You are on page 1of 5

EBOLUSYON NG SALIGANG BATAS NG PILIPINAS

Nagkaroon ng kabuuang anim na saligang batas ang Pilipinas mula nang Pagpapahayag ng Kalayaan
noong Hunyo 12, 1898. Noong 1899, kinatha at ginamit ng Unang Republika ng Pilipinas—na nagtagal
mulang 1899 hanggang 1901—ang Saligang Batas ng Malolos, ang unang Saligang Batas ng Pilipinas.

Noong Pananakop na Amerikano, pinamahalaan ang Pilipinas ng mga batas ng Estados Unidos. Ipinasá
ang mga Batas Organiko ng Kongreso ng Estados Unidos para sa pangangasiwa ng Pamahalaan ng mga
Isla ng Pilipinas. Nauna ang Batas Organiko ng Pilipinas noong 1902 na nagbukas ng Asembleang Filipino
na binubuo ng mga mamamayang Filipino. Ikalawa ang Batas Pagsasarili ng Pilipinas noong 1916, na
naglahok ng unang pangako ng kalayaan ng Pilipinas. Nagsilbing saligang batas ng Pilipinas ang mga batas
na ito mulang 1902 hanggang 1935.

Noong 1934, nagpasa ang Kongreso ng Estados Unidos ng Batas Kalayaan ng Pilipinas, na nagtakda ng

m
er as
mga hanggahan para sa pagbubuo ng saligang batas ng Pilipinas. Nag-atas ang Batas sa Lehislaturang

co
Filipino upang manawagan ng halalan ng mga kalahok sa Kumbensiyong Pansaligang Batas upang

eH w
magbuo ng borador ng Saligang Batas para sa Pilipinas. Natapos ng 1934 Kumbensiyong Pansaligang

o.
Batas ang gawain nito noong Pebrero 8, 1935. Ipinása ang Saligang Batas sa Pangulo ng Estados Unidos
rs e
para sa pagpapatibay nito noong Marso 25, 1935. Sang-ayon ito sa Batas Kalayaan ng Pilipinas ng 1934.
ou urc
Pinagtibay ng mga mamamayang Filipino ang 1935 Saligang Batas sa pamamagitan ng isang plebisitong
pambansa noong Mayo 14, 1935, at naisakatuparan nang buo noong Nobyembre 15, 1935 sa
pagpapasinaya sa Komonwelt ng Pilipinas. Kasama sa mga probisyon nito ang pagpapanatili rito bilang
o

saligang batas ng Republika ng Pilipinas kahit naipagkaloob na ang kalayaan noong 4Hulyo 4, 1946.
aC s
vi y re

Noong 1940, may binago sa 1935 Saligang Batas ang Asembleang Pambansa ng Pilipinas. Binago ang
lehislatura mula sa asembleang unicameral patungong kongresong bicameral. Binago rin nito ang haba
ng termino ng Pangulon ng Pilipinas mulang anim na taon na walang reeleksiyon patungong apat na taon
ed d

nang may posibilidad na muling maihalal para sa ikalawang termino.


ar stu

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pinawalang-bisa ng pamahalaang hawak ng mga Hapones ang
Saligang Batas ng 1935 at itinalaga ang Komiteng Pampaghahanda sa Kalayaan ng Pilipinas upang
gumawa ng kapalit nito. Ginamit ng Ikalawang Republika, at ni Jose P. Laurel bilang Pangulo, ang Saligang
is

Batas ng 1943.
Th

Sa pagpapalaya sa Pilipinas noong 1945, muling ibinalik ang 1935 Saligang Batas. Nanatili itong hindi
sh

nababago hanggang noong 1947 kung kailan nanawagan ng pagbabago rito ang Kongreso ng Pilipinas sa
pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg. 733. Noong Marso 11, 1947, nagkaloob ang amyendang Parity ng
pantay na karapatan sa mga mamamayan ng Estados Unidos at mamamayang Filipino upang linangin ang
mga likas na yaman ng bansa at upang pangasiwaan ang mga gamit na pampubliko. Mula noon ay
walang nabago sa Saligang Batas hanggang sa ideklara ang batas militar noong Setyembre 23, 1972.

This study source was downloaded by 100000790342640 from CourseHero.com on 11-14-2021 01:20:17 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/50476938/EBOLUSYON-NG-SALIGANG-BATAS-NG-PILIPINAS-2docx/
Bago idineklara ni Pangulong Marcos ang Batas Militar, nasa proseso na ang isang Kumbensiyong
Pansaligang Batas upang may baguhin sa, o palitan ang, 1935 Saligang Batas. Tinapos nila ang kanilang
gawain at ipinása ito kay Pangulong Marcos noong Disyembre 1, 1972. Ipinasa ito ni Pangulong Marcos
para sa ratipikasyon sa bungad ng Enero ng 1973. Sapagkat nakikinita na niyang mabibigo ang tuwirang
ratipikasyon ng saligang batas, naglabas si Marcos ng Atas Pampangulo Blg. 86, s. 1972, na nagtatatag ng
mga asemblea ng mga mamamayan na magtitibay sa bagong buong saligang bagas sa pamamagitan ng
botong Viva Voce na kapalit ng mga lihim na balota. Ipinahayag ni Marcos na napagtibay na ito at
ipinapatupad na nang buo simula Enero 17, 1973. Bagaman “pinagtibay” ang Saligang Batas ng 1973 sa
ganitong paraan, nagpatuloy ang mga di-pagsang-ayon dito. Inilantad ni Punong Hukom Roberto V.
Concepcion sa kaniyang pananaw na salungat sa kaso ng Javellan v. Kalihim na Tagapagpatupad ang fraud
na nangyari sa pagpapatibay ng 1973 Saligang Batas sa asemblea ng mga mamamayan noong Enero 10-
15,1973. Gayumpaman, ang naging pangwakas na pasya sa kasong ito ay na tama at ipinatutupad na ang
pagpapatibay sa Saligang Batas ng 1973.

m
er as
co
Nang naibalik ang demokrasya noong 1986, naglabas ng Proklamasyon Blg. 3 si Pangulong Corazon C.

eH w
Aquino na nagpapawalang-bisa sa ilang probisyon ng 1973 Saligang Batas, at pinalaganap na kahalili nito

o.
ang isang pansamantalang saligang batas. Makalipas ang isang buwan, naglabas si Pangulong Aquino ng

rs e
Proklamasyon Blg. 9, s. 1986, na nagbuo ng Komisyong Pansaligang Batas na inatasang umakda ng
ou urc
bagong saligang batas na ipapalit sa 1973 Saligang Batas. Natapos ng komisyon ang gawain nito noong
alas-12:28 n.u. ng Oktubre 16, 1986. Isang Plebisitong Pambansa ang ginanap noong Pebrero 2, 1987, na
siyang nagpatibay sa bagong saligang batas. Noong Pebrero 11, 1987, sa bisa ng Proklamasyon Blg. 58,
o

ipinahayag ni Pangulong Aquino ang opisyal na pagkambas ng mga resulta at pagpapatibay sa borador ng
aC s

saligang batas. Nang araw ding iyon naipatupad nang buo ang Saligang Batas ng 1987 sa pamamagitan
vi y re

ng panunumpa ng katapatan dito ng Pangulo, ng mga opisyal na sibilyan, at ng mga kasapi ng


Sandatahang Lakas.
ed d
ar stu

PAG-ALALA SA ARAW NG SALIGANG BATAS

Sa bawat pagbabagong pansaligang batas na dinanas ng Pilipinas, naglalabas ng katumbas na


is

pamamahayag upang ipagdiwang ang araw na sinimulang ipatupad nang buo ang bawat saligang batas—
maliban sa 1943 Saligang Batas.
Th

Si Pangulong Emilio Aguinaldo ang naglabas ng unang proklamasyon na nagdiwang sa bisa ng isang
saligang batas noong Enero 23, 1899. Sa proklamasyon na iyon, iniutos ni Pangulong Aguinaldo ang
sh

pagpapalaya sa mga bihag na Español, na nasa ilalim ng pangangalaga ng mga puwersang


mapanghimagsik ng Pilipinas, upang magsilbing tanda ng pagpapasinaya sa Unang Republika ng Pilipinas.
Wala nang nailabas pang mga kasunod na proklamasyon dahil sa pagsisimula ng Digmaang Filipino-
Amerikano, at pagbagsak ng Unang Republika ng Pilipinas noong 1901.

This study source was downloaded by 100000790342640 from CourseHero.com on 11-14-2021 01:20:17 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/50476938/EBOLUSYON-NG-SALIGANG-BATAS-NG-PILIPINAS-2docx/
Nang pinahintulutan ng Kongreso ng Estados Unidos ang pagbuo ng isang saligang batas para sa Pilipinas
sang-ayon sa Batas Tydings-Mcduffie ng 1934, itinatag ang isang Kumbensiyong Pansaligang Batas upang
magbuo ng borador ng saligang batas para sa Pilipinas, at natapos nito ang gawain noong Pebrero 8,
1935. Sa pagpapasinaya ng Komonwelt ng Pilipinas noong Nobyembre 15, 1935, naipatupad nang buo
ang bagong saligang batas. Makalipas ang isang taon, naglabas si Pangulong Manuel L. Quezon ng
Proklamasyon Blg. 36, s. 1936, na nagpapahayag sa ika-8 ng Pebrero ng bawat taon bilang Araw ng
Saligang Batas, upang alalahanin ang pagkakabuo ng gawain ng Kumbensiyong Pansaligang Batas ng
1934. Ipinatupad ang pag-alalang ito sa kabuuan ng Komonwelt ng Pilipinas at ng Ikatlong Republika,
hanggang sa deklarasyon ng batas militar noong Setyembre 23, 1972. (Inulit ni Pangulong Ferdinand E.
Marcos ang orihinal na pamahayag ni Pangulong Quezon sa pamamagitan ng paglalabas ng
Proklamasyon Blg. 10, s. 1966.)

Noong 1973, matapos ang deklarasyon ng batas militar, pinalitan ng bagong saligang batas ang 1935
Saligang Batas, ang Saligang Batas ng 1973. Bilang pag-alala rito, binawi ni Pangulong Marcos ang

m
Proklamasyon Blg. 36, s. 1936 ni Pangulong Quezon sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1219, s. 1973 na

er as
naglipat sa Araw ng Saligang Batas mula Pebrero 8 patungong Enero 17 ng bawat taon. Inaalala ng

co
pamahayag na ito ang araw nang pinagtibay ni Pangulong Marcos ang bagong Saligang Batas. Inalala ang

eH w
araw ng Saligang Batas hanggang sa dulo ng panunungkulan ni Pangulong Marcos, bagaman natabunan

o.
ito ng Proklamasyon na nagtatakda sa Setyembre 21 ng bawat taon bilang “Thanksgiving day,” ang araw
rs e
na nakalagay sa Pampanguluhang Proklamasyong Blg. 1081, s. 1972; gayumpaman, dalawang araw pa
ou urc
ang nakalipas bago naideklara ang batas Militar nang ianunsiyo ito ni Pangulong Marcos sa buong bansa
sa pamamagitan ng telebisyon.
o

Nang maibalik ang demokrasya noong 1986, pinalitan ang 1973 Saligang Batas noong simula ng isang
aC s

saligang batas ng kalayaan, na kilala rin bilang Proklamasyon Blg. 3, s. 1986, at saka ng kasalukuyan
vi y re

nating saligang batas, ang Saligang-Batas ng 1987. Naipatupad nang buo at ganap ang saligang batas na
ito noong Pebrero 11, 1987, matapos ilabas ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Proklamasyon Blg. 58, s.
1987. Kasama sa pamahayag na inilabas ni Pangulong Aquino ang mga resulta ng plebisitong ginanap
ed d

noong Pebrero 2, 1987.


ar stu

Matapos ang pagpapatibay sa 1987 Saligang Batas, naglabas si Pangulong Aquino ng Proklamasyon Blg.
is

211, s. 1988, na naglipat sa pag-alala sa Araw ng Saligang Batas mula Enero 17 patungong Pebrero 2 ng
Th

bawat taon—isang pamahayag na sinusunod pa rin hanggang sa ngayon.


sh

This study source was downloaded by 100000790342640 from CourseHero.com on 11-14-2021 01:20:17 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/50476938/EBOLUSYON-NG-SALIGANG-BATAS-NG-PILIPINAS-2docx/
m
er as
co
eH w
o.
rs e
ou urc
o
aC s
vi y re
ed d
ar stu
is
Th
sh

This study source was downloaded by 100000790342640 from CourseHero.com on 11-14-2021 01:20:17 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/50476938/EBOLUSYON-NG-SALIGANG-BATAS-NG-PILIPINAS-2docx/
m
er as
co
eH w
o.
rs e
ou urc
o
aC s
vi y re
ed d
ar stu
is
Th
sh

This study source was downloaded by 100000790342640 from CourseHero.com on 11-14-2021 01:20:17 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/50476938/EBOLUSYON-NG-SALIGANG-BATAS-NG-PILIPINAS-2docx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like