You are on page 1of 3

Pagbasa.

Ito ay proses ng pag-aayos, pagkuha, at pag-unawa ng anumang uro at anyo ng impormasyon o


ideya na kinakatawan ng mga salita o simbolo na kailangang tingnan at suriin para maunawaan.

Pagpapakahulugan ng Pagbasa. Ito ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na
teksto. Ito ang unang hakbang sa pagtamo ng kaalaman.

Tumutukoy ito sa kognitibong proseso ng pag-unawa sa mensaheng nakasulat kung kaya isang
napapanahong hakbang ang paghihikayat sa mga tao sa makabuluhang pagbasa at pag-analisa.

Ang pag basa ay pinakapagkain ng utak (mental food) ng tao.

Mapanuring pagbasa. Paghahati ng maliliit na bahagi ng konsepto nang Makita ang ugnayan ng mga
bahagi ng bawat isa.

Mapanuring pag basa. Ano ang masasabi mo sa layunin ng manunulat? Para kanino ang tekstong
binasa? Ano ang nais ipabatid ng manunulat? Anu-anong mga detalye ang sumosoporta na totoo ang
kanyang sinabi?

Kritikal na pag basa. Pagbibigay puna o ebalwasyon sa teksto. Kalakasan at kahinaan ng nilalaman ng
teksto.

1. nakikilala ang mga salita (word perception/recognition)

2.nakauunawa sa tekstongg binasa (comprehension)

3.nakauunawa sa bawat salita ng teksto at may katatasan ditto (fluency)

4. nabibigkas ng wasto ang mga titik na bumubuo sa salita (decoding)

5.nababatid ang kahulugan at gamit ng salita sa pangungusap o may kakayaang bokabularyo


(vocabulary)

6. nagpapakita ng pagpoapahalaga sa panitikan (literary appreciation)

Bakit tayo nag babasa: upang madagdagan ang kaalaman, upang maging matagumpay ang isinagawang
pananaliksik, upang mapukaw ang ating interest, upang maka kuha ng inspirasyon,

Ang teoryang METAKOGNISYON sa pagbasa

Bago mag basa. Preview o surveying. Pagbuo ng matalinong prediksyon (cognition)

Habang nagbabasa. Pasasaby-saba y na kilos ang iba’t ibang kasanayan. Aktibong pag-unawa. Paglawak
at pag-unlad ng kaalaman.

Pagtantiya sa bilis ng pagbasa. Personal na kakayahan

Biswalisasyon ng binabasa. Pag buo ng imahe sa kanyang kaisipan.

Pagbuo ng koneksiyon. Ugnayan ng imbak na kaalaman sa teksto.

Paghihinuha, pag buo ng pahiwatig at konklusyon


Pagsusuabaybay sa comprehension, pag sangguni sa bokabnularyong pamamaraan.

Pagkatapos mag basa

Pagtatasa ng comprehension. Pagsagot sa mga tanong ang kabuuang komprehensiyon o pag-unawa sa


binasa.

Pagbubuod. Pag tukoy sa pangunahing ideya at detalye ng teksto

Pagbubuo ng sintesis. Pagtanawa sa perspektiba at pagtingin sa manunulat batay sap ag-unawa.

Ebalwasyon. Katumpakan at kaangkupan ng mga impormasyon. Halata at ugnayan ng teksto.

Opinion. Batay sa paniniwala, iniisip ng tao o plagay.

Katotohanan. May patunay, may empirical na karanasan, pananaliksik, o pangkalahatang impormasyon.

Teksto. Ito ay simbolong nakasulat na may ibinabahaging kaisipan at kaalaman.

May kanya kanyang pamamaraan ng pagkakasulat, layunin, katangian, at kahalagahang tinataglay.

Isinulat nang may tiya na kadahilanan.

Ang mga paksa, kasanayan, Gawain, pagpapahalaga, at pagtatay ang gagawin sandigan upang mahikayat
ka na pahalagahan ang mga uri ng teksto at gamitin ito nang may kabuluhan.

Taglay ng teksto: konsepto at damdamin, wika, layunin, porma/anyo, at nilalaman

Taglay ng mambabasa: personal na kaalaman, damdamin, at saloobin. Wika, layunin, kaalaman sa


porma/anyo, mga ekspektasyon sa nilalaman.

Impormatibo. Naglalahad ng mahalagang bagong impormasyon, kaalaman, paniniwala at tiyak na


detalyo.

Deskriptibo. Nagtataglay ng impormasyon may kinalaman sa limang pandama.

Persweysib. Nag lalahad ng espesipikong pananaw na nakatuon sa saloobin at opinion ng may -akda.

Naratibo. Naglalahad ng kuewento ng mga pangyayari o kawil ng pangyayari.

Argumentatibo. Nagtataglay ng mga paniniwala o paninindigang maaaring tama o mali.

Prosidyural. Tumutukoy sa pagsusunod-sunod ng mga hakbang o prosesong isasagawa.

Layunin at Katangian ng mga teksto:

Impormatibo – daluyan ng katotohanan, objective ang impormasyon, maipakita ang kaalaman ng


manunulat, linangin ang kaalaman, magpaliwanag ng proseso, wika ay madaling maunawaan, mag hatid
ng impormasyon, may biswal na representation.
Deskriptibo – ilarawan ang mga katangian ng mga bagay, pangyayari, lugar, tao, ideya, paniniwala, at
imahen upang mapalutang ang pagkakailanlan. Payak na naglalarawan at maaaring hindi, gumagamit ng
5 senses.

Persuweysib – mapukaw ng damdamin ng mambabasa, mag himok o mangumbinsi (gramatika).


Emosyon at karakter ng nagsasalita (tono), subhetibo = paniniwala ng akda.

Naratibo – magsalaysay ng dugtong-dugtong o kawil na pangyayari, makabuo ng imahe. Kakikitaan ng


seleksyon at organisasyon ang mga pormal na salaysay, POV 1 st, 2nd, 3rd.

Argumentatibo -hikayatin ang mambabasa na ibahin ang kanilang pananaw, tanggapin o sang-ayunan.
Pangangatwiran batay sa katotohanan o logic, pagtatanggol ng manunulat sa kanyang paksa o panig o
pagbibigay ng kasalungat.

Prosidyural – nagbibigay ng panuto o direksiyon kung paano gawin ang isang bagay. May tiyak na
pagkasunod-sunod. May isang proseso sa paggawa ng isang bagay, madalas gamitin sa pang-araw araw.

Proseso ng pag basa: persepsyon, komprehensyon, reaksyon, integrasyon.

Persepsyon – estado ng pagkilala, pag tukoy sa kamalayan ng simbolo, kakayahan ng pag bigkas ng mga
tunog.

Komprehensyon – pag unawa sa nilalaman, pagbuo ng isang konsepto.

Reaksyon – paghuhusga at pagawawaro

-intelektuwal humahantog sa kawastuhan at lohika.

-emosyonal paghanga sa istilo at nilalaman ng teksto.

Integrasyon maiangkop ang konsepto upang maunawaan. Pagsasanib ng kaalaman.

Scanning. Mabilisang pag basa, ispsipiko lamang, bilis at talas ng mata.

Skimming. Mabilis, kabuuan, kabuluhan at kahulugan.

Antas ng pag basa:

Primarya. Mababang antas, pantulong sa literasi, tiyak na datos.

Mapagsiyasat. Hinuha o impresyon

Analitikal. Kritikal na pagsusuri, layunin ng manunulat.

Sintopikal. Koleksyon ng paksa, paghahambing, pagkakaugnay.

You might also like