You are on page 1of 2

Pagbasa ng Sining Biswal

(GRVA)

PAGBASA
Mga Kahulugan:

 Ang pagbasa ay isang kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas sa


kahulugan ng bawat simbolo.

 Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga


nakasulat na teksto. Isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng
koordinasyon ng iba’t iba at magkakaugnay na pinagmumulan ng
impormasyon ( Anderson et al., 1985 ).

 Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng


interaksyon ng (1) imbak o umiiral ng kaalaman ng mambabasa; (2)
impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa; (3) konteksto ng kalagayan
o sitwasyon sa pagbabasa ( Wixson et al. 1987 )

 Ang pagbasa ay pag-unawa sa wika ng may-akda ng mga nakasulat na


simbolo. Ito ay paraan ng pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga
simbolong nakalimbag ( Belvez ).

 Ang pagbasa ay maituturing na pundasyon sa edukasyon. Ito ang


pinakamahalagang asignaturang dapat matutunan ng mga bata sapagkat
kakaunti ang matutunan nila kapag hindi sila natuto ng wastong pagbasa
( Dr. James Conan ).

 Ang pagbasa ay pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga grapema at /o


mga kumbinasyon ng grapemang nakalimbag.

Grapema : pinakamababàng yunit sa sistema ng pagsusulát;


titik o letra, bilang , icon, simbolo, guhit, imahe,
bantas, atbp.

SINING: Kahulugan

Mula sa Latin na “ars” ( talento o kakayahan )

Anumang gawain o likhang pinagbuhusan ng husay at talento


Anumang larangan na gumagamit ng kasanayan sa malikhaing pamamaraan

Kasanayan o kahusayan sa paggawa ng anumang aktibidad

Kalidad , produksyon o ekspresyon ng anumang maganda, kaakit-akit at may


kahalagahang higit sa karaniwan alinsunod sa mga prinsipyong estetiko
Kaakibat ng personal na pananaw ng isang tao, ang kanyang nararamdaman at iniisip
na nanatiling mabisa sa pagpapanatili ng moralidad, pagsulong ng kaalaman,
pagpapatatag ng kalagayan sa lipunan, tagapagbandila ng kultura ng isang bansa at
tagapag-ugnay ng tao sa kanyang manlilikha- isang dahilan kung bakit ang sining ay
mabisang daan sa pakikipagtalastasan

Hindi kumukupas, tumataas ang halaga o pagpapahalaga habang lumilipas ang


panahon at nasusukat ang tunay na halaga sa pamamagitan ng damdamin at
kahulugang nais na maiparating sa mga tumutunghay dito.

SINING BISWAL

Mga uri ng sining na maaaring makita ( hindi kabilang ang sining pagganap ) Jose
Arrogante A. (“Pagpapahalagang Sining sa Filipino” ).

Isang uri ng anyong sining tulad ng pagguhit, pagpinta, eskultura, potograpiya, “print
making”, bidyo ( video )

Pinong Sining (Fine Arts)

Pagguhit, Pagpinta, Eskultura


: Mga kaugnay na gawain
Grapikong Sining
Pagdidisenyo sa Manuskrito (Manuscript
Illumination)
Ilustrasyon sa libro ( Book illustration )
Kaligrapiya
Arkitektura

You might also like