You are on page 1of 24

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t –

Ibang Teksto tungo sa

Pananaliksik
Ikalawang
Semestre
Bb. Christine Rodriguez
Guro sa Filipino
Pagganyak
Ibigay kung anong salita ang
maaaring mabuo matapos
mabasa ang nasa bawat
bilang.
A L T S I A
*Tell
Telibisyon
eve vision =
*Import maze sean =
Impormasyon

*Ball
Balita
ate ta =
*Sale
Salitaate ta =
*Act
Aklatlatte =
Layunin
 Nauunawaan ang kahulugan at
kahalagahan ng pagbasa.
 Nakapagbabahagi ng isang Facebook
post na nanghihikayat na ugaliin ang
pagbabasa.
 Nasusuri ang nilalaman ng binasang
artikulo.
2K ng Pagbasa at Pagsusuri
Ang kahulugan at
kahalagahan ng pagbasa sa
konsepto at konteksto ng
pagsusuri.
PAGBASA
Kahulugan ng Pagbasa
Hindi maihihiwalay ang wika sa
Pagbasa. Nagiging daan ang mga
nakalimbag o nakasulat na sagisag
at simbolo sa anyo ng mga salita
upang makita, makilala, at
makuha ng isang nagbabasa ang
mensahe.
Kahulugan ng Pagbasa
Itinuturing ni Goodman (1973)
ang Pagbasa bilang
psycholinguistic guessing game
dahil habang tumatanggap ng
impormasyon ang nagbabasa ay
lumilikha na rin ito ng mensahe
o kahulugan mula sa tekstong
kaniyang binabasa.
Kahulugan ng Pagbasa
Naniniwala si Coady (1979)
na mahalagang kasangkapan
ang dating kaalaman sa
kaganapan ng Pagbasa. Ang pag-
uugnay ng dating kaalaman sa
teksto ang naghuhudyat sa
pagbuo ng konsepto, kasanayan
at kaisipan.
Kahulugan ng Pagbasa
Naninindigan si William Gray (1959)
ang kinikilalang “Ama ng
Pagbasa” na ang Pagbasa ay
isang proseso ng
pagpapakahulugan sa mga
simbolo.
Kahulugan ng Pagbasa
Ito ay kinabibilangan ng:
 Persepsyon (pagkilala)
 Komprehensyon (pag-unawa)
 Reaksyon (pagpapasya)
 Integrasyon (pag-uugnay)
bilang mga hakbang ng proseso ng
pagbasa.
Kahulugan ng Pagbasa
Ayon kina Bond and Tinker (1967)
Ang Pagbasa ay ang
rekognisyon ng mga simbolo
na nagsisilbing daan upang
maalala at maiugnay ng
mambabasa ang mga
impormayon sa kaniyang mga
nagdaang karanasan.
PANGWIKA PAGPAPA-
KAHULUGAN

PAGBASA

PAGPROSESO
KAHALAGAHAN NG PAGBASA
Nagpapaunlad ng Kaalaman
Sa pagbabasa, nakatutulong ang mga
nahahangong impormasyon, intensyonal man o
hindi, upang mapaunlad, mapagtibay at mabago
ang dating kaalaman.
Sa usapin ng kognisyon, ang dating
kaalaman mula sa dating karanasan ay
dumaraan sa proseso ng akomodasyon
at asimilasyon sa tuwing tumatanggap
ang isip ng bagong impormasyon.
KAHALAGAHAN NG PAGBASA
Nagpapalaya ng Kaisipan
Walang taong may monopoly ng karunungan. Lagi
tayong may kakulangan sa kabatiran sa iba’t ibang
paksa, interes man natin ito o hindi. Sa ika-21 siglong
panahon kung saan talamak din ang teknolohiya at
ang pagdagsa ng impormasyon sa iba’t ibang
midyum, mahalaga ang pagbabasa nang may
pagsusuri sa iba’t ibang aspekto ng babasahin upang
magkaroon ng konstruksyong pasya, hatol o opinyon
sa isang paksa o usapin.
KAHALAGAHAN NG PAGBASA
Nagpapataas ng kabatiran sa
estruktura ng babasahin
Komplikado ang pagbasa bilang isa sa mga
makrong kasanayang pangwika kaya ang
ehersisyo sa kasanayang ito ay
makatutulong upang mahasa ang
pandama at pagdama sa kung ano ang uri
ng tekstong binabasa at ang lapat na
pamamaraan upang mabisang maunawaan
ito depende sa kahingian ng sitwasyon at
layunin ng pagbabasa.
KAHALAGAHAN NG PAGBASA
Naghuhudyat at sa paglikha
Maituturing na isang tagatanggap na
kasanayan ang pagbasa katulad ng
pakikinig at panonood ngunit ang
kaganapan ng pagbasa ay lampas sa
pagmememorya lamang ng mga
impormasyon. Marapat itong
nagtutulay sa iba pang kasanayan
tulad ng pagsulat o paglikha.
Paglalapat
 Ibigay ang sarili mong
pagpapakulugan sa Pagbasa?
 Bilang isang mag-aaral, bakit
mahalaga ang Pagbasa sa iyong
napiling larangan?
 Magbigay ng dalawang dahilan
kung bakit mahalaga ang
pagbasa sa buhay ng tao.
GAWAIN SA DLP
Gawain Blg. 1
Panuto: Pumili ng isang artikulong babasahin sa ibaba. Matapos
basahin ang artikulo, ipaliwanag nang buong husay ang iyong sagot
sa kahingian ng bawat hanay.

Artikulo 1: Ang wika ng pagpapalaya at ang papel ng


akademya ni Vivencio R. Jose
https://ejournals.ph/article.php?id=7951
Artikulo 2: Arkitektura at Globalisasyon sa Pilipinas: Isang
pagbabakasakalitungo sa kritikal na
Teoryang Kultural ni Jovito V. Cariño
https://ejournals.ph/article.php?id=8051
Artikulo 3: Si Roque Ferriols, Wika, at ang larong basketbol
ni Emmanuel C. De Leon

https://hasaan.ust.edu.ph/wp-content/uploads/2019/04/HASAAN-J
ournal-Tomo-I-2014-90-106.pdf
GAWAIN SA DLP
 
Ano-anong mga salik
(factors) ang iyong
kinonsidera sa pagpili ng
artikulong iyong binasa?
 
 
Ano ang nais sabihin ng
may akda ng artikulo na
iyong nabasa?
 
 
Mula sa nabasang
artikulo, ilahad ang
kahalagahan nito sa iyo
bilang isang mag-aaral.
 
GAWAIN SA DLP

PAMANTAYAN
Kalinisan: 2
Kompleto: 3
Malikhain: 2
Nilalaman: 8
Kabuuan 15
Gabay na Tanong?
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na
katanungan batay sa iyong natutuhan. 
1. Ibigay ang sarili mong
pagpapakulugan sa Pagbasa?
2. Bilang isang mag-aaral, bakit
mahalaga ang Pagbasa sa iyong
napiling larangan?
3. Magbigay ng dalawang dahilan kung
bakit mahalaga ang pagbasa sa
buhay ng tao.
TAKDANG ARALIN
Magsaliksik
tungkol sa
Proseso, Layunin,
Uri, Proseso at
Suliranin ng
Pagbasa.

You might also like