You are on page 1of 7

PBBM, PINANGUNAHAN ANG PAG-SALUDO SA 127TH

ANIBERSARYO NI JOSE RIZAL

UNANG KASO NG PAGKAWALA NG PANDINIG DAHIL SA PAPUTOK,


INIULAT NG DEPARTMENT OF HEALTH

DOH R-3, NAGMONITOR SA BULACAN MEDICAL CENTER

ISANG LALAKI SA BULACAN ARESTADO MATAPOS MA AKTUHANG


GUMAGAWA NG ILLEGAL NA PAPUTOK

PNP NAG PAALALA SA PUBLIKO NA HUWAG TANGKILIKIN ANG


MGA ILLEGAL NA PAPUTOK

MABALACAT CITY LGU, NAG-PAALALA TUNGKOL SA


REGULASYON SA MGA PAPUTOK

INTRO

JO: MAGANDANG HAPON CENTRAL LUZON, MAGANDANG HAPON


LALAWAIGAN NG PAMPANGA, SUMASAINYO ANG CENTRAL LUZON
BALITA SA ALAS KWATRO NG 103. 1 NEWSLINE CENTRAL LUZON

CJ: ARAW NGAYON NG SABADO, DECEMBER 30 2023, KAMI ANG


INYONG TAGAPAG-BALITA, AKO SI CJ PENAFLOR

JO: AKO NAMAN SI JO SALAZAR

PBBM, PINANGUNAHAN ANG PAG-SALUDO SA 127TH


ANIBERSARYO NI JOSE RIZAL
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos. Jr. ang pag-aalay ng
bulaklak sa 127th anibersaryo ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal ngayong
araw sa Rizal Park, City of Manila.

Kasama ni Pangulong Marcos si First Lady Louise Araneta-Marcos at


kanilang mga anak na sina Ilocos Norte 1st District Representative
Ferdinand Alexander 'Sandro' Marcos III, Joseph Saymon Marcos at
William Vincent Marcos.

Kasama rin sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Armed Forces of the
Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr.,NHCP
Chairman Emmanuel Calairo and Manila City Mayor Honey Lacuna-
Pangan.

Sa mensahe ng pangulo hinihimok niya ang mga Pilipino na gayahin ang


pagmamahal na inalay ni Rizal sa sambayanang Pilipino at sa Pilipinas.

UNANG KASO NG PAGKAWALA NG PANDINIG DAHIL SA PAPUTOK,


INIULAT NG DOH

Iniulat ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng pagkawala ng


pandinig dahil sa paputok, kung saan isang 23-taong gulang na babae
mula sa Gitnang Luzon ang nawalan ng pandinig matapos maexpose sa
"kwitis" o skyrocket.

Binalaan ng DOH na maaaring magdulot ng pagkawala ng pandinig ang


paputok dahil sa kanilang malakas na tunog, na maaaring magresulta ng
mawalan ng pandinig.
Ang kabuuang bilang ng mga pinsalang may kaugnayan sa paputok mula
Disyembre 21 hanggang 29 ay umabot na sa 96, kung saan walong
bagong kaso ang naitala na may edad na 5 yrs old to 49 yrs old.

Walumpu't walong porsyento ng mga ito ay kalalakihan. Anim sa mga


bagong kaso ay dulot ng mga ilegal na paputok, habang mas marami ang
may aktibong pakikilahok o nagtangkang magpasabog ng paputok.

Wala pang karagdagang ulat hinggil sa putol na mga bahagi o pag-inom ng


paputok ang naitala hanggang sa ngayon.

Ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamaraming kaso. At ang
mga pangunahing paputok na may 72% ng kabuuang kaso ay ang Boga,
5-Star, Kwitis, Piccolo, Pla-Pla, Whistle Bomb, at Luces.

DOH R-3, NAGMONITOR SA BULACAN MEDICAL CENTER

Nagsagawa ang Department of Health Central Luzon Center for Health


Development (DOH CLCHD) ng Hospital Preparedness Monitoring
kaugnay ng paghahanda sa paglsabubong ng bagong taon at para sa
Firework-related Injuries (FWRI) sa Bulacan Medical Center.

Ang monitoring ay pinangunahan ni DOH CLCHD Regional Director


Corazon I. Flores at mga CHD Program Coordinators, kabilang si Bulacan
Provincial Governor Daniel Fernando at Vice Governor Alexis Castro.

Layunin ng aktibidad na magkaruon ng sapat na kagamitan para sa


posibleng mga emergency sa panahon ng pagdiriwang ng Bagong Taon.
Hinimok naman ni Governor Fernando ang mga magulang na bantayan
ang kanilang mga anak upang maiwasan ang mga disgrasya mula sa
paputok, habang inihahanda ang kanilang mga pasilidad para sa anumang
Firework-related Injuries.

ISANG LALAKI SA BULACAN ARESTADO MATAPOS MA AKTUHAN


NA ILLEGAL NA GUMAGAWA NG PAPUTOK

Arestado ang isang 31 anyos na lalaki sa Barangay Pulong Buhangin Sta.


Maria Bulacan kahapon matapos na maaktuhan na gumagawa ng mga
pautok sa siang residential areas sa Barangay

sa report ni Police Col. Relly Arnedo ang Hepe ng Bulacan Police


Provincial Office isang 31 anyos na lalaki na residente ng barangay ang
suspect na gumagawa ng paputok ng walang kaukulang mga dukumento

nakuha mula sa pangangalaga ng suspect ang 200 piraso kwitis, 70 piraso


ng mga fountain, at sawa na may kabuaang halaga umano na 100 libong
piso.

paglabag sa R.A. 7183 o ang batas na sumasaklaw sa pag gawa ng


paputok o pa ilaw ang inihahanda laban sa naaresto

JO: KAUGNAY NG BALITANG YAN

PNP NAG PAALALA SA PUBLIKO NA HUWAG TANGKILIKIN ANG


MGA ILLEGAL NA PAPUTOK
Nagpaalala muli ang Philippine National Police sa publiko na ang pag
gamit o pag bili ng mga illegal na paputok ay maaaring mag resulta sa
kapahamakan

ito ang paalala ni Police Regional Office 3 Director PBGEN Jose Hidalgo Jr
kahapon matapos ang inspekyon ng PNP sa pangunguna ni PNP Chief
Benjamin Acorda sa mga tindahan at pagawaan ng paputok sa Bulacan

Ayon kay Hidalgo, ay sinuma man na mahuling lumalabag sa mga batas


kaugnay ng paputok ay maaaring maharap sa kaukulang mga asunto

Ayon naman kay PNP Chief Acorda, ang kanilag inspeksyon kahapon sa
Bulacan ay bahagi ng kanilang kampanya upang maging mas ligtas ang
pag sa lubong ng bagong taon

Kasamang nag inspeksyon kahapon nina Acorda at Hidalgo si Bulacan


Governor Daniel Fernando kung saan iginiit nito na nag lunsad na rin ito ng
mahigpit na operation laban sa mga illegal na gumagawa ng mga paputok
sa kanyang nasaskupan.

MABALACAT CITY LGU, NAG-PAALALA TUNGKOL SA


REGULASYON SA MGA PAPUTOK

Nagpapa-alala ang lokal na pamahalaan ng Mabalacat City hinggil sa


umiiral na City Ordinance No. 64, Series of 2017 bilang paghahanda sa
pagdiriwang ng Bagong Taon, na naglalatag ng regulasyon sa pagbebenta,
pamamahagi, at paggamit ng mga paputok at iba pang pyrotechnic devices
.

Ayon sa ordinansang ito:


Tanging mga may lisensyadong nagtitinda lamang ang pinahihintulutang
magbenta ng paputok sa mga lugar na inaprubahan ng lokal na
pamahalaan.

Ang paggamit ng paputok ay sa mga itinakdang community fireworks


display areas lamang at hindi inirerekomenda ang paggamit sa mga
residential areas.

Hinihikayat naman ang mga residente na suportahan at sundin ang


ordinansa, at magtulungan upang gawing ligtas at masaya ang
pagsalubong sa bagong taon.

Para sa anumang katanungan kung may nais na isumbong na nakitang


paglabag sa ordinansang ito ay maaaring makipag-ugnayan sa Mabalacat
City Police sa numerong 0998-598-5458 o sa BFP Mabalacat hotline na
0963-363-6212

EXTRO
JO: ARAW NGAYON NG SABADO, DECEMBER 30, 2023,, SABAYAN
NIYO RIN KAMING NAPAPAKINGAN AT NAPAPANOOD SA AMING
FACEBOOK PAGE AT YOUTUBE CHANNEL NG NEWSLINE CENTRAL
LUZON TV

CJ: MULA DITO KUNG SAAN LAGI KANG KASAMA ANG 103.1
NEWSLINE CENTRAL LUZON, AKO SI CJ PENAFLOR
JO: PARA SA CENTRAL LUZON BALITA SA ALAS KWATRO. AKO
NAMAN SI JO SALAZAR

SABAY: KASAMA KA, IKAW ANG BIDA

You might also like