a. Coady -Upang lubusan maintindihan ang teksto, kailangang maiugnay ng tagabasa ang dating alam sa kanyang kakahayang bumuo ng mga konsepto/kasanayan/kaisipan mula sa mga naiprosesong impormasyon sa binasa. b. Goodman -Isang psycholinguistic guessing game ang pagbasa kung saanang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipan na hinango sa tekstong binasa. c. G. James Lee Valentine -Ang pagbasa ay ang pinakapagkain ng ating utak. d. Hank -Ang pagbasa ay ang pagunawa sa kahulugan ng nakalimbag o nakasulat at pagbibigay ng interpretasyon dito. e. Bond at Tinker -Ang pagbasa ay rekognisyon anumang nakasulat o nakalimbag na mga simbolo na nagiging 'stimuli' upang maalala ang kahulugan ng mga nakalimbag na kaalaman o karunungan mula sa karanasan ng mga mambasa. f. McWhorter -Ang pagbasa ay kailangan ng sapat na pag-iisip at pang-unawa sa mga simbolong nakalimbag o mga babasahin na kadalasang tinatawag nating teksto g. Urquhart at Weir -Ay isang proseso ng pagtanggap at pagpapakahulugan sa mga nakakodang impormasyon sa anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag na midvum.