You are on page 1of 1

PAANO NAG-UGAT SA KASAYSAYAN NG ATING BANSA ANG MGA POLITICAL DYNASTY?

 Ang pagkakaroon ng mga political dynasty ay hindi produkto ng ating sistema ng paghalal ng mga pinuno
bagkus epekto ito ng anim na daantaong kasaysayan n gating bansa mula pa noong panahon bago ang
kolonisasyon ng mga dayuhan at nagpatuloy sa pagdating ng mga espanyol at amerikanong mananakop.

ANO ANG ISINASAAD NG ATING SALIGANG BATAS TUNGKOL SA MGA POLITICAL DYNASTY?

 Ayon sa artikulo II, seksiyon 26 ng 1987 saligang batas ng republika ng Pilipinas: dapat siguruhin ng estado
ang pantay na paguukol ng mga pagkakataon para sa lingkurang pambayan at ipagbawal ang mga political
dynastis ayon sa maaring ipakahulugan ng batas. Subalit mgahigit 25 taon matapos mapagtibay ang
konstitusyon, hindi parin mabalangkas n gating mga mambabatas ang mga alituntuning magpapatupad sa
probisyon ng saligang batas. Subalit isinaad naman ng saligang batas ang pagtalaga ng limitasyon sa
termino o haba ng panunungkulan sa gobyerno ng mga nahalal na opisyal.ito ay upang siguruhing
walang opisyal na mananatili sa poder sa loob ng mahabang panahon.
 May mga humiling na ipasa ng kongreso ang Anti-dynasty law ngunit hindi pa ito binigyan ng sapat na
atensyon sa kongreso mula pa noong taong 1987., kaya noong unang regular na pagpupulong ng ika 15
kongreso ay isinulat at inihain ni Senador Miriam defensor Santiago ang senate Bill no. 2649 na kilala
bilang Anti-Political Dynasty Act.

PAANO NAPANANATILI NG MGA PAMILYANG POLITIKO SA PILIPINAS ANG KAPANGYARIHAN SA KABILA NG


LIMITASYON SA TERMINO NG PANUNUNGKULAN?

 Napapanatili ng pamilya ng opisyal ang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpapamana ng posisyon sa


kanyang kamag-anak. Nakagawian na sa ating bansa na kapag ang isang opisyal ay hindi na maaring tumakbo
sa isang posisyon, siya ay tumatakbo sa ibang posisyon habang ang isang kamag-anak naman niya ang uupo
sa kanyang nabakanteng puwesto. At sa pagpapalitan ng posisyon ng mga magkakamag-anak, higit pang
nakikilala ang kanilang apelyedo at napapalakas ito ng kanilang pagkakataong manalo sa mga sususnod pang
halalan.

CONCLUSION: bunga ng kawalan ng sapat na batas para pigilan ang political dynasty, ang mga karaniwang
mamamayan ay nawalan ng pantay na pagkakataon para sa serbisyo publiko.

ASS: SA IYONG PALAGAY, MAPIPIGIL BA ANG PAGKAKAROON NG POLITICAL DYNASTY SA PILIPINAS?PAANO?

You might also like