You are on page 1of 1

6 tiklo sa condo na ‘drug den’ July 6, 2019 Filed under Balita Posted by

Balita Online Balita RSS RSS Feed

Natimbog ng Philippine Drug Enforcement Agency ang anim na


katao sa buy-bust operation sa isang condo unit, na umano’y ginawang
drug den, at nasamsam ang P740,000 halaga ng shabu, sa Mandaluyong
City, Sabado ng umaga.
DROGA SA CONDO Ipinrisinta sa presscon ngayong Sabado ang
P740,000 halaga ng ilegal na droga at mga paraphernalia, at ang apat sa
anim na naaresto sa buy-bust operation ng PDEA sa isang condo unit sa
Mandaluyong City. JANSEN ROMERO DROGA SA CONDO
Ipinrisinta sa presscon ngayong Sabado ang P740,000 halaga ng ilegal
na droga at mga paraphernalia, at ang apat sa anim na naaresto sa buy-
bust operation ng PDEA sa isang condo unit sa Mandaluyong City.
JANSEN ROMERO
Arestado sina Dustin Nolan Catolico, umano’y nagmamantine ng
drug den; Meriel Companero Villariva, dentistry student; Carla Ysabel
Guevarra Kerr; Yves Kenthanzel Ng Angeles; Rodel Zaragosa
Camarillo; at Ilah Tulino Dalimbang.
Base sa ulat, dakong 2:00 ng umaga nang isagawa ng pinagsanib
na puwersa ng PDEA-Special Enforcement Services at Mandaluyong
City Police ang buy-bust operation sa isang condo tower sa lungsod.
Nabatid sa imbestigasyon na isang PDEA agent ang nagpanggap na
bibili ng shabu, at nang magkaabutan na ay saka sinalakay ng mga
awtoridad ang lugar.
Isang linggo umanong minanmanan ng PDEA ang lugar bago
isinagawa ang operasyon.
Narekober mula sa mga suspek ang siyam na sachet ng shabu, na
nagkakahalaga ng P740,000, at drug paraphernalia.

You might also like