organisasyon at kanilang kostumer,
kliyente at iba pang panlabas na partido.
MGA HALIMBAWA NG SULATING TEKNIKAL

 Flyers/leaflets- Ay uri ng nakasulat na


adbertismo o patalastas na ang layuning ay para
sa malawak na distribyusyon at karaniwan
ibinabahagi sa pampublikong lugar sa mga
indibidwal o sa pamamagitan ng selyo.
 Deskripsyon ng produkto - pagpapakilala at
pagbibigaykatangian sa isang produkto o
serbisyo bago ito tangkilin ng isang mamimili.
MGA HALIMBAWA NG SULATING TEKNIKAL

 Feasibility
study -Pag-aaral na isinasagawa bago
lumikha ng isang negosyo o proyekyo.
 Naratibong ulat -Ito ay isang ulat sa parang
naratibo o pasalaysay. Karaniwang nakikita ang
narrative report mula sa ibat-ibang ahensya o
kompanya na nagbubuo ng mga ulat hinggil sa
Gawain o kaya’y mahalagang pangyayari sa isang
organisayon o institusyon
MGA HALIMBAWA NG SULATING TEKNIKAL

 Paunawa/ Babala at Anunsyo -Nagbibigay impormasyon


sa mga nakakabasa nito. -Nakatutulong ang mga babala
upang maiwasan ang mga sakuna, aksidente o iba pang
hindi kanaisnis na pangyayari para sa isang indibidwal.
 Menu ng pagkain -Talaan ng mga pagkain mabibili sa
isang karinderya, fast food o restaurant, nakalagay din
sa menu ang halaga ng bawat pagkain upang makapili
ang mga mamimili ng kanilang gusto o kaya’y abot kaya
para sa kanila.

You might also like