You are on page 1of 21

Political Dynasties at

Graft and Corruption

Reported by: Shunmae V. Canolang, Martin


Reyes,Via Chua, Mikas R. Viscayno and Daisy
Viscayno
Political Dynasty
- Sa ganitong Sistema, ang kapangyarihan o karapatang mamuno ay umiikot
lamang sa iisang pamilya o miyembro nito.

Halimbawa, ang lalawigan ng Batanes ay madaling naikakabit sa pamilya Abad na nanungkulan sa lehislatura
mula pa noong taong 1965. Ang Ilocos Norte naman ay agad naiuugnay sa pamilya Marcos na nagsimulang maging
aktibo sa politico noong 1925. Siyempre pa, ang lalawigan naman ng Tarlac ay kilala bilang poder ng mga Cojuanco-
Aquino.
Sa kanyang hatol sa kaso ni Navarro v. Ermita (GR No. 180050; April 12, 20011) noong taong
2011, pinakahulugan ni Supreme Court Justice Antonio Carpio ang terminong political dynasty bilang:

“….phenomenon that concentrates political power and public resources within the control of a
few families whose members alternately hold effective offices, deftly skirting term limits.”

Kung titingnan ang kasaysayan ng Pilipinas, makikitang ang pasahan at pama ng puwesto sa ating
pamahalaan ay nagsimula pa noon pa. Narito ang ilang mga halimbawa nito:
Ferdinand
Marcos, Sr.

• Ika-10
Pangulo
1965-1986
• Senador
1959-1965
• Kongresista
1949-1959
Dosdado
Macapagal

• Ika-9 na
Pangulo,
1961-1965
• Bise-
president e,
1957-1961
• Kongresista
ng
Pampanga
noong 1948
Joseph
Ejercito
Estrada

• Pangulo
Hunyo
30, 1996
– Enero
20, 2001
• Bise-
Presiden
te,
1992-
1998
• Senador,
1987-
1992
Benigno
Simeon
“Ninoy”
Aquino, Jr.

• Senador,
• 1967-1972
• Gobernado
r ng
Tarlac,
1961-1967
• Bise-
Gobernado
r ng
Tarlac,
1959-1961
Jejomar
“Jojo” Binay

• Bise-
Presidente
ng
Pilipinas,
2010-2016
• Alkalde ng
Makati,
2001-2010
• Alkalde ng
Makati,
1986-1998
Aquilino
“Nene”
Pimentel, Jr.
• Senador,
1998-2010
• Senador,
1987-1992
• Assembly
man, 1984-
1986
• Alkalde ng
Cagayan
De Oro,
1980- 1984
Jose Ma.
Rubin
Zubiri,Jr.
• Gobernad
or ng
Bukidnon
,2007-
2010
• Kongresis
ta ng
tatlong
magkakas
unid na
termino,
1987-
1998
Manuel
“Manny “
Villar, Jr.

• Senador
mula 2001-
2013
• Kongesista
ng Las
Pinas 1992-
2001
Renato
“Companero
” Luna
Cayetano

• Senador
1998-
2003
Political Dynasty sa Ating Kasaysayan
Ang pagkakaroon ng mga political dynasty ay hindi produkto ng ating Sistema ng paghalal ng mga pinuno
bagkus ito ay epekto ng anim na daantaong kasaysayan ng ating bansa mula pa noong panahon bago ang
kolonisasyon ng mga dayuhan at nagpatuloy sa pagdating ng mga Espanyol at Amerikanong manankop.
Impluwensiya ng mga Espanyol at Amerikano

Simula noong panahon ng mga Espanyol, mas napapaboran ang mga pamilya ng mga mestizo at may
kaya sa buhay o ang mga tinatawag na Illustrado na lagging itinatalaga bilang Gobernadorcillo o Alcalde.

Sa unang mga taon sa ilalim ng pamumuno ng mga Amerikano sa bansa,ang mga Illustrado ay sumali
sa demokratikong proseso na ipinakilala sa pamamagitan ng Philippine Bill of 1902.

Napag-alaman mula sa pag-aaral na isnasagawa ng pulitikong siyentistang si Dr. Dante Simbulan na


simula noong taong 1946 hanggang 1963 ay may kabuuang bilang ng 169 na prominenteng pamilya ang
nahalal sa mga mahahalagang posisyon sa pamahalaan.
Ang Pagbabawl sa Political Dynasty
Ayon sa Saligang Batas 1987
Artikulo II, Seksyon 26 ng 1987 Saligang Batas ng Republikang ng Pilipinas:

“Dapat siguraduhin ng Estado ang pantay na pag-uukol ng mga pagkakataon para sa lingkurang
pambayan, at ipagbawal ang “political dynasties” ayon sa maaaring ipagkahulugan ng batas”

Malinaw na nakasaad sa ating Saligan Batas na ipinagbabawal ang political dynasty sa ating bansa.
Gayunpaman, mahigit 25 taon na matapos mapagtibay ang Konstitusyon, hindi pa rin nababalangkas ng
ating mga mambabatas ang mga alintuntuning magpapatupad sa probisyon ng Saligang Batas tungkol sa
mga political dynasty.
May mga humiling na ipasa ng Kongreso ang Anti-Dynasty Law ngunit hindi pa ito binigyan ng sapat na
atensiyon sa Kongreso mula pa noong taong 1987. Sinasabi ng ilang mambabatas na ang oligarkiya o ang
pamumuno ng ilan ang pinagkaugat ng mga suliranin sa graft at corruption o katiwalian sa ating pamahalaan.

Bago pa mailabas ang Anti-Dynasty Law, kailangan matiyak ang pakahulugan sa mga termino a konseptong
nakapaloob dito. Ang terminong “second civil degree of consanguinity or affinity” ay tumutukoy naman sa mga
kamag-anak na opisyal tulad ng kanyang mga kapatid (buo man o kapatid sa ama o ina) ,direktang ninuno,
anak, o apo (legitimate, ilegitimate, o ampon man) kabilang na ang kanilan mga asawa.
Epekto ng Political Dynasty
• Una: Ang makapangyarihang angkan o pamilya ay nakapokus sa kaunlaran ng kanilang nasasakupan lamang
at hindi ng buong bansa.
• Pangalawa: Nahahadlangan ang reporma sa mga ekonomikong institusyon ng mga dinastiyang nakikinabang
sa tinatawag na status quo .
• Pangatlo: May nakaambang panganib na gamitin ang pondo at iba pang yaman ng bansa para sa personal na
interes ng iilang maimpluwensiyang pamilya.
• Pang-apat: Nalilimitahang din ang pagpipilian ng taong-bayan ng mga pinunong ihahalal kung iilang angkan
lamang ang namamayagpag sa kanditura.
Ang Graft and Corruption
Ang korupsiyon o corruption ay ang intensiyonal na pagtatakwil sa tungkulin at obligasyon ng isang opisyal
na magbubunga ng kaniyang kawalan ng integridad o prinsipyo.

Ang graft ang pagkuha ng pera o posisyon sa paraang taliwas sa batas, madaya, at kuwestiyonable, tulad ng
pagtatanggap ng kabayaran para sa isang pampublikong serbisyong hindi naman naibigay o kaya’y paggamit sa
isang kontrata o lehislasyon bilang pagkakakitaan.

Graft and corruption ang karaniwang paratang sa mga opisyal o nanunungkulan sa pamahalaan na ginagamit
ang pampublikong pondo para sa kanilang pansariling interes.
Graft and Corrupt sa Pilipinas
Corruption Perceptions Index (CPI) ang indeks na ito ay inilabas sa pandaigdigang organisasyong
Transparency International. Ang CPI score ay nagpapahayag ng pananaw tungkol sa korupsiyon sa
pampublikong sektor ng isang bansa gamit ang eskalang 0-10 kung saan ang markang 0 ay
nangangahulugang napakalala ng korupsiyon sa isang bansa samantalang ang markang 10 naman ay
nangangahulugang walang korupsiyon sa isang bansa.
Paglutas sa Graft and Corruption
• Magbigay ng mas mataas na sahod at mas magagandang benepisyo para sa mga naglilingkod sa mga
ahensiyang pamahalaan para hindi na matuksong humingi ng lagay ang mga kawani ng pamahalaan.
• Dagdagan ang mga kawani sa mga sektor ng pamahalaan ay overworked kaya mabagal ang pagpoproseso
ng mg transaksiyon. Dahil ditto, laganap ang pag-bibigay ng lagay upang mapabilis ang serbisyo.
• Magpasa ng batas na magtatanggal sa serbisyo sa mga napatunayang tiwaling opisyal. Hindi sapat na sila ay
isuspende sa trabaho.
• Subukang gawing online ang lahat ng mga transaksiyon, tulad ng pagbabayad sa pamamagitan ng mga
online bank account.
• Magbigay ng resibo para sa bawat transaksiyon sa pamahalaan
• Maglagay ng CCTV camera sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan.
• Pabilisin ang pagtatrabaho sa mga ahensiya ng pamahalaan. Kailangan siguraduhing may makatarungang
takdang oras ng pagseserbisyo(office hours) na susundin ng mga kawani ng ahensiya.
• Pabilisin ang pagliitis ng mga kaso sa hukuman.
• Ganyakin ang media na maging responsable at magpasa ng batas na magsisiguro nito. Dapat na maging tapat
ang mga tao sa media sa pagsisiwalat ng kanilang nalalaman tungkol sa mga katiwalian sa pamahalaan at
hindi sila dapat tumangap ng lagay.
• Isaayos at gawing transparent ang sistema ng pagtatalaga sa mga posisyon sa pamahalaan. Kailangang
masigurong walang mga pabor na ibinibigay sa mga posibleng kandidato.
• Panatiliing mababa ang presyi ng mga bilihin. Kung mangyayari ito, maiiwasan ang katiwalian kung saan
pilit na itinataas ng mga negosyante ang presyo ng kanilang mga kalakal kasabay kasabay ng paghingi ng
proteksiyon sa mga makapangyarihang politico kapalit ng bayad.

You might also like