You are on page 1of 5

lOMoARcPSD|10324240

Tungkol sa saligang batas

Filipino (Cavite National High School)

StuDocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Guki Suzuki (wormhol1234@gmail.com)
lOMoARcPSD|10324240

Saligang Batas ng Biak-na-Bato (1897)


[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang himagsikang Katipunan ay nagdulot ng pagpupulong Tejeros kung
saan ang unang pampangulo at pang ikalawang pangulong mga halalan ay
isinagawa noong 22 Marso 1897 sa San Francisco de Malabon, Kabite.
Gayunpaman, tanging mga kasapi lamang ng Katipunan ang nakalahok at
hindi ang buong mamamayan. Ang kalaunang pagpupulong ng
rebolusyonaryong pamahalaan na isinagawa noong 1 Nobyembre 1897 sa
Biak-na-Bato sa bayan ng San Miguel de Mayumo sa Bulacan ay lumikha
ng Republika ng Biak-na-Bato. Ang republikang ito ay may saligang batas
na isinulat nina Isabelo Artacho at Félix Ferrer at binatay sa
unang Saligang Batas ng Cuba. Ito ay nakilala bilang "Constitución
Provisional de la República de Filipinas" (Pansamantalang Saligang Batas
ng Republika ng Pilipinas) at orihinal na isinulat at pinalaganap sa mga
wikang Kastila at Tagalog.
Saligang Batas ng Malolos (1899)[baguhin | baguhin
ang batayan]
Ang Saligang Batas ng Malolos ang unang republikanong saligang
batas sa Asya. Ito ay naghayag ang soberanya ay eksklusibong tumatahan
sa mga tao, nagsaad ng mga pangunahing karapatang pantao, naghiwalay
ng simbahan at estado at tumawag para sa pagkakalikha ng Kapulungan
ng mga Kinatawan na umasal bilang katawang lehislatibo. Ito ay tumawag
rin para sa isang anyong pampanguluhan ng pamahalaan na
ang pangulo ay inihahalal ng mayoridad ng kapulungan para sa isang
termino ng apat na taon. Ito ay pinamagatang "Constitución política" at
isinulat sa Kastila kasunod ng kalayaan mula sa Espanya at pinroklama
noong 20 Enero 1899. Ito ay isinabatas at pinagtibay ng Kongresong
Malolos na isinagawa sa Malolos, Bulacan.
Mga Akto (batas) ng Kongreso ng Estados
Unidos[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang Pilipinas ay naging Teritoryo ng Estados Unidos mula 10 Disyembre
1898 hanggang 24 Marso 1934. Dahil dito, ang Pilipinas ay nasa ilalim
ng hurisdiksiyon ng pederal na pamahalaan ng Estados Unidos sa mga
panahong ito. Ang dalawang akto(batas) ng Kongreso ng Estados
Unidos na ipinasa nang panahong ito ay maaaring ituring na mga Saligang

Downloaded by Guki Suzuki (wormhol1234@gmail.com)


lOMoARcPSD|10324240

Batas ng Pilipinas dahil ang mga aktong ito ay naglarawan ng pundamental


na mga prinsipyong pampolitika at lumikha ng istraktura, mga
pamamaraan, mga kapangyrihan at mga tungkulin ng pamahalaan ng
Pilipinas.
The Philippine Organic Act of 1902[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang Philippine Organic Act of 1902 na minsang tinatawag na "Philippine
Bill of 1902" ang unang organikong batas para sa Pilipinas
na isinabatas ng Kongreso ng Estados Unidos. Ito ay nagbibigay ng
pagkakalikha ng hinalal ng mga taong Kapulungan ng Pilipinas at tumukoy
na ang lehilatibong kapangyarihan ay ibibigay sa isang bikameral na
lehislatura na binubuo ng Komisyong Pilipino(mataas na kapulungan)
at Asembleyang Pilipino(mababang kapulungan). Ang mga pangunahing
probisyon nito ay kinabibilangan ng listahan ng mga karapatan(bill of rights)
para sa mga Pilipino at pagkahirang ng dalawang hindi bumobotong
residenteng komisyoner na kakatawan sa Pilipinas sa Kongreso ng
Estados Unidos.
The Philippine Autonomy Act of 1916[baguhin | baguhin ang
batayan]
Ang Philippine Autonomy Act of 1916 na minsang tinatawag ring "Jones
Law" ay nagbago ng istraktura ng pamahalaan ng Pilipinas sa
pamamagitan ng pag-aalis ng Komisyong Pilipino bilang mataas na
kapulungan ng lehislatura at pinalitan ng senado na hinalal ng mga
botanteng Pilipino. Ang aktong ito ay hayagang nagsaad na palaging
layunin ng Estados Unidos na hugutin ang soberenya nito sa Pilipinas at
kilalanin ang independiyente ng Pilipinas sa madaling panahon na ang
isang matatag ng pamahalaan ng Pilipinas ay maitatag.
Bagaman hindi saligang batas sa sarili nito, ang Tydings-McDuffie Act of
1934 ay nagbigay ng kapangyarihan at naglarawan ng mga mekanismo
para sa pagkakalikha ng isang pormal na saligang batas sa pamamagitan
ng isang konbensiyong konstitusyonal.
Saligang Batas ng 1935 (Komonwelt at Ikatlong
Republika)[baguhin | baguhin ang batayan]
Pangunahing lathalain: Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935

Downloaded by Guki Suzuki (wormhol1234@gmail.com)


lOMoARcPSD|10324240

Isinulat ang Saligang Batas 1935 noong 1934, at pagsasaád ng Komonwelt


ng Pilipinas (1935-1946) at ginamit sa Ikatlong Repulika ng Pilipinas (1946-
1972).
Itinadhana ang orihinal na Saligang Batas 1935 para sa isang Kongreso na
may isang Kapulungan ng mga Kinatawan. Sinusugan ito noong 1940
upang magkaroon ng parehong Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan.
Sa saligang batas na ito, may hangganan ang Pangulo sa terminong apat
na taon at maaari lamang maupo sa dalawang termino.
Isang Pagpupulong ng Saligang Batas ang ginanap noong 1971 upang
baguhin ang Saligang Batas ng 1935. Nabahiran ang pagpupulong ng mga
pagsuhol at korupsiyon. Marahil ang pinakakontrobersiyal ang isyu ng
pagtanggal sa hangganan ng termino ng isang pangulo dahil sa gayon
maaaring tumakbo si Ferdinand Marcos sa ikatlong termino. Sa anumang
usapin, sinuspinde ng pagpapahayag ng batas militar ang Saligang Batas
1935.
Saligang Batas ng 1943 (Ikalawang Republikang
Sinang-ayunan ng mga Hapon)[baguhin | baguhin
ang batayan]
Pinagtibay ang 1943 Saligang Batas noong Ikalawang Republika (1943-
1945) sa panahon ng pananakop ng mga Hapon noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Hinirang si Jose P. Laurel bilang pangulo dahil
tinitingala siya ng mga Hapon sa pagpuna niya sa paraan ng pamamalakad
ng Estados Unidos sa Pilipinas at dahil may titulo siya sa Tokyo
International University.
Nagbigay ng matibay na tagapagpaganap ang 1943 Saligang Batas.
Binubuo ito ng mga tagapagbatas sa Pambansang Kapulungan at iyon
lamang mga di sang-ayon sa Estados Unidos ang kinukunsidera para
ihalal, bagaman karamihan hinihirang ang mga tagapagbatas sa halip na
inihalal.
Naging instrumento ng mga Hapon ang 1943 Saligang Batas upang
gawing lehitimo ang pagsakop nila sa pamamagitan ng papet na
pamahalaang Pilipinas.
Saligang Batas ng 1973 (Panahon ng Batas
Militar at Bagong Republika)[baguhin | baguhin ang
batayan]

Downloaded by Guki Suzuki (wormhol1234@gmail.com)


lOMoARcPSD|10324240

Pangunahing lathalain: Saligang Batas ng Pilipinas ng 1973


Ipinakilala ang Saligang batas 1973 bilang parliamentong-uri ng
pamahalaan. Ipinagkaloob ang kapangyarihan ng tagapagbatas sa isang
Pambansang Kapulungan na hinahalal ang mga kasapi sa anim na taong
termino. Inihalal ang Pangulo bilang masagisag na pinuno ng estado mula
sa mga Kasapi ng Pambansang Kapulungan at maaaring mahalal ng ilang
ulit. Kapag nahalal, hindi na kasapi ang Pangulo sa Pambansang
Kapulungan. Sa panahon ng termino, hindi pinapahihintulang maging
kasapi ng isang partidong pampolitika o maupo sa puwesto ng ibang
tanggapan. Nasa Punong Ministro ang kapangyarihan ng tagapagpaganap
na inihalal ng mga Kasapi ng Pambansang Kapulungan. Ang Punong
Ministro ang pinuno ng pamahalaan at Punong Tagapag-utos ng hukbong
sandatahan. Binago ng ikatlong ulit ang saligang batas na ito.
Susog ng 1981[baguhin | baguhin ang batayan]
Noong 1981, itinatag muli ang parliamentong anyo ng pamahalaang
kasama ang diretsong pagboto ng mga tao sa pangulo.

Downloaded by Guki Suzuki (wormhol1234@gmail.com)

You might also like