You are on page 1of 3

GAWAIN 1: LINGGWISTA SA PILIPINAS AT SA BUONG MUNOD

Cyrus Vincent D. Paradero

STEM 11-24

1. P. Constantino - Ayon sa pagpapahayag ni Constantino, isang dalubwika, ang wika ay

maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang insrumento rin sa pagtatago

at pagsisiwalat ng katotohanan. Ang wika ay kasangkapan ng ating pulitika at ekonomiya.

Ang mabisang paggamit nito ang nagpapakilos sa tao at nagagawang manipulahin ang mali

at tama sa lipunang ating kinabibilangan.

2. Randy S. David - Ayon kay Randy S.David sa kombesyon ng Sangfil na nalathala sa

Daluyan, Tomo VII – Bilang 1-2 journal ng Sentro ng Wikang Filipino kalian man ay di

magiging nyutral o inosenteng larangan ang wika.

3. Whitehead - Ayon kay Whitehead, isang educator at Pilosopong Ingles: Ang Wika ay

kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito; bawat wika ay naglalaman ng kinaugaliang

palagay ng lahing lumikha nito. Ito raw ay salamin ng lahi at kanyang katauhan.

4. Gleason - Sa depinisyon ni Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas. Lahat ng wika

ay nakabatay sa tunog na kung tawagin ay ponema, na ang maagham na pag-aaral nito ay

tinatawag na ponolohiya. Kapag ang ponema ay pinagsama-sama maaaring makabuo ng

maliliit na yunit ng salita na tinatawag na morpema. Sintaksis ang tawag sa makaagham na

pinagugnay-ugnay na mga pangungusap. Diskors, kapag nagkaroon ng makahlugang

palitan ng dalawa o higit pang tao.


GAWAIN 1: LINGGWISTA SA PILIPINAS AT SA BUONG MUNOD

5. Ngugi Ihiong - Sa paliwanag ni Ngugi Ihiong (1987) isang Aprikanong manunulat: Ang

wika ay kultura. Isa itong konektibong kaban ng karanasan ng mga tao at ng kasaysayan

ng wika. Dahil sa wikang nakatala sa mga aklat pangkasaysayan at panliteratura, nagkikita

ng bayan ang kanyang kultura na natutuhan nitong angkinin at ipagmalaki.

6. San Buenaventura - Ayon kay San Buenaventura (1985): " Ang wika ay isang larawang

binibigkas at isinusulat. Isang kahulugan, taguan, imbakan o deposito ng kaalaman ng isang

bansa. " Isang ingat-yaman ng mga tradisyong nakalagak ditto, sa medaling salita ang wika

ay kaisipan ng isang bansa kaya't kailanman itoy tapat sa pangangailangan at mithiin ng

sambayanan. Taglay nito ang haka-haka at katiyakan ng isang bansa.

7. Chomsky - Ang wika ayon kay Chomsky (1957), isang prosesong mental. May unibersal

na gramatika at mataas na abstrak na antas; may magkatulad na katangiang linggwistik.

8. Hymes - Sa pagpapaliwanag ni Hymes (1972), nangangahulugan itong isang buhay, bukas

sa sistema ang wika na nakikipagnteraksyon. Binabago at bumabago sa kapaligiran bilang

bahagi ng kultura ng grupong gumagamit nito. Isa itong kasanayang panlipunan at

makatao.

9. Halliday - Sa pagtalakay ni Halliday (1973) may gamit na instrumental ang wika.

Tumutulong ito sa mga tao upang maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin.
GAWAIN 1: LINGGWISTA SA PILIPINAS AT SA BUONG MUNOD

Nagagamit ang wika sa pagpapangalan, verbal na pagpapahayag, pagmumungkahi,

paghingi, pag-uutos,at pakikipag-usap.

10. Hayakawa - Ayon kay Hayakawa,may tatlong gamit angn wika : 1. Pagbibigay ng

impormasyon tungkol sa tao bagay at maging sa isang magaganap na pangyayari. 2. Ito ay

nag-uutos. 3. Ito ay nagseset-up o saklaw ang mag kahulugan. Ayon kay Haring

Psammatikos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo ay naririnig. Ang

naging batayan, ipinadala niya ang dalawang sanggol sa malayong lugar na

REAKSIYON:

Para sa akin ay iisa lamang ang pagpapakahulugan nila sa salitang wika at ito ay ang

paghahatid ng impormasyon, ideya o sa paraang pakikipagusap lamg sa ibat ibang tao sa

mundo. Lokal man o internasyonal ay ganun parin naman ang perspektibo nila sa salitang

wika.

You might also like