You are on page 1of 19

MALIGAYANG

ARAW!
PAGBASA: KAHULUGAN,
HALAGA, AT MGA HAKBANG
ANO NGA BA ANG
PAGBASA?
●Ang pagbasa ay pagkilala ng mga
simbolo o sagisag ng nakalimbag at
pagpapakahulugan o interpretasyon sa
mga ideya o kaisipan na gusto ng
manunulat nailipat sa kaisipan ng
mambabasa. Ito ay nangangailangan
ng kakayahang pangkaispan dahil
alam ang tunog(ponema) ng naisulat
na letra.
●Isang proseso ng pagkuha, pagkilala, at pag-
unawa ng mga nakaimbak o nakasulat na
impormasyon o datos.
 
●Representasyon ng wika bilang simbolo na
maeeksamen ng mata o mahahawakan.
Braille - pagbabasa ng mga bulag 
Notasyon o Pictogram - mga signs o
simbolo.
●Ayon kay Goodman (1957, 1971, 1973): 
“Isang psycholinguistic guessing game ang pagbasa
kung saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng
isang mensahe o kaisipan na hinango sa tekstong
binasa.” 
● Ayon kay Coady (1979): 
“Upang lubusang maintindihan ang teksto, kailangang
maiugnay ng tagabasa ang dating alam sa kanyang
kakayahang bumuo ng mga konsepto/kasanayan/kaisipan
mula sa mga naiprosesong impormasyon sa binasa.” 
●Ayon kay G. James Lee Valentine (2000): 
“Ang pagbasa ay ang pinaka pagkain ng
ating utak.” 
●Ayon kay Hank (1983): 
“Ang pagbasa ay ang pag-unawa sa
kahulugan ng nakalimbag o nakasulat at
pagbibigay ng interpretasyon dito.”
●Ayon Bond at Tinker (1967): 
“Ang pagbasa ay rekognisyon ng anumang
nakasulat o nakalimbag na mga simbolo na
nagiging "stimuli" upang maalala ang
kahulugan ng mga nakalimbag na kaalaman
o karunungan mula sa karanasan ng mga
mambabasa.”
KAHALAGAHAN
NG PAGBASA
●Nadadagdagan ang kaalaman. 
●Napapayaman ang kaalaman at napapalawak
ang talasalitaan. 
●Nakararating sa mga pook na hindi pa
narating. 
●Nahuhubog ang kaisipan at paninindigan.
●Nakakukuha ng mga mahahalagang
impormasyon . 
●Nakatutulong sa mabibigat na suliranin at
damdamin. 
●Nagbibigay ng inspirasyon at nakikita ang
iba’t ibang antas ng buhay at anyo ng daigdig.
MGA HAKBANG SA
PAGBASA
Upang higit na maging mabisa ang alinmang pagbasa, nangangailangan ito ng
wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagkakamit ng inaasahang
bunga. Tinatawag itong pamaraan sapagkat ang mga ito ang karaniwan at
ideyal na proseso ng pagbasa.

1.PERSEPSYON 
Ito ang hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo at maging sa
pagbigkas ng wasto sa mga simbolong nababasa.
2.KOMPREHENSYON 
Ang ikalawang proseso iba ang nagbabasa lamang sa tunay na nakaunawa
sa kanyang binasa. Pagpoproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang
ipinahahayag ng simbolong nakalimbag na binasa. Ang pagpoprosesong ito
ay nagaganap sa isipan.

You might also like