You are on page 1of 18

BATAYANG

KAALAMAN SA
KOMUNIKASYON
Depinisyon ng Komunikasyon

Ang komuniksyon ay nagmula sa


salitang Latin na “communi atus” na ang
ibig sabihin ay “ ibinahagi.”
Ang komunikasyon ang
pagbabahagi ng ideya o
impormasyon sa iba.
Kahulugan ng komunikasyon
ayon kay Saundra Hybels
1. Ang komunikasyon ay transmisyon ng
signal na nanggagaling sa isang tao patungo
sa iba. Ito’y nangangahulugang may
pagbibigay at pagtanggap ng maaaring
simpleng impormasyon.
Halimbawa:
May Nakita kang bagong kamag-aral at nagsabi
sa iyo na, “Hi, ako si Carla. Ikaw, ano ang iyong
pangalan?

“Ako si Ana.”
.
2. Ang komunikasyon ay nagsasangkot ng
tuwirang paggamit ng simbolo patungo sa
isang layunin o hangarin.
“Hi, ako si Carla. Ikaw, ano ang iyong
pangalan?

“Ako si Ana.”
.
Ang komunikasyon ay isa ring proseso ng
pagpapahiwatig at pagpapahayag ng mensahe
tungo sa pagkaunawa at pakikipagdiskurso ng isa
o higit pang kalahok na gamit ang apat na
makrong kasanayan ng pakikinig, pagsasalita,
pagbasa, at pagsulat.
Proseso ito ng pagpapahiwatig ng mga
mensahe na nagpapahayag ng mga kahulugang
nakabalot at nakapaloob sa isang Sistema ng
signifikasyon. Ayon kay Saurrure ang Sistema
ng pagpapahiwatig ay binubuo ng senyal
(signifier) at ng kahulugan (signified) nito.
Arbitraryo ang uganayan ng senyal at ng kahulugan
kung kaya’t iba-iba ang mga pahiwatig ng wikang
ginagamit sa komunikasyon sa iba’t-ibang panahon,
lugar at konteksto. Sa bahaging ito ay mauunwaan natin
kung bakit ang ating suot na damit, hitsura, kulay ng
buhok, tindig, gawi, at iba pa ay nagpapahayag ng mga
mensaheng nababasa at nauunawaan ng mga tao.
Maaaring intensyonal o di-intensyonal ang
pagpapahiwatig na ito. INTENSYONAL ito kung ang
pagkaway ng isang tao ay direktang nagpapahayag ng
pagbati sa taong dumating o umalis. HINDI
INTENSYONAL kung hindi malay o hindi layunin ng
isang tao ang naipahayag na mensahe o nakitang
kilos/sensyal mula sa kaniya.
Halimbawa nito ay ang pagngiti ng isang babae
dahil naalala niya ang magandang karanasan
sa buhay habang kasabay nito ang biglang
pagkadulas ng kaniyang kaibigan. Maaaring
isipin ng kaniyang kaibigan na natuwa pa siya
sa pagkadulas niya.
Proseso rin ng pagpapahayag ng mensahe ang
komunikasyon. Maaaring ang pokus ng
komunikasyon ay ang pinagmulan (sender) o
tagatanggap (receiver) ng mensahe.
A. PINAGMULAN NG MENSAHE ANG POKUS

Halimbawa, sa pagbasa ng isang akda, hindi


maiiwasang alamanin ang intensyon, buhay at
karanasan ng may-akda (sender) para maunawaan ang
tekstong naisulat niya (mensahe). Isang paraan ito ng
pag-unawa sa akda na nakapokus sa nagsulat.
A. TAGATANGGAP NG MENSAHE ANG
POKUS

Sa kabilang dako, isinaalang-alang ng


manunulat ang partikular na target ng
mambabasa sa pagsulat niya ng anumang akda.
Epektibo ang komunikasyon kung nakarating at
naunawaan ng tumanggap nito ang intensyon o
mensahe ng nagpapahayag sa mensaheng
tinanggap. Layuning ng lahat ng kalahok sa
komunikasyon ang pagkakaunawaan. Subalit ang
pag-unawa ng mensahe’y batayang pangangailangan
tungo sa mas mataas na antas ng paglalapat ng
mensahe sa buhay at pamumuhay ng mga tao.
Higit na mataas na anyo ng komunikasyon ay
humahantong sa diskurso. Maaaring pulitikal,
akademiko, sosyal, at kultural ang diskursong
ipinahahayag ng mga taong may kanya-kanyang
pag-unawa, paniniwala at pananaw na maaaring
sumalungat o sumang-ayon sa iba.

You might also like