You are on page 1of 3

Tagumpay ng GSCPO sa Kabila ng Pandemya

Sa ilalim ng pamumuno ni General Santos City Police Director Police Colonel


Gilbert Tuzon, OIC, ay iba’t ibang mga programa ang matagumpay na
naisakatuparan ng mga kapulisan sa lungsod at may mga kasalukuyan pa
silang ginagawang hakbang upang mas maayos na maipatupad ang
katiwasayan at kaayusan sa siyudad ng Heneral Santos.

Sa laban ng bansa sa COVID-19, buong tapang na nagsagawa ng kanilang


mga tungkulin ang mga kapulisan sa lungsod. Sa kabila ng banta ng nasabing
virus sa kanilang mga kalusugan at maging sa kanilang mga buhay ay buong
puso pa rin nilang ginampanan ang kanilang mga trabaho.

Ayon kay P/Col Tuzon, kasalukuyang naka-isolate at nasasailalim sa tamang


proseso ng quarantine ang mga kapulisan sa Police Station 3 at Police Station
8 nang mayroong mga kapulisang nakadestino sa nasabing estasyon ang
nagpositibo sa virus. Ito ay naging dahilan ng temporaryong pagka-lockdown ng
mga estasyon upang mapigilan ang pagkalat ng nakahahawang sakit. Sa kabila
nito, ipinahayag ng direktor ng siyudad na mayroon silang itinatag na
Contingency Plan nang sa gayon ay maresolba ang kakulangan ng puwersa ng
mga kapulisan sa apektadong estasyon. Magtutulungan ang lahat ng estasyon
sa lungsod sa pagbibigay-solusyon sa kasalukuyang hinaharap na krisis ng
mga pulis sa Heneral Santos.

Sa kabilang dako, mas paiigtingin pa ang pagsunod sa Health Protocols para


sa mga kapulisan. Sinisiguro nila na ang lahat ng mga pulis ay nakasuot ng
tamang PPE sa tuwing sila ay nasa trabaho. Nagkakaroon rin sila ng regular na
Information Dissemination upang mabigyang-kaalaman ang mga kapulisan sa
mga mahahalagang mensahe partikular na sa laban kontra Covid-19. Sa tuwing
sila ay nagsasagawa ng Flag Ceromony sa araw ng Lunes, sila ay parating
pinapaalalahanan na dapat ay magig maingat at siguraduhin ang kaligtasan ng
sarili habang ginagampanan nila ang bawat trabaho.
Bunga ng papalapit na ang buwan ng Nobyembre, malaki ang paghahanda ng
GSCPO sa undas ngayong taong ito. Bagama’t may inisyal na impormasyong
inilabas ang Lokal na Gobyerno ng Heneral Santos tungkol sa pagsasara ng
lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo sa lungsod mula ika-29 ng
Oktubre hanggang ika-4 ng Nobyembre ay naghanda pa rin ng mga estratihiya
ang mga kapulisan sa ilalim ng pamumuno ng direktor ng siyudad sapagkat
alam nilang mayroon pa ring mga mamamayang dadalaw sa mga lugar na ito.
Sila ay magdedestino ng mga kapulisan sa mga lugar na maaaring dagsaan ng
mga tao. Samantala, may mga kapulisan pa ring nakadestino sa Border
Checkpoint upang masiguro at mamonitor ang pagpasok ng mga indibidwal sa
lungsod. Isang pagpupulong ang isasagawa bilang parte ng preparasyon sa
nalalapit na undas.

Binigyang-linaw ni P/Col Tuzon na mayroon ng mga suspek sa Shooting


Incidents sa lungsod at ilan sa kanila ay nahuli na. Ang mga kaso ay umakyat
na sa korte at hinihintay na lamang ang paglalabas ng mga Warrant of Arrest
nito. Ang mga kasong ito ay napasasailalim sa Oplan KABALIKAT ng mga
kapulisan.

Ang Oplan KABALIKAT ay nangangahulugang Kapulisan at Barangay Laban sa


Ilegal na Droga, Kriminalidad at Terorismo. Sa ilalim ng estratihiyang ito ay
nakumpiska nila ang mga gramong Shabu na nagkakahalaga ng P309,140.00
sa 46 na Anti-Illegal Drugs Operations na kanilang isinagawa. Maliban dito ay
narekober rin nila ang 15 Loss Firearms, nakapag-aresto ng 48 na indibidwal na
lumabag sa batas, at 19 na indibidwal ang nahuli sa Anti-Illegal Gambling
Operations, at nakapagsilbi ng 31 Warrants of Arrest. Isa din sila sa tumulong
sa malawakang pagpapatibay ng Quarantine Protocols kung saan mahigit sa
18,233 mga indibidwal ang nahuli dahil sa hindi pagsuot ng face shield, face
mask, paglabag sa Back-riding policy, Social Distancing, Odd Even Schemes,
No Plate No Travel Policy, No Installed Barriers, at ang hindi pagrerepresenta
ng mga Quarantine Pass. Sa tulong rin ng Oplan na ito ay nasolusyonan ang
mga banta ng Terorismo sa lungsod sa pamamagitan ng Intensified Police
Feasibility, Patrolling, at Persistent Law Enforcement Operation.
Buong pusong nagpapasalamat si P/Col Tuzon sa Lokal na Gobyerno ng
Heneral Santos sa malaking suportang ipinagkaloob nito sa mga kapulisan sa
pangunguna ni Hon. Mayor Ronnel C. Rivera at maging sa mga stakeholder na
naging parte ng tagumpay na nakamit ng GSCPO. Binigyang-diin niya ang
kahalagahan ng pagkakaisa sa pagkamit ng mga hangarin para sa
nasasakupan sa kabila ng kinakaharap na krisis ng buong bansa. Tunay ngang
ang pagtutulungan ng bawat isa ang susi sa katagumpayan ng isang lungsod.

You might also like