You are on page 1of 40

Estilo, Ano

ka nga Inihanda ni:


REXSON DELA CRUZ TAGUBA,
LPT
ESTILO -ay isa sa limang tradisyonal na
kahingian ng retorikang klasikal.
-ang pinakamatatag na bahigi sa pagsusulat
(Richard Nordquist).
-mula sa salitang latin na stylus, isang bagay
na matulis na ginagamit sa pagsulat (2000).
-ay karakter (Baruch Spinoza).
-kinakailangang malinaw raw muna ang
pag-iisip ng isang manunulat upang
magkaroon ng estilo ang kanyang
isususlat, at kung may magsusulat sa
kagalang-galang na estilo, dapat maging
kagalang-galang muna ang kanyang
pagkatao.
(Johann Wolfgang von Goethe)
-ang estilo ng manunulat ay nararapat na kanyang
larawang-diwa, subalit ang pili at kapangyarihan
ng wikang kanyang gamit ang bunga ng kanyang
panunulat.
(Edward Gibbon)
-ang estilo ay kasuotan ng
kanyang naiisip.
(Lord Chesterfield)

- ang estilo ay pagkilala sa totoo mong


pagkatao, sa gusto mong ipahayag, at
hindi nababahala sa kalalabasan.
(Gore Vidal)
Sa kasalukuyan, ang estilo ay
nangagahulugang hindi ang gamit-panulat
kundi ang katangian ng pagsusulat mismo:
ang paraan ng pahayag, pagsasagawa, o
paglalahad sa salita at pasulat na paraan.
Inuri ni Quintilian ang tatlong antas ng estilo sa mga
sumusunod:
a. Ang estilong payak - ginagamit sa
pagbibigay panuto sa mga tagapakinig.
b. Ang estilong midyal – ginagamit sa pagkikilos ng
mga tagapakinig.
c. Ang estilong mataas – ginagamit upang
mapaglubag o ma-please ang tagapakinig.
Kakayahan at
Kapangyarihan ng Wika
Sa nakaraang talakay, malinaw na binibigyang
kahulugan ang wika bilang sistemang balangkas
ng sinasalitang tunog. At sapagkat ito ay may
sistema at may balangkas, may taglay rin itong
kakayahan.
Ang wika ay gamit sa pakikipagtalastasang
pantao na may pinagkasunduang simbolo, tinig at
tono, at kumpas. Sa pahayagang ito, may
dalawang kakanyahan ng wika ang mababasa:
gamit sa pakikipagtalastasang pantao, at may
pinagkasunduang simbolo.
WIKA -ay hindi isang abstraktong nilikhang
mga nagkapag-aral, o ng mga bumubuo ng
diksyunaryo, kundi ito ay isang bagay na nilikha
mula sa mga gawa, pangagailangan, kaligayahan,
pagmamahal, panlasa, ng mahabang talaan ng mga
henerasyon ng lahi, at nagtataglay ito ng malawak
na batayang makamasa.
(Walt Whitman)
-ay maaaring itulad sa isang pirasong papel na
ang kabilang mukha ay ang kaisipan at ang kabila
ay ang tunog
( Ferdinand de Saussure)

-mabibigyan ng kapangyarihan ang wikang


maging ina ng karunungan
(Krank Kruas)
-ay maaring magtago ng naiisip at nagpipigil ng
pakikipagtalastasan
(Abraham Maslow)

-ang limitasyon ng wika ng nagpapahayagay


mangangahulugang limitasyon sa
kanyang mundo
(Ludwig Wittgenstien)
KONOTATIBO – ay pagpapakahulugan sa mga
salitang ginamit sa pagpapahayag na nakabatay sa
estilo ng nagpapahayag.

DENOTATIBO – ay pagpapakahulugan sa mga


salitang ginamit sa pagpapahayag na nakabatay sa
kahulugang ibinibigay ng diksyunaryo.
Kahulugang Tekstuwal,
Kontekstuwal, Subtesktuwal at
Intertekstuwal
TEKSTUWAL
Ito ang literal na kahulugan ng pahayag batay sa
ugnayan ng mga salitang ginamit. Binibigyang-
tuon sa kahulugang ito ang kaayusan ng mga
pangungusap sa loob ng talata, ang kaayusan ng
mga talata sa loob ng pahayag ,at ang kaayusan
ng mga pahayag sa kabuuan ng diskurso.
Ang salitang TEKSTUWAL ay mula sa
salitang-ugat na text o teksto na mula
naman sa pandiwang Latin na texere na
nangangahulugang bumuo, humabi, o
maglatag.
KONTEKSTUWAL
Ito ang kahulugang nakabatay sa pahiwatig ng
mga pahayag na ginamit sa pakikipag talastasan.
Ayon kay Kenneth Noland, ito ang kabuuan ng
diskurso. Isinasaalang-alang sa kahulugang ito ang
ugnayan ng mga elementong lingguwistikal sa
kakayahang pangkomunikatibo ng pagpapahayag.
SUBTEKSTUWAL
Ang kahulugang ito ay maaring makita sa
kabuuan ng isang aklat, dula, musika, o pelikula
na hindi hayagang ipinababatid ang mga pahayag
ngunit ganap na nauunawaan ng mga bumabasa.
INTERTEKSTUWAL
Ito ay ang kahulugang makukuha sa ugnayan ng
mga pahayag sa loob ng isang diskurso na
inuugnay sa diskurso ng iba. Maaring mahulma
ang kahulugang ito sa pag-alam sa kahulugan ng
ibang tekstong may katulad na paksa.
DISKURSO?
Ang salitang diskurso ay mula sa wikang Latin
na ‘discursus’ na nangangahulugang “running to
& from” na maiuugnay sa pagsalita at pagsulat
na komunikasyon. Interaktibong Gawain tungo
sa mabisang paglalahad ng mga impormasyon.
Si Webster (1974) ay may iba’t ibang depinisyon
para sa terminong ito. Ayon sa kanya, ang
diskurso ay tumutukoy sa berbal na
komunikasyon tulad ng kumbersasyon. Maaari
rin daw itong isang pormal at sistematikong
eksaminasyon ng isang paksa, pasalita man o
pasulat, tulad halimbawa ng disertasyon.
Ang isang tao ay nakikipagtalastasan sa iba sa
anumang oras, espasyo, at konteksto. Ang mga
kontekstong iyon ay madalas na ituring bilang
mga particular na kumbinasyon ng mga taong
bumubuo sa isang sitwasyong
pangkomunikasyon.
Samakatuwid, ang konteksto ng isang diskurso ay
maaaring interpersonal, panggrupo, pang-
organisasyon, pangmasa, interkultural at
pangkasarian.
S-Setting
P-Participants
E-End
A-Acts Sequence
K-Keys
I-Instrumentalities
N-Norms
G-Genre
MGA URI NG
DISKURSO
 Ang DESKRIPTIV na diskors o
paglalarawan ay naglalayong bumuo ng
malinaw na larawan sa isip o imahinasyon
ng mga mambabasa o tagapakinig.
 Ang mga pang-uri at pang-abay ay
karaniwang ginagamit sa isang deskriptiv na
diskors.
 Maliwanag at mabisang nailalarawan ng mga
pang-uri at pang-abay ang anumang nais na
ilarawan.
Sa tingin mo, bakit inihahalintulad sa isang
pintor ang isang sumusulat ng talatang
naglalarawan?
Subukan mong sagutan:
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________.
Inihahalintulad sa isang pintor ang nagsusulat ng isang deskriptiv o naglalarawan
sapagkat ang isang pintor ay pumipili ng mga sangkap na isasama sa pagguhit
upang makalikha ng isang buhay na larawan. Gayundin ang nagsusulat ng
naglalarawan, pumupili siya ng mga salita at iba pang sangkap ng paglalarawan
na makatutulong sa pagbuo ng larawan sa isipan ng mambabasa.
Mga Pangangailangan sa Efektiv
na Deskripsyon
Pagpili ng Paksa kaisahan

Pagbuo ng isang mainam Pagpili ng mga sangkap na


na larawan isasama

Pagpili ng sariling
Batayan sa paglalarawan
pananaw
Pagpili ng Paksa

Piliin ang isang bagay na nais ilarawan.


Lalong mainam kung may kaugnayan sa iyong kaalaman
at hindi bago sa iyong paningin ang paksang pipiliin.
Ang mga bagay na nakikita sa araw-araw tulad ng ina,
kapatid, guro, punong-kahoy, gusali, palengke, hayop na
alaga ay maaaring maging paksa ng mabisang
paglalarawan.
Pagbuo ng isang mainam
na larawan

Ito ang unang kakintalan ng bagay, pook, tao o pangyayaring


inilalarawan sa nakikinig o bumabasa. Ang kabuuan muna ang
unang naikikintal sa isipan, bago ang bahaging maliliit na
nasasangkap sa kabuuan. May kanya-kanyang katangian ang
bawat bagay, tao, pook o anumang namamasid ng mga tao. Kung
magmamasid ka sa isang silid, ang unang kakintalang nabubuo’y
ang kaayusan, karangyaan, kaguluhan, katahimikan o kalinisan.
Ito ang pangunahin o batayang larawan.
Pagpili ng sariling
pananaw

Nakikita ang pangunahing larawan dahil sa sariling pananaw.


May sariling pananaw ang bawat naglalarawan mula sa kanyang
kinaroroonan na iba kaysa taong nasa ibang panig naman. Dapat
pumili ang sumulat ng sariling pananaw at mula doon niya
ilalarawan ang bagay, pook, tao o ang pangyayaring kanyang
tinatalakay. Maaaring isaalang-alang ang inilalarawan ayon sa
agwat o layo sa bagay.
Halimbawa: ang larawan ng isang gusali ay magkaiba mula sa loob Hanggang sa labas
nito.
kaisahan

Natatamo ang kaisahan ng paglalarawan sa


pagpili ng maliliit na bahaging maaaring
makita lamang mula sa pananaw na napili
ng naglalarawan.
Pagpili ng mga sangkap na
isasama

Hindi lamang ang mga bahaging bumubuo ng


pangunahing larawan ang dapat isama. Dapat ding
isama ang mga bahaging ikinaiiba ng bagay, tao,
pook,o pangyayaring inilalarawan sa iba pang uri
nito.
Batayan sa paglalarawan

Sa pagbuo ng malinaw na larawan ay may mahalagang


tungkuling ginagampanan ang angkop at tamang pagpili ng
mga salita. Samakatuwid, ang kalinawan ng ginagawang
paglalarawan ay nababatay sa mayamang talasalitaan. Bukod
sa mayamang talasalitaan, kailangan ding maging matalas ang
pandama (5 senses) upang makita at maibigay ng taong
naglalarawan ang lahat ng mga katangian ng kanyang
inilalarawan.

You might also like