You are on page 1of 9

INTRO

JO: MAGANDANG UMAGA CENTRAL LUZON

CJ: MAGANDANG UMAGA AURORA

JO: MAGANDANG UMAGA BULACAN

CJ: MAGANDANG UMAGA BATAAN

JO: MAGANDANG UMAGA NUEVA ECIJA

CJ: MAGANDANG UMAGA TARLAC

JO: MAYAP A ABAK PAMPANGA

SUMA SAINYO NA ANG BIDA CENTRAL LUZON, MGA PINAG


UUSAPAN SA BAYAN AT SOCIAL MEDIA AT IBA, ITO PO ANG
INYONG KASAMANG JO SALAZAR

CJ: AT PARA SA MGA BALITA NA DAPAT NINYONG ANTABAYANAN


AT MGA IMPORMASYON NA DAPAT MALAMAN AKO NAMAN PO SI
CJ PENAFLOR

ALL: DITO YAN SA BIDA CENTRAL LUZON!

JO: LIVE TAYO SA 103.1 FM SA INYONG MGA RADIO AT


MAPAPANOOD NINYO NA RIN KAMI SA NEWSLINE CENTRAL LUZON
T.V. FACEBOOK PAGE AT YOUTUBE CHANNEL

CJ: ARAW TAYO NGAYON NG MARTES, APRIL 23, 2024

JO: AT PARA SA ATING MGA BALITA NGAYONG UMAGA

HEADLINES
P13.2 MILYON PESOS NA MGA PAMPUBLIKONG PAARALAN SA
ANGELES CITY, PINASINAYAAN NA
HUMIGIT-KUMULANG 50 PLANT NURSERY OPERATOR SA CENTRAL
LUZON, DUMALO SA INFORMATION CARAVAN NG BUREAU OF
PLANT INDUSTRY NATIONAL SEED QUALITY CONTROL SERVICES

WHEELCHAIR AT LAPTOP DISTRIBUTION, IPINAMAHAGI SA BAYAN


NG CALUMPIT, BULACAN

ROAD CONCRETE PROJECT SA BAHAGI NG BALER, AURORA,


NATAPOS NA

NATIONAL

INTERNATIONAL

SPORTS

SHOWBIZ

JULIA BARRETO AT JOSHUA GARCIA LOVE TEAM, MAY


UNEXPECTED COME BACK?!

-----------------------------------------------------------------------

P13.2 MILYON PESOS NA PAMPUBLIKONG PAARALAN SA ANGELES


CITY, PINASINAYAAN NA

Pinasinayaan na ang P13.2-milyong bagong ayos at itinayong gusali sa


dalawang pampublikong paaralan sa Angeles City sa pangunguna ni
Mayor Carmelo "Pogi" Lazatin, Jr.

Idinaos ang seremoniya sa pagtatapos ng bagong isang palapag na gusali


na may tatlong silid-aralan sa Enrica Sandico Elementary School sa Pulung
Maragul, na nagkakahalaga ng P6,600,999.28 milyon, at ang pagre-
renovate ng apat na silid-aralan sa isang 2-palapag na gusali sa Sto.
Rosario Elementary School, na nagkakahalaga ng P6,599,999.58.

Ang nasabing mga gusali ay pinondohan mula sa Special Education Fund.

Kasama ni Lazatin sa seremonya sina Vice Mayor Vicenta Vega-Cabigting


at ang mga Konsehal ng Lungsod - Atty. Arvin Suller, JC Parker-Aguas,
Dan Lacson, Jesus Sangil, Marino Bañola, Alexander Indiongco, Raco Del
Rosario, Edu Pamintuan, and Crisanto Cortez.
Ayon kay Mayor Lazatin, ang mga silid-aralan ay magbibigay ng kaluwagan
sa mga mag-aaral, na may pinakamahusay at kaaya-ayang mga silid
aralan.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Schools Division Office-Angeles


City Superintendent Engr. Edgard Domingo sa administrasyon ni Mayor
Lazatin sa pagbibigay prayoridad sa ginhawa ng mga estudyante.

Matatandaang ang pagbibigay ng dekalidad na edukasyon ay isa sa mga


pangunahing programa ni Mayor Lazatin.

HUMIGIT-KUMULANG 50 PLANT NURSERY OPERATOR SA CENTRAL


LUZON, DUMALO SA INFORMATION CARAVAN NG BUREAU OF
PLANT INDUSTRY NATIONAL SEED QUALITY CONTROL SERVICES

Dumalo sa information caravan na inorganisa ng Bureau of Plant Industry


(BPI) National Seed Quality Control Services ang 50 plant nursery
operators sa Central Luzon.

Layunin nitong turuan ang mga plant nursery operator sa kahalagahan,


proseso at mga kinakailangan upang makagawa ng mga de-kalidad na
materyales sa pagtatanim.

Binigyang-diin ni Department of Agriculture OIC-Regional Executive


Director Eduardo Lapuz Jr., na ang accreditation ay isang mahalagang
hakbang sa pagkamit ng food security ng bansa.

Itinampok sa aktibidad ang mga kahalagahan at proseso ng akreditasyon


ng mga nursery ng halaman, proseso ng mga materyales sa pagtatanim at
pamamahala sa taniman.

Hangarin ng aktibidad na magbigay ng kaalaman at kamalayan sa mga


kalahok upang mapalakas ang kanilang kakayahan sa larangan ng
agrikultura at pangangalaga sa kalikasan.

WHEELCHAIR AT LAPTOP DISTRIBUTION, IPINAMAHAGI SA BAYAN


NG CALUMPIT, BULACAN

Namahagi ang lokal na pamahalaan ng Calumpit ng mga Wheelchairs at


Laptop sa Persons with Disabilities at mga laptop para sa mga guro
ang pamamahagi ng wheelchairs ay bahagi ng Long Life First Medical
Service Program lokal na pamahlaan katuwang ang Philippine Amusement
and Gaming Corporation (PAGCOR)

Habang Laptop naman ang handog ng lokal na pamahalaan para sa mga


guro ng bayan

ang Distributions para sa mga Public School Principal Teachers na mula pa


sa North at South District ng Calumpit Bulacan ay bilang suporta ng lokal
na pamahalaan sa sector ng edukasyon lalo sa upang makatulong sa
paraan ng pagtuturo ng mga guro sa bayan

ang distributions ay Bahagi ito ng week long birthday celebration ni Mayor


Glorime “Len” Fautistino na inaasahang magtutuloy-tuloy hanggang sa
mismong kaarawan ng Punong
Bayan.

ROAD CONCRETING PROJECT SA BAHAGI NG BALER, AURORA,


NATAPOS NA

Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH)- Aurora


District Engineering Office (DEO) ang road concreting project na
nagkakahalaga ng P28.2 million sa Sitio Ilaya, Barangay Zabali sa bayan
ng Baler.

Malaki ang pakinabang ng nasabing proyekto sa mga residente ng Sitio


Ilaya, partikular na sa transportasyon at access mga mahahalagang
serbisyo gaya ng healthcare services, education, at employment
opportunities.

Binigyang-diin din ni DPWH Region 3 Director Roseller Tolentino na isa sa


mga kahalagahan ng daan ay ang paglikha ng bagong pagkakataon para
sa mga residente at negosyanteng binabiyahe ang kanilang mga produkto.

Pangako ng DPWH sa pinatibay na konkretong kalsada na maging


malaking tulong ang ito sa pagpapalakas ng ekonomiya sa lugar at lalong
pag-angat ng kalidad ng buhay ng mga residente.

PROJECT KLASE, NAGBIGAY NG TULONG SA MGA ESTUDYANTE


SA BOCAUE, BULACAN
Nakatanggap ng tulong ang Taal Elementary School, sa Bocaue Bulacan,
mula sa Project Klase ng Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company,
kasama ang mga kapulisan ng Bulacan, mga guro, at magulang.

Sa pamamagitan ng ‘Project KLASE’ naghandog ang Bulacan 1st


Provincial Mobile Force Company ng mga school supplies, foodpacks, at
libreng mga vitamins sa mga mag-aaral ng nasabing eskwelahan.

Nagsagawa rin ng mga palaro at sorpersang regalo ang mga pulisya para
sa mga mag-aaral.

Layunin ng aktibidad na ito na palakasin ang ugnayan at pagkakaisa sa


pagitan ng mga kapulisan at mamamayan, lalo na sa pagtutulungan upang
mapalakas ang edukasyon at pag-unlad ng mga kabataan.

Sinisikap din ng 'Project KLASE' na turuan ang mga mag-aaral tungkol sa


pagpapahalaga sa kabayanihan, pagkakaroon ng mataas na antas ng
kamalayan, at ang kanilang kontribusyon sa pagpapaunlad ng bansa at
pagtataguyod ng kapayapaan sa tulong ng Pambansang Pulisya ng
Pilipinas.

17 ARESTADO SA MAGKAKAHIWALAY NA POLICE OPERATION SA


BULACAN

Nagpapatuloy ang pagsasagawa ng anti-criminality drive ng PNP at isa sa


mga nasabing operasyon ay ang pitong wanted persons na inaresto ng
tracker team ng Bocaue, San Jose del Monte, Sta. Maria, Pandi, Hagonoy,
Plaridel, at Bulakan, Bulacan.

Ang mga suspek ay arestado sa magkakaibang kaso tulad ng estafa,


murder, theft, grave coercion, reckless imprudence resulting in damage to
property, at paglabag sa R.A. 7610 (Anti-Child Abuse Law) at R.A. 9003
(Ecological Solid Waste Management Act).

Na sa ilalim ngayon ng kustodiya ng arresting unit ang pito na suspek para


sa mga gagawing susunod na proseso sa ilalim ng batas.

Ang mga nangyaring operasyon ay bahagi ng pagsunod ng Bulacan PNP


sa direktiba ng PNP Chief na palakasin, pagbutihin, at bigyan ng pansin
ang kampanya laban sa anti-criminality drive ng PNP, gaya ng pagbibigay
diin ni Regional Director PRO 3, PBGEN JOSE S. HIDALGO JR.

SHOWBIZ

JULIA BARRETO AT JOSHUA GARCIA LOVE TEAM, MAY


UNEXPECTED COME BACK?!

Lumikha ng ingay ang joint teaser ad na inilabas ng Viva Films at Star


Cinema sa kanilang social media platforms ngayong Lunes ng gabi, Abril
22, 2024.

Tungkol ito sa "An Unexpected Comeback" project.

Pero maliban sa pinadilim na larawan ng mga gaganap na bida, walang


ibang ibinigay na clue.

Nakatakda sa Miyerkules, Abril 24, 2024, ang pagbubunyag ng Viva Films


at Star Cinema sa katauhan ng mga artista at pamagat ng pelikula na
muling magtatambal.

Hindi man nagbigay ng clue ang mga nabanggit na movie production


company, marami ang humulang sina Julia Barretto at Joshua Garcia ang
mystery stars sa teaser ad.

Ginamit na basehan ng mga nanghula ang inanunsiyo ng Viva Films noong


Disyembre 21, 2023 na muling magsasama sa isang proyekto ang dating
magka-love team at dating magkarelasyon na sina Julia at Joshua.

Siguradung-sigurado naman ang netizens sa kanilang mga hula na sina Julia


at Joshua ang mga artista sa nakakaintrigang teaser ad.

Pero hindi sila nakatitiyak dahil may plano ring muling pagsamahin sa
isang pelikula si Julia at ang boyfriend nitong si Gerald Anderson.
Ilan sa mga pelikulang pinagbidahan nina Julia at Joshua ay ang Vince and
Kath and James (2016), Love You To The Stars and Back (2017), I Love You
Hater (2018), at Block Z (2020).
REPORTS

HEALTH ON WHEELS, INILUNSAD SA BACOLOR, PAMPANGA


Intern: LIA LAPUZ (CANNED)

--------------------------------------------------------------

MABIGA SECTION NG NORTH-SOUTH COMMUTER RAILWAY,


INAASAHAN NA MATAPOS NGAYONG TAON

Intern: Alton Lope (CANNED)

-------------------------------------------------------------

RCEF SEEDS IPINAMAHAGI SA MGA MAGSASAKA SA TARLAC CITY

Inter: Chelseia Leigh (CANNED).

----------------------------------------------------------
98% NG LGUS SA GITNANG LUZON, PINILI ANG TRANSFER OF
FUNDS PAYOUT SCHEME

Intern: Kaye Recto (CANNED)

----------------------------------------------------------

MGA MANGINGISDA SA ZAMBALES, GUMAWA NG HAKBANG SA


PANGANGALAGA NG MGA PAWIKAN

Intern: Helena Pablo (CANNED)

--------------------------------------------------------------

MGA KAWANI NG SLP, NAGSAGAWA NG MONITORING ACTIVITY SA


LUNGSOD NG CABANATUAN

Intern: Jairha Adena (CANNED)


EXTRO
JO: ARAW NGAYON NG MARTES, APRIL 23, 2024 SABAYAN NIYO
RIN KAMING NAPAPAKINGAN AT NAPAPANOOD SA AMING
FACEBOOK PAGE AT YOUTUBE CHANNEL NG NEWSLINE CENTRAL
LUZON TV

MULA DITO KUNG SAAN LAGI KANG KASAMA ANG 103.1 NEWSLINE
CENTRAL LUZON,

PARA SA BIDA CENTRAL LUZON. AKO SI JO SALAZAR

AT AKO NAMAN CJ PENAFLOR

SABAY: KASAMA KA, IKAW ANG BIDA

You might also like