You are on page 1of 2

Apatnaput-walong benepisyaryo mula sa ibat-ibang bayan dito sa lalawigan ng Davao Oriental ng ang

nakatanggap ng cash assistance mula sa Livelihood Reintegration Program ng Provincial Government


kahapon.

Ang lahat ng mga benepisyaryo ay binubuo ng mga residente mula sa mga bayan ng Boston, Cateel,
Baganga, Manay, Tarragona at dito sa bayan ng Caraga.

Lahat ng apatnaput-walong benepisyaryo na kinabibilangan ng anim na Overseas Filipino Workers


(OFW) ay nakatanggap ng tig-10 thousand pesos.

Kaagapay ang Public Employment Service Office at pamunuan ng naturang opisina, naging
matagumpay ang nangyaring payout, na inaasahang makakatulong sa pangunahing pangangailangan
at pangkabuhayan ng naturang mga benepisyaryo.

Ang naturang Livelihood Reintegration Program ay sa ilalim ng Nakakaisang Linkod Bayan ng Davao
Oriental o NLD ni Governor Dayanghirang na naglalayong magbigay tulong at serbisyo lalong-lalo ang
mga mahihirap na komunidad habang mas lalong pinaigting ang mga naturang programa, ngayong
panahon ng pandemya.

-0-

Ipinag-utos na mismo ni Philippine


National Police (PNP) Chief Police General
Guillermo Lorenzo T Eleazar sa Police Regional Office 11 na sampahan na
ng kasong administratibo ang dalawang pulis na sangkot sa nangyaring iligal
na sabong sa Mati City dito sa lalawigan ng Davao Oriental.

Una nang pinangalanan ng Mati PNP ang dalawang pulis na sina Police
Corporal Linwell Salvana at Police Staff Sergeant John Declem na kasama sa
mga na-aresto kasunod ng anti-illegal gambling operation na inilunsad ng
kapulisan sa Batman Village sa Mati City, noong nakaraang araw ng Linggo,
September 19, 2021.

Ipinag-utos na rin umano ng hepe sa Regional Director ng PRO XI ang


pagtanggal ng armas mula sa dalawang pulis dahil umano sa malaking
kahihiyan na idinulot ng mga ito sa buong hanay. Sa halip umano na suwayin,
ay nakisali at naging protektor umano ng tupada sa Mati City.

Kasunod nito, direktiba rin ng PNP Chief ang pag-iibestiga hindi lamang sa
dalawa kundi iba pang kasama na nagpoprotekta sa mga iligal na aktibidad
sa naturang syudad.

Nagbabala rin ang hepe sa lahat ng nasa hanay ng PNP na malaking


problema ang kanilang haharapin pag nalaman umano niya na promotor ang
mga ito sa tupada at anumang iligal na mga gawain sa kanilang lugar.

Panawagan ni Eleazar, I-report sa kinauukulan ang lahat ng pulis na may


kinalaman o nasa likod ng mga krimeng nangyayari saanmang bahagi ng
bansa. The three will be facing charges for allegedly violating the Presidential
Decree 449 or the Cockfighting Law of 1974.

-0-
Isang linggo bago magtapos ang implementasyon ng General Community Quarantine Classification
with heightened restrictions sa buong lalawigan, inihayag ng Mati Information Office na kalahati na
ang ibinaba ng kabuoang kaso sa buong syudad ng Mati.

Mula sa 655 noong September 2, nasa 272 na lamang ang kabuoang kaso sa buong syudad, ayon sa
Mati Incident Management team, kahapon.

Ayon sa Mati IMT, lomobo ang mga kaso sa syudad simula noong nakaraang bwan ng Agosto bunsod
umano, ng Delta Variant. Base sa ulat, bagaman patuloy ang pagtala ng panibagong kaso bawat araw,
mas mataas pa rin umano ang bilang ng recoveries.

Sa ngayon, nasa dalawang daan at pitumpot-dalawa na lamang ang kabuoang kaso ng sakit na covid
19 sa Mati City, subalit kahit pa man positibo ang naging resulta ng granular lockdown at quarantine
classification na ipinapatupad hanggangs a kasalukuyan, inihayag ng Mati IATF na hindi sila maaaring
maging kampante.

Kaugnay dito, patuloy ang paghahanap ng Mati Incident Management Team ng karagdagang pasilidad
na maaaring gawing isolation facilities bilang paghahanda, sakaling lomobong muli ang bilang ng kaso
ng parehong sakit.

-0-

Timbog sa pinagsamang operasyon ng PDEA Davao Oriental, Mati City Police Station at Davao Oriental
Police Provincial Office ang isang High Value Target sa Prk Malambuon, Brgy. Sainz, City of Mati,
Davao Oriental kamakailan lamang.

Kinilala ang suspek na si Kier Espanol Ronquillo Alias Nor, 28 years old, single, construction worker, at
residente ng nasabing lugar.

Nakumpiska mula sa suspek ang humigit kumulang dalawang gramo ng pinaghihinalaang shabu na
may estimated street value na Php13,600.00.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Mati PNP ang naturag suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa
Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-0-

You might also like