You are on page 1of 4

EDITORYAL - Halaga ng body camera sa PNP

(Pilipino Star Ngayon)


June 7, 2021 - 12:00am

Ipinakita ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar ang body cameras nang
ilunsad sa Camp Crame noong Biyernes. Sinabi ni Eleazar na gagamitin ang body camera sa anti-
drug operations, pagsisilbi ng warrant, pag-rescue sa hostage, checkpoint, court order at iba pang
malalaking event tulad ng State of the Nation Address (SONA).
Pagkalipas ng tatlong taon, magagamit na ng PNP ang mga body camera na noon pa binili para sa
police operation. Ilang PNP chief na ang pinagdaanan ng mga body camera pero sa termino pala ni
Eleazar mapapakinabangan. At least bago man lang magretiro si Eleazar ay mayroon siyang
maiiwan na magandang nagawa sa PNP. Napakahalaga ng body camera para sa police operation.
Lahat nang galaw at pangyayari ay maka-capture at marerekord. Hindi makapagsisinungaling ang
mga operatiba sakali’t may mga kabalbalang naganap. Ito rin naman ang panghahawakan ng awto-
ridad na hindi sila lumabag sa police operations.
Malaking tulong ang body camera para mabilis na maresolba ang mga insidenteng
kinasasangkutan ng mga pulis. Gaya halimbawa ng “aksidente” umanong pagkakabaril sa tinedyer
na si Edwin Arnigo ng Valenzuela City kamakailan. Apat na pulis ang sangkot sa pag-raid sa isang
tupada kung saan naabutan umano si Arnigo. Ayon kay Master Sgt. Christopher Salcedo, inagawan
siya ng baril ni Arnigo. Sa pag-aagawan, nabaril si Arnigo na tinamaan sa puso at baga.
Sabi naman ng ina ni Arnigo, hindi magagawang mang-agaw ng baril ang kanyang anak at matindi
raw ang takot nito sa mga pulis. Kinaladkad daw ang kanyang anak sa tupadahan at hinubaran pa
ng damit. Kung may body camera ang mga pulis nang mag-raid sa tupadahan, hindi na kailangang
magpaliwanag sapagkat makukunan ang pangyayari.
Nagsimula ang panukalang pagsusuot ng body camera ng mga pulis makaraang mapatay ang 17-
anyos na si Kian delos Santos noong 2017 sa Caloocan City. Nagkaroon ng drug operations sa
lugar at isa si Kian sa nadamay. Ang brutal na pagpatay ay nakunan ng CCTV. Nahatulan ng
habambuhay na pagkabilanggo ang tatlong pulis.
Ngayong gigiling na ang body camera ng mga pulis, maiiwasan na ang mga karumal-dumal na
pagpatay na ang laging palusot ng mga alagad ng batas ay lumaban ang kanilang inaaresto.
Matatapos na ang extra-judicial killings at pagtatanim ng ebidensiya dahil sa body camera? Sana
nga.
Turismo at kuwentong-motorsiklo
By Jing Castañeda(Philstar.com) - June 9, 2021 - 12:26pm
Dahil sa takot sa COVID, napilitang mag-impose ng travel ban ang mga bansa. Kaya tuluyan nang
bumagsak ang travel industry sa buong mundo. Ayon sa ulat ng United Nations World Tourism
Organization nung Enero, bumaba ang bilang ng international arrivals mula 1.461 billion nung 2019 sa 381

You might also like