You are on page 1of 51

Panimula Manwal ng Mag-aaral

USAID Opportunity 2.0 Program:


Pangalawang Pagkakataon para sa mga Kabatang Hindi Nag-aaral

MGA KASANAYAN SA BUHAY PARA SA SARILING PAG-AARAL

MODYUL 1: SARILING PAG-UNLAD


LEARNER’S HANDBOOK
1|Life Skills for Self -Directed Learning
Panimula Manwal ng Mag-aaral

Pasasalamat

Ipinaaabot ng Education Development Center (EDC) ang taos-pusong pasasalamat sa mga kawani ng
USAID Opportunity 2.0 Program, lokal na kapisanan sa Pilipinas, at ang DepED Alternative Learning
System Task Force sa di-matatawarang kaalaman sa pagbuo ng kurikulum na ito.

Bilang bahaging hakbang sa paghubog ng tiwala sa sarili ng mga kabataang hindi nag-aaral (out-of-school
youth), pinaigting ang sistema ng DepED ALS para mabigyan sila ng pangalawang pagkakataong
makapag-aral sa pamamagitan ng paghubog ng kasanayan sa pamumuno para makasabay sa merkado ng
paggawa na magagamit nila ngayon at sa hinaharap.

Ang kurikulum ng Kasanayan sa Buhay ay hinalaw ng EDC sa kilalang Work Ready Now.

__________________________________________________________________________________

© 2020 Education Development Center, Inc


This content may not be produced without the permission of Education Development Center or the United States Agency for
International Development.

This curriculum is made possible by the generous support of the American people through the United States Agency for
International Development (USAID). The contents are the responsibility of Education Development Center, Inc. and do not
necessarily reflect the views of USAID or the United States Government.

2|Life Skills for Self -Directed Learning


Panimula Manwal ng Mag-aaral

Panimula

MODYUL NG SARILING PAG-AARAL PARA SA KASANAYAN SA BUHAY

LAYUNIN:
Maligayang pagdating sa Modyul ng Kasanayan sa Buhay! Matutulungan ka ng mga pagsasanay sa
Modyul na ito para sa pagpapatuloy ng iyong edukasyon, gayundin, para mabigyan ka ng karagdagang
kaalaman at kasanayan para maihanda ka sa pagpasok sa trabaho o pagtatayo ng sariling negosyo.
Pagkatapos mong pag-aralan ang mga modyul dito, inaasahan na ikaw ay:

 Makabubuo ng mga plano sa pagpapaunlad ng sarili


 Makikipag-ugnayan at makikipag-usap sa ibang tao, sa iba’t ibang layunin at pagkakataon
 Makapagpapakita ng asal at pag-uugaling angkop sa lugar ng trabaho at makasusunod sa mga
polisiya at tuntunin dito
 Mapamumunuan ang isang pangkat na makatapos ng isang layunin
 Makapagpakita ng kinikilalang pamantayan sa kalusugan at kaligtasan, makilala ang di-ligtas na
pagkakataon at makatugon sa mga kagipitan at sakuna
 Maisusulong ang mga karapatan at tungkulin ng mga manggagawa at tagapag-empleyo sa lugar
ng trabaho
 Makabuo at mapangasiwaan ang sariling pananalapi at ng buong pamilya
 Makapagplano ng mga proyektong mapagkukunan ng kita at mapamahalaan ang mga gastusin sa
pagpapatakbo ng negosyo
 Makalalahok sa pagpaplano at pagpapatupad ng iba’t ibang proyektong magbibigay serbisyo sa
komunidad

NILALAMAN AT LAPIT SA PAG-AARAL NG MODYUL

Binubuo ang manwal na ito ng siyam (9) na Modyul tungkol sa Kasanayan sa Buhay na umaayon sa mga
piling larang ng pagkatuto, pamantayang pangnilalaman, pamantayan sa pagganap at kasanayang
pampagkatuto.

Ang mga pangunahing Modyul at Aralin sa kurikulum ay ang mga sumusunod:

1. Sariling Pag-unlad: pagkilala sa asal at hilig, pagsusuri sa katangian at kakayahan; pagkilala ng


pamamaraan at estratehiya sa pagkatuto; pagtatakda ng layunin, pagpaplano at pagsubaybay sa
pag-unlad; pagmamapa at pagmamasid sa lugar ng trabaho sa komunidad

2. Kasanayang Pangkomunikasyon: pakikinig at pagsasalita; pagsunod sa panuto at pagbibigay ng


kasagutan, kasanayan sa pagtatanghal; pagpili ng uri ng komunikasyon sa lugar ng trabaho,
pakikiisa o pakikipagtulungan bilang kasapi ng isang pangkat, pagbibigay ng maayos na serbisyo,
pakikipag-ugnayan sa iba sa lugar ng trabaho

3|Life Skills for Self -Directed Learning


Panimula Manwal ng Mag-aaral

3. Pamumuno at Pagtutulungan: pagkilala sa katangian ng isang mahusay na namumuno; pagkilala


ng iba’t ibang paraan ng pamumuno; pagganyak sa ibang kasamahan; pagbuo at pakikiisa sa
pangkat; pangunguna sa paghahanap ng solusyon sa problema; pakikipanayam sa mga employer

4. Wastong Asal at Pag-uugali sa Trabaho: paghahanap at pagpasok sa trabaho (pagsulat ng liham


ng namamasukan, CV) pakikipanayam; pagtatanong-tanong sa papasukang trabaho; wastong asal
at pag-uugali sa trabaho; pamamahala sa oras; pagbalanse ng oras sa trabaho at panahon sa pamilya

5. Kalusugan at Kaligtasan sa Trabaho: pagsunod sa pamantayan sa kalusugan; pagkilala at pag-


iwas sa mga peligro sa trabaho, pagtugon sa oras ng kagipitan at sakuna sa lugar ng trabaho;
pagsunod sa mga pamantayan sa trabaho

6. Karapatan at Pananagutan ng Empleyado at Tagapag-empleyo: Batas sa Paggawa ng


Pilipinas; pagkilala sa karapatan at pananagutan ng mga manggagawa at employer sa tulong ng
Batas sa Paggawa ng Pilipinas; pakikipanayam sa mga manggagawa at employer ukol sa mga
karapatan at pananagutan sa lugar ng trabaho

7. Kasanayan sa Pananalapi: pag-iimpok, pagbabadyet; pamamahala sa pananalapi; pagbuo ng


desisyong pinansiyal

8. Pagsiyasat sa Negosyo: siklo ng negosyo; pagtatayo ng negosyo; pag-angkat ng mga hilaw na


materyal; pagmamanupaktura, pagbebenta at kita; pagbubukod ng personal sa gastusing
pangnegosyo; pagkilala ng angkop na negosyo sa lugar; pagpili ng ideya sa negosyo; dapat
isaalang-alang sa pagnenegosyo: produkto, lugar, presyo, promosyon, produkyon

9. Sibikong Pakikilahok: pagtukoy sa pangunahing pangangailangan ng komunidad; pakikipag-


ugnayan sa pamahalaan; pagsasagawa ng proyektong magbibigay ng serbisyo sa komunidad.

Gawain: Danas sa Tunay na Buhay


Ang bawat Modyul ay naglalaman ng mga gawaing magbibigay sa iyo ng totoong karanasan sa
trabaho sa pamamagitan ng pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa mga tao. (Maaari itong mabago kung
may banta sa kalusugan sa inyong lugar). Ikaw ay inaasahang magmasid kung paano pinatatakbo ang
isang negosyo at itatala mo ang iyong mga obserbasyon para mabigyan ka gabay o ideya sa tatahaking
karera at makita ang mga inaasahang kaganapan sa lugar ng trabaho. Inihahanda ka ng Modyul na ito para
sa work immersion o hands-on experience sa trabaho o kaya ang magpatakbo ng sariling negosyo.

4|Life Skills for Self -Directed Learning


Panimula Manwal ng Mag-aaral

MODYUL DETALYE
Modyul 1: Sariling Pag-unlad Anong trabaho ang iyong napasukan?
Pagmamapa ng mga lugar ng trabaho sa
iyong lugar
Modyul 2: Interpersonal na Komunikasyon Pakikipag-ugnayan sa lugar ng trabaho
Modyul 3: Pamumuno at Pagtutulungan Pamumuno sa lugar ng trabaho
Modyul 4: Asal at Pag-uugali sa Trabaho Pagtatanong-tanong ukol sa Papasukang
Trabaho
Modyul 5: Kalusugan at Kaligtasan Pagsunod sa Kalusugan at Kaligtasan
Modyul 6: Karapatan at Pananagutan Pakikipanayam sa manggagawa at
employer ukol sa kanilang mga karapatan

Kasanayan sa Buhay: Lapit sa Sariling Pagkatuto

Ang Modyul sa mga Kasanayan sa Buhay ay sinadyang maging interaktibo at mapang-engganyo


sa gagamit nito. Bagaman sariling pagkatuto ang pamamaraan nito, maraming pagkakataon na ikaw ay
bibigyan ng pagkakataong makikipag-ugnayan sa ibang mag-aaral, guro, kaibigan, kapamilya o sa
komunidad tulad ng mga negosyante, employer at manggagawa sa inyong lugar. Gayundin, ikaw ay
magbabasa, magsusulat at bubuo ng repleksiyon sa iba’t ibang paksa. Nangangailangan ding ikaw ay
gagawa ng pagsasanay at pagsusuri, sa tulong ng kaalaman at kasanayang natutuhan mo.

Magsisimula ang bawat Modyul sa pagpapakilala ng mga layunin, nilalaman at paksa, takdang
oras sa mga gawain at takdang-gawain. Laging nagsisimula at nagwawakas ang mga Modyul sa pagtatasa
sa sarili (learner reflection). Magkakaroon din ng pangwakas na pagtataya sa katapusan ng Modyul.
Nahahati sa mga sesyon ang Modyul na naglalaman ng 2-3 gawain. Sa simula ng sesyon, makikita mo
ang talahanayang mag-uugnay sa iba’t ibang istrand ng pagkatuto, pamantayang pangnilalaman at
kasanayang pampagkatuto na itinakda ng DepED.

Istrand sa Pagkatuto:
Pamantatang Pangnilalaman:

Kasanayang Pampagkatuto:

5|Life Skills for Self -Directed Learning


Panimula Manwal ng Mag-aaral

Susundan ito ng isang talahanayan ng Pangunahing Paksa at Susing Kaisipan

Pangunahing Paksa at Susing Kaisipan


1.
2.
3.
*
*
*
*

Susundan ito ng pangunahing gawain, pamagat ng gawain, layunin, takdang oras at iba’t ibang gawaing
inihanda para sa iyo.

Gawain X

Mga Layunin


Takdang Oras: 90 minuto

Ang mga gawain ay kinakatawan ng sumusunod na mga simbolo:

Pagbasa at Pagsulat

Pagbasa

Pagsulat

Pag-isipan at Pagnilayan

Impormasyon Babasahin o Gawaing Sasagutan

Diyalogo/ Pakikipag-usap sa Iba

6|Life Skills for Self -Directed Learning


Panimula Manwal ng Mag-aaral

Kung minsan, makikita mo rin ang mga ito:

Magsanay Tayo!

Ang bahaging ito ay naglalaman ng pag-unawa sa binasa para matukoy kung


talagang naunawaan mo ang mga konsepto bago isagawa ang aplikasyon

Gawin Natin!

Ang bahaging ito ay aplikasyon ng mga konseptong natutuhan mo at paglalapat sa


tunay na buhay.

Pag-isipan Mo!

Hinihikayat ka ng bahaging ito na magbahagi ng opinyon sa pamilya at sa kaibigan


tungkol sa isang paksa. Kausapin mo sila nang personal o sa pamamagitan ng text, chat o
anomang paraang magaan para sa iyo. Mahalagang maibahagi at makapagpalitan ng
opinyon sa iba.

Ibahagi Mo!

Hinihikayat ka ng bahaging ito na ibahagi ang natapos na mga gawain sa iyong


pamilya at kaibigan. Gawin mo ito nang personal o sa pamamagitan ng text, chat o
anomang paraang komportable ka. Magandang ibahagi mo ang natapos na gawain sa mga
taong lubos na nagmamalasakit sa iyo.

7|Life Skills for Self -Directed Learning


Panimula Manwal ng Mag-aaral

Mga Rekesito (Requirements)


May ilang mga rekesitong kailangang tapusin para makapasa at bilang bahagi na rin ng iyong portpolyo.

1. Pagtatasa sa Sarili (Learner Reflection) sa simula at katapusan ng modyul

2. Takdang Gawain: Ito ay naglalaman ng iba’t ibang gawaing kailangang tapusin. Ang kompletong
listahan ng mga gawain ay matatagpuan sa simula ng Modyul.

3. Pangwakas na Pagtataya

Gabay at Suporta ng Guro sa ALS

May guro sa ALS na gagabay sa iyo sa pagsagot ng mga gawain sa modyul. Personal na aalamin
ng guro ang ginagawa mong pagsagot sa mga pagsasanay at mga gawain sa pamamagitan ng telepono, Fb
o messenger. Siya ang pangunahing taong makapagbibigay ng suporta at gabay sa mga aralin na hirap
mong maunawaan.

Pagbutihin at galingan mo! Tiyak na sa katapusan ng pag-aaral mo ng mga Modyul na ito ay handa
ka nang ipagpatuloy ang iyong pag-aaral sa susunod na antas, makahanap ng trabaho o makapagtayo ng
sariling negosyo.

8|Life Skills for Self -Directed Learning


Panimula Manwal ng Mag-aaral

MODYUL 1: SARILING PAG-UNLAD


“Mas mabuting pinag-iisipan ang kinabukasan
habang ikaw ay nasa kasalukuyan”

Mga Layunin:

Sa katapusan ng modyul, ikaw ay inaasahan na:


 Matukoy ang sariling pag-uugali, kasanayan at sariling kalakasan at kahinaan
 Maiugnay sariling pag-uugali sa pang-araw-araw na buhay
 Matukoy at makabuo ng plano sa pag-abot ng mga layunin
 Mapahalagahan ang iba’t ibang estilo ng pagkatuto at makilala ang iba’t ibang estilo
at pamamaraan ng pagkatuto

Nilalaman ng Modyul

Gawain Oras
Sesyon 1: Mga Pagpapahalaga at mga Kasanayan
1. Panimulang Gawain at Pagtatasa sa Sarili 30-60 minuto
2. Pag-uugali, Paniniwala at mga Katangian 40-60 minuto
3. Tayo ay Kakaiba 30-60 minuto
4. Ang Aking Kasanayan at mga Katangian 30-60 minuto
Sesyon 2: Pagtatakda at Pag-abot ng mga Layunin
5. Panimula at Proseso sa Pagtatakda at Pag-abot 90-120 minuto
ng mga Layunin
6. Pagmamapa ng Lugar ng Trabaho sa Komunidad 60-80 minuto
7. Sesyon 1 at 2: Rebyu at Aplikasyon 25-60 minuto
Sesyon 3: Pagkatuto ng Bagong Kasanayan
8. Pagtataya sa Estilo ng Pagkatuto 25-60 minuto
9. Estratehiya sa Pagkatuto 40-60 minuto
10. Sesyon 3: Rebyu at Aplikasyon 60-120 minuto
Kabuoang Oras: 7-12

9|Life Skills for Self -Directed Learning


Panimula Manwal ng Mag-aaral

Takdang Gawain

Ito ay tseklist ng lahat ng mga gawaing kailangan mong tapusin. Iitiman ng


tagapagdaloy/guro ang mga gawaing natapos at naipasa mo. Gagawa rin siya ng follow-up
o pagsunson sa mga gawaing hindi naipasa.
 1.1 Halimbawa ng Pagpapahalaga, Paniniwala at Kaaya-ayang Katangian
 1.2 Ang Aking Kasanayan at Katangian
 Sesyon 1: Kahon ng Pagsusulatan: Mga Pag-uugali, Mga Katangian, Mga
Kasanayan
 Sesyon 2: Kahon ng Pagsusulatan: Pagguhit ng Puno
 1.3 Pagtatakda at Pag-abot ng Layunin
 1.4 Mga Hakbang sa Pag-abot ng Aking Layunin
 1.5 Paano Ako Mas Natututo?
 1.6 Pag-aaral sa Aking Kaparaanan
 Sesyon 3: Kahon ng Pagsusulatan: Pag-uugnay ng mga kasanayan sa iba pang aral
sa pang-araw-araw na pamumuhay

SESYON 1: MGA PAG-UUGALI AT MGA KAKAYAHAN

Istrand ng Pagkatuto: Pag-unawa sa Sarili at sa Lipunan


Pamantayang Pangnilalaman: Intrapersonal na Relasyon (Positibong pagkilala sa
sarili) at Pagpapaunlad ng Sariling Kakayahan
Pamantayan sa Pagganap: Makabuo ng positibong pagkilala sa sarili at pagtuklas ng
sariling kakayahan
Kasanayang Pampagkatuto:
A. Kamalayan sa Sarili: Pagkilala sa Sarili
1.2 Makapagtanghal ng malalim na pagkilala sa sarili – LS5DS-ID-PSA-
BL/LE/AE/LS/AS-1.2
2 Mailarawan ang sarili batay sa:
 Hilig, Libangan, Talento, Kakayahan (pag-awit, pagsayaw, atbp)
 Sariling Kagustuhan (Kagustuan at Kinaaayawan)
 Mga Pag-uugali at Damdamin (matulungin, magalang, masunurin,
masipag, matapat) LS5US-ID-PSA-LE-A.2
B. Pagpapahalaga sa Sarili: Pagkilala sa Sariling Kalakasan at Kahinaan
2.1 Masuri ang halaga ng isang tao ayon sa kaniyang asal o pag-uugali – LS5DS-
ID-PSA-BL/LE/AE/LS/AS-2.1)
1 Matukoy ang sariling kalakasan at kahinaan – LS5US-ID-PSA-LE-B.1
2 Matukoy ang kapansin-pansing mga asal at pag-uugaling naipapasa ng mga
nakatatanda – LS5US-ID-PSA-LE-B.2

10 | L i f e S k i l l s f o r S e l f - D i r e c t e d L e a r n i n g
Panimula Manwal ng Mag-aaral

GAWAIN 1: Paunang Gawain at Pagtatasa sa Sarili

LAYUNIN
Mailarawan ang mga paksang may kahalagahan sa pagpaplano ng sariling
kinabukasan

Takdang Oras: 30 minuto hanggang 1 oras

Basahin ang kasabihan sa simula ng modyul. Ano ang ibig nais nitong ipahiwatig?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Basahin ang layunin sa modyul. May kaugnayan ba ang kasabihan sa layunin? Patunayan.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Sa modyul na ito, susubukin mong alamin kung ano ang mahalaga sa iyo at kung paano mo pa
matutuklasan ang mga bagay-bagay sa iyong sarili. Nakatuon ang sesyon na ito sa pagtukoy ng
sariling pag-uugali, paniniwala, interes, at kalakasan at kahinaan.

Mahalagang Paksa at Susing Kaisipan

1. Pag-uugali, Paniniwala at mga Katangian


2. Kakayahan at Pagpapahalaga sa mga Katangian
3. Nakakaapekto ang ating pag-uugali at paniniwala sa ating ikinikilos
4. Mahalagang malaman ang kagustuhan ng mga employer at kumilos nang naaayon
sa kanilang kagustuhan
5. Masasalamin sa ating pag-uugali kung anong aktibidad ang sinasamahan natin
6. Makatutulong sa paghahanap ng trabaho at magiging matagumpay ang pagkilala
sa sariling pag-uugali, interes at kakayahan
7. Lahat tayo ay magkakaiba ng pag-uugali, interes at kakayahan

11 | L i f e S k i l l s f o r S e l f - D i r e c t e d L e a r n i n g
Panimula Manwal ng Mag-aaral

Pagtatasa sa Sarili: Modyul 1 Sariling Pag-unlad

Ang mga tanong dito ay hindi pagsubok. Ito ay isang paraan upang malaman mo ang iyong
kaalaman, kasanayan o kakayahan tungkol sa paksang ito. Basahin mo ang mga kaalaman, kasanayan o
kakayahan na nakalista sa kaliwang kolum. Magbalik-tanaw sa iyong sarili at mga karanasan, basahin ang
lahat ng mga pangungusap at i-tsek ang sagot na naaangkop sa iyong situwasyon. Ang iyong sagot ay
magiging gabay mo at ng iyong guro sa pagpapalawak ng iyong kaalaman tungkol sa paksang ito.

Ang Aking Karanasan, 1 2 3 4


Kaalaman, Kasanayan at Wala akong May kaunti May Marami
Kakayahan karanasan akong karanasan akong
sa paggawa kaalaman sa ako sa karanasan
nito paggawa paggawa sa paggawa
nito nito nito
Pagtukoy sa sariling kakayahan,
interes at mga pagsubok
Pagkakaroon ng sariling layunin sa
buhay
Paggawa ng plano para maabot ang
layunin
Pagsunod sa itinakdang plano
Pagbibigay-pansin sa proseso ng
plano para makamit ang layunin
Pag-unawa sa iba’t ibang paraan
upang matutunan ang mga bagong
kakayahan at ideya
Pagtukoy at paggamit ng mga
pamamaraan para mapalawak ang
kaalaman

12 | L i f e S k i l l s f o r S e l f - D i r e c t e d L e a r n i n g
Panimula Manwal ng Mag-aaral

Gawain 2: Pag-uugali, Paniniwala at mga Katangian

Mag-isip ng isang taong iginagalang at nagsilbing huwaran sa iyo. (Ang huwaran ay isang
taong hinahangaan at gustong gayahin ang kaaya-ayang pag-uugali. Paano naging espesyal
ang taong ito sa iyo?

Sumulat ng mga salitang naglalarawan sa isang taong huwaran. (Halimbawa: Maalalahanin,


matapat, masipag, masayahin at iba pa.)

Ang ating pagpapahalaga ay gabay natin sa pagpaplano ng ating kinabukasan. Ito ay nagsisilbing
pundasyon sa paggawa ng desisyon, sa gusto nating trabaho, at kung paano tayo kumilos sa
trabaho at sa ating personal na buhay.

1. Basahin 1.1: Mga halimbawa ng Pag-uugali, Paniniwala at Kaaya-ayang


Katangian. Napakaraming pag-uugali, paniniwala at kaaya-ayang katangian ang
nakakaimpluwensya kung paano kumilos ang tao. Ito ay mga halimbawa lamang. May
naisulat ka bang mga salita na naglalarawan ng isang huwaran sa iyong listahan?

2. Punan ang talahanayan. Una, pumili ng limang (5) pinakamahalagang pansariling pag-
uugali para sa iyong pamilya o kaibigan sa kasunod na kolum. Sa huli, pumili ng alam
mong limang (5) importanteng pag-uugali para sa employer.

13 | L i f e S k i l l s f o r S e l f - D i r e c t e d L e a r n i n g
Panimula Manwal ng Mag-aaral

1.1: Mga Halimbawa ng Pag-uugali, Paniniwala at Kaaya-ayang Katangian


Sa bawat kolum, pumili ng unang limang pagpapahalaga at markahan ito ng ekis (X)

PAG_UUGALI AKO PAMILYA/KAIBIGAN EMPLOYER

Pagtanggap
Tagumpay
Mapangarapin
Maasikaso
Mapagmalasakit
Pagkaasikaso
Maingat
May Pangako
Komunikasyon
Maawain
Malikhain
Determinasyon
Debosyon/Pagmamahal
Dignidad
Pagkamaawain
Masigasig
Etika
Patas
Tutok
Palakaibigan
May adhikain/Layunin
Katapatan
Inspirasyon
Katalinuhan
Pakikibahagi
Katapatan
Positibong Pananaw
Matiyaga
Magalang
Responsibilidad
Mapagparaya

14 | L i f e S k i l l s f o r S e l f - D i r e c t e d L e a r n i n g
Panimula Manwal ng Mag-aaral

Pag-isipan mo

Hinihikayat ka sa bahaging ito na magbahagi ng opinyon sa kapamilya at mga kaibigan tungkol sa


isang paksa. Kausapin mo sila nang personal o sa pamamagitan ng text, chat o anomang paraang
magaan para sa iyo. Mahalagang maibahagi at makapagpalitan ng opinyon sa iba.

1. Paano mo ihahalintulad ang pag-uugaling mayroon ka sa mga iniisip mong


mahalaga sa iyong pamilya/kaibigan at employer?

2. Sakaling alam mo na ang pinapahalagahan ng employer, sa iyong palagay ano ang dapat
asalin sa trabaho?

3. Isipin ang mga bagay na madalas mong ginagawa. Anong pag-uugali ang madalas
na nakikita sa iyo?

Kadalasan, nakikita ang pag-uugali ng isang tao sa mga bagay na madalas niyang ginagawa.
Marami sa mga pag-uugaling ito ang katulad pag-uugaling taglay rin ng isang employer.
Mahalagang magkaroon ng kamalayan kung anong pag-uugali ang hinahanap ng mga employer
kaya kumilos nang naayon lalo na kung maghahanap ka ng trabaho o kung nasa trabaho .

Ibahagi Mo!

Hinihikayat ka sa bahaging ito na ibahagi ang natapos na gawain sa iyong pamilya at kaibigan.
Gawin mo ito nang personal o sa pamamagitan ng text, chat o anomang paraang komportable ka.
Magandang ibahagi mo ang natapos na gawain sa mga taong lubos na nagmamalasakit sa iyo.

15 | L i f e S k i l l s f o r S e l f - D i r e c t e d L e a r n i n g
Panimula Manwal ng Mag-aaral

Talakayin ang mga pag-uugali, paniniwala, at kaaya-ayang katangian sa iyong pamilya,


kapitbahay o sa komunidad. Sino-sino ang itinuturing nilang huwaran. Bakit? Ano ang naging karanasan
nila sa kanilang pinagtatrabahuan?

Gawain 3: Tayo ay Kakaiba

Mga Layunin:

 Pag-isipan at ibahagi ang iyong pag-uugali, paniniwala at interes


 Mapahalagahan na bagaman tayo ay may pagkakatulad at pagkakaiba, tayo
ay natatanging indibidwal
 Mapahalagahan ang sarili

Takdang Oras: 30 - 60 minuto

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap sa mga taong malapit sa iyo. Bawat
pangungusap ay sasagutin kung ito ay lubos na sumasang-ayon, medyo sumasang-ayon,
medyo di-sang-ayon at lubos na di-sang-ayon .

 Naniniwala ako na respeto ang  Gusto kong magtrabaho sa opisina


pinakamahalagang pag-uugali  Gusto kong maging isang lider
 Para sa akin, dapat nasa tamang oras ang  Mas gusto kong makisalamuha sa
pagpasok sa trabaho aking mga kaibigan ‘pag may panahon
 Ang pagkakaroon ng panahon sa pamilya  Gusto ko ng aksiyong pelikula
at kaibigan ay nagpapasigla.
 Gusto kong maglaro ng palakasan
 Masipag ako
 Lagi kong nirerespeto ang mga
 Ako ay maayos
 Mahilig akong magbasa nakatatanda
 Gusto kong magtayo ng sariling negosyo  Marunong ako sa paglutas ng
 Gusto kong magtrabaho sa konstruksyon problema
 Dapat lahat tayo ay pinapakinggan

Ibahagi ang inyong kasagutan at talakayin ito. Ano ang iyong napansin? Magkakaparehas
ba o magkakaiba ang inyong kasagutan?

16 | L i f e S k i l l s f o r S e l f - D i r e c t e d L e a r n i n g
Panimula Manwal ng Mag-aaral

Lahat tayo ay may kaniya-kaniyang opinyon, damdamin, interes at kakayahan. Minsan


tayo ay may pagkakatulad at pagkakaiba.Tayong ay kakaiba! Ang mga natatanging
katangiang ito ang huhubog sa iyong pagkatao.

Ipagpatuloy ang talakayan sa isa’t isa. Magbahagi ng kaisipan tungkol sa:


1. Interes
2. Kagustuhan
3. Ambisyon
4. Perpektong pinuno
5. Prinsipyo sa buhay
6. Paniniwala
7. Libangan
8. Talento
9. Huwarang taong hinahangaan

Gawain 4: Ang Aking Mga Kakayahan at Katangian

Mga Layunin:
 Kilalanin ang mahahalagang kakayahan at katangiang mahalaga sa iyo at sa
trabaho
 Suriin ang sariling kasanayan at katangian
 Simulang tukuyin ang susunod na mga hakbang sa pagpapahusay ng kakayahan at
katangian.

Takdang-Oras: 30 - 60 minuto

Malaki ang impluwensiya sa ating pag-uugali kung paano natin ginugugol ang ating
oras at paghubog ng ating mga kakayahan at katangiang kapaki-pakinabang sa trabaho.

Basahin 1.2: Ang aking mga Kasanayan at Katangian at pumili ng anim (6) na
pangunahing kakayahan at katangian na gusto mong gamitin sa trabaho. Bilugan o isulat
ito sa inyong kuwaderno. Markahan ang sarili batay sa anim (6) na kakayahan at katangian
na iyong napili (gamit ang apat (4) kolum sa talahanayan). Ang mga ito ay maaaring
gamitin sa trabaho, edukasyon o personal na buhay.

17 | L i f e S k i l l s f o r S e l f - D i r e c t e d L e a r n i n g
Panimula Manwal ng Mag-aaral

Gumuhit ng dalawang (2) kolum sa gitna ng papel. Isulat ang Kalakasan sa kaliwang bahagi at
sa kanan naman ay Ang mga Dapat pang Pagbutihan. Tingnan ang anim (6) na kakayahang
nabilugan sa simula ng aralin. Kung namarkahan ang sarili bilang Napakahusay o Mahusay
nangangahulugan ito ng iyong KALAKASAN samantalang kung namarkahan naman ito ng
Hindi Mahusay o nangangailangan ng pagbabago ito ang mga Dapat pang Pagbutihan.

Pag-isipan Mo
Hinihikayat ka ng bahaging ito na magbahagi ng opinyon sa kapamilya at kaibigan tungkol sa
isang paksa. Kausapin mo sila nang personal o sa pamamagitan ng text, chat o anomang paraang
magaan para sa iyo. Mahalagang maibahagi at makapagpalitan ng opinyon sa iba.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong


1. Paano ko minarkahan ang aking sarili sa anim (6) na bahagi?

2. Alin sa mga bahagi ang aking mga kalakasan at aling bahagi ang nangangailangan pang
pagbutihin

3. Anong mga kakayahan / katangian sa bahaging Dapat Pang Pagbutihin ang ang
dapat kong pagtuonan para maging Kalakasan.

Pumili ng isa sa sumusunod na mga Gawain at ibahagi ito sa mga kasama sa bahay o
komunidad.

1. Sumulat ng sanaysay. Pumili ng tatlong (3) katangiang dapat ko pang pagbutihin


at isulat ang mga hakbang na gagawin para mabago ang sarili.

2. Pumili ng isang bagay na kumakatawan sa iyong sarili at isulat kung paano ito ay may sa
iyong mga kakayahan at katangian.

18 | L i f e S k i l l s f o r S e l f - D i r e c t e d L e a r n i n g
Panimula Manwal ng Mag-aaral

1.2: Ang Aking mga Kakayahan at Katangian


Markahan ang sarili sa pamamagitan ng paglalagay ng X sa tamang kahon.

Napakahusay Mahusay Medyo Nangangailangan


Mahusay
ng pagbabago
Maaasahan
Matiyaga
Matapat
Responsable
Maagap/ Nasa oras
Magalang
Marunong makisama
Marunong mamuno
Nagtatrabaho nang walang patnubay
Malikhain
May tiwala sa sarili
Maayos/Masinop
Madaling matuto
Masipag
Marunong sa paggastos ng pera
Nagpapayo sa tao
Malinaw makipag-usap
Gumagawa ng desisyon
Sumusulat
Nangangasiwa
Nilulutas ang problema

19 | L i f e S k i l l s f o r S e l f - D i r e c t e d L e a r n i n g
Panimula Manwal ng Mag-aaral

Sesyon 1. Bahaging Pagsusulatan


Gamitin ang bahaging ito para pagsulatan sa ibinigay na mga takdang-gawain o pagsulatan ng
iyong saloobin o ideya tungkol sa pag-uugali, katangian at kakayahan.

Binabati kita! Nakompleto mo na ang sesyon sa Pag-uugali, Katangian, at Kasanayan.


Ikaw ngayon ay handa nang magpatuloy sa susunod na sesyon sa Pagtatakda at Pagkamit ng mga
Adhikain. Galingan mo pang lalo.

20 | L i f e S k i l l s f o r S e l f - D i r e c t e d L e a r n i n g
Panimula Manwal ng Mag-aaral

SESYON 2: PAGTATAKDA AT PAGKAMIT NG MGA LAYUNIN


Istrand ng Pagkatuto 5: Pag-unawa sa Sarili at Lipunan
Pamantayang Pangnilalaman: Relasyong Intrapersonal (Positibong
pananaw sa sarili) at Pagpapaunlad ng Sariling Kakayahan
Pamantayan sa Pagganap: Bumuo ng positibong pananaw sa sarili at tuklasin
ang sariling potensiyal.
Kasanayang Pampagkatuto: Sariling Direksyon (Pagtatakda ng Layunin) – LS5DS-ID-PSA-
BL/LE/AE/LS/AS-3
C Sariling Direksyon (Pagtatakda ng Layunin)
1 Natutukoy nang malinaw ang layunin sa buhay at kailan ito dapat makamit ng
nakikita/pinanghahawakan at naiisip sa pamantayan ng tagumpay.
– LS5US-ID-PSA-JHS-C.1
2 Balanseng Pantaktika (panandalian) at estratehiya (pangmatagalang ) layunin – LS5US-
ID-PSA-JHS-C.2
3 Pagtalakay sa kahalagahan ng bawat layunin– LS5US-ID-PSA-JHS-C.3
4 Pag-aralan ang mga haharaping salik sa pagkamit ng layunin, tulad ng kawalan ng
kakayahang mamahala ng oras ( walang diwang pagpupumilit o prayoridad – LS5US-
ID-PSA-JHS-C.4
5 Pagsasabi ng mga paraang praktikal sa pagkamit ng layunin– LS5US-ID-PSA-JHS-C.5

Mahalagang Paksa at Susing Kaisipan


1. Pagtatakda ng pangmatagalan at panandaliang layunin.
2. Pagkilala ng mga hakbang, takdang oras, at pagkukunan ng mga kailangan sa
pagsasakatuparan ng layunin (goal).

Dapat ang Halimbawa ng hindi Halimbawa ng Makakamit


Layunin ay: Makakamit
Tiyak Yayaman ako Kikita ako RWF 100,000
(Specific) kada buwan
Nasusukat Ako ay papasok sa Ako ay papasok sa pang-gabing
pang-gabing klase. klase dalawang beses bawat linggo
(Measurable)
Natatamo Ako ay magiging Ako ay magiging presidente
(Achievable) presidente ng Rwanda sa ng samahan ng mga kabataan
susunod na taon. sa susunod na taon
Makatotohanan Makakasama ako sa Maglalaro ako ng football kasama
National Football Team ang local youth football team
(Realistic)
Takdang Hahanap ako ng trabahong Hahanap ako ng trabahong
Panahon pangkonstruksyon pangkonstruksyon sa susunod na
dalawang buwan.
(Time Framed)
21 | L i f e S k i l l s f o r S e l f - D i r e c t e d L e a r n i n g
Panimula Manwal ng Mag-aaral

 Hakbang sa Pagtatakda at Pagkamit ng mga Layunin:


1. Saan ako makararating sa susunod na tatlong (3) buwan, anim (6) na buwan, 1 taon?

2. Ano ang dapat kong malaman para makamtan ito?

3. Anong mga hakbang ang kailangan kong malaman at gawin para makamit ang mga
ito?

4. Anong mga kakayahan at karanasan na aking taglay na makatutulong sa akin para


makamit ang mga hakbang na ito
5. Anong mga sagabal ang maaari kong maranasan at paano ko ito
mapagtatagumpayan?

6. Ano ang dapat kong unahin, pangalawa at mga susunod pang gagawin?

Gawain 5: Panimula at Proseso sa Pagtatakda at Pagkamit ng Layunin

Mga Layunin

 Natutukoy ang panandalian at pangmatagalang layunin


 Natutukoy ang mga hakbang na kailangan sa pag-abot ng layunin, mga posibleng sagabal
at kailangang resorses.

Takdang Oras: 90 - 120 minuto

Isipin ang mga pag-uugali at kakayahang natukoy sa nakaraang gawain. Paano mo


magagamit ang mga pag-uugali at kakayahang ito sa iyong hinaharap?

Pagkatapos ng Sesyon 2, pumunta sa Bahaging Pagsusulatan. Gumuhit ng malaking puno


na may mga ugat, malalaking sanga, maliliit na sanga, dahon, bulaklak at mga tinik.

Ang paglaki ng puno ay tulad din ng paglaki at pag-unlad ng isang tao. Ang mga bahagi ng
puno ay sumisimbolo sa mga sumusunod:
Ugat: ang iyong pag-uugali at kasanayan
Puno ng Kahoy: bahagi ng iyong buhay na nagbibigay ng lakas gaya ng mga
kaibigan, pamilya, simbahan, at pinagtatrabahuan
Sanga: layunin sa panghinaharap (mga nais gawin at makamit)
Tinik: mga sagabal na maaaring kaharapin

22 | L i f e S k i l l s f o r S e l f - D i r e c t e d L e a r n i n g
Panimula Manwal ng Mag-aaral

Dahon: pagkukuhanan ng mga kailangan sa pagkamit ng layunin (tao, impormasyon)


Bulaklak: mga layunin o makakamit na tagumpay sa hinaharap

Punan ng impormasyon ang iginuhit na puno.


- Anong mga pag-uugali at kasanayan ang natukoy mo tungkol sa iyong sarili sa nakaraang
gawain. Isulat ito sa ugat.
- Sino ang mga taong nagbigay sa iyo ng lakas?
- Ano ang iyong mga panandaliang layunin (para sa hinaharap)?
- Anong mga sagabal ang maaari mong harapin?
- Sino ang maaari mong lapitan at anong mga pangangailangan ang dapat mong ihanda?
- Ano ang iyong mga pangmatagalang layunin (para sa hinaharap)?

Ang mga sanga ay sumisimbolo sa mga layunin – kung saan nais makarating o ano ang nais
nilang mapagpatagumpayan. Ano ang iyong gagawin para mapagtagumpayan ang isa sa iyong
mga layunin? Para masagot ang bahaging ito, tingnan ang larawan sa 1.3: Pagtatakda at
Pagkamit ng Layunin na nasa ibaba.

23 | L i f e S k i l l s f o r S e l f - D i r e c t e d L e a r n i n g
Panimula Manwal ng Mag-aaral

Mayroon tayong mga panandalian at pangmatagalang layunin.

Ang mga Panandaliang Layunin ay mga layunin na nais nating makamit sa loob ng 1
hanggang 6 na buwan. Ang mga Pangmatagalang Layunin naman ay mga layunin na makakamit natin
sa hinaharap, maaring umabot sa 6 na buwan, 1 taon, 5 taon. Sa kabila nito, maging panandalian o
pangmatagalang man ang isang layunin ay kailangan lagi na maging SMART- specific (tiyak)
measurable (nasusukat), achievable (nakakamit), realistic (makatotohanan) and time frame (oras na
nakatakda)

Sumulat ng tigdalawang (2) panandaliang at pangmatagalang layunin. Gamitin ang


impormasyon at mga halimbawa upang tiyakin na ang mga ito ay SMART. Ibahagi ito sa
miyembro ng inyong pamilya o komunidad.

Mga Panandalian Layunin Mga Pangmatagalang Layunin

1. 1.

2. 2.

Pumili ng isa sa iyong mga layunin at sagutin ang mga sumusunod:


- Anong mga hakbang ang aking gagawin para maabot ang aking layunin?
- Anong mga karanasan at kakayahan ko sa buhay ang maaari kong magamit?
- Kailan ko gagawin ang mga hakbang sa pag-abot ng aking mga layunin?
- Ano ang aking kakailanganin sa bawat hakbang ng pag-abot ng layunin? Kakayahan,
Puhunan, Kapital, Suporta ng ibang tao…

Punan ang talahanayan sa 1.4: Hakbang sa Pagkamit ng aking Layunin Ihanay sa


bawat hakbang na na dapat gawin, ang itinakdang oras at resorses para maisakatuparan ang
bawat hakbang

24 | L i f e S k i l l s f o r S e l f - D i r e c t e d L e a r n i n g
Panimula Manwal ng Mag-aaral

1. 3: Pagtatakda at Pagkamit ng Layunin

Abutin
ang
Layunin
Ipagpatuloy

Simulan

Gumawa
ng Plano
Magtakda
ng Layunin

Pagtatakda ng Layunin

Ano ang iyong pananaw tungkol sa Tagumpay? Magkakaiba tayo ng pagkaunawa tungkol sa paksang
ito. Ang iba nais sa mga tanggapan magtrabaho, ang sa iba naman ay maging matagumpay na magsasaka.

Ang layunin ay Halimbawa na Hindi Halimbawa na Kayang


dapat maging Kayang Abutin Abutin
SMART:

Tiyak Yayaman ako. Kikita ako ng 5,000 piso


(Specific) kada buwan.
Nasusukat Papasok ako tuwing Sabado. Papasok ako tuwing Sabado
(Measurable) tatlong beses sa isang
buwan.
Makakamit Magiging presidente ako ng Magiging presidente ako ng
(Achievable) Pilipinas sa susunod na taon. samahan ng mga kabataan sa aming
barangay sa susunod na taon.

25 | L i f e S k i l l s f o r S e l f - D i r e c t e d L e a r n i n g
Panimula Manwal ng Mag-aaral

Makatotohanan Magiging manlalaro ako sa isang Maglalaro ako ng basketbol


(Realistic) sikat na grupo sa Philippine kasama ng mga manlalaro sa
Basketball Association aming barangay.
Takdang Oras Hahanap ako ng pang-konstruksyon Hahanap ako ng pang-
(Time Framed) na trabaho konstruksyon na trabaho sa
susunod na dalawang buwan.

Hakbang sa Pagtatakda at Pagkamit ng Layunin.

Ang pagtatakda ng layunin ay higit pa sa pagdedesisyon kung ano ang gusto mong gawin. Nakapaloob
dito, kung ano ang nais mong makamit, saan mo nais makarating at gaano katagal bago mo ito makamit.

Ang unang hakbang sa tagumpay ay ang malaman mo kung saan mo nais makarating. Ang pangalawang
hakbang ay ang magkaroon ng plano upang makamtan ito. Ang iyong layunin ay ang iyong mapa sa pag-
abot ng iyong mga layunin. Sundan moa ng mga hakbang na ito at ikaw ay magtatagumpay.

1. Saan ako makakarating sa susunod na 3 buwan, 6 na buwan at 1 taon?


Halimbawa: Sa pagtatapos ng taong ito, Nais kong magtapos sa sekondarya.
Halimbawa: Para makapagtapos sa sekondarya, sasama ako sa mga panggabing group study.
Mag-aaral ako ng isang oras tuwing gabi. Hihingi ako ng tulong sa aking guro kung
kinakailangan. Pagbubutihin ako ang aking kasanayan sa Matematika…

2. Ano ang dapat kong malaman upang makamtan ito?


Halimbawa: Para mapagbuti ko ang aking kasanayan sa Matematika, kailangang kong
magkaroon ng sapat na kaalaman sa mas madadaling paksa.

3. Anong mga hakbang ang kailangan kong malaman at gawin upang makamit ang mga ito?
Halimbawa: Para mapagbuti ko ang aking kasanayan sa Matematika, kailangan ko tutor na
magtuturo sa akin linggo-linggo. Sasama ako sa mga group study, kailangan kong alamin ang sa
aking mga kaibigan o guro ang sa oras at araw kung kailan ito gagawin.

4. Anong mga kakayahan at karanasan ko ang makatutulong sa akin para makamit ang mga
hakbang na ito?
Halimbawa: Makikiusap ako sa mga kaibigang kabilang sa samahan ng mga kabataan, hihingi
ng tulong sa mga kaibigan o gurong kasama sa isinasagawang group study.

5. Anong mga sagabal ang maaari kong maranasan at paano ito mapagtatagumpayan?
Halimbawa: Mahihirapan akong makasama sa study group tuwing gabi dahil mag-aalaga
ako ng aking mga kapatid. Susubukin kong humingi ng tulong sa aking mga kaibigan kung
mayroon pang ibang araw o oras para sa group study.

6. Ano ang dapat kong unahin, pangalawa at susunod na mga gagawin?

26 | L i f e S k i l l s f o r S e l f - D i r e c t e d L e a r n i n g
Panimula Manwal ng Mag-aaral

Magsanay Tayo!

Basahin ang bawat pahayag at magpasiya kung ang layunin ay Makakamit o Hindi makakamit.
Bilugan ang sagot sa bawat pahayag. Kung pinili ang Hindi Makakamit, baguhin ang pahayag para
ito ay maging Makakamit

Halimbawa:

Ako ang kauna-unahang Pilipino na makakarating sa kalawakan. Makakamit o hindi makakamit

_______________________________________________________________________________

Ako ay magiging SK Lider sa susunod na 5 taon. Makakamit o hindi makakamit

_______________________________________________________________________________

1. Magiging pintor ako balang araw. makakamit o hindi makakamit

2. Kikita ako ng pera para sa aking pamilya. makakamit o hindi makakamit

3. Matututo akong magluto ng adobo sa susunod na linggo. makakamit o hindi makakamit

4. Magtatrabaho ako sa Jollibee ngayong bakasyon. makakamit o hindi makakamit

5. Bililhan ko ng bahay ang aking mga magulang. makakamit o hindi makakamit

27 | L i f e S k i l l s f o r S e l f - D i r e c t e d L e a r n i n g
Panimula Manwal ng Mag-aaral

1.4: MgaHakbang sa Pagkamit ng Layunin

Layunin sa 1 Taon mula ngayon:

Hakbang: Kailan: Mga Kakailanganin

1.

2.

3.

Sanggunian:

Carney, Susan. Goal Setting for Teens: Helping Kids Define and Meet Their
Objectives. http://youthdevelopment.suite101.com/article.cfm/goal_setting_for_teens

Greene, Marie. Activities for Goal Setting. http://www.ehow.com/facts_5272548_activities---goal---


setting.html

Practical Education for Citizenship and Employment (PECE) Resources and Planning Guide, Philadelphia.
Group Goal Setting Activities: An Approach from Youth Service Corps.
http://sabes.org/resources/publications/adventures/vol4/4pece.htm

Richmond, Annette. A Better Way to Track Your Progress. http://www.career---


intelligence.com/management/SmartGoals.asp
28 | L i f e S k i l l s f o r S e l f - D i r e c t e d L e a r n i n g
Panimula Manwal ng Mag-aaral

Gawain 6: Pagmamapa sa Lugar ng Trabaho sa Komunidad

Layunin:

 Natutukoy ang mga lugar ng trabaho sa komunidad.

 Natutukoy kung saan maaaring makakita at makakuha ng impormayson sa


papasukang trabaho na makatutulong sa pagkamit ng layunin.

 Natutukoy ang mga kasalukuyang trabaho sa komunidad.

Takdang Oras: 60 - 80 minuto

Sa pagkakataong ito, gagawa ka ng mga gawaing may kaugnayan sa totoong karanasan


trabaho . Ang gawaing ito ay dinisenyo para makatulong na makamit ang ating mga layunin
at makabuo ng kahandaan sa trabaho. Tayo ay pupunta sa lugar ng trabaho at magmamasid.
Makakasalamuha tayo ng mga taong makapagbibigay ng impormasyong makatutulong sa
atin sa pagpapabuti ng ating mga layunin.
Lahat ng gawain ito ay maaaring ilagay sa Hakbang sa Pagkamit ng Layunin.

Ang trabaho ay lugar ng mga mamimili. Kumakatawan ito sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Maaaring opisina ng pamahalaan o iba pang hindi mo lubos akalain sapagkat ang trabaho ay
maaaring impormal gaya ng sari-sari store o mangingisda na may sariling bangka at
ipinagbibili ang kaniyang huli. Kasama rin sa mga trabahong ito ang pinamamahalaan ng
gobyerno gaya ng paaralan at mga kompanya na ngbibigay ng serbisyo sa tubig at koryente.
Samakatuwid, ang trabaho ay mga negosyo na may iba’t ibang laki, mula sa mga lokal na
negosyo hanggang malalaki at kilalang mga pangalan sa bansa at pandadaigdig na larangan.

Matututo tayo ng iba’t ibang trabaho at makikilala ang mga umiiral pag-uugali sa lugar ng
trabaho.
Isulat ang mga halimbawang trabaho sa inyong lugar.

29 | L i f e S k i l l s f o r S e l f - D i r e c t e d L e a r n i n g
Panimula Manwal ng Mag-aaral

Gawin Natin!
Bago tayo magtungo sa lugar ng mga trabaho o
makipag-usap, kailangan munang matukoy natin kung
saan tayo pupunta. Kadalasan, may mga trabaho pala
sa ating mga lugar subalit hindi natin ito nalalaman.
Ngayon, iguhit mo ang mapa sa inyong lugar.
Tingnan ang nakalaang pagsusulatan ng sagot sa
Sesyon 2. Iguhit ang mga pangunahin at maliliit na
daan. Iguhit dito ang mga negosyong mayroon sa
inyong lugar: malaki, maliit, pormal o impormal.
Kung kakayanin, maaaring kang lumabas ng bahay
para madali mong maisagawa ang gawain.

Ibahagi Mo!

Ibahagi ang iyong mapa sa isang taong maalam tungkol sa iba pang negosyo sa inyong
komunidad.

Isipin ang proseso ng paggawa ng mapa. Ano ang natutuhan mo tungkol sa iyong
komunidad?

Saang lugar ng trabaho nais mong magmasid?

Alin sa mga tabahong ito ang may kaugnayan sa iyong personal na layunin?

30 | L i f e S k i l l s f o r S e l f - D i r e c t e d L e a r n i n g
Panimula Manwal ng Mag-aaral

Magsanay Tayo!

Magbilang tayo ng trabaho! Mayroon kang 15 minuto para magbilang kung gaano
kadami ang trabaho na iyong nakita sa iyong lugar (Sapatero, teller sa bangko,
guwardiya) Kung kaya mong lumabas, magmasid at isulat lahat ng trabahong nakita mo
sa inyong komunidad. Kung hindi ka naman makalalabas, isipin na lamang ang mga ito
at itala sa nakalaang espasyo.

Kabuoang bilang ng Trabaho

31 | L i f e S k i l l s f o r S e l f - D i r e c t e d L e a r n i n g
Panimula Manwal ng Mag-aaral

Gawain 7: Sesyon 1 at 2 Rebyu & Aplikasyon – Pag-uugali, Kakayahan, Layunin at


Pagpaplano

Layunin:

 Nababalikan ang mga paksang tinalakay sa sesyon (pag-uugali, paniniwala at


katangian; kakayahan at pagtataya sa katangian; at pagtatakda ng layunin at
planong aksyon)

 Napahahalagahan na ang pag-uugali, interes, kakayahan, katangian at layunin sa buhay


ay magkakaugnay
 Nakabubuo ng planong aksyon gamit ang mga paraan / hakbang na natutuhan mula sa
sesyon na makatutulong para makamit ang tiyak na layunin.

Takdang Oras: 25 - 60 minuto

Pag-isipan ang mga paksa at araling napag-aralan sa simula ng modyul. Ano ang
iyong natutuhan?

Ang Pag-uugali ay karaniwan nang batayan ng ating interes at mga layunin. Para makamit
ang ating mga layunin, mahalagang mong balikan ang mga hakbang na natalakay sa
nakaraang gawain . Mahalagang malaman ang ating pag-uugali, paniniwala at katangian sa
pagpaplano sa ating buhay, at pagpili ng trabaho at karera.

Ipagpatuloy ang pagtukoy sa iyong layunin at ang mga hakbang sa pagkamit nito. Marahil
may mga pangmatagalang layunin ka na kailangan munang unahin ang mga panandaliang
layunin. Gamitin ang pormat sa 1.4: Hakbang sa Pagkamit ng Layunin. Gamitin ang
nakalaang pahina sa huling pahina ng modyul.

Bukod dito, maaari ka ring maging malikhain kung nanaisin mo. Bumuo ng collage gamit
ang mga ginunting na mga larawan sa lumang magasin or diyaryo na sumisimbolo sa iyong
layunin at mga hakbang na kailangan mong gawin.

32 | L i f e S k i l l s f o r S e l f - D i r e c t e d L e a r n i n g
Panimula Manwal ng Mag-aaral

Ibahagi Mo!

Ibahagi ang iyong layunin at plano sa isang taong makapagbibigay sa iyo ng payo kung
paano mo ito higit na mapagtatagumpayan.

33 | L i f e S k i l l s f o r S e l f - D i r e c t e d L e a r n i n g
Panimula Manwal ng Mag-aaral

Sesyon 2 – Bahaging Pagsusulatan

Gamitin ang bahaging ito sa Pagguhit ng Puno.

34 | L i f e S k i l l s f o r S e l f - D i r e c t e d L e a r n i n g
Modyul 1: Sariling Pag-unlad Manwal ng Mag-aaral

Sesyon 2 – Bahaging Pagsusulatan

Gamitin ang bahaging ito para sa Mapa ng Iyong Komunidad

Binabati Kita! Ngayong natutuhan mo kung paano magtakda ng mga layunin at mga hakbang sa
pagkamit nito, handa mo nang malaman ang iba’t ibang estilo at estratehiya sa pagkatuto at pag-aaral!

43 | Life Skills for Self-Directed Learning


Modyul 1: Sariling Pag-unlad Manwal ng Mag-aaral

SESYON 3: PAGKATUTO NG BAGONG KASANAYAN

Istrand ng Pagkatuto 5: Pag-unawa sa Sarili at Lipunan


Pamantayang Pangnilalamaan: Intrapersonal na Relasyon (Positibong Pagpapakahulugan
sa sarili) at Pagpapaunlad sa Sariling Kakayahan
Pamantayan sa Pagganap: Pagbuo ng positibong pananaw sa sarili at pagkatuklas ng
sariling potensyal.
Kasanayang Pampagkatuto: Kamalayan sa Pagkatao: Pagkilala sa Sarili– LS5DS-IDPSA-
BL/LE/AE/LS/AS-1
A Kamalayan sa Pagkatao:Pagkilala sa Sarili

2 Paglalarawan sa sarili ayon sa: Preperensiyang Istilo ng Pagkatuto (audio-visual,


manipulahin) – LS5US-ID-PSA-LE-A.2

Mahalagang Paksa at Susing Kaisipan

1. Iba’t ibang Estilo ng Pagkatuto


2. Estratehiya sa pagkatuto ng bagong kasanayan at kaalaman

 Ang mga tao ay natututo sa iba't ibang paraan – sa pakikinig, pagmamasid, paggawa,
pagsulat, pagbasa, pagsasalita.

 Karaniwang ang mga tao ay may isang nangingibabaw na estilo sa pag-aaral ngunit
pinagsasama nila ang iba't ibang mga pamamaraan sa pag-aaral para makamit ang isang
gawain.

 Ang pagkatukoy kung paano ka pinakamatututo ay makakatulong sa iyo na makabuo ng


mga estratehiya sa pag-aaral sa paaralan at habang nasa trabaho.

Gawain 8: Pagtatasa sa Paraan ng Pagkatuto

Mga Layunin:
 Nauunawaan na natututo ang tao sa iba`t ibang paraan gamit ang iba`t ibang mga
kasanayan
 Napahahalagahan ang iba`t ibang paraan ng pag-aaral ng mga bagong bagay

Oras sa Pagsasagawa: 25 - 60 minuto

43 | Life Skills for Self-Directed Learning


Modyul 1: Sariling Pag-unlad Manwal ng Mag-aaral

Isipin ang panahong kailan natuto ka ng bagong bagay. Paano mo natutuhan ang bagay na ito?
Nag-iisa ka ba o kasama ang ibang tao? Ano ang nakatulong sa iyo para matutuhan ito? Ano ang
mga naging hamon sa proseso ng pagkatuto?

Pagsusuri sa sariling estilo ng pag-aaral. Kumpletuhin 1.5: Paano ka higit na natututo?


Lagyan ng tsek ang mga pahayag na tumutukoy sa iyong paraan ng pagkatuto. Pagkatapos, kunin
ang bilang ng mga aytem na iyong minarkahan sa bawat kategorya. Ang mga kategorya na may
pinakamaraming bilang ay nagpapahiwatig ng iyong estilo ng pagkatuto.

Sa iyong mapanuring pag-iisip sa iba;t ibang paraan ng pagkatuto, tandaan ang mga sumusunod:

 Ang tao ay may iba’t ibang paraan ng pagkatuto at madalas ay pinagsasama ang iba pang estilo
para maunawaan o makabuo ng bagong kaalaman.

 Upang makapagtrabaho nang maayos, kailangan nating gumamit ng iba’t ibang estilo sa pag-
aaral. Kinakailangan natin ng pagsasama ng kasanayan.

 Ang bawat tao ay may iba’t ibang paraan ng pagkatuto kaya para magkaroon ng kaayusan,
kailangan nating maunawaan na lahat ay may natatanging paraan sa pagkatuto.

Halimbawa, sa pagkatuto kung paano gamitin ang bagong makina, kinakailangan obserbahan ang
taong gumagamit nito at pagkatapos ay subukin itong manipulahin sa tulong ng taong may ganap
na ang kasanayan. Mahalaga rin na matukoy ang hindi angkop na paraan ng pagkatuto sa bagong
kaalaman para maipabatid sa iba ang kaparaan ng iyong pagkatuto.

1.5: Paano Ka Mas Natututo?


Lagyan ng markang tsek ang mga pahayag na tumutukoy sa iyong paraan ng pagkatuto.
Pakikinig
 Nagugustuhan ko ang pakikinig sa usapan ng mga tao tungkol sa mga bagay.
 Karaniwan kong natatandaan ang mga bagay na aking naririnig.
 Mas natututo ako sa pakikinig sa pagpapaliwanag ng guro sa aralin kaysa ang pagbabasa.
 Mas gusto kong makinig ng balita sa radyo kaysa ang magbasa sa pahayagan.

 Mas gusto kong sabihin sa akin ang mga minuto ng pagpupulong kaysa basahin ito sa isang
anunsiyo.

43 | Life Skills for Self-Directed Learning


Modyul 1: Sariling Pag-unlad Manwal ng Mag-aaral

Pagmamasid
 Nabubuo sa aking isipan ang mga larawan habang nagbabasa.
 Mas natatandaan ko ang mukha ng tao kaysa ang kanilang pangalan.
 Sa pagtuon ng pansin sa baybay ng salita, nabubuo ito sa aking isipan.
 Naalala ko ang mga pahina sa libro.
 Naalala ko ang mga nakaraang kaganapan sa aking isipan.

Paggawa
 Nahihirapan akong matuto habang nakaupo lamang.
 Mas natututo ako kapag ginagawa ko ang isang bagay kaysa basahin ang tungkol dito.
 Gusto ko ang paggawa ng modelo ng mga bagay.
 Tuwing nakakakita ako ng bago at kawili-wiling mga bagay, nais ko itong hawakan at pag-
aralan.
 Higit na gusto ko ang paglabas kasama ang mga kaibigan kaysa manatili sa bahay at magbasa
ng aklat.
Pagsulat
 Itinatala ko ang mga bagay na kailangan kong matandaan.
 Mas kaunti ang nagagawa kong pagkakamali sa pagsusulat kaysa sa pagsasalita.
 Nasisiyahan ako kapag ipinaliliwanag ang pinakapuntong ideya sa pasulat na paraan.
 Pagkatapos kong magtala ng impormasyon, muli ko itong isinusulat upang mas tumatak sa
isipan.

Pagbasa
 Mahilig akong magbasa sa aking libreng oras.
 Karaniwan kong naaalala ang mga impormasyon na aking nababasa kaysa sa naririnig.
 Mas gusto kong magbasa ng balita sa pahayagan kaysa manood ito sa telebisyon.
 Natututo akong pagsama-samahin ang mga bagay-bagay sa pagbabasa ng gabay nito.
Natututo ako kapag nagsusulat ang guro sa pisara para mabasa ko ang kaniyang isinusula

Pagsasalita
 Kapag may problemang lulutasin madalas kinakausap ko ang aking sarili.
 Masnatatandaan ko ang mga bagay kapag sinasalita ko ito. Halimbawa, kung kinakailangan
kong tandaan ang numero ng telepono, paulit-ulit ko itong sinasabi.
 Mas naipapahayag ko ang aking sarili sa pagsasalita kaysa sa pagsusulat.
 Nawiwili ako tuwing nakikipag-usap sa telepono.
 Higit akong natututo tuwing kasama ang ibang tao at ang nagkakaroon ng talakayan sa
bagong ideya o konsepto.

43 | Life Skills for Self-Directed Learning


Modyul 1: Sariling Pag-unlad Manwal ng Mag-aaral

Gawain 9: Estratehiya sa Pag-aaraal

Layunin:
 Iugnay ang iyong estilo at paraan ng pagkatuto kung paano matututuhan ang bagong
kasanayan at kaalaman.

Oras sa Pagsasagawa: 40 - 60 minuto

Basahin ang situwasyon sa ibaba at mag-isip ng gawi sa pagkatuto kung ikaw ang nasa posisyon
ng bagong caterer.

Situwasyon: Kamakailan ay tinanggap ka sa isang negosyong pagsisilbi ng pagkain. Maraming


mga bagong bagay na kailangan mong malaman – mga patakaran, pamamaraan at alituntunin
sa trabaho; paggamit sa iba’t ibang kagamitang pangkusina na hindi mo pa nasusubukang
gamitin; mga proseso na sangkot sa paghahanda at pagpipreserba ng pagkain.

Batay sa iyong estilo ng pagkatuto, anong estratehiya ang maaari mong gagawin para
matutuhan ang mga bagay na ito?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Makabubuti na maiparating sa ibang tao ang iyong estilo ng pagkatuto. Halimbawa, kung ikaw
ay higit na matututo sa pagbabasa ng impormasyon, humingi ng nakasulat na impormasyon sa
halip na sabihan lamang tungkol dito.

Basahin 1.6:Ang Sariling Paraan sa Pagkatuto.Nagbibigay ito ng mga estratehiya sa


pagkatuto sa iba’t ibang mga paraan ng pag-aaral.

Pagsasanay sa mga pahayag na matatagpuan sa huling bahagi ng 1.6: Ang Sariling


Paraan sa Pagkatuto kasama buong pamilya, kapitbahay at pamayanan. Sa pamamagitan ng
madalas na paggawa nito, mas natututuhan mong ibahagi ang iyong naututuhan sa iba.

43 | Life Skills for Self-Directed Learning


Modyul 1: Sariling Pag-unlad Manwal ng Mag-aaral

1.6: Ang Sariling Paraan sa Pagkatuto


Mga patnubay sa pagpapabuti ng iyong pagkatuto:
Kung ikaw ay mas natututo sa pamamagitan ng pakikinig...

• Basahin nang malakas ang mga kaalamang kailangan sa pagsasagawa ng trabaho o sa pag-
aaral.
• Humingi ng tulong sa iba tungkol sa mga bagay na hindi maunawaan.
• Makibahagi sa pag-aaral kasama ng iba.
• Tumawag sa telepono kaysa sulatan sila.
• Pumili ng trabahong may kaugnayan sa iyong kasanayan sa pakikinig.
Kung ikaw ay mas natututo sa pamamagitan ng panonood...
• Obserbahan kung paano ginagawa ng iba ang isang bagay na kinakailangan mong matutuhan.
Di maglalaon, matatandaan mo ang kanilang ginagawa.
• Habang nagbabasa ka, isipin isipin mo kung paano ito mangyayari sa tunay na buhay o
mapapanood sa telebisyon.
• Tandaan ang hugis at kulay ng mga bagay na gusto mong tandaan.
• Tandaan ang mga numero ng telepono at mga salita sa isip
• Gumamit ng tsart, mga grapiko at larawan.
Kung ikaw ay mas natututo sa pamamagitan ng pagsasagawa…

• Ipakita sa iba ang paraan kung paano mo ginawa ang isang bagay.
• Pumunta sa mga lugar na kung kung paano ginagawa ang isang bagay.
• Kapag gusto mong matutuhan ang isang bagong bagay, panoorin ang taong gumagawa nito at
magpaturo ka sa kaniya.
• Pumili ng trabahong ikaw ang gumagawa

Kung ikaw ay mas natututo sa pamamagitan ng pagsulat...

• Salungguhitan at magtala ng mga impormasyon sa iyong pagbabasa.


• Itala ng mga impormasyon habang nakikinig sa mga tagubilin.
• Isulat ang mga bagay na kailangan mong gawin.
• Pasukin ang isang trabaho na may kaugnayan sa pagsusulat.

43 | Life Skills for Self-Directed Learning


Modyul 1: Sariling Pag-unlad Manwal ng Mag-aaral

Kung ikaw ay mas natututo sa pagbasa...

• Isulat at basahin pagkatapos.


• Basahin ang mga gabay sa isang gawain sa halip na sabihin o ipakita kung paano gagawin.
• Ipasulat sa iba ang mga panuto para mabasa mo.
• Kumuha ng mga impormasyon sa pamamagitan ng mga nakasulat na salita.
• Pumili ng trabaho na nangangailangan ng pagbabasa.
Kung ikaw ay pinakanatututo sa pagsasalita...

• Magtanong kung may bagay na hindi nauunawaan.


• Mag-aral kasama ng iba para makapagbahagi ng mga bagong kaalaman..
• Ulitin ang mga bagay na narinig para mas maalala ang mga ito.
• Pumili ng trabaho na nangangailangan ng kasanayan sa pagsasalita.
Maraming tao ang walang sapat na kaalaman sa iba’t ibang paraan ng pagkatuto. Ang iba maaaring
hindi tukoy kung ano ang partikular na paraan ng pagkatuto. Marapat na ipaalam mo sa iba ang iyong
estilo ng pagkatuto.

Paggawa: "Maaari mo bang ipakita kung paano ito gumagana?"


Pakikinig: "Maaari mo bang ipaliwanag kung paano ito gumagana?"
Pagbasa: "Maaari mo ba akong bigyan ng mga nakatalang tagubilin kung paano ito gumagana?"
Panonood: " Maaari mo ba akong bigyan ng dayagram kung paano ito gumagana?"
Pagsasalita: "Pag-usapan natin ito nang magkasama."
Pagsulat: "Hayaan mong isulat ko ang mga sinasabi mo kung paano ito gumagana."

Iba Pang Mga Pagsasaalang-alang: Mahalaga ring alamin mo ang ibang paraan ng pagkatuto
kung saan ka mahina ka at palakasin mo ito. Pumili ng isang kahinaan at ibahagi ito sa iba para mapaunlad
mo ito.

Source: http://literacynet.org/icans/chapter03/myway.html

43 | Life Skills for Self-Directed Learning


Modyul 1: Sariling Pag-unlad Manwal ng Mag-aaral

Gawain 10: Modyul 1: Sariling Pag-unlad Pagsusuri

Mga Layunin
 Nakapagbabalik-aral sa pangunahing paksang tinalakay sa modyul
 Nagagamit ang kaalamang natamo sa isang situwasyon o pangyayari.

Takdang Oras: 60 - 120 minuto

Pagnilayan kung ano ang iyong natutuhan sa modyul na ito. Ano ang natutuhan mo sa bawat
sesyon?

Gawin Natin!

Basahin ang bawat pangyayari sa ibaba at sumulat ng wakas sa bawat situwasyon. Ang wakas
ng bawat kuwento ay dapat na patungo sa pagkamit ng tiyak na layunin.

Situwasyon 1:
Si Julius ay isang batang ama na may pangmatagalang layunin na magkaroon sertipiko para
maging ganap na tubero sa loob ng isang taon. Sa pamamagitan nito, makakakuha siya ng trabaho
na may mataas na suweldo na makatutulong sa kaniya para mapag-aral sa pre-school ang kaniyang
anak. Anong panandaliang layunin ang kailangang gawin ni Julius para matupad ang kaniyang
pangmatagalang layunin?

Situwasyon 2:
Si Marian ay masigasig na mag-aaral. Mabilis siyang matuto sa pamamagitan ng pagmamasid at
paggawa. Isang araw, aalis ang kaniyang superbisor kaya ipinaliwanag niya kung paano gamitin
ang bagong lagare at sinabihan siya na putulin ang mga kahoy sa sususod na araw. Nangangamba
siya na baka hindi niya maputol nang maayos ang mga ito. Ano ang dapat niyan gawin?
N

43 | Life Skills for Self-Directed Learning


Modyul 1: Sariling Pag-unlad Manwal ng Mag-aaral

Situwasyon 3:
Pangarap ni Bea Elaine Quicho na maging isang guro. Subalit sa maliit na kita ng kaniyang mga
magulang at limang maliliit na kapatid na pinag-aaral, tinanggap niya ang katotohanang hindi na
siya makakapagkolehiyo. Nang malaman niya ang tungkol sa libreng skills training, pumasok siya
sa kursong Food Processing. Pumasa siya at nakakuha ng NC2 Certificate. Dahil sa kumpiyansang
natamo, naisip niya ang pangarap na maging isang guro. Ano ang panandaliang layunin ang
maaaring gawin ni Bea na makatutulong sa kaniya para maabot niya ang pangmatagalang layunin
na maging isang guro?

Balikan natin ang mga pag-uugali, kakayahan, interes at kasanayan na makatutulong sa pag-
abot ng ating mga layunin. Sa pagnanais nating maabot ang ating pangmatagalang layunin,
kailangan nating magtakda ng panandaliang layunin at plano para matupad ito. Kadalasan
natututo tayo habang nagsisikap tayong tuparin ang ating layunin sa pamamagitan ng sarili
nating paraan ng pagkatuto kaya naman mainam na alam mo ang pinakamabisang paraang
makatutulong sa iyong mahubog ang pagkatao at personal na buhay.

43 | Life Skills for Self-Directed Learning


Modyul 1: Sariling Pag-unlad Manwal ng Mag-aaral

Sesyon 3 – Bahaging Pagsusulatan

Hindi tayo tumitigil na matuto. Kaya naman, pagnilayan at tanungin


ang sarili kung ano-ano ang iyong natutuhan sa modyul na ito:

1. Paano makatutulong ang mga kaalaman at kasanayang natutuhan ko sa aking pang-


araw-araw na buhay?
2. Paano makatutulong sa akin ang mga kaalaman at kasanayang natutuhan ko?
3. Ano ang mga dapat kong gawin para mapahusay pang lalo ang aking mga
kakayahan?

Gamitin ang bahaging ito sa pagsagot ng mga tanong at pagninilay sa mga natutuhan sa aralin.

44| Life Skills for Self-Directed Learning


Modyul 1: Sariling Pag-unlad Manwal ng Mag-aaral

Pagtatasa sa Sarili: Modyul 1 Sariling Pag-unlad


Naaalala mo ba ito? Sinagutan mo na ito sa simula ng Modyul. Sagutin itong muli at ihambing
ang kinalabasan nito sa unang gawain. May pagkakaiba kaya?

Ang mga tanong dito ay hindi pagsubok. Ito ay isang paraan upang malaman mo ang iyong kaalaman,
kasanayan o kakayahan tungkol sa paksang ito. Basahin mo ang mga kaalaman, kasanayan o kakayahan
na nakalista sa kaliwang kolum. Magbalik-tanaw sa iyong sarili at mga karanasan, basahin ang lahat ng
mga pangungusap at i-tsek ang sagot na naaangkop sa iyong situwasyon. Ang iyong sagot ay magiging
gabay mo at ng iyong guro sa pagpapalawak ng iyong kaalaman tungkol sa paksang ito.

Ang Aking Karanasan, 1 2 3 4


Kaalaman, Kasanayan at Wala akong May kaunti May Marami
Kakayahan karanasan akong karanasan akong
sa paggawa kaalaman sa ako sa karanasan
nito paggawa paggawa sa paggawa
nito nito nito
Pagtukoy sa sariling kakayahan,
interes at mga pagsubok
Pagkakaroon ng sariling layunin sa
buhay
Paggawa ng plano para maabot ang
layunin
Pagsunod sa itinakdang plano
Pagbibigay-pansin sa proseso ng
plano para makamit ang layunin
Pag-unawa sa iba’t ibang paraan
upang matutunan ang mga bagong
kakayahan at ideya
Pagtukoy at paggamit ng mga
pamamaraan para mapalawak ang
kaalaman

45| Life Skills for Self-Directed Learning


Modyul 1: Sariling Pag-unlad Manwal ng Mag-aaral

Pangwakas na Pagtataya
Binabati kita sa pagtapos mo ng Modyul 1: Sariling Pag-unlad! Sa pagtatapos ng bawat
modyul ikaw ay inaasahang gaganap ng pangwakas na pagtataya para malaman kung ano ang iyong
natutuhan at kung may kasanayan pang dapat linangin o balikan. Ang resulta ay hindi makakaapekto
sa iyong kakayahan na magpatuloy pa sa programa.

Kayarian ng Pagtatasa: Ito ay mayroong kabuuang 10 katanungan.Mayroong mga tanong na


maramihang pagpipilian at ang ibang tanong ay tama o mali. Ikaw ay dapat pumili lamang ng isang
sagot sa bawat tanong.

Oras na matapos mong sagutan ang bawat katanungan, magtala ng mga paglilinaw na nais mong
itanong sa iyong tagapagturo.

Modyul 1: Sariling Pag-unlad

Bilugan ang sagot sa bawat pahayag.

Tagalog
1. Ang pagkilala sa mga paniniwala, kakayahan, hamon, oportunidad, at interes ay bahagi
ng pansariling pag- unlad.

a. Tama
b. Mali
2. Nasasalamin ang mga paniniwala mo sa sumusunod:

a. Mga hilig
b. Mga pinagtutuunan ng panahon
c. Mga pasya
d. Lahat ng nabanggit
3. Ang mga paniniwala at mga kakayahan ay pareho.

a. Tama
b. Mali

4. Halimbawa ng isang malinaw na pansariling layunin ang:

a. Gusto kong makahanap ng trabaho


b. Gusto kong magtrabaho sa distrito ko
c. Gusto kong makipagtrabaho sa mga tao
d. Gusto kong makahanap ng trabaho sa construction sa distrito ko sa loob ng sunod
na tatlong buwan
e. lahat ng nabanggit

47| Life Skills for Self-Directed Learning


Modyul 1: Sariling Pag-unlad Manwal ng Mag-aaral

5. Mayroon kang pangmatagalang layunin na makatanggap ng sertipiko sa pagtutubero sa loob ng


isang taon. Dahil sa sertipiko, makakukuha ka ng mas maraming trabaho at makatatanggap ng
mas malaking kita. Pumili ng mga halimbawa ng madaliang layuning makatutulong sa iyo
upang makamit ang pangmatagalan mong layunin.
a. Tumukoy ng isang training program sa distrito ko na nagbibigay ng sertipiko sa
pagtutubero
b. Kumausap ng mga beteranong tubero sa lugar para alamin ang ginawa nila para maging
magaling na tubero.
c. Humanap ng oportunidad na maturuan ng isang beteranong tubero sa pagpunta sa mga
youth employment agency o sa direktang pagtatanong sa mga tubero.
d. Lahat ng nabanggit

6. Matapos mong makasulat ng isang plano para sa personal nap ag-unlad, kailangan mo itong
panatilihin at hindi ito binabago hanggang sa makamit mo ang mga pangmatagalan mong
layunin.
a. Tama b. Mali
7. Pare-pareho lang ang paraan ng lahat ng tao sa pagkatuto ng mga bagong bagay.
a. Tama b. Mali
8. Nakapaka-hands-on mo sa pag-aaral, mas mabibilis kang natututo kapag nanonood o gumagawa.
Nang pauwi na ang supervisor mo, mabilis ka niyang tinuruan kung paano gumamit ng isang
bagong lagari at sinabihan kang magputol ng mga kahoy kinabukasan. Gusto mong ipakita niya
sa iyo kung paano iyon gamitin, pero mukhang nagmamadali siya. Ano ang gagawin mo?
a. Manalig na maaalala mo ang sinabi niya kung paano gamitin ang lagari.
b. Pasalamatan siya sa impormasyon at sabihing naintindihan mo.
c. Tanungin siya kung may oras siyang ipakita sa iyo ang paggamit bago siya umalis o kung
may ibang taong puwedeng magpakita sa iyo kung paano gamitin ang lagari, para
makasigurado kang naiintindihan mo.
d. Makisuyo sa isang katrabahong gawin para sa iyo ang iniutos habang ipinagpapatuloy
mo ang ibang gawain.
9. Ang pinakamabuting paraan para matuto ng ibang bagay ay:
a. Magbasa tungkol dito at sauluhin ang impormasyon
b. Sundin ang itinuro ng guro
c. Pag-usapan ito at makipagtulungan sa ibang tao
d. Magsanay
e. Panoorin ang ibang taong gawin ito
f. Lahat ng nabanggit
10. Kung hindi mo tipong mag-aral sa isang paraan (halimbawa, sa pagbabasa o pagsusulat),
kailangan mong iwasan iyon hangga’t maaari.
a. Tama b. Mali

Binabati kita! Natapos mo ang Modyul sa Sariling Pag-unlad! Ikaw ngayon ay handa na
para ituloy ang susunod na modyul sa Komunikasyong Interpersonal.

48| Life Skills for Self-Directed Learning


Modyul 1: Sariling Pag-unlad Manwal ng Mag-aaral

49| Life Skills for Self-Directed Learning


Modyul 1: Sariling Pag-unlad Manwal ng Mag-aaral

50| Life Skills for Self-Directed Learning


Modyul 1: Sariling Pag-unlad Manwal ng Mag-aaral

46| Life Skills for Self-Directed Learning


Modyul 1: Sariling Pag-unlad Manwal ng Mag-aaral

46| Life Skills for Self-Directed Learning

You might also like