You are on page 1of 5

Ang iba’t ibang kahulugan ng wika ayon sa mga manunulat:

Henry Allan Gleason- ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog
na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang makamit sa komunikasyon ng
mga taong nabibilang sa isang kultura.

 Constantino- ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin,


isang instrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan.

Sapir- ang wika ay pantao at likas ang paggamit ng tao sa wika. Ginagamit niya ang wika
bilang kasangkapan sa sosyalisasyon na kung walang wika, walang iiral na relasyong
sosyal. Gumagamit ang mga tao ng mga simbolismo upang makipag-ugnayan sa iba na
nagbubunga ng pagkakaroon ng solidaridad at pagkakaisa ng mga tagapagsalita ng
naturang wika
Hymes (1972)- nangangahulugan itong isang buhay, bukas sa sistema ang wika na
nakikipaginteraksyon. Binabago at bumabago sa kapaligiran bilang bahagi ng
kultura ng grupong gumagamit nito. Isa itong kasanayang panlipunan at
makatao.
Halliday (1973)- may gamit na instrumental ang wika. Tumutulong ito sa mga tao upang
maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. Nagagamit ang wika sa
pagpapangalan, Verbal na pagpapahayag, pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos at
pakikipag-usap.

Benjamin Lee Whorf-ang wika ay binubuo ng mga payak na salitang nalilikha dahil sa
pagtugon ng tao sa kaniyang kapaligiran. Ang kalikasan ng sistemang panlinggwistika
bawat wika ay di lamang instrumento sa pagpapahayag ng saloobin at kaisipan kundi
tagahubog din ng mga ideya na nagsisilbing gabay para sa mga gawaing pangkaisipan.
Ano ba ang Dalumat?

 Dalumat- Ang salitang pagdadalumat ay mula sa salitang ugat na dalumat


na kinabitan ng panlaping “pag” na ang ibig sabihin masusi, masinop,
kritikal at analitikal,pagkakaroon kakayahan na mag-isip ng malalim.

 Ayon kay Panganiban (1973) ang salitang “dalumat” ay kasingkahulugan


ng “paglilirip” at “panghihiraya”. Sa Ingles na pagpapakahulugan ay very
deep thought,abstract conception.

 Isang mahirap at mabusising gawaing akademiko, ang pagbibigay ng


sariling pagkahulugan sa isang salita na naglalayong bigyan ng
makabuluhang gamit na naaayon sa napapanahong sitwasyon o umiiral
na kultura ng isang lugar.(Quijano, Ma.Lourdes.et.al)
Mga Gabay sa Aplikasyon ng Dalumat

1. Kilalanin ang pinagkukuhanan ng dalumat/ teorya.

2. Kailangang malinawang datos na kakalapin. Ang paksa ang magdidikta sa


datos na hahanguin at hindi ang teorya/dalumat na gagamitin.

3. Ipaliwanag ang dalumat kung paano ito gagamitin sa pag-aaral.


MGA SALITA NG TAON

Sa pamamgitan ng pagtutulungan ng Filipinas Institute of Translation, Inc.


(FIT), Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at mga indibidwal mula sa iba’t
ibang larangan gaya ng akademya, siyensya, kalakalan, at iba pa ay pinipili ang
Salita ng Taon. Napili ang mga salita dahil minsan itong sumalamin sa
mahalagang isyu sa lipunang Pilipino gaya ng politika, teknolohiya, kultura,
sosyolohiya, kulturabg popular at iba pa at ang lawak at lalim ng saliksik sa
salita.

You might also like