You are on page 1of 5

6.

3 magnitude quake sa Luzon


Ni Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) | Updated August 12, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Marami ang nataranta at naglabasan sa mga tahanan at gusali dahil sa pagyanig
sa South Luzon na naging dahilan ng kanselasyon ng klase sa ilang paaralan.

Ito ay kasunod ng isang lindol na tinatayang nasa 6.3 magnitude na naramdaman sa ilang parte ng
Luzon  ala- 1:28 ng hapon kahapon.

Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, gumalaw ang Manila Trench kaya maraming bahagi ng Metro
Manila ang nakaramdam nito.

Sa initial report, 6.3 magnitude ang naitala sa monitoring center ng Phivolcs.

Natukoy ang epicenter sa layong 16 kilometro sa Nasugbu, Batangas. Naramdaman ang lindol sa mga
sumusunod na lugar:

Intensity IV – Calapan, Mindoro; Subic, Zambales; Rosario, Cavite; Manila City; Sablayan, Occidental
Mindoro; intensity III – Pateros City; Quezon City; Makati City; Malolos, Bulacan; ,Cainta, Rizal; Calamba,
Laguna; intensity II – Magalang, Pampanga; Tanauan City, Batangas;  intensity I – Talisay, Batangas.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:


Naramdaman din ang intensity III sa Calumpit, San Ildefonso, Bulacan; Tagaytay City at Intensity II sa
Lucban, Quezon.

Ilan naman sa nagsuspinde ng klase ang Taguig City (All Levels), Olongapo City (All Levels), Lyceum of
the Philippines, University Batangas, Philippine Women’s University, Far Eastern University – Manila,
Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Far Eastern University – Makati, Manila Tytana Colleges, De La
Salle University – Manila, De La Salle University – BGC, De La Salle University – Laguna, De La Salle
University – Makati, De La Salle University – Dasmariñas.Habang sinusulat ang balitang ito. Wala
namang iniulat na nasawi o nasaktan sa naganap na lindol. Ilang tanggapan din ang  nag-pauwi na rin ng
kanilang empleyado.

Debris ng missile ng North Korea


puwedeng makarating sa Pilipinas
Ni Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) | Updated August 12, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Pinaghahandaan na ng civil defense ng Armed Forces of the Philippines ang
posibilidad na umabot sa Pilipinas ang mga debris ng missile ng North Korea na balak nilang ilunsad
patungong Guam.

Ito ang sinabi kahapon ni Brig. Gen. Restituto Padilla, Jr., spokesperson ng Armed Forces of the
Philippines sa isang briefing kahapon sa Malacañang.

Ayon kay Padilla, kung magdi-disintegrates sa kalawakan ang nasabing missile ay may potensiyal na
makarating sa northern coastal areas ng Pilipinas ang mga debris nito.
“”If ever it disintegrates in the atmosphere. Potentially, it would have shattered debris that may scatter
around in the area or its trajectory.  So it could hit some northern coastal areas. We have to forewarn our
citizens to be on the lookout. But that’s something that we see as remote,” sabi ni Padilla.

Mas mabuti pa rin aniyang maging handa ang lahat sa mga nasabing pagkakataon.

“So whatever fallout it may have, maybe because of debris, if it disintegrates up there. So these are
things that are still in our preparations kasi ang civil defense side naman natin, handa naman pong… May
preparasyon naman po sila sa mga ganitong pagkakataon,” ani Padilla.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:


Inamin rin ni Padilla na sa ngayon ay walang anti-missile systems ang bansa para magpabagsak ng
missles o kaya naman ay makontra ang nasabing banta.

“And we don’t have anti-missile systems to put it down or to guard our country against such kinds of
threat,” sabi ni Padilla.

Ang maaari na lamang aniyang gawin ng Pilipinas ay mag monitor at maging handa sa anumang maaring
epekto ng insidente.

JV abswelto sa firearms deal case


 (Pilipino Star Ngayon) | Updated August 11, 2017 - 4:52pm

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Sandiganbayan ang kaso laban kay Sen. Joseph Victor "JV” Ejercito
kaugnay ng pagbili ng matataas na kalibre ng armas na nagkakahalaga ng P2.1 milyon noong alkalde pa
siya ng San Juan City.

Pinanigan ng Sixth Division ng anti-graft court ang demurrer to evidence na inihain ni Ejercito at ng 14
pang akusado upang mabasura ng technical malversation case na isinampa ng Office of the Ombudsman
nitong nakaraang taon.

Iginiit ng mga akusado na walang kakayanan ang mga testigo at mga documentary evidence na
patunayan na ginamit ang calamity fund ng lungsod sa pagbili ng mga armas.

“In conclusion, let it be stressed that this verdict of acquittal is based on the failure of the prosecution to
present proof beyond reasonable doubt that the accused indeed used the 2008 Calamity Fund of San
Juan City in the procurement and payment of the subject firearms,” nakasaad sa desisyon na isinulat ni
Associate Justice Rodolfo Ponferrada.

“It must be remembered that in criminal cases, the burden of proof is on the prosecution and unless it
discharge that burden, the herein accused need not even offer evidence in their behalf and they would be
entitled to an acquittal,” dagdag nito.

Bukod kay Ejercito, abswelto rin sina dating vice mayors Leonardo Celles at Francisco Zamora, dating
mga konsehal na sina Andoni Miguel Carballo, Vincent Rainer Pacheco, Angelino Mendoza, Dante
Santiago, Rolando Bernardo, Grace Pardines, Domingo Sese, Edgardo Soriano, Joseph Christopher
Torralba, Ramon Nakpil, Francis Keith Peralta at Jannah Ejercito-Surla.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:


Una nang ibinasura ng Fifth Division ng korte ang graft case na isinampa rin sa kanila na isinampa ng
Ombudsman noong 2016 dahil sa pagbili ng 20 sub-machine guns sa HK Tactical Defense System Inc.
Honasan nagpiyansa sa kasong graft
 (Pilipino Star Ngayon) | Updated August 11, 2017 - 12:56pm

MANILA, Philippines – Pansamantalang nakalaya si Sen. Gringo Honasan matapos magpiyansa ngayong
Biyernes sa Laguna.

Nagbayad ng P60,000 si Honasan para sa dalawang counts ng graft kaugnay ng umano’y


maanomalayang paggamit niya ng kaniyang priority development assistance fund noong 2012.

Bird flu outbreak sa Pampanga


 (Pilipino Star Ngayon) | Updated August 11, 2017 - 12:43pm

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) ang avian influenza virus (bird flu)
outbreak sa San Luis, Pampanga kung saan halos 40,000 poultry heads na ang namamatay.

Sinabi ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na mayroong highly pathogenic avian influenza (HPAI)
subtype H5 sa bayan ng San Luis.

"There were said to be indications as early as May but the commercial poultry operators did not report it
immediately. Then the situation worsened around July," wika ni Piñol.

Wala pa namang naiuulat na poultry to human contamination ngunit iniutos na ng DA ang pagpatay sa
nasa 400,000 captive birds na nagkakahalaga ng P25 milyon hanggang P28 milyon upang maiwasan ang
pagkalat ng sakit.

"I immediately ordered the deployment of quarantine officers within the one-kilometer radius. We will kill
all poultry as there are a lot of those being used for cockfights," dagdag ng kalihim.

"I don’t care if we have to kill a million including those free range and stray fowls. What is that compared
to the whole poultry industry? We have to do it because we don’t want the disease to spread," patuloy ni
Piñol.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:


Inaalam pa naman ng kagawaran kung saan nanggaling ang virus na unang kumalat sa Asya noong
2003.

"We have two possible sources. First is the migratory birds and second is the ongoing smuggling of
Peking duck from China, possibly coursed through the Subic area," paliwanag ni Piñol.

"The good thing about the situation is that we are an archipelagic country. If there’s an outbreak in Luzon,
we can still prevent it from spreading in the Visayas and Mindanao," dagdag niya.

Election officer sa CamNorte missing


Ni Francis Elevado (Pilipino Star Ngayon) | Updated August 12, 2017 - 12:00am

CAMARINES NORTE , Philippines  -  Isang 57-anyos na election officer sa bayan ng


Sta. Elena ng lalawigan ang patuloy na pinaghahanap matapos na iulat ng kanyang
kaanak na 11 araw nang nawawala. Ayon sa tagapagsalita ng Commission On Election sa
lalawigan ng Camarines Norte kahapon na si Atty. Francis Nieves, Election Officer lll sa
bayan ng Daet, ang pinaghahanap na opisyal ay si Oda A. Asis, may asawa ng Salcedo
St.,Barangay 8,  bayan ng Daet, Camarines Norte. Nabatid na simula pa noong Agosto 1,
2017 , huling nakita si Asis sa isang terminal sa bayan ng Sta Elena upang maghatid ng
monthly report sa Comelec Provincial Office sa bayan ng Daet. Simula noon ay hindi na
nakita ang nasabing Comelec official  at hindi malaman kung saan naroroon. Maging ang
mga awtoridad ay tumulong  sa paghahanap sa biktima. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:


Cebu city hall binulabog ng bomb threat
 (Pilipino Star Ngayon) | Updated August 10, 2017 - 6:46pm

MANILA, Philippines — Pansamantalang naantala ang trabaho sa Cebu city hall matapos makatanggap
ng bomb threats ngayon Huwebes ng umaga.

Ilang mga opisyal ng lungod at kanilang tauhan ang nakatanggap ng mga text message na may sasabog
na bomba sa city hall, La Nueva Supermart at Basilica Minore Del Santo Niño ganap na 11:30 ng umaga.

Honasan pinaaaresto ng Sandiganbayan


sa ‘pork scam’
 (Pilipino Star Ngayon) | Updated August 10, 2017 - 3:18pm

MANILA, Philippines – Naglabas ng arrest warrants ang Sandiganbayan laban kay Sen. Gregorio
“Gringo” Honasan II at siyam na iba pa para sa kasong graft kaugnay ng “pork barrel” scam noong 2012.

Nakakita ng probable cause ang 2nd Division ng anti-graft court sa pamumuno ni Associate Justice Oscar
Herrera Jr. para arestuhin si Honasan.

PANOORIN: Problema sa droga ‘di kaya


sa isang termino ng pangulo
 (Pilipino Star Ngayon) | Updated August 10, 2017 - 2:27pm

MANILA, Philippines – Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na masyadong malala ang problema ng
Pilipinas sa ilegal na droga.

Sinabi ni Duterte kahapon na hindi ito kayang malutas sa anim na taong termino ng isang pangulo.

Balasahan sa FDA directors dapat aprub


sa DOH-Aguirre
Ni Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) | Updated August 12, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Tanging ang kalihim lamang ng Department of Health (DOH) ang may
kapangyarihan na mag-reshuffle, maglipat, magtalaga at mag-reassign ng mga directors at assistant
directors ng center at field offices ng Food and Drug Administration (FDA).

Ito ang sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre bilang reaction sa request ng FDA Director General at
Usec. Nela Charade G. Puno hinggil dito.

Sinabi ni Aguirre na ang Health secretary ang may kapangyarihan na magsagawa ng naturang hakbang
sa mga opisyales na unang naitalaga ng DOJ secretary alinsunod sa RA No. 9711 o “Food and Drug
Administration Act of 2009”, na nagsasabi na ang FDA ang bubusisi sa staffing pattern at position titles sa
ahensiya pero kailangang aprubado ito ng Secretary of Health.

“Since under the law the authority to appoint directors and assistant directors of center and field offices is
lodged with the Secretary of Health, it then follows that the (DOH chief) likewise possesses the authority
to reshuffle, transfer, detail, or re-assign the directors and assistant directors that he appointed to other
center and field
offices of the FDA.” saad ni Aguirre.
Niliwanag din nito na walang kapangyarihan ang Director-General ng FDA na magsagawa ng naturang
hakbang.

You might also like