Professional Documents
Culture Documents
Larangan
(Sining at Disenyo)
Fanny A. Garcia
Jonathan V. Geronimo
Mga May-akda
Aurora E. Batnag
Koordineytor
Yunit I – Sining at Disenyong Popular, Ating Kilatisin
ARALIN 1
Ang Wika ng Sining at Disenyong
Pilipino: Introduksiyon sa Pag-unawa,
Pagsusuri, at Pagpapahalaga
Layunin
mabigyang-kahulugan ang mga batayang elemento at
prinsipyo ng sining at disenyo;
makapagsuri ng mga terminong teknikal na ginamit sa
pagtalakay ng mga batayang elemento at prinsipyo sa sining
at disenyo;
mailapat ang mga batayang elemento at prinsipyo ng sining
at pagdidisenyo sa pamamagitan ng batayang kasanayan sa
pagkuha ng larawan o potograpiya; at
makasulat ng makabuluhang repleksiyong papel ukol sa
malikhaing proseso ng paglalapat ng mga batayang elemento
at prinsipyo ng sining at disenyo sa nilikhang output.
Kahulugan at Kahalagahan ng Pag-unawa
sa Wika ng Sining at Disenyo
Ayon
kina Kress at Van Leeuwen (1998), tulad sa
gramatika ng wika na naglalarawan sa kung
paano pinagsasama-sama ang mga sugnay,
pangungusap, at teksto, ang gramatikang
biswal ay naglalarawan sa paraang
hinahalaw ang mga tao, lugar, at bagay na
pinagsasama-sama
sa biswal na pagpapahayag.
Kahulugan at Kahalagahan ng Pag-unawa
sa Wika ng Sining at Disenyo
1. Linya
Naipahahayag ang damdamin at pananaw ng
manlilikha sa pamamagitan ng iba’t ibang anggulo ng
linya na tuwirang tumatawid sa sinumang
tumutunghay ng isang likhang-sining.
4. Espasyo
Napatitingkad ang positibo at negatibong lugar
gayundin ang lalim ng isang likhang-sining batay sa
kaayusan ng mga detalye sa isang komposisyon at sa
kinalalagyan nito sa loob ng isang establesimyento o
pampublikong espasyo.
5. Tekstura
Lumilikha naman ng ilusyon sa mata ang paggamit
ng tekstura sa sining. Nilalayon nitong magpamalas
ng natural at realistikong ugnay sa mga
tumutunghay.
Mga Elemento ng Sining at Disenyo
6. Value
5. Ritmo/Galaw
Karaniwan nating naiuugnay ang salitang ritmo sa
pakikinig at galaw sa pagsasayaw.
Ayon kina Lauer at Pentak (2000), “Ang ritmo bilang
prinsipyo ng disenyo ay nakabatay sa pag-uulit.”
Pagsusuri sa Paksa, Konteksto, at Gamit
ng Sining at Disenyo
Ang tinutukoy na paksa sa isang likhang-sining ay ang pangunahing
ideya na kinakatawan nito. Matutunton sa paksa ang pangunahing
esensiya ng komposisyon o piyesa na gustong ilarawan: palitawin
ang nais sabihin ng artista at kung paano nais ihatid at buuin ang
mensahe mula sa imahinasyon.
Gaya sa presentasyon sa mga naunang talakayan ukol sa elemento at
prinsipyo ng sining at disenyo sa Pilipinas, mapatutunayang may
sariling mayamang tradisyon, kultura, at kasaysayan ng paglikha sa
bansa. Sa puntong ito, tinutukoy ang konteksto o
pinagmulan/identidad ng likhang-sining bilang mahalagang aspekto sa
pag-unawa nito.
Mahalaga ring matukoy ang gamit ng isang sining at disenyo upang
mapalalim pa ang pag-unawa sa saysay at kabuluhan nito sa artista,
target audience, at sa lipunan sa kabuuan.
Pagsulat ng Sulating Pansining at Disenyo