You are on page 1of 17

KAHULUGAN,

KALIKASAN AT
KATANGIAN NG
PAGSULAT NG
SULATING AKADEMIK
KAHULUGAN NG
PAGSULAT
ANO NGA BA ANG PAGSULAT?
ANG PAGSULAT AY
ARTIKULASYON NG MGA
IDEYA, KONSEPTO,
PANINIWALA AT
NARARAMDAMAN NA
IPINAHAHAYAG SA
PARAANG PASULAT, LIMBAG
AT ELEKTRONIKO (SA
KOMPYUTER).
BINUBUO ANG PAGSULAT SA
DALAWANG YUGTO.
UNA NA RITO ANG YUGTONG
PANGKOGNITIBO

ibig sabihin, nasa isip lahat natin ang


ating mga isusulat. Nagkakaroon ng
artikulasyon ang mga ideya, paniniwala at
iba pa sa dahilang masusing dumaraan ito
sa isipan ng tao napag-isipan, naisapuso o
naunawaanbago naisulat.
IKALAWANG YUGTO AY ANG
MISMONG PROSESO NG
PAGSULAT.
•Nagkakaroon ng hulma at tiyak na hugis
ang mga ideya at konseptong nasa isipan
ng tao habang unti-unting naisusulat ito
sa papel. Nagkakaroon ng kaganapan ang
yugtong pangkognitibo sa pagsulat na
mismo.
ANG PAGSULAT AY ISANG
ANYO NG KOMUNIKASYON
KUNG SAAN ANG KAALAMAN O
MGA IDEYA NG TAO AY
ISINASALIN SA PAMAMAGITAN
NG MGA TITIK AT SIMBOLO.
ANG PAGSULAT AY ISANG
MENTAL AT PISIKAL NA
AKTIBIDAD NA
ISINASAKATUPARAN
PARA SA IBA’T-IBANG
LAYUNIN.
•Marami ang nagagawa ng isang tao sa
larangan ng pagsulat dahil dito ay
naipapahayag nila ang kanilang naiisip
gayundin ang kanilang emosyon. Sa
ganitong paraan nakabubuo sila ng
panibagong panitikan na siyang gagamitin
sa pagbabasa at pag-aaral ng mga
mamayan sa lipunan.
HALIMBAWA NG MGA PANITIKAN NA
GINAGAMITAN NG PASULAT NA
PAMAMARAAN SA MAKABAGO AT
MAKALUMANG LARANGAN.
IBA PANG KAHULUGAN NG
PAGSULAT AYON SA MGA
DALUBHASA:
•Ayon kay Sauco, et al., (1998), ito ay
ang paglilipat ng mga nabuong salita
sa mga bagay o kasangkapan tulad
ng papel. Ito ay naglalayong mailahad
ang kaisipan ng mga tao.
•Ayon naman may Badayos (1999),
ang pagsusulat ay isang sistema ng
interpersonal na komunikasyon na
gumagamit ng mga simbolo. Maaring
ito ay maukit o masulat sa makinis
na bagay tulad ng papel, tela, maging
sa malapad at makapal na tipak ng
bato.
•Batay kay Rivers (1975), ang pagsulat
ay isang proseso na mahirap unawain
(complex). Ang prosesong ito ay nag-
uumpisa sa sa pagkuha ng
kasanayan, hanggang sa ang
kasanayan na ito ay aktwal nang
nagagamit.
GAWAIN 1. PARA MAPALAWIG AT
MASUBUKAN ANG INYONG
KAALAMAN HINGGIL SA PAKSA,
BUMUO NG SULATIN NA NAAYON SA
NANGYAYARI SA LIPUNAN.
MAAARING BUUIN SA ANOMANG URI
NG AKDANG PAMPANITIKAN. ISULAT
SA IYONG SAGUTANG-PAPEL ANG
LIMA HANGGANG WALONG TALATA
NA ARTIKULO.

You might also like