You are on page 1of 1

15 pulis na dawit sa paglabag ng karapatang pantao,

pinakakasuhan
Inirekomenda ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa
15 pulis na umano'y gumawa ng mga paglabag sa karapatang pantao.

Kasama sa mga balak sampahan ng kaso ang isang pulis na nanampal umano ng bus driver na
nanuhol daw sa kaniya, isang pulis sa Iligan na nambugbog ng mga menor de edad dahil sa
paglabag sa curfew, at isang pulis sa Taguig na nanutok ng baril sa dalawang menor de edad.

Ayon kay Chief Superintendent Dennis Siervo, hepe ng PNP Human Rights Affairs Office,
maaaring humarap ang 15 sa kasong paglabag sa Republic Act 9745 o ang Anti-Torture Act.

"Para malaman ng lahat na we don’t tolerate that. Kung mayroon talagang pieces of evidence
like video footages ideretso na namin 'yan," ani Siervo.

Pero iginiit ni Siervo na magkakaroon muna ng imbestigasyon at dadaan sa tamang proseso ang
pagdinig sa mga kaso.

"There are certain factors you need to filter in and what happened in that particular time, in that
particular environment, that led him to do such act. There should be due process and
investigation to be conducted," aniya.

Kabilang umano sa mga balak kasuhan ang isang may ranggong chief inspector, isang senior
police officer 4 at tatlong police officer 2. Pinakamarami ang ranggong police officer 1 (PO1) na
may anim katao.

Ipinaliwanag ni Siervo na ranggong PO1 ang pinakamarami dahil sila ang isinasalang sa mga
operasyon.

"They’re the ones conducting the patrol, a close engagement with the members of the
community," aniya.

"'Pag nasa labas ka, everyday, as you perform your job as a policeman, you infringe on their
rights. But you have to balance this infringement of rights."

Bukod sa kasong kriminal, maghahain din ng hiwalay na kasong administratibo ang PNP sa 15.

"'Yong administrative will be handled by the PNP, 'yong Internal Affairs Service namin. Kapag
ganyan, automatic, iniimbestigahan nila yan," ani Siervo. --Ulat ni Maan Macapagal, ABS-
CBN News

You might also like