You are on page 1of 2

State of the Nation Address - SONA 2011 ng Dating Pangulong Benigno

Aquino III
Naratibong Ulat

Naging sentro ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni dating Pangulong Benigno “Noynoy”
Aquino III ang usapin patungkol sa polisiyang kontra wang-wang noong ika - 25 ng Hunyo taong, 2011 na
ginanap sa Session Hall of the House of Representatives, Batasan Pambansa Complex, Quezon City.  Nakiisa
ang mga investors, foreign policy analyst, at defense planner sa mga mamamayang pilipino upang tunghayan
ang kanyang talumpati tungkol sa mga problemang kinaharap ng bansa maging ang mga solusyon sa mga
problemang ito. Kabilang na rin dito ang mga magagandang pagkakataon o oportunidad para sa pamumuhunan
at pinalawak na mga ugnayang pang-ekonomiya. Bago sinimulan ng dating Pangulong Aquino ang pagtalakay
sa mga usaping ito, kanyang nabanggit sina former Senate President Juan Ponce Enrile; Speaker Feliciano
Belmonte Jr.; dating Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph
Ejercito Estrada; Chief Justice Renato Corona at ang mga kagalang-galang na mahistrado ng Korte Suprema;
mga kagalang-galang na kasapi ng diplomatic corps; mga miyembro ng Kamara de Representante at ng Senado;
mga Local Government officials; mga miyembro ng ating Gabinete; mga unipormadong kasapi ng militar at
kapulisan; at ang taumbayan.

Makailang beses na binanggit ni dating Pangulong Aquino ang patungkol sa wang-wang at ang konsepto nito
na mayroong kinalaman sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno o ‘di kaya'y may mga ordinaryong trabaho ngunit
hindi nagbabayad ng tamang buwis. Hindi niya pinalampas ang hindi tamang pagbabayad ng buwis ng 1.7
milyong self-employed at professional tax payers kung saan kanyang nabanggit ang kahahantungan ng hindi
tamang pagwaldas sa kaban ng bayan. Ang bilang ng mga mahihirap na pamilyang hindi makakain nang
maayos na nasa 20.5% noong Marso ay bumaba at naging 15.1 % na lamang noong Hunyo. Kanya ring ibinida
ang pitong beses na pag lagpas sa all-time high ng stock market. Binirada niyang muli ang mga tiwaling
opisyal, mga nagkasala sa bayan, at ang mga gahaman na siyang nagiging ugat ng korapsyon na naging sanhi
upang tugunan ang suliranin at binigyan itong solusyon kung saan ipinagpatuloy ang kampanya kontra-
katiwalian sa pamamagitan ng ‘zero-based budgeting’ kung saan hindi muna bibigyan ng pondo ang mga
proyekto o ahensya hangga't hindi pa nakapagbibigay ang mga ito ng pinal na desisyon. Dahil sa epektibong
rice productivity, kung noong nakaraang taon (2010) ay umabot ng 1.3 milyong toneladang bigas ang inangkat,
noong 2011 ay 660,000 toneladang bigas na lang ang inaangkat. Ang mga kapulisan at mga sundalo naman na
mayroong maliit na sahod ay target na patayuan ng pabahay sa Visayas at Mindanao ng administrasyon.
Ipinahayag din ng dating Pangulong Aquino ang capability upgrade at modernization ng Sandatahang Lakas
upang maprotektahan ang teritoryo ng bansa mula sa tensyon dahil sa agawan ng China, Vietnam at Pilipinas sa
Spratlys at sa West Philippine Sea; maging ang paglayag papunta sa bansa ng bagong binili noon na warship ng
Philippine Navy sa US Navy na BRP Gregorio del Pilar. Naging bunga naman ng epektibong pagsugpo sa
human trafficking ang pagkatanggal ng Pilipinas sa Tier 2 watchlist ng Trafficking in Persons Report ng United
States. Bumaba rin sa 7.2% ang unemployment rate ng bansa na noong Abril 2010 na pumalo sa 8% kung saan
katumbas ng 1.4 milyong trabaho ang nalikha. Ang DOLE, CHED, TESDA at DepEd ay nais na masugpo ang
job mismatch kung saan ayon sa Philjob.net, may 50,000 trabaho ang hindi napunuan. Kanya ring pinuna ang
bulok na sistema sa ARMM kung saan ayon sa COA, 80% ng disbursement sa ARMM ang napunta sa cash
advance ngunit wala itong patutunguhan kung kaya't iminungkahi ang ARMM poll postponement sapagkat ang
habol na lamang ng mga opisyales ay ang magwagi sa susunod na halalan kaysa magbigay serbisyo sa mga
nasasakupan. Isang solusyon naman sa baha na pinag-aralan at kanilang pinaghandaan ay ang gawing kapaki-
pakinabang sa mga pamayanan ang pagbabantay ng puno na kung saan sila ay binigyan ng binhi ng kape at
cacao para itanim at mamunga para sa kabuhayan. Nakakakuha sila ng stipend upang bantayan naman ang mga
punong itinanim laban sa baha habang hinihintay ang ani at maaari ring maging benepisyaryo ng programang
ito ang mga informal settlers na nagkukumpulan sa siyudad. Ibinida rin ni dating Pangulong Aquino ang mga
imbensyong nagawa ng DOST tulad na lamang ng mosquito trap, landslide sensor, at mga kagamitang
nagbibigay-babala kung tumataas ang lebel ng tubig sa mga ilog. Katuwang ang UP sa proyekto, nabanggit rin
ang proposal ng monorail system na makatutulong upang matugunan ang problema sa pangmalawakang
transportasyon. Ikinagulat naman ng mga tagapakinig nang ipahayag niya ang ₱ 1 bilyong gastos para sa kape
ng dating pamunuan ng PAGCOR; kanya rin itong dinaan sa biro at sinabi kung hanapin ang mga ito at
tanungin kung dilat pa ba sila hanggang ngayon. Kanya ring inanunsyo ang pagtalaga kay dating Supreme
Court Associate Justice Conchita Carpio-Morales bilang Ombudsman upang matigil ang katiwalian sa
pamahalaan nang mapanagot at sampahan ng kaso ang mga nagkasala sa mata ng batas.

Sa pagwawakas ng kanyang talumpati ay muli niyang ipaalala ang salitang wang-wang at aniya ay
tinutuldukan na ang wang-wang: sa kalsada, sa gobyerno, sa kalakhang lipunan kung saan ito ay manganganak
ng kumpiyansa na magdadala ng negosyo; ito rin ang sisiguro na ang pondo ng taumbayan ay mapupunta sa
dapat nitong kalagyan: Imprastraktura na tumitiyak sa tuluyang pag-angat ng ekonomiya at pagmumulan ng
trabaho, at serbisyong panlipunan na sisigurong walang mapag-iiwanan. Nagpasalamat siya sa mga pari at
obispo, katulad nina Cardinal Rosales, Archbishop Palma, Vidal, sa Gabinete, at ang PAGASA. Hindi niya
nalimutan na paalalahanan ang mga Pilipino na tapusin ang kultura ng negatibismo at iangat ang kapwa-
Pilipino; maging ang klasikong daan na matuwid na ayon sa kaniya dati ay lubak-lubak, ngayon ay puwede
nang daanan nang maaliwalas. Muli siyang nagpasalamat sa sambayanang Pilipino, ang boss niya.

Melanie V. Acosta
Mag-aaral, TVL – ICT Animation
Caloocan City Business High School - SHS

You might also like