You are on page 1of 3

III.

LAYUNIN

Layunin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito na lubos na maunawaan ang dahilan


at maaaring maging epekto ng pagpupuyat nito sa pag-aaral at pagkatuto ng mga
estudyante sa GAS ng SHS in San Nicholas III. Bukod dito, layunin rin ng mga
mananaliksik na makamit ang mga sumusunod:

1. Natutukoy ang mga pangunahing dahilan ng pagpupuyat ng mga estudyante.


Mahalagang matukoy ang mga kadahilanan kung bakit nagkakaroon ng problema sa
pagpupuyat ang mga estudyante, tulad ng teknolohiya, mga gawain sa paaralan,
trabaho, at iba pang personal na mga gawain.

2. Nauunawaan ang epekto ng pagpupuyat sa akademikong pagganap ng mga


estudyante. Alamin ang kahalagahan ng pagpupuyat sa pagbaba ng mga marka,
kakulangan sa konsentrasyon, at hindi maayos na pagganap sa paaralan.

3. Nakakakuha ng mga solusyon at pamamaraan upang malunasan ang mga isyung


kaugnay ng pagpupuyat. Surin ang iba't ibang pamamaraan at interbensyon na
maaaring makatulong sa mga estudyante na malampasan ang mga hamong dulot ng
pagpupuyat, tulad ng pagpaplano ng oras, tamang paggamit ng teknolohiya,
pagpapahalaga sa kalusugan, at maayos na pag-aayos ng mga gawain.

4. Nakapagbibigay ng rekomendasyon sa mga paaralan at institusyon ng edukasyon.


Ihandog ang mga natuklasan at rekomendasyon sa mga paaralan, guro, magulang, at
iba pang mga nangangasiwa sa edukasyon upang mabigyan ng kaukulang pansin ang
isyu ng pagpupuyat at mabuo ang mga programa at polisiya na tutugon dito.

IV. METODOLOHIYA

Ang mga mananaliksik ay gaganit ng sarbey na naglalayong masuri ang mga pananaw
at opinyon ng mga respondente ukol sa epekto ng pagpupuyat sa mga mag-aaral. Ang
mga respondenteng ito ay hinihikayat na magbigay ng kanilang saloobin sa
pamamagitan ng pagpili ng mga kategoryang "Lubos na sumasang-ayon," "sumasang-
ayon," "Hindi sumasang-ayon o sumasalungat," "Hindi sumasan-ayon," o "Lubos na
hindi sumasang-ayon”.
Narito ang ilang mga tanong na gagamitin bilang bahagi ng sarbey sa pagbuo ng
konseptong papel:

Lubos na Sumasang- Hindi Hindi Lubos na


Sumasang- ayon sumasang- sumasang- hindi
ayon ayon o ayon sumasang-
sumasalungat ayon
Nakakaapekto
ba ang
pagpupuyat sa
iyong mga
interaksyon at
ugnayan sa
ibang tao?

Nakakaramdam
ka ba ng
kakulangan sa
konsentrasyon
at pagka-alerto
sa mga araw
na pagkatapos
mong
magpuyat?

Naaapektuhan
ba ng
pagpupuyat
ang iyong
pagiging
produktibo sa
mga gawain at
proyekto?

Nakakabawas
ba sa iyong
kakayahan na
mag-
concentrate at
mag-focus sa
mga gawain sa
paaralan ang
pagpupuyat?
Ang
pagpupuyat ba
ay nagdudulot
ng
pagkabahala sa
aking mga
magulang o
tagapag-alaga?

You might also like