You are on page 1of 1

Nakakabahala ang bilang ng pagtaas ng kaso ng kidnapping noong pagsisimula ng

“Ber” months sa Pilipinas. Isiniwalat ng Philippine Chinese Chamber of Commerce and


Industry, Inc. (PCCII) na mayroong naganap na 56 ng kidnapping incidents at ang mga
biktima ay Pilipino at Chinese national. Karumaldumal at hindi makatarungan ang mga
ginagawa sa mga biktama ng kidnapping kapag hindi makapagbigay ng ransom, sabi
ng presidente ng PCCII na si Lugene Ang. Dagdag pa rito binebenta ng mga kidnaper
ang Kanilang Biktima sa ibang kindnap groups.
Kamakailan may usap-usapan na ang executive chief officer ng Eraseth Pharma na si
Eduardo Tolosa Jr. ay kinidnap at natagpuang sunog ang bangkay matapos ang tatlong
araw na nawawala. Maliban sa kasong ito may napabalita rin na kidnapping sa metro
manila at iba pang parte ng bansa. Gayunpaman, tumugon rin ang Philippine National
Police (PNP) sa inulat na balita ng PCCII tungkol sa kidnapping na ayon kay deputy
director Jose Eduardo na apat lamang ang kanilang naitala na kidnapping ngayong
taon.
Ayon naman sa PNP Anti-kiddnapping, halos sa mga biktima ng kidnapping ay
empleyado ng Philippine offshore gaming operators. Mula Enero hanggang Setyembre
ay 27 ang naitala nila na kidnapping incidents.
Tugon ng editor na si Ronnie M. Halos sa editorial niya “Kaso ng Kidnapping parami
nang parami” na dapat kumilos ang mga awtoridad sa mga katiwalian na nagaganap sa
lipunan. Lalong- lalo na ngayong “ber” months ay inaasahan na aariba ulit ang mga
kidnappers. Dagdag pa niya na sana maging alerto ang mga Pulis sa kalye upang
mapangalagaan ang katiwasayan ng pamumuhay ng mamayang Pilipino.

You might also like