You are on page 1of 3

LINGA, JAIRA L.

BFA VISCOM VC-2A


GESINE LAPID SLAY REAKSYONG PAPEL

LAPID SLAY
Marami na ang nabalita patungkol sa kasong pagpatay. Sa katunayan
kung ating titignang mabuti ay dati nang may mga ganitong kaso. Iba’t
iba ang naging opinyon at reaksyon ng mga tao, kaya naman dumali na
naman ang mga Pilipino na puro “sabi-sabi” at maling impormasyon ang
ipinakakalat sa publiko na ako mismo ay nalilito kung alin ang
paniniwalaan sa mga ‘to. Pero bakit nga ba ang Percy Lapid Slay Case ay
ang pinaka pinaguusapan nitong nakaraang mga buwan?

Si Percival Mabasa o mas kilala bilang “Percy Lapid” isang


mamamahayag ng programang “Lapid Fire” kung saan dito’y pinupuna
niya ang mga kamalian sa gobyerno, ay binaril sa Las Pinas noong ika-3
ng Oktubre ng isang ‘di matukoy na suspek. Laman ito ng midya
magmula isapubliko ang kaso at tila ba naging dahilan din upang ating
pang mas pagtuunan ng pansin ang mga nangyayari sa likod ng bawat
selda sa bilibilid. Sa katunayan ay napakaraming mahahalagang detalye
ang gusto kong banggitin patungkol sa kaso, ‘gaya na lamang ng biglaang
pagsuko ni Joel Escorial dahil daw sa takot- na umanoy umamin na isa
siya sa mga suspek, isa raw sa kasabwat niya ay si Crisanto Jun Villamor,
bilanggo sa New Bilibid Prison. Dati nang nabalita na ang New Bilibid
Prison ay siksikan daw umano ang mga preso sa loob nito at patuloy na
namamayagi ang mga gang at krimen dito. Talaga nga namang
nakababahala na ang isang bilanggo na ay may kakayahan pa ring
gumawa ng krimen sa labas at loob mismo ng selda. Paano ito nangyari
at bakit ito nangyayari? Gerald Quitaleg Bantag, former chief ng The
Bureau of Corrections, ay ang sinasabing mastermind- isiniwalat ni
Escorial na sinabi sa kaniya ni Villamor (middleman) na ‘wag sabihin sa
pulis na si Bantag ang nag utos na ipapatay si Lapid, may ilan din daw
maaring mga dahilan upang gumawa ng krimen si Bantag dito. Isa si
Bantag sa madalas punahin ni Lapid sa kaniyang Lapid Fire.
Kinatatakutan din daw ito ng mga preso. Sinasabi nila na tila ba nagtayo
ng kaharian si Bantag sa loob ng bilangguan. Napag alaman ko rin na dati
nang nasangkot si Bantag sa ilang mga kaso at krimen. Kung ating
titignan base sa mga ebidesya ay kay Bantag talaga tumuturo ang lahat
ng kasalukuyang impormasyon.

Ngunit sa aking patuloy na pagsasaliksik ay may isang tao ako na


pinagdududahan din, si Jesus Crispin Remulla, ang Secretary of Justice of
LINGA, JAIRA L. BFA VISCOM VC-2A
GESINE LAPID SLAY REAKSYONG PAPEL
the Philippines. Sa nakaraang panayam kay Bantag ng mamamahayag na
si Anthony Taberna, sinabi nito na bawas na ang kridibiliad ni Remulla
sapagkat nahuli na adik sa droga ang anak nito. Habang sa naunang
autopsy naman na nilabas ng NBI sa ‘di umanong middle man na si
Villamor na namatay kinabukasan matapos kumanta si Escorial, ay sinabi
nila na natural cause ang pagkamatay nito. Dahil dito nagsagawa ng
pangalawang autopsy ang pamilya ni Lapid sa tulong ng isang propesor
mula sa Unibersidad ng Pilipinas, lumabas na may “foul play” rito at ito
raw ay namatay dahil sa suffocation ng plastik. Natagpuan rin ang mga
bakas ng “Shabu” sa katawan nito. Maraming mga preso ang naitala na
namamatay sa bilangguan nitong mga nakaraang taon sa hindi
maipaliwnang na dahilan. Matapos nito ay mariin na itinanggi ni Remulla
na hindi ito kamalian o pagbabago sa imbestigasyon kundi isang
“improvement”. Nangangahulugan lamang na ang mismong bilangguan
na sana ay walang krimen sapagkat bantay ito ng mga nakatataas ay isa
pala sa patuloy na pinamumugaran ng mga krimen at kriminal. O ‘di
kaya’y ang mga nakatataas ang totoong kriminal na pinipilit magmalinis
at ipasa ang maduming gawain sa mga dati nang nadumihan ang kamay?

Ang kridibilidad ng bawat pangalan na konektado sa kaso ay talaga


nga namang may bahid na ng dumi at pagdududa. Hindi ko malaman
kung sino ang tama at mali. Karamihan sa impormasyon na kanilang
isiniwalat ay tumutukoy kay Bantag na siya raw nag utos sa pagpatay,
ngunit hindi rin mawala sa aking isipan na maari ring sangkot si Remulla.
Hindi kaya’y set up ang kaso? Dahil sa dati nang nasangkot si Bantag sa
mga krimen at kinatatakutan ito sa bililibid, ay ginamit nila ito upang
gawing suspek gayon din na alam nilang may galit ito kay Lapid dahilan
para patayin niya ito? Marami ding mga flaws sa imbestigasyon ni
Remulla, ‘gaya ng autopsy report sa pagkamatay ng middleman. Pwede
rin sigurong magkasabwat sila ni Bantag, at mukhang mas may
kapangyarihan si Remulla kaysa rito. Ang sinasabi ko lamang ay maari
talaga na sangkot ang isang taong may kapangyarihan sa pagpatay na
ito.

Sa totoo lamang ay hindi ko na alam. Pero dahil dito mas namulat


ang aking pang unawa sa usaping ito. Ang midya ay dapat malaya, ito
ang siyang tagahatid ng balita sa madla, ang pagpaslang sa isang
mamamahayag ay para na ring winalan mo ng kalayaan maghatid ng
tapat na balita ang midya. Nakababahala na ang mga tao na nasa likod
na ng selda’y patuloy pa rin ang paggawa ng krimen, at nakakagalit na
LINGA, JAIRA L. BFA VISCOM VC-2A
GESINE LAPID SLAY REAKSYONG PAPEL
mismong may mga puwesto sa gobyerno ang namumuno sa mga
krimeng ito. Mahirap itapat ang hintuturo kung kani-kanino nang walang
lubusang paghahanap sa katotohanan, dahil mabigat na paratang ang
pagpatay lalo na’t may mga naaapi at nang-aapi dahil dito. Ngunit
mahirap ding magpanggap na pipe para sa mga taong wala namang sala.
Sa 160 na persons of interest, nakakadismaya na puno ng piste ang
gobyerno. Isa lamang ang kaso na ito sa nagsisilbing patunay sa patuloy
na nabubulok na sistema ng hustisya sa Pilipinas.

You might also like