You are on page 1of 2

Ano ang Pagbasa?

Ang pagbasa ay sistematikong proseso ng pagkilala at pag-


unawa sa mga nakalimbag na titik o simbolo. Sa gawaing ito,
ang mensaheng nais iparating ng manunulat ay inuunawa at
binibigyan ng interpretasyon ng mga mambabasa. Sa pagbasa,
kumukuha tayo ng impormasyon at ng kahulugan mula sa mga
sagisag na nakikita ng ating mga mata.

Iba pang Kahulugan:

 Ito ay matuturing bilang isang tiyak at maayos na pag-


uugnay ng mga salita upang makabuo ng isang ediya o
kaisapan.

 Ang pagbasa ay nagiging tulay upang magkaroon ng


komunikasyon ang awtor sa kanyang mga mambabasa at
maibigay ang kanyang nais ipahiwatig.

 Ayon sa Webster Dictionary, ang pagbasa ay gawain ng


isang taong bumabasa ng aklat at iba pang mga sulatin. Ito
ay kinakailangan ng pag-unawa sa binabasang aklat o mga
sulatin, maging sa nakasulat sa mga bagay.

 Ayon naman kay Frank Smith, awtor ng Reading Without


Nonsense (1997), ang pagbabasa ay ang pagtatanong sa
nakasulat na teksto, at ang pag-unawa sa teksto ang
magsisilbing sagot sa iyong mga tanong.
Ano ang Pagsulat?
Ang pagsulat ay isang anyo ng komunikasyon kung saan ang
kaalaman o mga ediya ng tao ay isinasalin sa pamamagitan ng
mga titik at simbolo. Ito ay nagbibigay-daan para maihayag ng
mga tao ang kanilang mga saloobin sa pamamagitan ng
tekstuwal na pamamaraan.
Ang pagsulat ay isang mental at pisikal na aktibidad na
isinasakatuparan para sa iba’t-ibang layunin. Ito ay mental na
aktibidad sapagkat pinapairal dito ang kakayahan na ng isang
tao na mailabas ang kanyang mga ediya sa pamamagitan ng
pagsasatitik sa mga ito. Ito naman ay matuturing na pisikal na
aktibidad sapagkat ginagamitan ito ng paggalaw ng kamay.

Iba pang kahulugan ng pagsulat ayon sa mga dalubhasa:

 Ayon kay Sauco, et al., (1998), ito ay ang paglilipat ng


mga nabuong salita sa mga bagay o kasangkapan tulad ng
papel. Ito ay naglalayong mailahad ang kaisipan ng mga
tao.
 Ayon naman may Badayos (1999), ang pagsusulat ay
isang sistema ng interpersonal na komunikasyon na
gumagamit ng mga simbolo. Maaring ito ay maukit o
masulat sa makinis na bagay tulad ng papel, tela, maging
sa malapad at makapal na tipak ng bato.
 Batay kay Rivers (1975), ang pagsulat ay isang proseso
na mahirap unawain (complex). Ang prosesong ito ay
nag-uumpisa sa sa pagkuha ng kasanayan, hanggang sa
ang kasanayan na ito ay aktwal nang nagagamit.

You might also like