You are on page 1of 34

FILIPINO SA PILING

LARANGAN
Paano nalilinang ang kasanayang
pangwika?
Makrong
Kasanayan
Pakikinig
Pagsasalita
Pagbasa
Pagsulat
I. Pakikinig

Ang pakikinig ay proseso ng pagtanggap ng


mensahe sa pamamagitan ng sensoring
pakikinig at pag-iisip.
Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa
mensaheng nais iparating ng taong nagdadala ng
mensahe. Ang pandinig ay nananatiling bukas at
gumagana kahit na tayo ay may ginagawa.
II.Pagsasalita

Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao


na maipahayag ang kanyang
ideya,pinaniniwalaan at nararamdaman sa
pamamagitan ng paggamit ng wikang
nauunawaan ng kanyang kausap.
III.Pagbasa
 Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na
simbolo. Pagbibigay ito ng kahulugan sa mga
sagisag/simbolo sa iyong kaisipan.
 Ito ay pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga simbolo
(titik) na nakalimbag sa pahina.
 Ito ay susi sa malawak na karunungan.
IV-
PAGSULAT
PAGSULAT
Ang pagsulat ay isang anyo ng komunikasyon
kung saan ang kaalaman o mga ideya ng tao
ay isinasalin sa pamamagitan ng mga titik at
simbolo. Ito ay nagbibigay-daan para
maihayag ng mga tao ang kanilang saloobin
sa pamamagitan ng tekstuwal na
pamamaraan.
PAGSULAT
Ang pagsulat ay isang mental at pisikal na
aktibidad na isinasakatuparan para sa iba’t-ibang
layunin. Ito ay mental na aktibidad sapagkat
ipinapairal dito ang kakayahan ng isang tao na
mailabas ang kanyang mga ideya sa
pamamagitan ng pagsasatitik sa mga ito. Ito
naman ay matuturing na pisikal na aktibidad
sapagkat ginagamitan ito ng paggalaw ng kamay.
PAGSULAT
Ayon kay Sauco, et al., (1998),
ang pagsulat ay ang paglilipat ng mga
nabuong salita sa mga bagay o
kasangkapan tulad ng papel. Ito ay
naglalayong mailahad ang kaisipan ng
mga tao.
PAGSULAT
Ayon naman may Badayos (1999),
ang pagsusulat ay isang sistema ng
interpersonal na komunikasyon na
gumagamit ng mga simbolo. Maaring ito ay
maukit o masulat sa makinis na bagay
tulad ng papel, tela, maging sa malapad at
makapal na tipak ng bato.
PAGSULAT
Batay kay Rivers (1975), ang pagsulat ay
isang proseso na mahirap unawain
(complex). Ang prosesong ito ay nag-
uumpisa sa sa pagkuha ng kasanayan,
hanggang sa ang kasanayan na ito ay
aktwal nang nagagamit.
Apat na Kahalagahan
ng Pagsulat.
Kahalagahang Panterapyutika
1.Mahalaga ang pagsulat sapagkat nagiging daan ito
upang maihayag ng indibidwal ang kanyang mga
saloobin. Sa pamamagitan ng pagsulat, ang hindi
natin masabi sa bibig ay naibabahagi natin ng
maayos sa iba. Nakakatulong ito sa ibang tao
sapagkat ito ang kanilang ginagawang paraan
upang naiibsan at mailabas ang mabigat nilang
nararamdaman.
Kahalagahang Pansosyal
Likas na sa ating mga tao ang pakikihalubilo
at pakikipagpalitan ng impormasyon sa ating
kapwa. Mahalaga ang ginagampanan ng
mga sulatin sa ating lipunan. Nakakatulong
ito upang magkaroon ng interaksyon ang
mga tao kahit na malayo ang kanilang mga
kausap.
Kahalagahang pang-Ekonomiya
Ang pagsulat ay maari ding ituring bilang isang
propesyonal na gawain. Sa pagkakaroon ng mataas
na kaalaman at kasanayan sa pagsulat, nagagamit ito
ng isang indibidwal upang matanggap sa mga trabaho.
Maraming pwedeng pasuking propesyon ang mga
manunulat tulad ng pagiging journalist, script writer sa
mga pelikula, pagsulat sa mga kompanya at iba pa na
na maaring makatulong upang magkaroon ng kita.
Kahalagahang Pangkasaysayan
Isasa mga paraan upang
mapangalagaan ang kasaysayan ay
ang pagtatala at pagdodokumento dito.
Ang mga nailimbag na mga libro at
mga naisulat na balita sa
kasalukuyang panahon ay maaring
magamit na reperensiya sa hinaharap.
“Kasintanda na ng daigdig ang
pangangailangan ng tao sa
mabisang komunikasyon”.
A-
K-
A-
D-
E-
M-
I-
K-
ANO BA ANG
PAGKAKAIBA NG
SULATING
AKADEMIK SA
KOMUNIKASYONG
AKADEMIK?
Ang Ang sulating
komunikasyong akademik ay
akademik ay naman ay isa
nagtataglay ng
lamang sa
tiyak na anyo na
maraming anyo
nakapukos sa
pasulat at ng
pasalitang komunikasyong
diskurso. akademik.
BAKIT
SUMUSULAT
ANG ISANG
TAO?
BAKIT SUMUSULAT ANG
ISANG TAO?

1.PERSONAL O
EKSPRESIBO

2.PANLIPUNAN

O SOSYAL
PERSONAL O EKSPRESIBO

 Layunin ng pagsulat ay
nakabatay sa sariling
pananaw, karanasan,
naiisip, o nadarama ng
manunulat.
 Karaniwang halimbawa nito
ay ang sanaysay, maikling
kuwento, tula, dula, awit, at
iba pang akdang panitikan.
PANLIPUNAN O SOSYAL

 Layunin ng pagsulat ay ang


makipag- ugnayan sa ibang
tao o sa lipunang
ginagalawan.
 Tinatawag din itong
pagsulat na transaksiyonal.
 Karaniwang halimbawa nito
ay ang balita, pananaliksik,
tesis, disertasyon at iba pa.
SULATING AKADEMIK
Pormal na sulatin o akdang isinasagawa sa
isang akademikong institusyon o
unibersidad sa isang partikular na
larangan.
Ang salitang akademiya ay mula sa
salitang Prances na académié, sa Latin na
academia, at sa Griyego na academeia.
Ang akademiya ay itinuturing na
isang institusyon ng kinikilala at
respetadong mga iskolar, artista, at
siyentista na ang layunin ay isulong,
paunlarin, palalimin, at palawakin
ang kaalaman at kasanayang
pangkaisipan.
ANO BA ANG
PAGKAKAIBA
NG
AKADEMIKO
AT DI-
AKADEMIKONG
GAWAIN?
LAYUNIN
AKADEMIKO: DI- AKADEMIKO:

Magbigay ng ideya at Magbigay ng


impormasyon ng may sariling opinyon
batayan.
AUDIENCE
AKADEMIKO: DI- AKADEMIKO:

Iskolar, mag- aaral, Iba’t ibang publiko


guro (akademikong
komunidad)
ORGANISASYON NG IDEYA

AKADEMIKO: DI- AKADEMIKO:

Planado ay may Hindi malinaw ang


pagkakasunod- sunod ang estruktura.
estruktura ng mga pahayag.

Hindi kailangang
Magkakaugnay ang mga magkakaugnay ang mga
ideya. ideya.
PANANAW
AKADEMIKO: DI- AKADEMIKO:

Hindi direktang tumutukoy Sariling opinyon, pamilya,


sa tao at damdamin kundi sa komunidad ang pagtukoy.
mga bagay , ideya, at facts.

Nasa una at pangalawang


Nasa pangatlong panauhan
ang pagkakasulat. panauhan ang
pagkakasulat.
1. AMIN
2. KAMI
3. KANILA
4. KANYA
MAIKLING 5. AKO
PAGSUSULIT: 6. IKAW
7. NINYO
8. SILA
9. NAMIN
10.TAYO

You might also like