You are on page 1of 30

LITRA TALK

Adulterated

Updated Jul 10 2014, 12:17:am

BANSA
Taas pasahe sa LRT, MRT wala pang petsa
Ni Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hindi pa tiyak kung kailan magtataas ng pasahe sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT).

Ayon sa Department of Transportation and Communications (DOTC), hindi pa sila nagtatakda ng petsa kaugnay sa
implementasyon ng P11 + 1 fare increase para sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3.

Taong 2010 pa nang magpahayag ng plano ang Light Rail Transit Authority at MRT-3 na itaas ang pasahe sa mga naturang linya
ng tren ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito naipatutupad.

Sinabi naman ng DOTC na ang panukalang taas-pasahe ay sumailalim na sa dalawang public consultations.
Nauna rito, inihayag ng aktibistang grupong Bagong Alyansang Makabayan na maaaring sa Agosto ay magtaas na ng pasahe ang
LRT.

Taong 2003 nang huling magtaas ng pasahe ang LRT. Ang LRT-1 ang nag-uugnay sa Baclaran, Parañaque sa Roosevelt, Quezon
City habang ang LRT Line 2 naman ang nagdudugtong sa Santolan sa Pasig City at C.M. Recto St. sa Maynila.

Abad hindi nakinabang sa DAP – Palasyo


Ni Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nanindigan kahapon ang Malacañang na hindi nakinabang si Budget Sec. Butch Abad mula sa
pagpapatupad ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, ginamit sa mabuting mga programa ng gobyerno ang DAP at hindi naman ito
ninakaw o winaldas lamang ng pamahalaan.

Iginiit pa ni Lacierda na mayroon silang mga legal basis sa pagpapatupad ng DAP sa kabila na idineklara ng Korte Suprema na
“unconstitutional” ang ilang bahagi nito.

Mismong ang Korte Suprema ay kinilala ang kabutihang nagawa sa pagpopondo mula sa DAP na ang layunin ay palakasin ang
ekonomiya mula sa mabagal na takbo nito.

Aniya, sasagutin ni Abad ang mga akusasyon sa tamang panahon dahil abala lang sa kasalukuyan ang DBM chief sa paghahanda
ng 2015 national budget na nakatakdang isumite ni Pangulong Aquino sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso matapos ang
kanyang ika-4 na State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 28.

Suportado naman ng Palasyo ang hakbang ng Commission on Audit na suriin ang mga pondong nagmula sa DAP.

PNoy, CGMA gawing witness – Bong


Ni Butch Quejada at Angie Dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Gustong ipatawag ng kampo ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. sina Pangulong Noynoy Aquino at dating
Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo upang maging testigo sa kanyang kasong graft at plunder tungkol
sa multi-billion pork barrel scam sa Sandiganbayan.

Sa pre-trial brief na ibinigay ng mga tagapagtanggol ni Revilla sa korte, gusto nilang ipa-subpoena sina Aquino at Arroyo at iba pang
mga opisyal ng gobyerno tulad nina DILG Sec. Mar Roxas, DOJ Sec. Leila de Lima, Ombudsman Conchita Caprio-Morales, Budget
Sec. Butch Abad, COA Commissioner Grace Pulido-Tan at dating Budget Sec. Rolando Andaya Jr.

Gusto rin gawing testigo ng grupo ni Revilla ang Senate President, miyembro ng Special Panel of Investigators, Field Investigation
ng OMB at NBI na siyang humimay sa pork barrel cases tungkol sa usapin ng PDAF.

Hiling din niya na ilagay sa witness stand ang TV at movie producers ng GMA-7 na may malaki ring maitutulong at makapagsasabi
ng pinagmulan ng kanyang kita sa industriya.

Sa pamamagitan umano ng pagtawag sa mga nabanggit habang binubusisi ang kaso ni Revilla sa graft court ay magkakaroon ng
linaw kung talagang nagkasala ito sa batas at nagkamal ng pera ng bayan na sinasabing komisyon mula sa kanyang PDAF gamit
ang pekeng NGO ni Janet Napoles.

Samantala, inurong ng Sandiganbayan 1st Division ang pre-trial sa kasong plunder at graft laban kina Revilla, Janet Napoles at
mga kapwa-akusado nito sa pork barrel scam sa August 27.
Ito‟y matapos malaman sa pagdinig kahapon na hindi pa natatapos ang pagmamarka ng mga ebidensya ng prosekusyon kaugnay
ng pork scam at marami pa silang hinihintay na dokumento kaugnay ng kaso.

Pondo ng TESDA galing DAP ginastos sa ghost scholars –


COA
Ni Angie Dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nagastos ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang may P1.1 bilyong pondo
mula sa Disbursement Acceleration Program (DAP) ng pamahalaang Aquino sa mga pekeng scholars noong 2011.

Ito ang ibinunyag ng Commission on Audit (COA) batay sa pagbusising ginawa sa naturang pondo na nailaan ng gobyerno sa
TESDA para sa mga programa sa mga mag-aaral mula sa DAP.

Ayon sa COA sa programang State of the Nation Address ni Jessica Sojo sa GMANewstv, may 61 trainees ang sinasabing dumalo
sa multiple training courses ng Tesda pero imposible umano na maka-attend ng naturang kurso sa parehong oras ang mga
trainees sa iba‟t ibang mga training programs na naisagawa ng overlapping dates.

Nalaman din umano ng COA na ang 46 trainees sa nabanggit na bilang ay nakumpirma nilang hindi pumasok sa naturang training
course habang mayroon dito ang nagsasabing hindi matandaan kung ano ang ginawa sa training program.

Hindi rin umano makontak sa nailagay nilang telephone numbers ang may 218 scholars na sinasabing nakinabang sa programa.

Ang lahat ng sinasabi ng COA ay mariin namang pinabulaanan ni TESDA director general Joel Villanueva at anya‟y wala itong
katotohanan.

Nalaman din ng COA na sa P1.1 billion DAP funds na nailaan sa TESDA noong 2011 ay may natira ditong P109 milyon na hindi pa
nagastos.

Pero, ayon sa COA kahit may natirang pondo sa P1.1 billion DAP funds, hindi rin naman nagamit ng TESDA ang P109 milyon para
tulungan ang mamamayan na magkaroon ng trabaho at hindi nagamit para maibsan ang kahirapan sa bansa na mandate ng Tesda
sa pamahalaan.

Gigi ikukulong sa Camp Bagong Diwa; Enrile mananatili sa


PNP General Hospital
Ni Butch Quejada at Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pinapalipat na ng Sandiganbayan ang dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce Enrile na si Atty. Jessica
Lucila “Gigi” Reyes mula sa anti-graft court‟s basement papunta sa Bicutan jail‟s female dorm sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Sa ipinalabas na commitment order ng Sandiganbayan 3rd Division, binalewala ng graft court ang kahilingan ng kampo ni Reyes na
sa PNP Custodial Center siya ikulong.

Wala anyang valid reason na nakita ang graft court para pagbigyan ang request ni Reyes.

Ayon kay Atty. Dennis Pulma, clerk of court ng Sandiganbayan, sa Bicutan jail ikukulong si Reyes dahil mas maraming bilanggo ang
maaaring ma-accommodate dito laluna kung mga babaeng preso.

Bunga nito, ang BJMP na lamang anya ang bahala kung saan maaaring maibilanggo si Reyes.
Niliwanag nito na sa PNP Custodial Center sa Kampo Krame nailagay sina Sens. Jinggoy Estrada at Bong Revilla dahil may legal
basis para doon idetine ang dalawang mambabatas na kapwa akusado sa plunder case.

Samantala, mananatili naman sa PNP General Hospital si Enrile.

Inutos ng Sandiganbayan na isailalim sa physical examination si Enrile upang matiyak kung kailangang mai-hospital arrest ang
mambabatas.

Maaari rin umanong makapagpatingin si Enrile sa labas ng PNP hospital kung emergency cases lamang.

Nais ng Sandiganbayan na maireport sa kanila sa Lunes ng PNP General Hospital ang resulta ng physical exam na gagawin kay
Enrile para malaman kung dapat nga itong ma-hospital arrest.

Samantala, takdang iprisinta ng prosekusyon sa pagdinig ng Sandiganbayan 5th division ang tungkol sa hiling na makapagpiyansa
ni Sen. Jinggoy Estrada ang 24 mga saksi sa kaso kabilang sina Benhur Luy at dati nitong tauhan na si Ruby Tuason.

Ayon sa graft court, sa mga ihahayag ng naturang mga saksi malalaman kung karapat-dapat aprubahan ang motion to bail ni
Estrada sa kasong plunder at graft na may kinalaman pa rin sa multi-billion pork barrel scam.

PROBINSIYA
2 notoryus na tulak ng droga, tiklo
Ni Ricky T. Tulipat (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang notorious drug
pushers matapos makuhanan ng P3 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Limay, Bataan, iniulat kahapon.

Sa ulat ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., nakilala ang mga suspect na sina Roldan Lakandula, alyas
Dan-Dan, 39, at Marlon Dizon, 32, pawang mga residente ng Brgy. Alangan, Unang Kanto, Mansteel Luz, Limay, Bataan.

Nadakip ang mga suspects ng pinagsanib na tropa ng PDEA RO3 sa pamumuno ni Director Jeoffrey C. Tacio, at Police Regional
Office 3-Regional Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (RAIDSOTG) dakong alas-11 ng gabi sa Brgy. Alangan, Unang
Kanto, Mansteel Luz, Limay, Bataan.

Nakuha mula sa mga suspects ang 10 piraso ng plastic bags na naglalaman ng shabu at tumitimbang ng 1 kilo. Bukod dito,
narekober din ng mga operatiba ang isang Kia Carens at ang buy-bust money sa nasabing operasyon.

Sina Lakandula at Dizon ay pansamantalang nakaditine sa PDEA RO3 jail facility sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of
Dangerous Drugs) in relation to Section 26 (Conspiracy to Sell), at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng RA
9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Suplay ng tubig sa MM babawasan


Ni Dino Balabo (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

MALOLOS CITY, Philippines - - Dapat na bawasan ang supply ng tubig sa Metro Manila para tumaas ang tubig sa Angat Dam at
hindi tuluyang maantala ang pagtatanim ng palay ng mga magsasaka.

Ayon sa Angat Maasim River Irrigation System Irrigators Association Confederation (Amris) sa National Water Resources Board
(NWRB), patuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam sa kabila ng mga pag-ulan.
Ang lebel ng tubig sa dam kahapon ng umaga ay 164.84 meters above sea level (masl) na mas mababa ng mahigit 47 meters sa
212 masl spilling lebel nito.

Sinabi ng Amris na hindi na makapagtanim ng palay ang mga magsasaka sa Bulacan at Pampanga dahil sa mababa ang tubig sa
dam at hindi matiyak kung kailan sila bibigyan ng alokasyon kaya malaki ang posibilidad na hindi masustinihan ang mga pananim
kung lalong maaantala ang supply ng tubig.

Sa ngayon ay hindi pa rin makapagtanim ang mga magsasaka sa mga katabing bayan ng Apalit, San Simon at San Luis sa
Pampanga maging sa mga bayan ng Baliwag, San Rafael, Pulilan at Plaridel sa Bulacan. Dapat anila na bigyang prioridad ang
mga nasabing taniman at tipirin muna pansamantala ang alokasyon ng tubig na isinu-supply sa Metro Manila.

Binigyang diin niya na simula noong tag-araw hanggang sa sa kasalukuyan ay hindi pa binabawasan ng NWRB ang alokasyong
41cubic meters per seconds (cms) sa dalawang higanteng konsesyunaryo ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System
(MWSS).

Matatandaan din na ang pinakamababang lebel ng dam ay naitala noong Hunyo 2010 kung saan ang lebel nito ay sumayad sa
157.87 masl.

2 minero tigok, 6 pa sugatan sa ‘gas explosion’


Ni Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang minero habang anim ang malubhang nasugatan matapos ang gas explosion sa isang
mining tunnel sa Sitio Tumtumba, Brgy. Macannawey Cabiten, Mangkayan, Benguet kamakalawa.

Ang nasawing mga biktima ay sina Dante Lingyasan, 36 at Elton Labintas, 19 taong gulang habang sugatan naman at agad na
isinugod sa ospital sina Nobres Libag, 28; Elvis Lambino, 27; Jessie Lambino, 30; Dominic Olio, 42; Junes Bombe, 44 at Carl
Lingsayen, 23 taong gulang.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas 5:30 ng hapon sa Pocket Mining Tunnel sa nasabing lugar kung saan isang
saksi ang nag-report sa pulisya ng naturang pagsabog na mabilis naman na nirespondehan ng mga kawani ng Rural Health Units
ang mga biktima kaya naiahon.

Sa inisyal na imbestigasyon, bigla na lamang umanong umusok ang water pump dito at kasunod na ang isang malakas na
pagsabog na ikinasawi at ikinasugat ng naturang mga minero.

Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad ang nasabing insidente.

Trader niratrat, patay


Ni Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Patay ang isang 35 anyos na negosyante makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang motorcycle riding-
in-tandem sa Brgy. Poblacion North, Polanco, Zamboanga del Norte kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Arceli Barte, residente ng Sitio Bless, Brgy. Anastacio, Polanco ng lalawigang ito at idineklarang dead-on-
arrival sa North Hospital sa Dipolog City bunsod ng mga tama ng bala ng cal. 45.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente sa nasabing lugar bandang alas-8 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, kararating lamang ng biktima lulan ng motorsiklo sa kaniyang tindahan sa lugar nang biglang sumulpot ang
riding-in- tandem at pagbabarilin ito.
Patuloy naman ang pagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa mga salarin at ang
motibo ng pagpatay.

5 Pulis, sundalo sugatan sa bakbakan


Ni Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Apat na pulis at isang sundalo ang nasugatan nang makasagupa ng pinagsanib na puwersa ng gobyerno ang
mga rebeldeng New People‟s Army (NPA) sa kabundukan ng Talomo sa Toril District, Davao City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang mga sugatang pulis kabilang ang dalawang opisyal na sina Inspector Ruel Manga, Inspector Vernido Villamor, PO1
Jan Reins Fermin at isa pa ng mga itong kasamahan gayundin ang isang sundalo na hindi nabanggit ang pagkakakilanlan.

Ayon sa report ng Armed Forces of the Philippines, nakasagupa ng pinagsanib na mga operatiba ng Special Action Force (SAF) ng
Philippine National Police at ng 84th Infantry Battalion (IB) ang nasa 30 rebelde sa Talomo Mountain sa bahagi ng Brgy. Baracatan
at Brgy. Catigan; pawang sa Toril District ng lungsod dakong alas-1:40 ng hapon kung saan nagsasagawa ng combat operations
ang mga ito sa nasabing lugar.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang mga biktima habang pinaniniwalaan naman na marami rin ang malubhang nasugatan sa
mga rebeldeng suspects.

Nagpapatuloy naman ang operasyon ng tropa ng pamahalaan laban sa grupo ng mga rebeldeng komunista.

METRO
Motorsiklo sumalpok sa trak, 1 patay
(Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 9:51am

MANILA, Philippines - Patay ang isang motorcycle rider matapos banggain ng 16-wheeler truck sa lungsod ng Pasay.

Ayon sa ulat ng dzMM, patungo sana ng Cavite ang trak na may kargang mga bato at buhangin.

Dahil sa pag-iwas na mahuli sa road weighing scale sa Macapagal Boulevard nag-iba nang ruta ang tsuper na si Jonathan Altaque
at dumaan sa kalye ng Tramo.

Mabilis ang pagpapatakbo ni Altaque kaya naman nabangga niya ang hindi pa nakikilalang biktima na lulan ng motorsiklo.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang tsuper ng trak, habang inaalam pa rin ang pagkakakilanlan ng biktima.

Taas pasahe sa LRT at MRT, wala pa- DOTC


Ni Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hindi pa tiyak kung kailan magtataas ng pasahe ang mga linya ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail
Transit (LRT).

Ayon sa Department of Transportation and Communications (DOTC), hindi pa sila nagtatakda ng petsa kaugnay sa
implementasyon ng P11 + 1 fare increase para sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3.
Taong 2010 pa nang magpahayag ng plano ang Light Rail Transit Authority (LRTA) at MRT-3 na itaas ang pasahe sa mga naturang
linya ng tren ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito naipatutupad.

Sinabi naman ng DOTC na ang panukalang taas-pasahe ay sumailalim na sa dalawang public consultations.

Nauna rito, inihayag ng aktibistang grupong Bagong Alyansang Makabayan na maaaring sa Agosto ay magtaas na ng pasahe ang
LRT. Taong 2003 nang huling magtaas ng pasahe ang LRT.

Ang LRT-1 ang nag-uugnay sa Baclaran, Parañaque sa Roosevelt, Quezon City, habang ang LRT Line 2 naman ang nagdudugtong
sa Santolan sa Pasig City at C.M. Recto St. sa Maynila.

Mga matatanda sa QC, tututukan ni Joy B.


Ni Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang lecture tungkol sa healthy lifestyle para sa
mga senior citizen sa pakikipagtulungan ng Unilab Philippines sa ilalim ng „Joy of Public Service Program‟.

Ang proyektong ito na pinamagatang “United Bayanihan Foundation” ay magbibigay ng dagdag na kaalaman at idea sa mga
matatanda kung paano pahahalagahan ang sarili at ang kalusugan kahit may edad na.

Layon ng programa na magkaroon ng mas maayos na physical, mental at social well-being ang mga senior citizens ng lungsod
para higit pang maging produktibong mamamayan sa komunidad na ginagalawan.

Ang proyektong ito ay gagawin tuwing Miyerkules simula sa July 26 mula alas-7:30 ng umaga hanggang alas-11 ng tanghali sa
lahat ng distrito ng lungsod.

Kasama sa lecture ang tungkol sa active ageing, healthy lifestyle, nerve ageing at sarcopenia.

Gayundin magkakaroon ng mga activity games at pamimigay ng unilab products sa mga elderly.

Kelot binoga ng bayaw, kritikal


Ni Ricky T. Tulipat (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nasa malubhang kalagayan ang isang 56 -anyos na lalaki makaraang barilin ng kanyang bayaw dahil umano
sa pagtatalo sa lupa at bahay sa lungsod Quezon, kahapon.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police Station 10, ang biktima ay nakilalang si Elber Villanueva, residente sa Marathon St.,
malapit sa Tomas Morato, Brgy. Obrero

Nagawa namang makapuslit sa mga rumispondeng tropa ng PS10 ang suspek na si Benito Inriquez, 47, matapos ang halos ilang
oras na paghahanap makaraang tumakbo para magtago ito sa isang eskinita sa kanilang lugar.

Nangyari ang insidente, ganap na alas- 8 ng umaga nang pasukin ng suspek sa kanyang bahay ang biktima at barilin ito sa tiyan.

Patuloy ang kanilang manhunt operation laban sa suspek, kasunod ng panawagang sa sinumang nagkakanlong sa suspek na isuko
na ito.
Hapones hinoldap ng tandem
Ni Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isa na namang Japanese national ang nabiktima ng riding in tandem na holdaper kung saan natangay dito
ang cash at iba pang gamit na umaabot sa P160-libo at mga mahahalagang dokumento, sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sa pagdulog sa Manila Police District-General Assignment Section, sinabi ng biktimang si Tanaka Koji, 47, pansamantalang
nanunuluyan sa Room 1003 City State Hotel, Mabini St., Ermita, na kahit hindi na maibalik ang cash, mahalaga lamang umanong
maibalik ang mga importanteng dokumento at handa siyang magbigay ng pabuya para maibalik ito sa kanya.

Dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente habang ang biktima ay naglalakad sa Sta. Monica St. malapit sa Roxas
Blvd. nang agawin umano ang bag nito ng riding-in-tandem na suspect lulan ng motorsiklong walang plaka.

Karnaper kumana uli sa Quezon City


Ni Ricky T. Tulipat (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang sports utility vehicle (SUV) ang tinangay ng hinihinalang mga karnaper sa Barangay Sto Cristo,
lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Ayon kay PO2 Neil Estinopo ng Quezon City Police District-Anti Carnapping Unit, ang insidente ay nabatid makaraang personal na
dumulog sa kanilang himpilan ang biktimang nagpatago sa pangalang Romeo na residente sa Brgy. Sto Cristo sa lungsod, para
magreklamo.

Base sa pahayag ng biktima, natangay umano ng mga karnaper ang kanyang Toyota Innova (UHO-490) habang nakaparada sa
harap ng kanilang bahay.

Bago ito, alas-10 ng gabi nang huli nilang makita ang sasakyan matapos nilang iparada ng kanyang asawa sa tapat ng kanilang
bahay bago matulog. Kinabukasan, nang tignan ng biktima ang kanyang sasakyan ay wala na ito sa nasabing lugar.

Dagdag ni Estinopo, nagsagawa na nang ocular investigation ang kanilang tropa sa lugar at inaalam kung sino ang posibleng
nakakita sa pagtangay dito.

Gayunman, ayon sa mga biktima, walang closed circuit television (CCTV) camera sa kanilang lugar, kaya problema anila ang
pagtunton sa mga suspek.

OPINYON
EDITORYAL - Hanapin ang mga ‘buwaya’ sa NFA
(Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

KAYA pala nagmahal ang bigas (tumaas ng P2 bawat kilo) ay dahil sa mga buwitreng rice trader. At hindi lamang nagtaas ng
presyo kundi nagkulang pa ng suplay. Imagine, ang bansang ito na sagana at mayaman ang lupang bukirin ay makararanas ng
kakapusan sa bigas at mahal pa. Mabuti at nagsagawa nang sunud-sunod na pag-raid ang awtoridad sa mga bodega ng rice
traders sa Bulacan at nadiskubre ang ginagawa ng mga buwitre. Sa isang bodega sa Malolos, huling-huli sa akto ang mga tauhan
ng buwitreng rice traders na nire-repacked ang mga bigas na galing sa National Food Authority (NFA). Inilalagay nila sa mga
sakong pang-commercial ang mga bigas ng NFA. Nakakumpiska ng 32,000 sako ng bigas sa bodega ng Purefeeds Corp. sa Bgy.
Tikay. Ang bodega umano ay kayang maglaman ng 60,000 sako. Ang nakakabaliktad-sikmura pang ginagawa ng mga tauhan ng
Purefeeds, hinahaluan nila ng binilid ang mga sako. Ang binilid ay durog at maliliit na butil ng bigas na ipinampapatuka sa manok at
pinakakain sa baboy.

Naaresto ang buwitreng may-ari ng Purefeeds at sabi ni DILG sec. Mar Roxas, na kakanselahin ang lisensiya nito. Ayon kay Roxas,
maaaring marami nang bigas na may halong binilid ang binibenta na sa mga palengke sa Metro Manila at mga kalapit probinsiya. At
sa kabila na may halong binilid, binibenta ito sa mataas na presyo na lubhang malayo sa presyong pang-NFA.

Marami pang bodega ng bigas ang sinalakay sa Bulacan, at napatunayang ang mga talaksan ng bigas na naroon ay galing sa NFA.
Patuloy na niloloko ang taumbayan sapagkat pinaniniwalaang commercial rice ang kanilang binibenta. Hindi na nakapagtataka kung
bakit may mabibiling mahal na bigas subalit mababa ang kalidad at maraming kasamang binilid.

Tiyak na may kasabwat ang buwitreng rice traders sa mga matatakaw na “buwayang” taga-NFA. Paano makakapaglabas ng
daang sako ng bigas mula sa NFA ang mga buwitre kung wala silang mga kakutsabang “buwaya” roon. Nagawa na nina
Roxas ang pagsalakay sa mga pugad ng buwitre, salakayin na rin ang mga “buwaya” sa NFA.

Joel Villanueva nagsalita na


AKSYON NGAYON Ni Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

SA gitna ng mga espekulasyon na masasali si TESDA Director-General Joel Villanueva sa third batch ng mga kakasuhan kaugnay
ng pork barrel scam nagbigay na siya ng personal niyang pahayag.

Nauna na nating naisulat sa kolum na ito na sa may 21 dokumentong nagdadawit sa kanya sa pork scam, napatunayan sa forensic
examination ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi lang iisang tao ang gumaya sa lagda ni Joel. Ibig sabihin, pulos
peke.
Noon ko pa hinihimok si Joel na maglabas ng personal na pahayag pero sabi niya, mas makabubuti na magsalita na lamang siya
kapag siya‟y tinuluyang kasuhan. Pero may mga pagkakataong kahit ayaw magsalita ng isang tao ay napipilitan din.

Of course, kung nababanatan ka sa mga pahayagan o sa radyo at telebisyon, marapat lang at makatarungan ng ihayag mo ang
iyong panig. Kung minsan kasi, ang pagwawalang kibo ay naipagkakamaling pag-amin ng kasalanan.

Mariing inihayag ni Joel na walang nagamit na pondo ang ahensiya niya na nagmula sa Disbursement Acceleration Program (DAP)
para sa scholarship program ng ahensiya.

Ayon sa kanya, wala silang natatanggap na anumang notice of disallowance o notice of suspension mula sa Commission on Audit
(COA). Nilinaw din ni Villanueva na ang P38 milyon mula sa DAP ay ibinalik sa national treasury at hindi ginamit ng kanyang
ahensya.

Kung tutuusin, marami ang sumasaludo sa magandang accomplishment ng TESDA sa ilalim ng pamamahala ni Joel.

Nakikinabang sa ahensya ang maraming out of school youths na natuto ng mga sari-saring kakayahan upang sila‟y makapag-
trabaho sa ibang bansa.

Tinataya sa 210,000 ang naging TESDA scholars na karamihan ay matagumpay nang nakapagtrabaho sa abroad.

Kaya naniniwala ako na ang mga ibinabatong akusasyon kay Joel, tulad ng pagkakaroon ng mga “ghost scholars” na tinustusan ng
salapi ng bayan ay pulos paninira lang.

Ganyan talaga. Sabi nga kapag mabunga ang punongkahoy ay binabato.

Iginiit ni Sec. Villanueva na walang katotohanan na nagkaroon ng „ghost trainees‟ ang TESDA na pinondohan mula sa DAP.

Imported bawang will invade Philippines my Philippines


ORA MISMO Ni Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

IKINUENTO ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, handa ng sumalakay ang China sa Philippines my Philippines pero
hindi ang mga sundalo nila para giyerahin tayo kundi ang mga imported bawang mula sa kanila para pabagsakin ang malalang
presyo nito sa merkado sa ngayon.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, namudmod ng mga permit to import ang Bureau of Plants and Industry sa
kanilang mga kaalyado para magpasok ng bawang sa Philippines my Philippines at anila ay expected to enter the area of
responsibility next week.

Tumpak ka, they are coming million of tons ito.

Sabi nga, hindi ito biro !

Ayon sa kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may nag-ala „mafia style‟ group dyan sa BPI kaya nagkaroon ng
taas presyo sa bawang dahil last year pa daw ay inipit na diumano ang pagbibigay ng import permit kaya nayugyog ang imported
bawang traders at ang ginawa ng mga gago ay itinago ito at minanipula ang presyo.

Ikinuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malalim ang operasyon ng biglaang pagtaas ng presyo ng bawang sa
Philippines my Philippines may dahil sa diumano‟y Mafia group sa Bureau of Plants and Industries na kasabwat ang mga gagong
alaga nilang mga consignee para lumpuhin ang madlang people at manipulahin ang presyo sa merkado ngayon ?

Naku ha ! Mafia group ?


Totoo kaya ito ?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may lihim na imbestigasyon ang ginagawa ngayon dito para mabulgar sa
madlang people ang mga kagaguhan nangyari at malaman kung sino ang mga culprit sa ipit presyo ng bawang.

Ika nga, dapat may sibakin sa BPI at ikulong ang mga nakipagkutsabahan hoarders.

Tanong - sino ang mga hoarder ?

Sagot - iyan ang lead investigating agencies ng gobierno ang dapat sumagot nito !

Tama ba, DOJ Secretary Leila de Lima, Your Honor ?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtataka sila kung bakit umabot ng P300 to 400 per kilo ang imported na
bawang at hindi rin lumalayo ang presyo ng local na bawang dito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kontrobersyal na usapin tungkol sa price hike ng bawang ang dahilan
kung bakit ito aatake sa Philippines my Philippines dahil nagbigay nang „go signal‟ ang BPI sa mga kaalyado nitong mga consignee
na magpasok na sila matapos silang biyayaan ng import permit ng ahensiya.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang dahilan para tumaas pa ang presyo ng bawang kapag nagdatingan
ang importasyon nito from abroad kaya tiyak babalik sa normal ang presyo nito sa dami ng mga kaalyado ng BPI na binigyan ng
import permit.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, minanipula ang presyo nang mga imported bawang ng tinaguriang „bawang
mafia‟ matapos nilang pagusapan na itaas ang presyo nito na halos hindi na kayang bilhin ng mga ordinary pinoy.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang problema sa local na bawang dahil napakarami nito sa merkado pero
halos walang bumibili ngayon nito kaya naman marami rin ang nagtataka dito ?

Bakit ?

Sagot - sobrang mahal kasi !

„Karamihan gumagamit ng imported na bawang ay ang mga nasa resto business pero ang mga ginang ng tahanan ay local na
bawang ang mga ginagamit dahil nga sa mas malasa ito para sa kanila ?‟ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, siguro sa pagdating ng mga imported na bawang from China ay kaya ng
bumalik ang presyo nito sa dati dahil ang puhunan lamang nila sa Mainland ay P35.00 per kilo ?

„Mantakin mo ang bentahan sa Philippines my Philippines umaabot up to P400.00 .‟ daing ng kuwagong mahirap.

Sa ginagawang pagkalkal para imbestigahan ang mga culprit sa bawang may mangyari kaya dito ?‟ tanong ng kuwagong SPO - 10
sa Crame.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat may masibak muna dito at pagkatapos ay saka ito kalkalin.

Kamote, korek ka dyan !

Tanong - sabi ng mga bright kaya nagmahal ang bawang ay dahil sa kaunti lamang ang suplay ng local bawang sa merkado ?
Naku ha !

„mukhang hindi kami kumporme sa sinasabi mo ang totoo niya maraming suplay na local na bawang pero ayaw galawin sa merkado
dahil nga ang halos namimili nito ay ang mga ginang ng tahanan na nagluluto sa kanilang mga haybol.‟ sagot ng kuwagong
nalinlang.

Sabi nga, 20 percent lang ng local na bawang ang galing sa mga local producer samantala ang 80 percent na imported na bawang
ang bumubuhay sa industry ng bawang sa Philippines my Philippines.

„Alam ninyo ba dahil sa pagsirit ng presyo ng bawang pinag-initan ng todo si DA Secretary Procy Alcala ng madlang people dahil sa
diumano‟y hindi nito paggalaw sa pangyayari ?‟ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

„Naawa tuloy tayo kay Procy dahil sa kagagawan ng kanyang mga kamoteng tauhan pati siya ay nasama sa galit ng taong bayan.‟
anang kuwagong inurot.

Abangan.

Frat na walang hazing


AMBA‟S BRIEFS Ni Roy “AMBA” Seneres (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

NOONG ako‟y Labor Attaché sa United Arab Emirates mula 1983 hanggang 1989, may itinatag akong fraternity na ang
pangalan ay Frasortal Discipline of the Condiscipulos (FDC).

Tatlo ang layunin ng FDC: 1. Friendship Regardless of Ideology, Ethnicity, Nationality, Differences or Status (FRIENDS); 2. Charity
to the Homeless, Orphans, Widows, Sick, Aged, and Disabled (HOWSAD); and 3. Conservation of Life and the Environment for the
Advancement of Nations (CLEAN).

Pagmasdan ang acronyms na FRIENDS, HOWSAD at CLEAN na pawang self-explanatory. Maraming kabutihan ang nagagawa ng
FDC sa Gitnang Silangan. Ang turing ng FDC sa hazing ay gawain ng mga bata at hindi ng mga professional. Kaya mahigpit na
ipinagbabawal ang hazing sa pag-i-initiate ng neophytes.

Sa halip, ang neophytes ay inaatasan na tumulong sa distressed OFWs, ayun sa layunin ng HOWSAD; paglilinis sa beaches
halimbawa ayon sa layunin ng CLEAN, at pakikipagkapwa tao sa lahat ng lahi ayon sa layunin ng FRIENDS.

Ang FDC at 26 na taon na at hanggang ngayon, walang nasasaktan o napipinsala sa initiation ng neophytes. Ito ang fraternity na
dapat itinatatag ng mga kabataan sa paaralan, bansa at sa buong mundo.

Inaanyayahan ko ang lahat na sumali babae man o lalaki sa fraternity/ sorority na ito. Pakitext lamang ang aking anak na si Hazel
sa numerong 09062136814 o email hazelseneres@yahoo.com.

Si Hazel ang magtuturo sa inyo kung papaano kayo magtatag ng sarili ninyong chapters at ako naman ang mag-iinduct sa officers
at members.

Ang Condiscipulos ay acronym din na ang ibig sabihin ay Coexistence Of Nationals of Diverse Interests and Status, Committed to
Inhabit the Planet and the Universe with Love, Orderliness and Selflessness.

Young or old everybody is welcome.


Kakaibang sex: Masama ba?
DOC WILLIE Ni Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

Dok, masama ba ang oral sex?

Hindi masama ang oral sex kung ikaw at ang iyong partner ay parehong malusog. Siguraduhing walang vaginal discharge ang
babae at walang impeksiyon ang lalaki. Maligo maigi at maging malinis sa katawan. Pagkatapos mag-sex, magmumog ng bibig at
lalamunan ng isang mouthwash. Uminom din ng kalahating basong tubig para mahugasan ang lalamunan. May isang pagsusuri sa
America na nagsasabi na 50% ng mga edad 60 pataas ay nakikipag-oral sex pa sa kanilang partner.

Dok, masama ba ang anal sex o gay sex?

Oo, masama. Ayon kay Dr. Eduardo Gatchalian, dating presidente ng Philippine College of Surgeons, masama ang anal sex o
iyung pagpasok ng ari ng lalaki sa puwit ng kapwa lalake o babae. Sabi ni Dr. Gatchalian, marumi ang looban ng puwit (rectum) at
marami itong bacteria. Napatunayan sa pagsusuri na ang anal sex ay nagdudulot ng sexually-transmitted diseases tulad ng AIDS,
genital warts, anal warts at HPV virus. Sa anal sex, napupunit ang balat ng puwit kaya nakakapasok ang mga impeksyon dito.

Ang puwit ay hindi ginawa para sa sex. Ngunit kung hindi n‟yo ito maiwasan, puwedeng gumamit ng condom para may proteksyon
laban sa AIDS.

May sexual position ba na dapat iwasan kapag nagse-sex?

Oo, mayroon. Huwag maging ma-eksperimento o acrobatic sa kama at baka mapilay ang iyong likod at balakang. Para sa may sakit
sa likod, ang pinapayong posisyon ay ang paghiga ng nakatihaya para hindi mapilay ang likod. Hayaan na lang ang mas malakas
na partner ang magtrabaho sa ibabaw.

Para maging masigla sa sex, mag-ehersisyo araw-araw para lumakas ang katawan. Sa ganitong paraan, gaganda rin ang
sex life niyo. Good luck.

Lahat tayo ay nagkakamali


K KA LANG? Ni Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

ISANG pari ang na-videohan habang sinesermunan ang inang nagpapabinyag ng kanyang anak sa Cebu. Ang lola ng sanggol ang
nag-video at inilagay sa internet. Matinding batikos ang inabot ng pari dahil ipinahiya niya sa maraming tao ang ina. Nagkaanak
ang ina ng sanggol sa lalaking may asawa. Hindi siguro nakapagpigil ang pari at umiral ang pagkabanal habang idiniin ang mga
kasalanan at “kahihiyan” umano ng ina. Nagsabi pa na baka manahin ng bata ang mga kasalanan ng ina. Naku naman. Kaya ang
masayang okasyon ay nauwi sa sama ng loob at kahihiyan.

Ayon sa mga batikos, wala naman masama kung pinaalalahanan ng pari ang mga mabuting asal at turo ng simbahan, pati na rin
mga utos ng Diyos. Pero may tamang paraan at lugar para gawin ito. Kaya nga ang pagkumpisal ay pribadong ginagawa hindi ba?
Kundi, sana may speaker ang lahat ng kumpisalan para marinig na rin ng lahat ang mga kasalanan mo. Ayon sa lola na kumuha ng
video, dumaan din sa paghihirap ang kanyang anak nang mabuntis, at nagtangkang magpakamatay pa. Pero piniling isilang ang
anak at alagaan, at bilang Kristiyano ay sumunod pa sa sakramento ng binyag. Hindi nga naman dapat pinagalitan at pinahiya sa
okasyon na iyon.

Humingi na ng tawad ang pari. Pinagbawalan muna siya ng simbahan na mamuno sa misa at iba pang sakramento, habang may
nagaganap na imbestigasyon. Nagpahayag din ang simbahan na huwag mawalan ng tiwala sa mga pari sapagkat isang insidente
lang ito.
Lahat tayo ay nagkakamali sa buhay. Natatalisod, nadadapa at naliligaw ng landas. At maski pari ay nagkakamali rin. Kapatawaran
ang isa sa mga pangunahing turo ni Hesus. Mas binatikos nga niya ang mga “banal na tao” noong panahon niya. Ganito rin dapat
tayo. Ang pinakabagong mensahe nga ni Manila Archbishop Cardinal Tagle ay magpakita ng awa, sa kabila ng mga nangyayaring
katiwalian sa bansa. Mahirap gawin, pero gawin pa rin.

PALARO
Argentina diretso sa FIFA World Cup Finals
(Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 11:25am

Dalawang penalty kick ng Netherlands ang hinarang ng goal keeper na si Sergio Romero upang itawid ang Argentina sa FIFA World
Cup Finals. AP/Manu Fernandez
MANILA, Philippines – Iniligtas ng goal keeper na si Sergio Romero ang Argentina upang dumiretso sa Finals ng FIFA World Cup
sa Brazil.

Nauwi sa penalty shootout ang semi-finals matapos walang maka-goal sa pagitan ng Argentina at Netherlands sa loob ng 120
minutes kasama na ang extra time.

Naisuksok lahat ng Argentina ang kanilang tira, ngunit hindi sila mananalo kung hindi sa magandang depensa ni Romero na sinalag
ang dalawang tira ng Netherlands upang masungkit ang panalo sa iskor na 4-2.

Makakabangga ng Argentina ang Germany para sa kampeonato na gagawin sa Maracana Stadium sa Rio de Janeiro Linggo ng
madaling araw.

Pumasok sa championship ang Germany matapos lampasuhin ang host na Brazil sa harap ng kanilang mga kababayan sa iskor na
7-1.

Magkakasubukan naman ang Netherlands at Brazil para sa third at fourth place.


Petron Blaze pinutulan ng linya ang Cignal PSL All-Filipino
(Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

Napaluhod si Jennylyn Reyes (12) ng Petron Blaze sa paghabol sa bola habang nakaabang ang mga kakamping sina Sandra delos
Santos (10) at Aleona Denise Santiago sa aksyong ito sa PSL. (Joey Mendoza)
Laro sa Linggo

(Cuneta Astrodome)

3 pm Petron vs PLDT(women‟s quarterfinals)

5 pm AirAsia vs Cagayan Valley

(women‟s quarterfinals)

7 pm PLDT Air Force vs Via Mare Imen‟s)

MANILA, Philippines - Nanumbalik ang sigla ng paglalaro ng Petron Lady Blaze Spikers para katampukan ang 25-17, 23-25, 25-20,
25-19 pananaig sa Cignal HD Lady Spikers sa pagtatapos kagabi ng women‟s elimination ng 2014 PLDT Home-Philippine
SuperLiga (PSL) All-Filipino Conference volleyball tournament sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Si Dindin Santiago ay nagpakawala ng 19 kills tungo sa 24 puntos at nakakuha ng matibay ang suporta mula kina Sandra Delos
Santos, Mayette Zapanta at Carmina Aganon upang tapusin ng Petron ang elimination round bitbit ang 4-2 karta.
Kasalo ng Petron ang Generika-Army Lady Troopers, RC Cola-Air Force Raiders at AirAsia Flying Spikers sa unang puwesto pero
mas maganda ang quotient ng Lady Troopers at Raiders upang umabante na sa semifinals sa ligang inorganisa ng Sports Core
katuwang ang PLDT Home DSL at may suporta pa ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at
Healthway Medical.

Nalagay ang Petron sa ikatlong puwesto at makakalaro ang PLDT Home TVolution sa knockout quarterfinals. Ang isa pang laro ay
sa pagitan ng AirAsia at Cagayan Valley Lady Rising Suns na gagawin sa Linggo.

“Sinabi ko sa kanila na mahalaga ito sa amin para magkaroon ng confidence papasok sa quarterfinals,” wika ni Petron coach
George Pascua.

Si Delos Santos ay naghatid ng 11 puntos habang nagsanib sa 13 puntos sina Zapanta at Aganon.

May 22 puntos si Honey Royse Tubino para sa Cignal na namaalam na sa liga bitbit ang 1-5 karta.

Hindi makakuha ng momentum ang HD Lady Spikers matapos manalo sa second set nang hindi mapigilan ang mga atake galing
kay Santiago.

Ang mata ay nakatuon sa 6‟2 spiker matapos malimitahan sa 17 puntos sa natalong laro kontra sa Generika-Army. (ATan)

Mixers kuha rin ang Grand Slam


Ni Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hindi na napigilan ng Elasto Painters ang pagdiriwang ng Mixers sa kanilang pang-apat na sunod na
kampeonato tampok ang pambihirang PBA Grand Slam.

Tuluyan nang tinapos ng San Mig Coffee ang kanilang championship series ng Rain or Shine sa pamamagitan ng 92-89 panalo sa
Game 5 para angkinin ang korona ng 2014 PBA Governors‟ Cup kagabi sa harap ng 23,234 fans sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang pang-apat na sunod na titulo ng Mixers matapos pagharian ang 2013 PBA Governors‟ Cup, ang 2014 Philippine Cup at ang
Commissioner‟s Cup.

Ang San Mig Coffee ang naging ikaapat na koponan na tumipa ng PBA Grand Slam matapos ang Crispa ni coach Baby Dalupan
noong 1976 season at noong 1983 sa ilalim ni mentor Tommy Manotoc, ang San Miguel Beer ni Norman Black noong 1989 at ang
Alaska ni Cone noong 1996.

“You know how special this is for me, watching the players achieve something,” sabi ni Cone, nakamit ang kanyang ika-18 PBA
championship at pangalawang PBA Grand Slam matapos ihatid ang Alaska noong 1996.

Tinapos ng Mixers sa 3-2 ang kanilang best-of-five titular showdown ng Elasto Painters.

Mula sa dikitang first half, 43-38, ay kumawala ang San Mig Coffee sa third period sa pagtatayo ng 16-point lead, 69-53, bago
nakadikit ang Rain or Shine sa 74-79 agwat sa 9:26 ng fourth quarter.

Matapos ang basket ni James Yap para sa 92-87 abante ng Mixers ay nakadikit uli ang Elasto Painters sa 89-92 mula sa basket ni
Best Import Arizona Reid.

Sa sumunod na mga play, apat na beses nagmintis sina Reid, Jeff Chan at Paul Lee sa three-point line na nagtabla sana sa laro at
posibleng pumuwersa sa overtime.

Hinirang naman si Yap na Finals MVP.


San Mig Coffee 92 - Yap 29, Blakely 20, Devance 11, Pingris 10, Simon 10, Barroca 6, Maliksi 4, Sangalang 2, Mallari 0, Reavis 0,
Melton 0.

Rain or Shine 89 - Reid 23, Lee 21, Almazan 11, Norwood 11, Belga 7, Chan 6, Arana 4, Uyloan 2, Cruz 2, Tiu 2, Ibanes 0,
Rodriguez 0.

Quarterscores: 23-16, 43-38, 73-70, 92-89.

Germany binugbog ang Brazil, pasok sa Finals


(Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

Hinarangan ni David Luiz ng Brazil si Miroslav Klose ng Germany sa kanilang laban sa semifinals ng FIFA World Cup sa Brazil.
BELO HORIZONTE, Brazil--Umararo ang Germany ng limang goals sa loob ng 18 minuto sa first half para ang inasahang klasikong
pagkikita ng koponan at ng host Brazil ay nauwi sa di-inaasahang 7-1 dominasyon sa semifinals ng FIFA World Cup kahapon.

Ang naunang mala-carnaval na kapaligiran dahil sa mainit na suporta sa home team ay naglaho at umagos ang luha sa mata ng
mga Brazilians na hindi makapaniwala na mapapahiya ng ganito sa pinaka-prestihiyosong kompetisyon sa football.

Si Oscar ang nakapaghatid sa natatanging goal ng Brazil na nangyari sa 90th minute upang maisalba ang koponan sa sana‟y mas
nakakahiyang scoreless na pagkatalo.

Wala naman dapat sisihin sa pinakamasamang pagkatalo ng Brazil sa World Cup kungdi ang kanilang sarili dahil naglatag sila ng
napakahinang depensa para makaalagwa agad ang Germans.

Sa 11th minute nagbukas ang scoring ng laro sa katauhan ni Thomas Mueller na nalibre sa corner.
Ang ikalawang goal ay nangyari sa 23rd minute na hatid ni Miroslav Klose bago umani ng magkasunod na goals si Toni Kroos sa
loob lamang ng tatlong minuto. Ang ikalimang goal sa first half ay ginawa ni Sami Khedira sa 29th minute.

Kahit ang pamalit ng Germany na si Andre Schuerrle ay nagpista sa pag-iskor nang nakadalawa sa 69th at 79th minute.

Ang panalo ay nagtulak sa Germany sa championship at makakalaban nila ang mananalo sa pagitan ng Netherlands at Argentina.

Makasaysayan din ang panalong ito para sa 36-anyos na si Klose dahil ang kanyang goal ay ika-16th niya sa World Cup para
tumayo bilang all-time scorer ng liga.

Bago ito ay nakapantay ni Klose, nagsimulang maglaro sa World Cup noong 2002 si Brazil striker Ronaldo sa 15 goals.

“I don‟t think I can really measure what that it all means just yet, it‟s difficult to think about that after a match like this,” wika ni Klose.

Lalaban pa rin ang Brazil pero ito ay para sa ikatlong puwesto na lamang kontra sa matatalo sa Netherlands at Argentina.

Lions nilapa ang Pirates; Knights wagi rin


(Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

Laro Bukas

(The Arena, San Juan City)

12 nn St. Benilde vs San Sebastian (Jrs./Srs.)

4 p.m. Perpetual Help

vs EAC (Srs./Jrs.)

MANILA, Philippines - Kinalawit ng four-time defending champion San Beda Red Lions ang ikatlong sunod na panalo habang
tinapos ng Letran Knights ang dalawang sunod na kabiguan sa 90th NCAA men‟s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan
City.

Tinablahan ni Anthony Semerad ang kanyang career-high na 20 puntos habang nakitaan din ng magandang laro sina Baser Amer
at Kyle Pascual bukod pa sa mga reserves para manalo ang tropa ni coach Boyet Fernandez sa Lyceum Pirates, 84-68.

Nangyari ang panalo kahit wala si Arthur dela Cruz at nasa foul-trouble si Ola Adeogun.

Suspindido sa laro si Dela Cruz nang iakyat ang naunang itinawag na flagrant foul kay Mapua Cardinal Jeson Cantos tungo sa
disqualifying foul dahil sinuntok ito ng 6‟4 Lions forward sa kanilang huling tagisan.

Hindi naman natapos ni Adeogun ang laro dahil sa fouls pero nakahablot pa siya ng 12 rebounds at may siyam na puntos.

Sina Amer at Pascual may 12 at 10 puntos habang ang bench ay naghatid ng 26 puntos para hindi maulit ang pagkatalong nalasap
ng Lions sa Pirates sa first round noong nakaraang taon.

Ibinagsak ni Mark Cruz ang 17 sa kanyang 23 puntos sa first half para makapagdomina agad ang Knights tungo sa 79-67 panalo sa
Cardinals.

Si Kevin Racal ang nanguna sa Letran sa kanyang 24 puntos.(ATan/MMendoza--trainee)


San Beda 84--A. Semerad 20, Amer 12, Pascual 10, Mendoza 9, Adeogun 9, Tongco 8, Koga 7, D. Semerad 6, Sara 2, Solera 1.

Lyceum 68--Zamora 14, Ko 13, Mbbida 12, Bulawan 10, Gabayni 8, Maconocido 5, Lesmoras 2, Taladua 2.

Quarterscores: 14-18; 31-27; 53-43; 84-68.

Letran 79--Racal 24, Cruz 23, Nambatac 11, Ruaya 8, Publico 4, Castro 2, Saldua 2, Quinto 2, Gabawan 2.

Mapua 67--Saitanan 17, Cantos 12, Eriobu 9, Canaynay 8, Estrella 4, Isit 2, Serrano 2, Gabo 2.

Quarters: 16-15; 42-32; 64-52; 79-67.

Uichico sa Texters, Black sa Bolts


(Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Aakto si Jong Uichico bilang head coach ng Talk N‟ Text, habang lilipat naman si Norman Black sa Meralco
at magiging assistant si Jojo Lastimosa ni coach Boyet Fernandez sa NLEX.

Ito ang mga bagay na gagawin ng MVP Group bosses matapos ang nakadidismayang kampanya ng Talk N‟ Text Tropang Texters
at ng Meralco Bolts sa 39th PBA season.

Tinapos ang season nang walang naipanalong korona matapos ang apat na taon, nagdesisyon ang MVP Group na galawin ang
kanilang mga koponan.

Hanggang kahapon ay wala pang pormal na direktiba para lumipat si Uichico bilang head coach ng Talk N‟ Text at ang pagpunta ni
Black sa Meralco.

Gagawin naman si Ryan Gregorio, ang bench chieftain ng Meralco sapul nang bilhin ang Sta. Lucia franchise noong 2010, bilang
alternate representative sa PBA board.

Siya rin ay assistant vice president at head ng Meralco Sports and Youth Advocacy matapos lumipat mula sa Purefoods.

Magpupulong ngayon ang mga MVP Group bosses para sa pagbuo ng coaching staff nina Uichico at Black.

Inaasahang mananatili si Ronnie Magsanoc sa Meralco, habang nakabitin naman ang mga trabaho nina Talk N‟ Text assistant
coaches Sandy Arespacochaga at Gene Afable.

Si Fernandez ang top choice para igiya ang NLEX.

Tatalakayin din ang gagawin sa pagbuo ng koponan ng NLEX habang minamandohan ni Fernandez ang San Beda bench sa
NCAA. Makakasama ni Fernandez sa NLEX sa PBA mula sa D-League sina deputies Adonis Tierra at Raymond Celis at Lastimosa.

SHOWBIZ
Marian rumampa bilang 2014 FHM Sexiest Woman
(Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 10:48am
Nakakuha si Marian Rivera ng 1,529,974 na boto upang kilalanin bilang FHM Sexiest Woman in the World ngayong 2014. YAS
SALANGA
MANILA, Philippines – Hindi binigo ni Kapuso primetime queen Marian Rivera ang mga nag-abang sa kanyang pagrampa kagabi
bilang pinaka-sexy na babae sa mundo ng men's magazine na FHM Philippines.

Ito ang ikatlong beses na makuha ni Marian ang titulo, kung saan siya pa lamang ang nakakagawa nito sa kasaysayan ng naturang
magazine.

Pinangunahan ng Kapuso actress ang 100 kababaihan na rumampa kagabi sa World Trade Center sa Pasay City.

Unang nakuha ni Marian ang pagkilala noong 2008 at 2013 bago muling hiranging ngayong taon matapos umani ng 1,529,974 na
boto.

Pasok naman sa top 10 sina: Sam Pinto, Angel Locsin, Jennylyn Mercado, Cristine Reyes, Solenn Heussaff, Alice Dixson, Ellen

Adarna, Anne Curtis, at Jinri Park.


Mga kuha ni YAS SALANGA/PHILSTAR.COM

Ayon sa graphologist Zsa Zsa at karelasyon na


architect hindi raw compatible!
Ni Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Excited ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa ikatlong quarter ng 2014 dahil sa mga proyekto niya tulad
ng ikatlong season ng reality-based talent search para sa mga bata, ang Promil Pre-School i-Shine Talent Camp, na ipinapalabas
tuwing Sabado ng umaga pagkatapos ng Spongebob Square Pants sa ABS-CBN.

Sina Dimples Romana, Matteo Guidicelli, at Xian Lim ang mga hosts ng i-Shine Talent Camp Year 3.

Napili si Zsa Zsa bilang isa sa mga mentors ngayong taong ito kasama sina Georcelle Dapat-Sy at Angel Locsin. Bilang isang
beteranang mang-aawit, recording artist, at concert performer na 30 years na sa industriya, gagabayan ni Zsa Zsa ang top 12 i-
Shiners sa pagde-develop ng kanilang aptitude sa larangan ng musika.

Naghahanda rin si Zsa Zsa sa huling dalawang linggo ng pinag-uusapan na primetime teleserye, ang Mars Ravelo‟s Dyesebel. Sa
seryeng ito, ginagampanan ni Zsa Zsa ang role ni Ena Montilla, na isa sa mga kontrabida na nagpapahirap kay Dyesebel.

Tuwing Linggo naman ng tangahli, regular na napapanood si Zsa Zsa bilang isa sa mga main host ng flagship noontime musical
variety show ng ABS-CBN na ASAP.
Sa pelikula naman, katatapos lang ni Zsa Zsa na mag-shooting para sa title role na M. (Mother‟s Maiden Name) under Quantum
Films. Sa panulat at direksyon ni Zig Dulay, ang M. (Mother‟s Maiden Name) ay tungkol kay Madame Bella (Zsa Zsa), isang single
working mother na may cancer.

Ihahandog ng pelikulang ito ng insightful commentary sa malaking pagkakaiba ng mga medical treatments na meron dito sa bansa
para sa mga mayayaman at mga dukha. Lalahok sa isang international film festival ang M. (Mother‟s Maiden Name) at
magkakaroon ito ng mainstream theatrical release bago matapos ang taon.

Ito ang magsisilbing big comeback ni Zsa Zsa sa Pinoy indie film circuit mula noong ginawa niya ang Sigwa na dinirehe ni Joel
Lamangan noong 2011. Ang standout performance ni Zsa Zsa bilang si Cita na isang NPA leader sa naturang indie ang siyang
dahilan kung bakit siya pinarangalan bilang Best Supporting Actress ng 8th Golden Screen Awards For Movies ng Entertainment
Press Society.

Ang kanyang ikalawang full-length solo studio album naman under Polyeast Records na pinamagatang Noon, Ngayon, Bukas,
Kailanman…Palagi ay mabibili pa rin sa record bars. Ang album na ito, na pinarangalan kamakailan ng Gold Record award para sa
outstanding sales, ay mayroong 10 tracks na kinabibilangan ng carrier single nito na Palagi, ang follow-up single nito, ang Without
You, Maging Sino Ka Man – na isang duet kasama si Martin Nievera, at ang All Cried Out na isang orihinal na komposisiyon ni Zsa
Zsa.

“Sobrang blessed at humbled ang aking pakiramdam dahil bahagi ako ng magagandang mga proyekto,” ayon kay Zsa Zsa.
“Masarap maging abala sa trabaho at lubos akong nagpapasalamat sa patuloy na tiwala sa akin ng ABS-CBN at Polyeast Records
bilang isang artist. Memorable din ang experience ko sa Quantum Films. Ngayong 30 taon na ako sa industriya, tunay kong
masasabi na madami pa akong gustong ma-accomplish sa aking craft. Excited po ako kung ano ang naghihintay para sa akin sa
future.”

At kung maganda ang takbo ng career ni Zsa Zsa, makulay din ang lovelife niya dahil sa boyfriend na si Conrad Onglao.

Kaya lang, balitang hindi nag-match ang analysis ng kanilang hand writing nang tingnan ito ng isang graphologist.

Oh oh. Negative sign ba „yun na seseryosohin ni Zsa Zsa o dededmahin na lang bilang maligaya naman ang relasyon nila ng sikat
na arketikto.

Acting ni Jackie Rice napuri ni Direk Joel

Walang duda na mapangahas ang role na ginagampanan ng GMA Artist Center star na si Jackie Rice sa pelikulang Kamkam
(Greed) na nagsimula nang ipalabas sa mga sinehan kahapon. Kakaiba ito sa mga nakasanayang role ng StarStruck Ultimate
Female Survivor. Sa kabila nito, maraming bagay daw ang nagtulak kay Jackie na maging bahagi ng naturang pelikula.

“Sa galing ng direktor, ganda ng istorya, at sa husay ng cast, parang wala akong karapatang tanggihan ang project na „to,” Jackie
muses.

Ipinapakita sa Kamkam ang epekto ng korupsyon sa mga taong lugmok na sa kahirapan. Pangatlong asawa ng isang siga-sigaang
sanggano ang role ni Jackie sa pelikula.

Isa rin daw sa mga dahilan kung bakit tinanggap ni Jackie ang break na ito ay dahil sa premyadong direktor na si Direk Joel
Lamangan. Matagal na raw pangarap ni Jackie gumawa ng isang proyekto sa patnubay ni Direk Joel.

“Masaya ako at natupad na ang pangarap ko. Ang dami kong natutunan kay Direk Joel. Maraming nakapansin na iba ang atake o
approach ko rito,” saad ni Jackie.

Isa na siguro sa mga maipagmamalaki ni Jackie ang pagbigay-puri sa kanya ni Direk Joel. Nagbunga ang lahat ng pagod ng aktres
nang ituring siyang “new discovery” ng batikang direktor.
Katrina ayaw nang i-protesta ang pagiging doktor uli ng
ex
TAKE IT TAKE IT Ni Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

Nag-move on na si Katrina Halili kaya ayaw na niya na magsalita tungkol sa reinstatement ni Hayden Kho, Jr. bilang doktor.

Ipinauubaya ni Katrina ang pagsasalita sa kanyang abogado dahil ito ang unang pumalag sa desisyon ng Professional Regulation
Commission.

Republic Act 9262 or Violence Against Women and Children ang kaso na isinampa noon ni Katrina laban kay Hayden dahil sa
pagkalat ng kanilang sex video. Na-dismiss ang kaso pero binawi ng PRC ang medical license ni Hayden.

Binawi ng PRC ang lisensya ni Hayden noong 2011 pero hindi naman siya naging jobless. Nagtayo ng perfume business si Hayden
at naging Christian.

Makalipas ang tatlong taon, back to normal ang buhay ni Hayden dahil ibinalik ng PRC ang kanyang medical license pero hindi ito
matanggap ng lawyer ni Katrina.

Abangan natin ang mga susunod na kabanata dahil mukhang magiging malaki ang isyu. Hindi na talaga tinantanan si Hayden ng
mga intriga at kontrobersya.

Pakikipagkaibigan ni Mona Louise sa ‘multo’ patok

Mapapanood ngayong gabi sa My BFF ng GMA 7 ang patuloy na pagbibigay ni Chelsea (Jillian Ward) ng proteksyon kay Rachel
(Mona Louise Rey).

Madalas na nagkakasama sa taping ng My BFF sina Jillian at Mona Louise. Wish ko lang, maging BFF na sila sa tunay na buhay,
lalo na ang kanilang mga nanay.

Anyway, happy ang Kapuso Network management dahil mataas ang ratings ng My BFF. Hit na hit sa young and adult viewers ang
friendship ng isang tao at ng isang multo.

Sa totoo lang, may surprise twist ang kuwento ng My BFF pero hindi ko sasabihin para hindi mabawasan ang interes ng
televiewers.

Rap at Renz sabit sa pagpunta namin ni LT sa Europe

Kasama namin ni Lorna Tolentino sa aming biyahe sa Europe ang kanyang mga anak na sina Rap at Renz.

Kasali kasi sa bucket list ng mag-iina ang bumiyahe sa iba‟t ibang bansa na magkakasama sila.

Kasali si Renz sa cast ng Yagit, ang coming soon teleserye ng GMA 7. Ipinagpaalam na rin ni Renz sa production staff ng Yagit ang
pag-alis niya.

Pinayagan naman si Renz pero pinababalik siya sa July 16 para sa taping ng Yagit na remake ng blockbuster soap opera noon ng
GMA 7.

Natatandaan ko na mahina pa noon ang signal ng GMA 7 pero talagang tinututukan ng manonood ang Yagit na isinalin pa sa
pelikula ng Viva Films.
Maganda sana kung mahanap ng GMA 7 ang mga original star ng Yagit na siguradong may mga asawa‟t mga anak na ngayon.
Sina Jocelyn dela Cruz, Tom Tom at Janet Eliza Giron ang original stars ng Yagit.

Alfred nag-isang buwan sa Spain!

Bumalik na sa bansa si Quezon City District 5 House Representative Alfred Vargas na halos isang buwan nanatili sa Spain.

Dumalo kahapon si Alfred sa presscon ng Cinemalaya Independent Film Festival dahil isa siya sa mga bida ng S6parados.

Bukod sa starring siya sa S6parados, co-producer si Alfred ng kanyang comeback movie. Maganda ang role ni Alfred sa indie
movie na official entry sa 10th Cinemalaya Independent Film Festival. May number 6 ang title ng pelikula dahil tungkol sa
anim na lalaki na hiwalay sa kanilang mga dyowa ang kuwento ng S6parados.

JC maraming pinag-iinteresang babae


SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

Maraming magagandang proyekto si JC De Vera mula nang lumipat siya sa ABS-CBN. Puro trabaho ang pinagtutuunan ng pansin
ng aktor kaya wala pa rin siyang kasintahan hanggang ngayon. “Bigger dreams lang kasi talaga. Ever since I transferred sa
Kapamilya, naka-focus talaga ako sa work. Kasi nag-open sila ng magandang opportunity sa akin. Ayaw kong sayangin „yun kaya
lahat ng projects na binibigay nila, lahat talaga gina-grab ko,” nakangiting pahayag ni JC.

Unti-unti nang nararating ng aktor ang kanyang mga pinapangarap lamang noon. “I think malapit na ako sa dream na gusto ko
maabot. Gusto ko makatulong sa family so nandiyan „yung pagbili ng house, paggawa mo ng business, pag-invest sa
magagandang bagay. Malapit na, slowly, paunti-unti, nakakapag-invest na rin ako sa mga bagay. More on real estate, tapos malapit
na rin kami mag-launch ng isang bar-restaurant with my friends,” pagbabahagi ni JC.

Samantala, hindi raw nagmamadali ang binata na makahanap ng kasintahan at naniniwala siyang darating din ito sa tamang
panahon. “Hopefully someday makakita ako ng time. Hindi naman ako nagsasara ng doors sa thought na „yun. Pero sa ngayon
talaga, hindi mo maiiwasan, talagang all work. Anytime naman I‟m ready. Hindi ko lang talaga pinu-push na magmadali ako. Malay
natin, three or five years from now, pwede ka na mag-settle down if enough na „yung naipon mo,” giit ni JC.

Marami ring hinahangaang mga Kapamilya actress ang binata. “Marami akong nakikita, interesadong makilala. Mga nagiging crush
dahil alam mong maganda talaga sila. Pero siyempre hindi mo makikilala sila hanggang hindi mo nakakausap talaga. Wala naman
akong chance so hindi lahat sila nakakausap ko.”

Janella tinutulungan ang ina ni Marlo na may cancer

Malapit sa isa‟t isa ang magkatambal sa teleseryeng Be Careful With My Heart na sina Janella Salvador at Marlo Mortel. Para kay
Janella ay isa si Marlo sa mga lalaking espesyal sa kanya. “Okay naman at kung paano kami sa camera, in person gano‟n din
kami,” bungad ni Janella.

Kamakailan ay napabalitang may cancer ang ina ni Marlo kaya ikinalungkot daw ito ni Janella at ng iba pang mga kasamahan sa
nasabing proyekto. “Actually I knew that medyo matagal na, sinabi niya sa amin. Ako na-sad ako, binigyan namin siya ng book na
Diet Cure for his mom. Talagang we‟re helping him and his mom, kino-comfort namin siya always,” kwento ni Janella.

Hindi raw masasabi ng dalaga kung mayroong tsansa na maging kasintahan siya ng aktor lalo pa‟t istrikto ang inang si Jenine
Desiderio pagdating sa pakikipagrelasyon. “Pwede naman akong makipag-friends sa boys. Siguro as a mom lang, she‟s just
protecting me na kung anong pwedeng mangyari. Gina-guide niya ako because she‟s been there, nag-showbiz din siya,” paliwanag
ng aktres. Reports from James C. Cantos
Elevator girl kinaiinisan na sa PBB, Alex Gonzaga malapit
nang pagsawaan
Ni SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

SEEN : Ang mga paratang na mali ang desisyon ng Professional Regulation Commission (PRC) na ibalik ang medical license ni Dr.
Hayden Kho, Jr. at ang plano ng ibang mga doktor na nasangkot sa sex scandal na i-apela sa PRC ang kanilang mga kaso upang
makapanggamot uli sila.

SCENE : Hindi sana lumaki ang isyu kung minabuti ni Hayden Kho, Jr. na manahimik muna. There is peace and happiness in
silence.

SEEN : Nakansela kahapon ang pre-trial hearing ni Senator Bong Revilla, Jr. sa Sandiganbayan dahil hiniling ng defense at
prosecution na bigyan sila ng sapat na oras para makumpleto ang mga dokumento.

SCENE: “I am okay, A-okay” ang sagot ni Senator Bong Revilla, Jr. sa media na nangumusta sa kanya.

Napansin ng media ang pagtaba ni Senator Bong.

SEEN : Unti-unting kinaiinisan ng viewers at PBB All In ang pagiging maepal ng elevator girl na si Cheridel Alejandrino.

SCENE : Ang harassed at parang nalalanta na itsura ni Ellen Adarna sa mga eksena niya sa Moon of Desire ng ABS-CBN.

SEEN : Malapit nang maging biktima ng over exposure si Alex Gonzaga dahil sa sabay-sabay na TV shows niya.

Alessandra galit kay Heart, relasyon nila ni Sid ibinuko


PIK PAK BOOM Ni Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

PIK: Ini-reveal ni Paolo Contis sa Sarap Diva sa Sabado ng umaga kung paano niya nagagampanan ang kanyang responsibilidad
bilang ama sa dalawang anak nila ni Lian Paz na sina Xonia at Xalene.

Medyo okay naman sila ngayon ni Lian, pero hindi nga raw niya madalas na nakikita ang kanyang mga anak.

Masaya ang tsikahan nila ni Regine Veleasquez sa Sarap Diva kasama si Pekto na naghanda ng kakaibang ulam na sinira ni Inday
Teri.

PAK: Totoo kayang nagtampo si Alessandra de Rossi kay Heart Evangelista dahil sa ibinuking ng huli na sila na ni Sid Lucero?

Binanggit kasi ni Heart sa Startalk nung nakaraang Sabado na dapat umamin na rin daw sina Sid at Alex.

Kaya nung gusto naming interbyuhin si Alessandra tungkol dito, tumanggi ito. Si Heart na lang daw ang magsalita, tutal siya naman
daw ang nag-reveal nito sa Startalk. “Siya na ang mag-tell all. Ayoko na talaga magsalita,” pakli ni Alessandra.

Pero pagdating sa programa niyang Basta Everyday Happy, obvious na si Heart ang pinaparinggan sa sinabi niyang kapag kaibigan
at ipinagkatiwala ang isang sikreto, dapat na tuparin mo „yun at huwag nang idaldal.

Pero tumanggi ito. sabi niya, ang tinutukoy daw niya ay kuwento ng Ang Dalawang Mrs. Real.
BOOM: Magsusumite ng Motion for Reconsideration ang abogado ni Katrina Halili tungkol sa mabilis daw na desisyon sa pagbalik
ng medical license ni Dr. Hayden Kho.

Nagtataka lang daw kasi sila dahil dapat ay dalawang taon daw ang waiting period pagkatapos itong isinumite sa Court of Appeals.

Bukod pa diyan, wala raw fact-finding investigation, bakit may desisyon na agad.

Sa susunod na linggo ay darating si Dr. Hayden kasama si Dra. Vicki Belo mula sa London na kung saan nag-aral si Hayden ng
Thelogy na may kaugnayan sa pagiging Christian nito.

DR. LOVE
Malapit nang lumaya
(Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Warm greetings. Isa po ako sa napakarami ninyong fans na tagasubaybay ng malaganap ninyong column.

Ako po si Richard Limpot, 33-years old at kasalukuyang isang inmate sa Camp Sampaguita. Lumaki po ako sa pag-aaruga ng aking
lolo at lola. Isang marine engineer ang lolo ko habang ang lola ko naman ay nasa registrar ng isang sikat na unibersidad sa lugar
namin sa Visayas.

Pero napatid ang maganda na sanang takbo ng buhay ko nang masawi sa road accident sina lolo at lola; ang matagal na nilang
sinasabing iiwanan sa akin ay hindi na nangyari dahil sa hindi inaasahang aksidente. Ang mga tiyuhin ko sa magkabilang panig ang
nagparte-parte sa lahat ng mga ari-ariang naiwan.

Isang kapatid ni lola ang kumuha sa akin pero hindi ko po natagalan ang hindi magandang trato nila sa akin. Nakituloy po ako sa
isang ninang. Natuwa siya sa kasipagan ko at ginawa akong boy. Akala ko po ay nakatagpo na ako ng mapipirmihan pero nang
mamatay si ninang, hindi ko na naman alam kung saan ako pupunta.

Sa mga sandali ng kawalan na ito, nakilala ko ang grupo ng mga kabataan na nagturo ng lahat ng gawaing ilegal sa akin hanggang
mahuli kami at bumagsak sa kulungan. Labing isang taon na po ang napagsisilbihan ko sa hatol na labing dalawang taon sa akin.
Dalangin ko po na mapaaga pa ang paglaya ko sa pamamagitan ng parole.

Marami po akong natutunan sa loob, pangunahin na ang magdasal. Nag-aaral rin po ako sa loob at malapit nang makatapos ng
kolehiyo. Alam ko po na hindi magiging madali ang panimula ko sa labas. Gusto ko po sana na tulungan ninyo akong makahanap
ng inspirasyon para sa aking tuluyang pagbabagong-buhay.

Gumagalang,

Richard Limpot

Student Dorm4-D

YRC,MSC Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Richard,
Salamat sa pagtitiwala mo sa ating column. Nakakatuwang malaman sa pagkalugmok mo ay naroon ang kagustuhan mong
bumangon at muling bigyang-direksiyon ang iyong buhay. Ipagpatuloy mo lang „yan nang may pagtitiwala sa ating Panginoon at
natitiyak ko na maging ang hangad mong inspirasyon sa buhay ay ipagkakaloob Niya sa iyo.

DR. LOVE

TRUE CONFESSIONS
Sinsilyo (35)
Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

“MAGPAPAGAWA ako ng ibang daan ng matatanda. Para hindi na sila dadaan sa salas. Gaya niyan, maputik ang paa e itinapak
pa sa makintab na tiles. Paano kung ebak ang nayapakan e di ambaho rito sa loob!‟‟ sabi ni Tito Mau na nakatingin sa mga bakas
ng paa na pinupunasan ni Gaude.

“Ikaw po ang magpasya.‟‟

“Puwede namang magpagawa sa gilid. Yung kasyahan lang ang isang tao. Pagpasok nila sa gate hindi na sa main door papasok
kundi sa maliit na gate na ipagagawa. Wala namang wawasakin. Magpapagawa na lamang ako ng maliit na grills para sa gate.
Okey yun di ba? Pabor sa‟yo dahil hindi na sila papasok dito. Ang lilinisin mo lang ay ang kusina dahil doon sila pumapasok kapag
kukuha ng pagkain. Okey siguro ang naisip ko ano, Gaude?”

“Opo. Okey po Tito Mau.‟‟

“Kasi‟y tingnan mo ang nangyari sa sahig, ang kintab e biglang tinapakan ng paang putikan. Saan kaya nanggaling ang matandang
tumapak?‟‟

“Baka po may natapakang malambot na lupa sa labas.‟‟

“Baka nga. Yung bumabagsak sa mga trak ng basura.‟‟

“Oo nga po.‟‟

“Palagay ko si Tatang Kandoy ang may gawa niyan. Parang ka-size ng paa niya ang bakas.‟‟

Hindi nagsalita si Gaude.

“Sige tapusin mo na ang paglilinis. Bukas, hahanap ako ng gagawa sa maliit na dadaanan sa gilid. Kailangan pala sementuhan ang
dadaanan dahil magpuputik kapag umulan.‟‟

“Opo tatapusin ko na po.‟‟

Tinapos ni Gaude ang paglilinis.

Pagkatapos ay tinuloy ang ginagawang pagluluto ng almusal. Nagsasangag siya ng kanin at naggisa ng sardinas.

Maya-maya pa nagdatingan na ang matatanda bitbit ang kanilang mga pinggan.


Nilagyan niya bawat isa. Si Lolo Kandoy na naman ang pinaka-huli. Pero bago niya binigyan ng sinangag at sardinas ay tinanong
niya ito.

“Lolo, ikaw ba ang dumaan sa salas kanina na maputik ang paa?”

“Hindi ako!” sagot nang nagulat na matanda.

(Itutuloy)

KUTOB
Hulyo 10, 2014
Ni Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 - 12:00am

Pagtitibay: Ang pagkilala sa Dios na lumikha ng lahat ng bagay sa mundo ang panimula ng pagkakaroon ng karunungang
hinahangad mo.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Dahil sa pagkabagot sa gawain, isang libangan ang malamang pagtutuunan ng iyong atensiyon.
May pagkakataong aliwin ang sarili. Magiging matumal ang negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 20, 35, at blue
violet.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Ito ang tamang panahon para maipakita ang pagtanaw ng utang na loob sa mga taong naging
katuwang noong nagsisimula ka pa lamang. Dalawin o kumustahin ang isang kamag-anak o kaibigan na may sakit. Mag-ingat sa
mga lugar na pupuntahan o dadaanan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 14, 25, 31 at light blue.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Planuhin ang mga gagawin para matamo kung ano ang inaasahang mangyari. Ang sunud-
sunod na problemang dumarating ay mga pagsubok lang. Ikaw lamang ang maaaring pumili ng landas na patutunguhan at hindi
dapat magpaimpluwensiya sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 15, 22, 30, 38 at sky blue.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Maging handa sa karagdagang responsibilidad na maaaring ibigay ng boss o nakakataas
sa tungkulin. Maaaring isuko mo ang iyong pride dahil sa kagipitan. Pagtibayin ang tiwala sa relasyon. Lucky numbers at color for
the day ay 5, 16, 26, 34 at peach.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Huwag ipagkatiwala ang iyong sikreto sa araw na ito kahit kanino dahil maibubulgar ito
ng hindi inaasahan. Maaaring ang iyong sikreto ay pag-umpisahan ng kaguluhan. Makakabawi sa malaking nagastos. Maglaan ng
oras sa sariling kapakanan. Lucky numbers at color for the day ay 17, 22, 31, 43 at apple green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Makipagkasundo sa isang matagal nang kagalit. Makakaranas ng katahimikan
at kaluwagan ng kalooban. Tamang panahon para bigyang pansin ang kalusugan. Magpasuri sa espesyalista kung may kakaibang
nararamdaman. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 29, 40 at yellow green.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – May suwerteng darating na hindi sukat akalain. Huwag mag-atubiling magbigay ng
bahagi sa nangangailangan sa biyayang natatanggap para lalong maging masagana ang grasyang darating. Mag-ingat sa mga
taong mapagsamantala. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 26, 33 at pearl white.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Ang labis na kasipagan ngayon ay nagdudulot ng kasaganahan sa hinaharap. Huwag isubo
ang katawan sa trabahong hindi para sa iyo dahil wala kang mapapala. Makakagawa ka ng bagay na hindi makakalimutan ng
kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 20, 38, 42 at midnight blue.
PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Malalampasan ang mga balakid na masasagupa. Magiging kapuna-puna ang panglabas na
anyo dahil sa pagbabago ng estilo ng pananamit o estilo ng buhok. Ngayon mailalabas ang talentong tinatago. Magiging normal ang
takbo ng mga gawain. Magiging maligaya ang romansa. Lucky numbers at color 7, 12, 21, 35 at beige

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Maaaring sa kauna-unahang pagkakataon, hihingi ka ng tulong sa isang kaibigan o kamag-anak.
May magsisikap na matulungan ka sa abot ng kanyang makakaya. Maaasahan ang mga kaibigan o kamag-anak kung hihilingin ang
tulong. Magandang balita mula sa malayong lugar ang magdudulot ng kasiyahan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 10, 22,
37 at oak white.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Isang bagong kaibigan ang posibleng lalapit at hihingi ng iyong tulong. Mag-ingat at baka ikaw ay
maging biktima ng mapagkunwari at mapagsamantala. Huwag basta magtiwala kaagad. Maraming dapat unahing harapin at
bigyang prayoridad. Lucky numbers at color for the day ay 11, 24, 36, 43 at magenta.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Sikapin na manatiling mahinahon dahil magiging malapit ka sa mga nakakalitong mga bagay. May
mga panukalang ilalapit na makakabuting pag-aralan muna bago magdesisyon. May titimbangin kang desisyon sa pagitan ng
pamilya at trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 34, 40 at avocado green.

Jaryo Group Online celebrating 5 years on the air


Just Around Reaching You Online

To post your message, send email to jaryo@googlegroups.com


For more information, visit us at
http://jaryogrouponline.blogspot.com
Like us at http://www.facebook.com/jaryogrouponline
Join us at http://www.facebook.com/groups/jaryo
Follow us at http://twitter.com/jaryogroup

You might also like