You are on page 1of 2

Paggamit ng Pito, Parte na ng Uniporme ng mga Kapulisan sa GSCPO

Isa sa mga programa na isinusulong ng Philippine Regional Office 12 na parte


ng Anti-Criminality Campaign ay ang konsepto ng paggamit ng pito sa oras ng
mga trabaho ng kapulisan sa pangunguna ni Regional Director PBGEN Michael
John F. Dubria, na sinuportahan naman ng General Santos City Police Director
Police Colonel Gilbert Tuzon, OIC.

Likas sa mga pulis ang pagkakaroon ng pito at batuta sa oras ng kanilang


trabaho noon, kung kaya’t ang ganitong pamamaraan ay muling binuhay sa
kasalukuyan sa General Santos City Police Office. Gagawing parte ng
uniporme “Tamang Bihis” ng mga kapulisan sa lungsod ang pagkakaroon ng
pito. Ito ay striktong imomonitor ng naatasang opisyales ng kapulisan upang
masiguro na lahat ay susunod sa patakaran.

Kinakailangang magkaroon sila nito sa panahon ng kanilang trabaho katulad na


lamang ng Mobile Patrolling at sa pagsasagawa ng Oplan KABALIKAT
(Kapulisan at Barangay Laban sa Ilegal na droga, Kriminalidad, at Terorismo).
Ito ay upang magamit nila ang mga ito sa pagsasagawa ng kanilang mga
responsibilidad lalo na sa paghahatid ng komunikasyon sa mga taong maaring
may nilabag na mga kautusan, pagbibigay babala sa posibleng sakuna, at iba
pa upang mas madali ang pagkuha ng atensyon ng isang indibidwal. Ito ay
isang napakahalagang instrumento sa panahon ng pagreresponde o anumang
uri ng operasyong gagawin ng mga pulis.

Namigay rin ang GSCPO ng mga Rosaryo sa mga Katolikong kapulisan bilang
simbolo ng pagtitiwala sa Diyos sa anumang tungkuling kakaharapin ng bawat
pulis. Ito ay paraan ng pagpapatatag ng kanilang mga pananampalataya na
magagamit nila sa pagsasakatuparan ng kanilang mga hangarin para sa
kapayapaan sa lungsod.

Isinusulong ito sa buong rehiyon nang sa gayon ay mas paigtingin ang mga
programang pumipigil sa ano man uri ng kriminalidad. Malaki ang papel na
gagampanan ng pito sa pagsasakatuparan ng kanilang mga tungkulin. Sa halip
na gamitin ng mga kapulisan ang kanilang mga armas, sila ay gagamit na
lamang ng mgapito sa pagkukuha ng atensyon ng indibidwal o grupo ng tao. Sa
paraang ito ay mas ligtas ang gagawing operasyon ng bawat kapulisan.
Ayon kay Police Major Basher Alindo ng GSCPO Police Community Relations,
ang konseptong ito ay maaaring gamitin sa bawat barangay lalo na ng mga
Barangay Tanod na naatasang magpanatili ng kaayusan sa kanilang
nasasakupan.

Ipinaparating naman ni Police Major Alindo na aktibo nilang gagampanan ang


kanilang mga tungkulin nang sa gayon ay mas patibayin pa ang Anti-Crimnality
Campaign sa lungsod ng Heneral Santos. Kasabay nito’y hinihikayat niya ang
buong partisipasyon ng bawat mamamayan sa lungsod upang matagumpay
nilang makamit ang hangarin para sa malawakang kaayusan at katiwasayan ng
siyudad.

You might also like