You are on page 1of 2

Posisyong Papel ng Mag-aaral ng Asians institute of

computer studies hinggil sa Pagpapatupad drug test para sa


lahat ng pulis.

DRUG TEST PARA SA MGA PULIS: IPATUPAD ANG


REGULAR NA RANDOM DRUG TEST SA PNP

Pinaninidigan ng mag-aaral mula sa ABM strand ng paaralang Asian institute of


computer studies.

Ang drugs ay Isa sa mga pinagbabawal na gamot sa ating bansa.


Makukulong ka kung Ikaw ay mahuli ng mga pulis na Ikaw ay gumagamit o
nagbebenta ng pinagbabawal na gamot ngunit hindi natin alam kung ang mga
pulis na nanghuhuli ay malinis, hindi gumagamit at hindi nagbebenta ng
ipinagbabawal na gamot. Sa PNP hindi pa nila ginagawang regular ang
random drug test sa mga pulis pero hindi nila alam na may iilang mga pulis na
gumagamit at nagbebenta at pwede rin sila ang mataas na namumuno kung
tawagin ay drug lord na talamak sa droga.

Isa sa mga tinuturing na pinakamarangal na propesyon dito sa Pilipinas ay


ang pagiging pulis. Bukod sa sila ang gumaganap na tagapagpatupad ng mga
batas at alituntunin sila rin ang tagapagtanggol ng mga naaapi. Subalit, iilan
sa kanila ang may mga tinatagong baho sa likod ng kanilang tsapa.Nang
nagbago ang ating administasyon, marami na ring nagbago sa ating bansa at
isa sa mga iyon ay ang pamamalakad ng ating mga kapulisan. Maraming mga
krimen ang nababalita sa mga telebisyon na nasasangkot ang mga kapulisan.
Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO) May apat na opiser
sa manila na positibo sa illegal drugs noong sila ay may sinagawang random
test. May Isang pulis na nagpostibo sa drugs sa loob ng isang daan pitongput
limang pulis opiser galing sa ncrpo regional headquarter noong ika-apat ng
enero habang tatlo naman ang personnel galing sa eastern police distinct
(EPD) ay positibo rin sa drugs pagkatapos ng random test noong ika-dalawa
ng enero. Kahit ang mga pulis ay gumagamit rin ng pinagbabawal na gamut
kaya dapat ipatupad ang pagregular ng random drug test sa pilipinas para
maobserbahan rin ang mga pulis kung sila ba ay nagamit o hindi nagamit ng
illegal na gamot.

Kaya sang-ayon ako sa pagpapatupad ng drug test sa mga pulis para


mapanatili ang magandang modelo ng mga pulis sa mga tao at igalang pa rin
sila ng mga tao kase sa ngayon may iilang tao na ang tingin sa pulis ay hindi
magandang modelo. Ang pulis ay isa rin sa maimpluwensyang tao dahil sila
rin ang nanghuhuli ng mga taong may masamang ginagawa pero ang may
iilang pulis ay sinisira ang tiwala ng mga tao dahil sa kanilang mga tinatagong
baho tulad na lang ng paggamit ng illegal na droga, kaya dapat ay regular na
ang drug test sa mga pulis para makasigurado na ang lahat ng pulis ay
matitino.

Pinagtibay ngayong Enero 15, 2024.


https://www.pna.gov.ph/articles/1216829

You might also like