You are on page 1of 19

ARALING PANLIPUNAN 10

TH
4 QUARTER
KARAPATANG
PANTAO
KASAYSAYAN NG
KARAPATANG PANTAO
Sinakop ni Haring Cyrus ng Persia at
kaniyang mga tauhan ang lungsod
ng Babylon. Pinalaya niya ang mga
alipin at ipinahayag na maaari silang
pumili ng sariling relihiyon.
Idineklara rin ang pagkakapantay-
pantay ng lahat ng lahi.
Nakatala ito sa isang baked-clay
cylinder na tanyag sa tawag na
“Cyrus Cylinder.” Tinagurian ito
bilang “world’s first charter of
human rights.”
Noong 1215, sapilitang lumagda si
John I, Hari ng England, saMagna
Carta, isang dokumentong
naglalahad ng ilang karapatan ng
mga taga-England. Ilan sa mga ito
ay hindi maaaring dakpin,
ipakulong, at bawiin ang anumang
ari-arian ng sinuman nang walang
pagpapasiya ng hukuman. Sa
dokumentong ito, nilimitahan ang
kapangyarihan ng hari ng bansa.
Noong 1628 sa England, ipinasa
ang Petition of Right na
naglalaman ng mga karapatan
tulad nang hindi pagpataw ng
buwis nang walang pahintulot
ng Parliament, pagbawal sa
pagkulong nang walang sapat
na dahilan, at hindi pagdeklara
ng batas militar sa panahon ng
kapayapaan
Noong 1789, nagtagumpay ang
French Revolution na wakasan
ang ganap na kapangyarihan ni
Haring Louis XVI. Sumunod ang
paglagda ng Declaration of the
Rights of Man and of the Citizen
na naglalaman ng mga
karapatan ng mamamayan
Ang Universal Declaration of Human Rights
(UDHR) ay isa sa mahalagang dokumentong
naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat
indibiduwalna may kaugnayan sa bawat aspekto
ng buhay ng tao.

Nabuo ang UDHR nang maluklok bilang tagapangulo ng Human


Rights Commission ng United Nations si Eleanor Roosevelt –
ang biyuda ni dating Pangulong Franklin Roosevelt ng United
States. Malugod na tinanggap ng UN General Assembly ang
UDHR noong Disyembre 10, 1948 at binansagan ito bilang
“International Magna Carta for all Mankind.”
ELEONOR
ROOSEVELT
Binigyang-diin ng Estado ang
pahayag na ito sa Katipunan ng mga
Karapatan (Bill of Rights) na
nakapaloob sa Seksyon 1 - 22 ng
Artikulo III nga Saligan Batas ng
Pilipinas
•Kaisa ang pamahalaan ng Pilipinas sa
maraming bansang nagbigay ng maigting na
pagpapahalaga sa dignidad at mga
karapatan ng tao sa iba’t ibang panig ng
daigdig.
•Binigyang-diin ng Estado ang pahayag na ito
sa Katipunan ng mga Karapatan
(Bill of Rights) na nakapaloob sa Seksyon 1 -
22 ng Artikulo III ng ng Konstitusyon ng
Republika ng Pilipinas, 1987
Mga karapatang taglay Karapatang mabuhay,
NATURAL RIGHTS ng bawat tao kahit hindi maging malaya, at
ipagkaloob ng Estado. magkaroon ng ari-arian

Mga karapatang Karapatang Politikal


CONSTITUTIONAL
ipinagkaloob at pinanga-
Uri RIGHTS ngalagaan ng Estado. Karapatang Sibil
ng mga
Karapatan Karapatang Sosyo-
ekonomik

Karapatan ng akusado

Mga karapatang kaloob ng Karapatang


binuong batas at maaaring
STATUTORY RIGHTS alisin sa pamamagitan ng
makatanggap ng
panibagong batas. minimum wage

You might also like